SANDWICH

1162 Words
RED [Hi! Babyboy. Nakaprepare na pala sandwich and drinks mo. Iniwan ko sa locker mo. Hehe. Kain mabuti, Red pataba ka naman para bagay na us. Hanapin mo ko para may kiss and hug ka haha. ] Love, Sophia ❤ [NASAAN KA?] Red [Is it real hinahanap mo ako?] Sophia [UULITIN KO NASAAN KA?] Red [Kung hinahanap mo ako ibig sabihin nabasa mo na sulat ko at gusto mo ng kiss? Hehe. Kilig much naman ako niyan.] Sophia. [UULITIN KO NASAAN KA SOPHIA?! HUWAG MO NA AKONG GALITIN PA.] Red. [Ito naman ang aga-aga galit agad.] -Sophia [GINAGALIT MO BA TALAGA AKO?] Red [Oo na heto na po boss! Pupunta na, Nasaan ka ba?] Sophia [Sa locker room.] [Nabasa mo na nga? Hehe. Ikaw ha gusto mo talaga ng kiss ha.] Sophia [HIHINTAYIN KITA DITO! NGAYON NA SOPHIA!] Red. [Mouthwash pa ba ako? O, huwag na? Wala naman akong kinain ngayon. Okay lang?] Sophia. [SABI KO NGAYON NA!! ] Red [Hays! Ito na. Coming na po. Masyado naman excited.] Sophia. “How come na nabuksan ng matabang iyon ang locker ko?!” galit na bulong ko sa sarili. Habang nakatingin sa pinto kung saan papasok si Sophia. Ilang sandali nakita ko na ang dalaga mabagal na naglalakad papunta sa kinatatayuan ko abot-teynga ang ngiti. Nilingon ko ang sandwich na nasa locker ko. Padabog ko itong kinuha nagmadaling sinalubong ang dalaga. Napatingin ako sa paligid. Maraming estudyante ang naroon ‘yon ang gusto ko. Ang ipamukha sa dalaga na hindi siya masaya sa ginagawa nito. “Hi, Red! Nagustuhan mo ba?” pumupuso ang matang tanong ni Sophia sa akin. Hindi talaga yata alintana nito ang inis na nararamdaman ko sa kaniya at nakuha pang magpa-cute sa harap ko. Tiningnan ko siya. May panlilisik sa mga mata. “Listen everyone!” may kalakasang boses ko. Pansin ko ang paglunok ng laway ni Sophia. Alam kong kinakabahan ito. Sa sulok ng mga mata ko nakita ko ang ilang estudyanteng napatingin sa amin naghihintay sa iba ko pang sasabihin. “Ipapakilala mo na akong official mo?” patay malisyang bulong ni Sophia sa akin. Napatingin ito sa kamay ko habang hawak ang sandwich na sinadya nitong ilagay sa locker ko at hindi ko alam kung paano niya nagawang buksan ito. “Nakikita niyo ba ang matabang babaeng ‘to?” Tinuro ko siya. Nandoon pa rin ang galit sa mga mata. Pilit na ngumiti si Sophia minuwestra ang kamay matakpan lang ang kahihiyan sa ginawang pagpapakilala ko sa kaniya. “Ang hard naman ng pagpapakilala mo sa akin, Baby! Pwedi mo naman sabihin chubby na lang para cute and romantic. Hehe!” bulong niya sa akin. "Shut’up!” malakas kong bulyaw sa kaniya. Walang lingon likod akong nagpatuloy sa paglalakad. Pinilit ko sa sarili kong hindi indahin ang lahat ng mga sinabi ko kay Sophia. Para sa akin tama lang ang lahat ng mga ginawa ko. Gusto ko rin ilagay sa utak nitong hindi ko nagustuhan ang lahat ng pangungulit niya sa akin. Kaya ko nga piniling dito mag-aral sa Saint Martin para malayo sa lahat. Hindi ko man lang kailan naisip na dadating sa puntong makikilala ko si Sophia. I don’t know about her at wala naman akong balak pang kilalanin siya kung saan siya nagmula kung ano ang buhay na mayroon siya. Ang ayaw ko sa lahat ang pagiging makulit nito. Para itong uod na hindi mapakali kung nasasabuyan ng asin. Naiinis ako sa kaniya at hindi kailanman mawawala iyon. Kung bakit ba naman kasi sa dina-dami ng lalaking pweding magustuhan nito ako pa? As if naman na magugustuhan ko siya. Mamatay man ako ngayon. Nunca! Hindi mangyayari iyon. -- ° SOPHIA BAUTISTA ° NARINIG ko ang sigawan ng mga nasa paligid. Parang sinasabi ng mga ‘to tablado ang laban. “Hoy! Sophia Bautista ako si Red Mallari huwag na huwag mo iisiping magkakagusto ako sa isang katulad mo kulang na lang mansanas lechon ka na!" may diin ang bawat salitang binitiwan nito sa harap ko. Hindi ko akalain na ang lahat ng iyon ay manggagaling kay Red. Nag patay malisya ako. Naghiyawan ang mga lalaking naroon, nagtawanan ang mga babaeng kamag-aral namin. Nanatili akong kalmado. Sanay na rin naman ako kay Red. Ngayon pa ba ako susuko? Handa na rin naman akong itaya ang lahat dito. “Stay out of my way and please stay out of my life, Piggy!” muling bulyaw ni Red sa akin. “My name is Sophia!" mahinang sabi ko sa kaniya. Hindi ito nagawang pakinggan ni Red. Nagtuloy-tuloy itong maglakad at hindi man lang nagtangkang muling lingunin ako. Laglag balikat akong nagpasyang umalis na sa lugar kong saan labis ko naramdaman ang pangliliit sa sarili, gusto kong maglaho sa mga sandaling iyon. Naririnig ko pa rin ang sigawan sa paligid ko, sa sulok ng mga mata ko kitang-kita ko pa rin ang tawanan ng bawat estudyanteng nakasaksi at nakarinig sa ginawa at mga sinabi sa akin ni Red. Hindi ko lubos maisip na magagawa at masasabi ni Red ang lahat ng iyon sa akin. I'm trying to convince myself na hindi sinasadya ni Red ang lahat, na nabigla lang ito. Kilala ko ito, kilalang-kilala ko si Red Mallari. Kumubli ako sa isang bakanteng silid tahimik doon. Kailangan kong mag-isa ang maging malayo sa lahat kahit papano. Kinalkal ko sa bag ko ang tinatago kong inhaler dahil sa nararamdamang paninikip ng dibdib alam ko. Tiwala ako na hahanapin ako ni Red at hihingi ito sa akin ng pasensiya . Napatingin ako sa kaliwang kamay ko hindi ko namalayan ang luhang kusang kumuwala sa mga mata ko sa sakit ng mga sinabi ni Red. Pilit ko man ibaling sa iba ang lahat hindi ko magawa, dahil sa sarili ko alam kong nasaktan ako. Pagkatapos kong maramdaman ang gaan ng pakiramdam ko muli akong napangiti sa kawalan. Pinagmasdan ko ang sandwich na gawa ko para kay Red. “Masarap pa naman ito, pero binalewala niya lang. Nakakainis naman siya, ang aga ko gumising para dito,” naiinis kong bulong sa sarili ko. Tumingin ako sa pinto ng silid na iyon at walang ano-ano nilantakan kong kainin ito. Kung ayaw ni Red, ako na lang ang kakain. Sayang naman ito, aniya ko pa. Natigilan ako sa biglang naalala. Mula sa bibig ko nilabas ko ang sandwich na kagat-kagat ko pa. Tsaka lang sumagi sa isip kong allergy nga pala si Red sa manok. Bakit hindi ko naisip iyon? Kaya siguro galit na galit ito sa akin kanina, dahil ako ang may mali. Natampal ko bigla ang nuo ko. Oo nga naman pala. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit. Unti-unti ang pagsilay ng ngiti sa labi ko. “Sabi ko na nga ba hindi mo talaga iyon sinasadya e. May dahilan talaga!” bulong ko sa sarili ko. Nabawasan na rin ang bigat na nararamdaman ko, dahil sa mga bagay na naalala ko tungkol sa lalaking mahal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD