SOPHIA BAUTISTA

1099 Words
SOPHIA BAUTISTA NAPANGITI ako sa sarili ko pagkatapos ibaba ni Red ang tawag ko sa kaniya. Alam kong napikon ko na naman ito. Sabagay wala naman matutuwa sa mga sinabi ko sa kaniya. Talagang masama lang ang loob ko nang makita ko ang fanbook reaction nito sa isang kamag-aral naming si Ashley. Halos ilang taon na yata akong nag-fa-fanbook pero wala man lang akong matandaang nag-react siya sa kahit na anong post ko. Tapos bigla-bigla ko na lang makikita ang react niya sa iba? Hindi naman pwedi sa akin ang bagay na iyon. He don’t mind my feelings na talaga! Okay lang sana kung hindi lingid sa kaalaman niya ang damdamin ko para sa kaniya. But no! I like him so much at alam niya naman ang lahat ng iyon. Gaano na ba kahirap sa kaniya gawin ang bagay na iwasan niya ang mga babaeng na-li-link sa kaniya sa school namin? Para naman siyang hindi nakakaintindi at talagang hinahayaan niya pa ang sarili niyang mapalapit sa ibang babae. Pagkat ba sexy sila? Hindi niya ba alam that chubby is the new sexy? Ito naman talaga ang Red Mallari III na ‘to! Hindi man lang marunong pahalagahan ang nararamdaman ko. Binuksan ko ang isang malaking nova sa harap ko. I’m here in my room now. Dahil sa hindi ko mapigilan ang inis ko kay Red ikakain ko na lang ‘to. Para mabawasan man lang kahit na kaunti ang ngitngit ng damdamin na mayroon ako. AKO si Sophia Bautista, known as Soping sa mga kaibigan ko at dabyana naman sa ibang tao. Pero kay Red isa akong lumba-lumba but it sounds so sweet. Kinikilig ako imbes na mainis sa kaniya, para sa akin love language niya iyon. Hindi ko naman talaga magawang magalit or mainis man lang kay Red siya kasi ang nagbibigay saya sa buhay ko. Ewan ko nga ba kung bakit napakalaki ng espasyo niya sa puso ko. I’m thankful na lang kay Kuya Brian na nagpakilala sa akin kay Red. Kapatid ko kay mommy si Kuya Brian at nasa Amerika siya ngayon kasama ang fiance niyang si Basha. Napasinghap ako nang maalala ang babae na nakatakdang pakasalan nito. Binuksan ko ang isang box ng pringles ko at sunod-sunod na nagsubo. Stress eating ko talaga ang mga junkfoods na ‘to. Kaya patuloy na sume-sexy ako e, aniya ko sa sarili. Sabagay in due time matatanggap naman ni Red ang katawan ko. Kinuha ko ang cellphone ko sabay na nag-status. [ @Big girls, cuddle better. ] I posted it on my profile. Hindi naman ako unfriended sa mahal ko kaya alam kong mababasa at mababasa niya ito. Baka nga kiligin pa kapag nakita niya, bulong ko sa sarili kong natatawa dahil sa kilig nararamdamang thinking na mababasa iyon ni Red, and he will realize that I’m lovable more than He expected. Kilig! Shems! Sabi ko pa. “Kumakain ka na naman sa kama mo?” ani ni Mommy nang bigla itong pumasok sa silid kong hindi ko man lang namalayan. Nakabukas pala ang pinto ko at hindi ko man lang nakuhang i-lock kanina. Nasa bahay nga pala ito at naka-leave ito ng limang araw. “Stress eating lang, My,” tugon ko. Napansin ko ang pagpulot niya ng pinagkainan ko sa lapag. Samo’t saring cheese curls ito na madalas kong kainin kapag nag-iisa ako sa silid ko. “Stress eating? Kaunti na lang yata at ubos mo na ang isang pack sa mall, Sophia,” panimula ng sermon nito. Mabagal akong tumayo. Kapag ganito na ang boses ng mommy ko humanda na ako. "Ito naman si mommy. Nag-aaral kasi ako at hindi pa masyado pumapasok iyong lessons sa mind ko kaya kumain muna ako ng kaunti..” Inikot ni mommy ang tingin niya sa paligid. Alam kong napansin nito ang lahat ng kalat na mayroon ako; may saging, ubas, stick-o at ito ngang tsitsirya na pang-finale ko na. “I don’t know what to do, Soping. Maawa ka naman sa katawan mo, Anak. Kaya ka siguro hindi magustuhan ni Red dahil d’yan. Naisip mo ba ‘yon, Sophie? Turn-off iyon sa iyo alam ko, kaya hanggang maaga pa! Maawa ka na sa sarili mo.” Napailing-iling si mommy. Hindi man lang ako hinintay magsalita nito bago tumalikod. Tinungo ko ang center table ko kung saan may ilang ubas pang natitira, nilantakan ko na agad ito at na-stress na naman ako sa biglang pagsulpot at dalang sermon ng nanay ko. “Makikita mo mommy, isang-araw magugulat ka na lang dala-dala ko na si Red at magkahawak kamay na pinapakilala ko siya sa lahat ng pamilya natin mommy..” Ganoon naman talaga ang mangyayari at nagtitiwala ako. Alam kong kami ang forever ni Red Mallari III magiging Sophia Bautista-Mallari din ako. Nux! Bagay na bagay, kinikilig kong sambit sa aking sarili habang ang tingin ay nasa repleksyon ng katawan ko sa salamin “Chubby is the new sexy,” confident ko pang turan. Nagpasya na akong magpalit ng damit, para naman makapagpahinga na ako. Ayaw ko na rin masyado pang inisin si mommy at baka tuluyan lang itong mainis sa akin. Nandoon ang pangamba sa puso ko na baka kapag nainis ito sa akin ng sobra muli akong ipabalik sa Amerika. Ayaw ko na doon masaya na ako rito. Hindi lang dahil magkalapit kami ni Red Mallari sa isa’t isa kundi alam ko sa sarili kong kailangan niya ako. “Kaunting panahon na lang Sophia. Malay mo! Hindi matatapos ang taon mo sa sekondarya mapapasaiyo rin si Red! Naiinis na naman tuloy ako kay kuya Brian at Basha, kung bakit ginawa nila ang lahat ng iyon kay Red,” kausap ko sa sarili ko. Totoo naman kasi e. May pagtatampo pa rin ako kay Kuya. Off all people kasi si Red pa ang nagawan niya ng mali. Niwaglit ko ito sa isipan ko, ayaw ko rin na maalala pa iyon nadadagdagan lang din ang inis ko kay Basha. Wala lang akong magagawa at sa ayaw ko man o gusto kailangan kong tanggapin na magiging asawa na ito ni kuya. “Mabuti na lang hindi ka mapupunta kay Red, ang masakit nga lang sa kuya ko ikaw mapupunta at wala akong magagawa kung hindi magiging bayaw ka Basha!” naiinis kong bulong sa sarili ko. Minsan gusto ko talaga kausapin si kuya na kung pwedi lang pumili siya ng iba at huwag na si Basha. Mahal lang talaga ng kapatid niya sa nanay niya ang babaeng nanakit sa puso ni Red. Wala na akong magagawa doon at iyon ang masakit na katotohanan na kailangan kong tanggapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD