RED MALLARI

993 Words
CHAPTER ONE RED MALLARI PAPASOK na sana ako ng banyo nang biglang tumunog ang caller tone ng cellphone ko. Napakunot-nuo ako nang pangalan na naman ni SoPIG ang naka-register sa caller. Tamad kong sinagot ito. Wala akong balak makipag-usap kahit kanino. Sadyang makulit lang talaga ang isang ‘to. “Hay naku, Red. Mabuti na lang sinagot mo. Ano ‘yong nilike-like mo ha? Bakit ka nag-la-like ng ibang profile ng ibang babae, Red?” agad nitong bungad sa akin nang sagutin ko ang tawag nito. “Profile ko nga hindi mo ma-like. Tapos makikita ko may ganoong reaction ka sa ibang tao ha?” maktol pa nito. Nanatili akong hindi sumasagot. Napakalaki talaga ng confidence ng babaeng ‘to, aniya sa isip ko. Talagang tumawag pa ito para doon lang. Kakaiba rin! Dugtong ko pa. “E unlike mo ‘yan, Red. Hindi pwedi sa akin iyang ginagawa mo. Sinasabi ko talaga sa iyo,” dugtong pa. “Sino ka ba? Sino ka ba sa tingin mo para pakialaman ang buhay ko?” hindi ko halos napigilan ang sarili kong turan ko rito. Hindi ko rin alam ang sarili ko kung bakit hindi ko magawang putulin ang tawag nito sa akin. Dapat kanina ko pa binaba ang pag-uusap namin. Hindi pa sana biglang sumakit ang ulo ko sa sadya nito. “Alam ko naman na wala akong halaga sa buhay mo. Pero hindi mo ba naiisip ang nararamdaman ko ha? Nasasaktan ako, Red. Isaalang-alang mo naman ‘yon,” anito pa. “Shut up!” “See! Ang hard mo talaga sa akin, samantalang sa iba ang bait mo. May pa-reaction ka pa, pagkat pa naka-swimsuit ‘yon at sexy. Ganern na lang ha, Red?” maktol pa rin nito. Mukhang ayaw yata nito tumigil sa kakamaktol at kung ano-ano na lang ang sinasabi nito sa kaniya. “Wala akong panahon para pakinggan ang kahit na ano’ng sasabihin mo, Sopig! Kaya kung pwedi lang stop calling me at wala kang mapapala sa akin! Please..” Pinindot ko ang end call button ng phone ko. Walang mangyayari kung hahayaan kong pakinggan ang mga sasabihin nito sa akin. Mukhang praning na yata ‘to at kong ano-ano na lang ang lumalabas sa bibig niya. Muli akong napa-upo sa kama ko. I scrolled my timeline. Naalala ko na ang sinabi nitong ni-like kong profile ng isang babae, si Ashley— ang kamag-aral ko. Isa kasing contest ‘yon sa school swimsuit competition at kailangan ang criteria ng reaction sa fanbook photo nito. Nakiusap lang ang bestfriend nito sa akin kaya napilitan lang akong gawin iyon. Kung ako naman ang masusunod hindi ko naman gawain ang bagay na iyon. Tamad nga akong tumambay sa kahit na anong social media accounts. Nagkataon lang talaga at kailangan ito. Iyon siguro ang nakita ni Sophia. Natawa na lang ako sa sarili ko sa reaksyon ng dabyanang ‘yon. Yes! I keep calling her Dabyana. Paano ba naman napakataba niya. Minsan nga nakikita ko kung gaano siya hirap maglakad dahil sa napakabigat ng katawan nito. Napailing-iling na lamang ako. Hindi sinasadyang napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Ako si Red Mallari III — ang nag-iisang anak ng isang mag-asawang negosyante at laging abala sa trabaho sa iba’t ibang bansa bilang restaurant owners. Tulad ngayon noong isang araw lang ang alis ni Mommy at Daddy para sa kanilang business trip sa Washington DC. Disi-otso pa lamang ako, pero tila pasan ko na ang lahat ng kalungkutan sa mundo; kalungkutan na halos ako lang ang nakakaalam. Madalas kasi ako lang naman ang mag-isa. Gitara ko lang ang madalas kong kasama at walang kahit na sino. Mabuti na lang at malaking bagay na may ilang katiwala rito sa bahay. Mas madalas ko pa nga silang nakakasama kaysa sa tunay kong mga magulang. Ang dahilan sa akin ni mommy at daddy, ginagawa lang nila ang lahat ng iyon para sa magandang buhay na hangad nila para sa akin. Which is wrong dahil kahit kailan hindi ako naghangad ng ganoon sapat na sa akin ang simpleng buhay na kaya nila basta lagi ko lang sila kasama. Hanggang sa nasanay na lang ako na ganoon talaga. Hindi sa lahat ng oras nandiyan sila palagi sa tabi ko. Napahinto ako sa pag-iisip ng matamaan ko ng tingin ang Fanbook account ni Sophia Bautista. @Big girls, cuddle better. Fresh status nito sa timeline nito. Napaismid ako. Kahit kailan talaga pinaniniwalaan niyang normal lang ang katawan nito. Kung ako nga lang ang masusunod dinala ko na siya sa isang clinic para ipa-lipo. Iba na kasi ang pagiging lumba ng katawan nito. Nakakatakot, aniya sa isip ko. Hindi ko alam kung para saan ang guilt feelings na nararamdaman ko matapos maisip ang mga bagay na may kaugnayan sa katawan ni Sophia. Na-realize ko na wala naman itong ginawang masama sa akin, pero mukhang galit na galit yata ako rito. Okay lang naman kung ayaw ko sa kaniya. Hindi ko naman mapipilit ang sarili ko. Pero ang pagtawanan ko ang katawan nito sa isipan ko hindi naman yata pwedi ang mga bagay na iyon. Para sa akin foul na iyon! Napasinghap ako sa kawalan. Biglang may mga taong sumagi sa isip kong pinilit kong kinakalimutan. Galit akong napatayo. Hindi ko na sila dapat pang inaalala. Matagal ko na silang binaon sa isip ko at hindi na dapat pang buhayin pa. Para sa akin patay na silang dalawa at iyon ang nararapat sa mga taong traidor! aniya sa isip ko. Isa pang buntong hininga ang pinakawalan ko sa kawalan. Hindi ko maitatatwa sa puso kong nangungulila pa rin ako kay Basha at nanghihinayang sa samahan na mayroon kami ni Brian. Galit kong tinuon ang tingin ko sa salamin na nasa harapan ko. Sa isip ko sumariwa ang nakaraan kung saan nahuli ko ang mga itong magkasama sa sarili kong condominium. Napakuyom ang mga kamao ko sa galit na nararamdaman sa nakaraan na pinipilit ko ng ibaon sa limot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD