Ilang araw nang iniiwasan ni Zaver si Sky dahil sa nangyari. Kapag dadalaw naman siya sa mga bata ay hindi niya pinapahalata sa mga ito na may hindi sila pinagkakaunawaan ng mommy ng mga ito. Alam niyang malulungkot ang mga bata kapag nagkataon na malaman ng mga ito at ayaw niyang mangyari ‘yon.
Hanggang ngayon ay nasasaktan pa din siya sa naging huli nilang pag-uusap ng dalaga pero wala siyang magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Mabigat sa dibdib niya ang nangyari. Sa ngayon, ang mga anak niya lang ang tanging nagpapakasaya sa kanya.
Sa ngayon ay ang mga anak niya muna ang pagtotoonan niya ng pansin. He’s gonna fix his broken heart, piece by piece, soon… Hindi niya alam kung kailan ito gagaling pero alam niyang balang araw ay matatanggap din niya ang katotohanan na wala talaga siyang pag-asa sa dalaga.
Na kahit kailan ay hindi siya nito mamahalin. Na naging parte lang siya nang paggawa sa mga anak nila pero kahit kailan ay hindi siya magiging parte sa buhay ng dalaga.
Mas masakit pa itong pinagdadaanan niya ngayon kaysa nang mga panahon na iniwan siya ng mga ito. Noon kasing iniwan siya ng mga ito ay umasa siya na babalik pa ang mag-iina niya, pero ngayon na nandito na ito ay nakikita niyang wala na talaga siyang maaasahan sa dalaga.
Napabuntong-hininga siya. Magiging okay din siya balang araw.
Tulala siyang nakatingin sa labas ng opisina niya habang nakasandal sa swivel chair niya. Ilang araw na siyang walang ganang magtrabaho, hindi na siya katulad noon na kahit magpahinga ay hindi niya magawa. Napabuga na lang siya ng malakas na hangin.
“Pang-ilang buntong-hininga mo na ba ‘yan? Sa dinami-dami ay hindi ko na mabilang.” Napatingin siya sa nagmamay-ari ng boses at nakita niya si Jamela na nakangiting nakatingin sa kanya.
Muli siyang napatingin sa labas ng opisina. “Kanina ka pa ba diyan?”
“Hmm, hindi naman masyado. Siguro mga ten minutes pa lang.”
“Ano nga pa lang ginagawa mo dito?”
Naging malapit na sila sa isa’t-isa ni Jamela simula nang magkakilala sila. Mabait naman kasi ang dalaga at masaya itong kasama. Masyadong madaldal at palagi siyang niloloko, at sinasabihan na gusto siya nito. Ewan ba niya. He didn’t take her words seriously.
“I just wanted to invite you for dinner.” Napatingin siya sa dalaga. “My treat.” Nawala ang ngiti nito at napanguso ng hindi siya sumagot. “Sige na. Samahan mo na akong kumain, libre ko naman, eh. At saka wala kasi akong kasamang mag-dinner.” Nagpa-cute pa ito sa kanya dahilan para mapailing siya.
“Nasaan na pala ang manliligaw mo? Bakit hindi siya ang imbetahin mo? Bakit ako ang kinukulit mo?”
Nagkibit-balikat ito. “Ewan. Baka patay na o kaya naman inilibing na.” Napailing na lang siya sa naging sagot nito. “Pumayag ka na kasi, Zaver. Para naman tayong hindi magkaibigan niyan, eh. Nakakatampo ka, ah.” Napa-cross arm ito.
Napabuntong-hininga na lang siya. Mukhang wala din naman kasi siyang choice dahil alam niyang kukulitin lang siya ng dalaga. Hindi ito titigil hangga’t hindi siya pumapayag.
“Fine. Basta libre mo, ha? Baka mamaya, ako na naman ang pagbabayarin mo.”
Minsan kasi nang kumain sila ay sinabi nitong libre ng dalaga pero nang oras na ng bill ay sinabi nitong naiwan pala nito ang wallet kaya ang ending, siya ang nagbayad. Wala din namang kaso sa kanya kung siya ang magbabayad. Talagang binibiro niya lang ang dalaga.
Sinimulan na niyang iligpit ang mga gamit sa mesa.
“Promise. Ako na talaga magbabayad this time.” Itinaas pa nito ang kanang kamay. “Napakaburaot mo talaga,” nakanguso nitong sabi. “Ang yaman-yaman, pero napakakuripot.”
“Asus! Nagsalita ang hindi mayaman. Isa pa, ikaw ang nag-aya kaya dapat lang na ikaw ang magbayad,” naiiling niyang sabi habang papalabas sila ng opisina niya.
KUNG saang restaurant sila unang nagkita, at kumain noon ay doon pa din sila kumain ngayon. Nagiging paborito na ata nila ang restong ito. Maliban kasi sa masarap ang mga pagkain dito ay napakaganda pa ng paligid.
“So, anong balita sa ‘yo?” tanong ni Jamela kay Zaver ng matapos na silang kumain.
Kagaya ng dati ay hindi pa sila umalis kahit pa tapos na silang kumain. Tumambay pa sila sa resto para magkwentohan habang umiinom ng wine.
Nagkibit-balikat siya habang umiinom ng wine. “As usual, gano’n pa din.”
“Bigo pa din?” Hindi siya umimik pa.
Naikwento niya sa dalaga ang naging huling pag-uusap nila ni Sky. Magaan ang loob niya kay Jamela kaya naman ikweninto niya dito. Kay Jamela niya lang ito sinabi.
Wala kasi ang matalik niyang kaibigan na si Ice na palagi niyang napagsasabihan tungkol sa mga problema niya. Hanggang ngayon ay nasa honeymoon pa din ang mag-asawa.
Hindi din naman niya magawang sabihin sa mga kaibigan ang problema niya dahil kahit may advice ang mga ito pero ang huli mauuwi pa din sa kalokohan ang sasabihin ng mga ito.
“Bakit kasi hindi na lang ako?”
“Baka mamaya ay totohanin ko ‘yang sinasabi mo at baka patulan talaga kita.” Sabay silang natawa sa sinabi niya.
Kahit hindi nito sabihin sa kanya ay alam niyang may nagugustohan itong ibang lalaki. Hindi niya lang alam kung sino. Hindi na din naman siya nagtanong dahil gusto niyang kusa nitong sabihin sa kanya.
“Malay mo naman kasi mag-work.” Uminom ito ng wine habang nakatingin sa kanya.
Napailing na lang siya. Like what he said, he doesn’t take her words seriously.
Kinuha ng dalaga ang cellphone nito ng bigla itong mag-ring. Sumenyas ito sa kanya kaya naman tumango siya.
Sinagot ng dalaga ang tawag. “Hello?… Yeah… Ngayon na? As in?… Okay, sige. Papunta na ako diyan.” Binaba na nito ang tawag saka tumingin sa kanya ng may paumanhin. “Mukhang kailangan ko ng mauna, Zaver. May importante daw kasing sasabihin si mommy, eh.”
“Sure. Go ahead. Don’t mind me.”
Tumayo na siya para sana ihatid ang dalaga palabas pero pinigilan siya nito. “Diyan ka na lang muna. Tapusin mo muna ang pag-inom mo ng wine.”
“Ha? Ihahatid kita sa inyo.”
“No need. Susunduin ako ng driver namin at kung ang bayad ang inaalala mo, huwag kang mag-alala dahil babayaran ko ito pag-alis ko.”
Natawa na lang siya sa sinabi nito. “Hindi naman kasi ‘yon ang inaalala ko, silly. Gusto lang kitang ihatid.”
“Hindi na nga kasi kailangan. Diyan ka na lang. I-enjoy mo ang ganda ng gabi. Mag-emote ka diyan hanggang gusto mo, pero bukas na kita dadamayan kasi aalis na ako ngayon. O baka naman gusto mo bukas ka na lang din mag-emote kasi libre naman ako bukas. Pwede kang umiyak sa balikat ko.”
Natawa siya. “Baliw. Umalis ka na nga,” pagtataboy niya dito. “Aalis ka na nga lang, ang dami mo pangsinasabi.” Aalis na nga lang, madaldal pa.
Ito naman ang natawa. “Sige na. Aalis na talaga ako.”
“Mag-iingat ka.”
“Oo naman.” Ngumisi ito. “Baka kasi mamaya ay umiyak ka kapag may mangyaring masama sa akin.”
Tumango na lang siya. “Sige na. Umalis ka na at masyado ka nang madaldal.”
Muli itong natawa saka tuluyan nang magpaalam sa kanya. Napailing na lang siya sa ugali ng dalaga. Kung sino man ang magiging boyfriend nito ay kailangan nitong ihanda ang tenga sa bibig nito na madaldal.
Napatingin siya sa relong pambising. Lampas alas-nuwebe na din pala. Kinuha niya ang wine glass saka uminom ng wine habang nakatingin sa mga taong naglalakad sa labas ng resto. It was a glass wall kaya nakikita niya ang mga nasa labas ng restaurant.
Napansin niyang may umupo sa harap niya. Natawa na lang siya ng maisip na si Jamela ito. Baka bumalik ito dahil baka may nakalimutang sabihin. Hindi na lang talaga iteneks sa kanya. Talagang bumalik pa.
“Oh! May nakalimutan ka—” hindi na niya naituloy ang sasabihin at nawala ang ngiti sa labi niya ng hindi si Jamela ang umupo sa kaharap niyang upuan. Umiwas siya nang tingin dito. “Anong ginagawa mo dito?”
“Nakita ko kasing iniwan ka ng ka-date mo kaya sasamahan kita para hindi ka maging malungkot,” nakangiti nitong sabi.
Pakiramdam niya ay parang nangyari na ang araw na ito. Bigla niyang naalala ang araw na minsang iniwan siya ng ka-date niya noon na sinampal pa siya bago ito umalis. Dumating ang dalaga at sinamahan siya. Doon unti-unti silang naging malapit.
Muli siyang napaiwas nang tingin ito. “I don’t need your company.”
“Maganda ‘yong ka-date mo, ah.” Napatingin siya dito. Nakatingin lang ang dalaga sa menu, tila namimili nang o-order-in. “Siya na ba ang bago mong babae?” Bigla siyang nainis sa sinabi nito.
Anong palagay nito sa kanya? Pagkatapos niyang masaktan sa pamba-basted nito sa kanya ay maghahanap agad siya ng ibang babae? Gano’n ba talaga ang tingin nito sa kanya?
Kahit pa hindi nito sabihin ng harap-harapan sa kanya ay alam niyang womanizer pa din ang tingin nito sa kanya. Kahit ilang beses niyang sabihin na nagbago na siya ay hindi pa din nagbabago ang tingin nito sa kanya.
He thinks that Sky never trusted his word when he said that he’s no longer a womanizer.
Kung noon siguro na womanizer pa siya ay baka naghanap na siya, pero iba na ngayon, eh. Nagbago na siya simula nang malaman niyang dinadala nito ang magiging anak niya. Kaya ba hindi siya nito magawang magustohan dahil gano’n pa din ang tingin nito sa kanya?
Tumayo na siya at aalis na sana nang magsalita si Sky. “Where are you going?”
Tiningnan niya ito ng malamig. “Aalis na. Total tapos na din naman akong kumain kasama ang bago kong babae.” Talagang diniinan niya ang pagkakasabi niya no’n.
Kung ‘yon ang tingin sa kanya ng dalaga ay wala na siyang magagawa pa. Ayaw na niyang pilitin ito. Pagod na siyang ipagpilitan ang sarili dito.
“Tawagan mo na lang si Fin para may kasama kang kumain. Sabihan mo na din na dalhin ang mga bata para naman masaya kayong pamilya na kumakain,” sarkastiko niyang sabi saka walang lingon-lingon na umalis.
Mabilis ang bawat lakad niya para makarating kaagad siya sa parking lot at para agad siyang makalayo kay Sky. Kaya nga iniiwasan niya ang dalaga dahil mas nasasaktan lang siya kapag nakikita niya ito.
Hindi din naman pwede na hindi sila magkita ng dalaga dahil nasa pamamahay nito ang mga anak niya. Kaya kahit gusto niyang iwasan ito at hindi makita ay hindi niya magawa.
Binuksan niya ang pinto ng kotse niya nang makarating siya sa parking lot. Papasok na sana siya sa loob ng may biglang humila ng braso niya at pinaharap siya dito. Gulat siyang napatingin kay Sky nang makita niya ito pero agad niyang winala dahil ayaw niyang makita ng dalaga ‘yon.
“Pwede ba tayong mag-usap, Zaver?” pakisap nito sa kanya.
Wala na ang ngiti nito ngayon at seryoso na itong nakatingin sa kanya. Napabuntong-hininga naman siya saka tiningnan ito sa mga mata ng walang emosyon.
Tinanggal niya ang kamay nito na nasa braso niya. “Sa tingin ko naman ay wala na tayong dapat pang pag-usapan, Sky. Malinaw na sa akin ang lahat. Malinaw na sa akin na kahit kailan ay hinding-hindi mo ako magugustohan, na kahit kailan ay wala akong magiging puwang sa puso mo. Parte siguro ng buhay mo, oo, kasi ako pa din naman ang ama ng mga anak mo. Tanggap ko na ang lahat kaya wala ka ng dapat pang-ipag-alala. Ang mga anak ko na lang ang bibigyan ko ng atensyon at pagmamahal ko.”
Napahinga siya ng malalim saka ibinuga ito.
“Hindi na ako makikialam pa sa buhay mo.” Natawa siya ng mapakla. “Sino nga ba naman ako sa buhay mo para makialam sa mga gusto mong gawin. Ama lang naman ako ng mga anak mo at wala ng iba pa. Kung ayaw mo naman na nakikita ang mukha ko ay pwede ko naman na ipasundo ang mga bata sa bahay mo—” napatigil siya sa pagsasalita nang hawakan nito ang laylayan ng damit niya habang nakayuko.
“I’m sorry.” Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. “Hindi ko sinasadya na sabihin ang lahat ng ‘yon sa ‘yo.”
Mas masakit para sa kanya ang paghingi nito ng sorry. Huminga na naman siya ng malalim dahil pakiramdam niya ay maiiyak na naman siya ngayon. Damn it! Pinangako na niya sa sarili niya na hindi na niya hahayaan ang sarili na masaktan, pero ano ito ngayon?
“Stop it, Sky. Ayaw ko nang makinig pa sa mga sasabihin mo. Huwag mo na akong saktan pa kasi wasak na wasak na ako. Hindi pa ako nakaka-move on sa sakit nang huli tayong mag-usap kaya pakiusap lang, huwag mo ng dagdagan pa dahil baka hindi ko na makayanan pa.”
“Lintek ka!” Nagulat siya ng bigla itong sumigaw at masama siyang tiningnan. “Patapusin mo kaya muna akong magsalita. Hindi ‘yong ikaw na lang palagi ang magsasalita tapos magwo-walk out.”
Napakurap-kurap na lang siya. Ito ang unang beses na pagtaasan siya ng boses ng dalaga. Para sa kanya ay nakakatakot pala itong magalit. Lihim siyang napalunok.
“Makinig ka, okay?” Wala siyang ibang naging tugon kung hindi ang tumango bilang pagsang-ayon. “Good!”
Shit! Napamura na lang siya sa isipan niya. Hindi niya inaasahan na nakakatakot pala magalit ang dalaga. Bigla tuloy umurong ang dila niya. Pakiramdam niya ay natanggal ang angas niya sa isang sigaw lang nito.
“Hindi ko talaga sinasadya na masabi ang mga ‘yon sa ‘yo. You know me, Zaver, prangka ako magsalita. Nasanay ako na gano’n. Kaya sorry kung nasaktan kita. I didn’t mean it. Na-realize ko na napakamanhid ko pagdating sa ‘yo.”
Tsk! Umikot ang mga mata niya. Ngayon pa talaga nahalata ng dalaga ‘yon?
“Nasanay kasi ako na magkaibigan lang tayo kaya kahit kailan ay hindi ko makita ang sarili ko bilang asawa mo o kung ano pa man. Pero nang makita kita kanina na may kasamang ibang babae, aaminin ko, nakaramdam ako ng selos. Naramdaman ko din ang selos at sakit na nararamdaman mo nang araw na ‘yon.
“Masakit, parang sumisikip ang dibdib ko. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganitong sakit. Sa buong buhay ko, Zaver, ngayon lang at sa ‘yo ko lang ‘yon naramdaman. Ngayon ko lang nalaman na masakit pala dito,” tinuro niya ang bandang dibdib niya kung nasaan ang puso niya. “dito sa puso ko.
“Parang pinipiga ang puso ko kanina habang nakatingin sa ‘yo at sa babaeng ‘yon na masaya kayong nag-uusap. Bigla kong naalala ang mga panahon na magkasama tayo noon. I was happy being with you. Na-realize ko din na nagkamali ako, na dapat hindi ko inilayo sa ‘yo ang mga anak natin. Ang sabi mo kasi noon ay ayaw mo kaya naisipan ko na lang na lumayo para hindi magulo ang buhay mo. Hindi ko naisip na masasaktan ka pala sa gagawin ko,” mahaba nitong sabi.
May bahid ng lungkot at pagsisisi ang boses nito pati na din sa mga mata ng dalaga ngayon. Napatiim-bagang siya. Pinipigilan ang sarili na yakapin ito. Kahit pa kasi nasaktan siya nito ay ayaw niyang masaktan ito. Gano’n niya ito kamahal, na kahit sinaktan na siya nito ay mahal at nag-aalala pa din siya para dito.
“Ilang ulit kong sinabi sa ‘yo noon na huwag na huwag kang mahuhulog sa akin dahil wala akong balak na saluhin ka, pero sa totoo lang, Zaver. Nang mga panahon na nahuhulog ka na sa akin ay gustong-gusto kita saluhin, pero hindi ko lang alam kung paano. Hindi ko pa nararanasan ang magmahal kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko sa ‘yo,” dagdag pa nito.
Tumingin ito sa mga mata niya. Bigla siyang napalunok ng mariin. Bakit gano’n ito makatitig sa kanya? Pakiramdam niya ay matutunaw na siya dahil sa titig nito sa kanya.
“This past few days, I find myself thinking of you. I find myself falling in love with you.”
Nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Nanginginig ang mga labi niya dahil gusto niyang magsalita pero walang lumalabas na salita sa bibig niya. Bigla siyang natameme.
“Sinabi ko sa ‘yo noon na gusto kita and that was true, but I don’t know what to do. Hindi ko alam kung paano kumilos. I’m not a clingy type that you want. Hindi ako malambing. Mas gusto ko pang-iniinis ka kaysa lambingin ka. Prangka ako magsalita kaya minsan nasasaktan kita ng hindi ko nalalaman. Hindi ako—”
Hindi na nito natapos ang sinasabi nang hanawakn niya ang batok nito saka walang sabi-sabi na hinalikan ito sa labi. Napangiti siya nang tumugon ito sa halik niya. Damn! Ang tagal din nang hinintay niya matikman lang ulit ang matamis at malambot nitong labi. After all this years, only her kiss that he was longing for.
Sa makalipas na taon, kahit pa may nakikita siyang ibang magaganda, at sexy na babae ay hindi niya pa din magawang ma-attract sa mga ito. Si Sky lang ang tanging babae na hinahanap ng mga mata, at puso niya. Only her!
He was so damn in love with this woman.
Habol nilang pareho ang mga hininga nang maghiwalay na ang mga labi nila.
Pinagdikit niya ang mga noo nila. “I don’t care if you’re not that clingy o kung prangka ka magsalita. Doon kita nakilala, at minahal kaya wala akong babaguhin kahit katiting sa mga ugali mo. Iyong mga ugali mo na ‘yon ang dahilan kaya minahal kita, Sky.” Pinagkiskis niya ang mga ilong nila. “Masaya na akong malaman mula sa ‘yo na mahal mo din ako.” Ngumiti ito saka tumango. “Can you say that again?”
“Say what?”
“Saying that you love me.”
“Tsk! Nasabi ko na, eh. I don’t like to repeat myself.”
Napalayo siya sa dalaga saka sinamaan ito nang tingin. Tinawanan lang siya nito dahilan para mapanguso siya. Pinagtitripan na naman siya nito.
“Bakit ka ganyan, Sky? Nakakainis ka naman, eh.” Napapikit siya nang pisilin nito ang ilong niya.
“Ang cute-cute mo talagang mainis.” Mas lalo siyang napanguso dahilan para tawanan siya nito. “I love you, Mr. Zaver Balley.
Napangiti siya sa narinig saka mabilis itong hinalikan sa labi. “I love you, too, Sky.” Muli niya itong hinalikan sa labi. “Magpakasal na tayo.”
“Ha? Ang bilis naman ata.”
“Saan ang mabilis doon, Sky? Ang tagal nga, eh. Isipin mo, limang taon akong naghintay sa ‘yo at sa mga anak natin.”
Natawa ito. “Kasal ba kasi kaagad? Hindi ba pwedeng sa getting to know each other stage muna tayo?”
“Anong getting to know each other pinagsasabi mo diyan? May mga anak na nga tayo tapos gusto mo getting to know each other pa din tayo?” Sinamaan niya ito nang tingin pero kalaunan ay napangisi din. “Isa pa, alam na alam na natin ang isa’t-isa. Higit pa nga sa getting to know each other ang nagawa na natin, eh.”
Hinampas siya nito sa braso pero tumawa lang siya. “Ang bastos ng bibig mo. Nakakahiya.”
“Wow, ah! Ikaw pa talaga itong nahihiya ngayon?” Nakita niya kasi na medyo namumula ang magkabila nitong pisngi. “Noon, ang lakas ng loob mo na pagsabihan ako na semelya ko lang ang gusto mo tapos ngayon sasabihin mong—” hindi na niya natapos pa ang sinasabi dahil tinakpan nito ang bibig niya.
“Huwag ka ngang maingay diyan. Ang daming tao dito, oh.” Napatingin-tingin ito sa paligid. Dinilaan niya ang kamay nito dahilan para alisin agad nito mula sa pagkakatakip sa bibig niya. Sinamaan siya nito nang tingin. “Ang bastos mo, Zaver.”
“Ikaw nga diyan, eh.”
“Kapag talaga hindi ka pa tumigil diyan ay aalis ako at babawiin ko ang mga sinabi ko kanina.”
“Bakit ka ba kasi nagagalit? Totoo naman kasi,” natatawa niyang sabi. Kung kanina ay siya ang inaasar nito, ngayon ay siya naman ang mang-aasar dito.
“Tsk!” Nginiwian siya nito saka tumalikod para umalis.
Bago pa man ito makaalis ay agad niyang hinawakan ang kamay nito. Hinila niya ito dahilan para mapayakap ito sa kanya. Niyakap niya ito habang nakasandal sa kotse niya.
“You can’t get away from me, Sky. From the first time that I laid my eyes on you, I knew in myself that you belong to me. Only in me.” Ngumisi siya dito. “How dare you, damn woman, took away my semen!”
Hindi na ito nakapagsalita pa nang sakupin niya ang malambot nitong labi. Since this woman took his semen, he will also took her heart.