Chapter 17

1645 Words
Nakatingin si Sky sa malaking building ng Balley Inc. saka napatingin sa calling card na hawak niya na ibinigay pa noon ni Zaver sa kanya. Talagang tinago niya ‘yon in case na hanapin niya ang binata balang araw. Pumasok siya sa loob ng building saka dumiretso sa receptionist. “Excuse me, miss,” tawag pansin niya sa babaeng nakayuko at nakaharap sa computer nito. Ngumiti naman ito sa kanya. “Yes, ma’am? How can I help you?” “Itatanong ko lang sana kung nandito ba si Mr. Zaver Balley.?” “May appointment po ba kayo sa kanya?” Umiling siya. “Wala. Can you just call him and tell him that I’m his friend looking for him.” “Okay, ma’am. Let me just call his secretary.” Tumango naman siya dito saka nagpasalamat. Kinuha nito ang telepono saka nag-dial. “Hello, Miss Lisa. Itatanong ko lang po sana kung nandiyan ba si Mr. Balley sa opisina niya. May naghahanap po kasi sa kanya. Kaibigan niya po daw… Oh, okay po. Thank you.” Binaba na nito ang telepono saka tumingin sa kanya. “I’m sorry, ma’am, pero umalis na po pala si Mr. Balley. Baka po may gusto kayong iiwan na message sa kanya, pwede ko pong ibigay.” Ngumiti siya dito saka umiling. “It’s okay. Thank you.” Lumabas na siya ng building. Nagkaroon siya ng pagkadismaya nang malaman na wala pala ang binata sa kompanya nito ngayon. Akala niya kasi ay makikita niya ito ngayon. Aaminin niya, may parte sa kanya na nami-miss ang binata kaya medyo na-excite siya na makita ito, pero mukhang hindi pa ito ang araw na dapat silang muling magkita. KINAGABIHAN ay pumunta si Sky sa isang restaurant dahil tinawagan siya ng classmate niya noon. Nang magkita sila ay nagkumustahan sila at nagkwentohan tungkol sa mga buhay-buhay nila. In-invite siya nito sa nalalapit nitong kasal. “Sigurado ka na ba talagang magpapakasal ka na?” Bahagya itong natawa. “Hindi ka pa din talaga nagbabago, Sky. Masyado ka pa ding bitter sa kasal. Akala mo naman naranasan mo na. Baka naman hiwalay ka sa asawa mo noong past life mo kaya ka ganyan ka-bitter sa mga kasal.” Siya naman ang natawa sa sinabi nito. “Anyway, wala ka pa bang nakikitang lalaki na makakapagpabago sa pananaw mo tungkol sa kasal?” Mahina siyang natawa habang nakatingin sa wine glass niya. “Luckily, still—” naiwan sa ere ang sasabihin niya nang makita niya sa hindi kalayuan ang lalaking ilang taon din niyang hindi nakita. May kasama itong babae habang kumakain, nagkukwentohan, at nakikipagtawanan. Nakikita niya ang ngiti nito na matagal na niyang hindi nakikita. Napaiwas siya nang tingin sa mga ito at lihim na napahawak sa dibdib. Bakit parang nakaramdam siya ng kaunting kirot sa dibdib nang makita niya si Zaver na may kasamang ibang babae? Nasasaktan ba siya sa isiping baka may sarili na itong pamilya at kapag nalaman ng mga anak niya ay masasaktan ang mga ito? Napabuga siya ng hangin. Kung alam niya lang na may iba na pala itong pamilya ay sana hindi na sila bumalik pa dito. Sana pala gumawa na lang siya ng alibi sa mga anak, pero hindi niya kasi magawang magsinungaling sa mga ito. Dapat pala inalam niya muna ang tungkol sa binata bago siya umuwi. “Are you okay, Sky?” tanong ng classmate niyang si Kathleen. Maliit siyang ngumiti dito. “Yeah. Yeah, I’m fine.” Nagpatuloy sila sa pag-uusap. Habang nag-uusap sila ni Kathleen ay hindi niya maiwasan na hindi mapatingin sa kinaroroonan ng binata na ngayon ay masayang nakikipag-usap sa kasama nitong babae. “Mauna na ako sa ‘yo, Sky. Nandiyan na ang fiancee ko, eh.” Tumayo na si Kathleen kaya naman tumayo na din siya. “Gusto mong sumabay sa amin? I can give you a lift.” Tumanggi siya sa alok nito. “No, thank you, Kath. Dala ko din kasi ang kotse ko.” “Okay. I’ll see you on the wedding day.” Ngumiti ito sa kanya saka tuluyan nang nagpaalam. Muli siyang umupo saka inubos muna ang wine sa baso niya. Ilang minuto muna siya doon bago tuluyang tumayo para umalis. Tiningnan niya muna ang binata saka tuluyan nang umalis sa resto. Hindi niya alam kung bakit pero masakit sa mata niya ang nakikita niya. HINDI inaasahan ni Sky na sariling mga anak na niya ang pupunta sa ama nito. Ni hindi man lang niya alam na umalis pala ang mga ito ng walang kasama. Nagulat na lang siya kanina nang makita ang sasakyan ng binata sa labas ng bahay nila. Habang papunta sa garden nila ay hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya sa isiping makikita na niyang muli ang binata at makakausap. Nang makita niya ito ay gulat itong napatingin sa kanya habang siya ay ngumiti dito. Nagkwentohan sila ng binata sa mga buhay nila at may parte sa puso niya na masaya dahil muli silang nagkita, at nagkausap ni Zaver. ILANG araw na palaging dumadalaw si Zaver sa bahay nina Sky para dalawin ang mga anak nila, at ipinapasyal ito ng binata. Nakikita niyang talagang bumabawi ito sa kambal na ikinatuwa naman ng mga ito. Natutuwa siya kapag nakikita niyang masaya ang mag-aama niya, lalo na kapag dinadalhan ito ni Zaver ng ice cream. Nakikita niyang isang mabuting ama si Zaver sa dalawa. Hindi nga siya nagkamali nang makita niya noon kung paano ito makihalubilo sa mga bata noon na nasa bahay ampunan. MAAGANG umalis si Sky sa bahay nila para pumunta sa bahay ampunan. Gusto niya din kasi na dalawin ang mga bata doon. Nang makarating sa bahay ampunan ay nakita niya si Finley na nakikipaglaro sa mga bata. “Dude!” tawag niya dito na ikinalingon naman nito sa kanya. Nakangiti itong lumapit sa kanya. “Nandito ka na pala.” “What are you doing here?” Sabay na silang naglakad papunta sa likod ng bahay. “May sasabihin kasi ako sa ‘yong importante.” “What’s that? Bakit hindi mo na lang ako tinawagan o nag-text ka man lang?” Naupo na sila at hindi nagtagal ay dumating na ang meryenda nila. “Hindi kasi pwedeng sa cellphone ko sasabihin ang magandang balita ko sa ‘yo.” Malaki ang ngiti nito sa labi dahilan para mapakunot siya. “What’s the good news then?” Mas naging malaki ang ngiti nito. “Buntis si Hailey.” Napakurap-kurap siya. “I’m gonna be a father, Dude. Can you believe that?” Lumaki ang mga mata niya dahil sa gulat. “Really?” Nakangiti naman itong tumango-tango. “Wow! Congrats, Dude.” Niyakap niya ito. “I’m so happy for you and for Hailey.” Kahit kasi nasa ibang bansa sila nakatira noon ay umuuwi naman si Finley sa Pilipinas para makasama nito ang girlfriend nito. Matagal na ang dalawa at bumilib siya sa tatag ng pagsasama ng mga ito. At kahit kailan ay hindi ito nag-away dahil sa kanya o sa selos nito sa kanya. Mabait, at maintindihin si Hailey kaya hindi na siya magtataka kung bakit na-in love ang kaibigan niya dito. “So, kailan ang kasal niyo?” “Mamaya na kami magpapakasal kapag nauna ka na.” Sinamaan niya ito nang tingin pero tumawa lang ang loko. “Eh, ikaw? Kailan mo balak magpakasal? Nandiyan na ang ama ng mga anak mo at balita ko nililigawan ka. Hindi lang pala ligaw kasi gusto ka niyang pakasalan,” may panunukso nitong sabi sa kanya dahilan para mapailing siya. “There’s no wedding gonna happen between us, Dude.” Napailing na lang ito. “Kayo nga, kailan kayo magpapakasal?” pag-iiba niya sa usapan. Ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni Zaver dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin. Masaya silang nag-uusap ni Fin nang marinig niya ang boses ni Zaver. Napatingin siya sa binata at bigla siyang nakaramdam ng malamig dahil sa uri nang tingin at boses nito. Pinakilala niya ang dalawa. May kakaiba siyang nararamdaman kay Zaver pero binalewala na lang niya ito. Pumasok muna si Fin sa loob ng bahay ampunan at iniwan silang dalawa. Akala niya ay magiging masaya na naman ang araw niya dahil sa binata pero hindi niya inaasahan na mag-aaway pala sila. Hindi niya inaasahan na iiyak ang binata dahil sa kanya. Tumalikod na ito sa kanya saka umalis. Gusto niyang habulin, at pigilan ito pero hindi niya magawang igalaw ang katawan. Naninigas siya mula sa kinatatayuan niya. Sa isip niya ay mas masasaktan lang ito kapag pipigilan niya. Lumuluha siyang naupo sa bermuda grass. Pakiramdam niya na sa pag-alis ng binata ay kasabay ng pagkawala ng lakas niya. Biglang nanlambot ang tuhod niya habang sumisikip ang dibdib niya. “I’m sorry, Zaver. I’m really sorry.” Niyakap niya ang sarili habang umiiyak. Hindi niya napansin na nakalapit na pala sa kanya si Fin at saka siya niyakap. “Hindi ko sinasadyang masaktan siya. Hindi ko gusto ang saktan siya, Fin.” Hinahaplos ng kaibigan niya ang likod niya. “Mahal mo naman kasi, pero bakit pinipigilan mo ang sarili mo?” Niyakap niya si Fin. “Natatakot kasi ako na baka magsawa siya sa akin, at iwan niya ako balang araw. Ayaw kong masira o mawala ang kung ano man ang meron kami ngayon.” “Pero sa ginagawa mo ay mas lalo mo siyang binibigyan ng rason para mawala siya sa ‘yo ng tuluyan. Hindi mo din ba naisip na kung natatakot ka ay ano pa kaya ang nararamdaman niya? Galing siya sa isang sirang relasyon noon, at takot ng magmahal at magtiwala ulit, pero buong tapang siyang umamin sa ‘yo dahil mahal na mahal ka niya. Kaya sana hanapin mo din ang tapang sa sarili mo.” Hindi na siya nakasagot pa at patuloy na lang na umiiyak habang nakayakap dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD