Chapter 7

2062 Words
Nasa grocery store ngayon si Zaver dahil may pinabibili sa kanya ang kanyang mommy. Napanguso siya habang nakaharap sa mga chips. Ang dami-daming katulong sa bahay nila ay bakit siya pa ang napag-utusan? Mukhang pinaparusahan siya ng mommy niya dahil sa hindi niya pagsipot sa in-arrange nitong blind date para sa kanya. Mukhang this time ay totoo na talaga itong galit dahil kahit ilang beses niya itong kausapin ay ayaw talaga siya nitong pansinin. Kahit pa bilhan niya ito ng paborito nitong chocolate ay wala pa ding effect. Kahit ang kagwapohan niya ay hindi tumalab. Kaya heto siya ngayon, kahit magdidilim na ay pinamalengke pa din siya nito. Wala naman siyang magawa. Ayaw niyang mas magtampo pa ito sa kanya kaya sumunod na lang siya. Baka mamaya, sa sobrang inis nito sa kanya ay itakwil siya nito. Kinuha niya ang Nova at Piattos. Nalilito kung alin ang pipiliin sa dalawa. Alin nga ba ang mas masarap sa dalawa? Tsk! Para hindi na siya mag-isip pa at malito ay inilagay na lang niya ang dalawang chips sa cart. "Oh, sorry." Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang may-ari nang nabangga niyang cart. "Josephine,” mahina niyang sambit sa pangalan nito. Maganda pa din ito hanggang ngayon at hanggang ngayon ay hindi niya pa din nakakalimutan ang ginawa nito sa kanya. Ang sakit na pinaramdam nito sa kanya. Ginawa lang naman siya nitong tanga at ginamit. Ito ang unang babae na minahal niya ng totoo, ang babaeng seneryoso niya pero niloko lang siya. Ang babaeng dahilan kung bakit naging ganito siya ngayon. Hindi nagtitiwala sa mga babae, isang womanizer. “ZAVER!” tawag ni Ice—ang isa sa matalik na kaibigan ni Zaver—sa binata, pero hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Ayaw na niyang marinig pa ang mga sasabihin nito. “Balley!” Napahinto siya sa paglalakad dahil sa tinawag sa kanya ng kaibigan. Alam niyang galit na ito kapag apelyedo na nila ang tinatawag nito sa kanila. Ganito magalit ang kaibigan nila. Humarap siya dito. “Why?” Hindi niya maiwasan na magtaas na ng boses dito. Ito ang unang beses na pagtaasan niya ito ng boses. “Why are you doing this, Ice? Bakit mo ba sinisiraan sa akin si Josephine? Wala naman siyang ginagawang masama sa ‘yo para gawin mo ‘yan. I love her and you can’t do nothing about that.” Napatawa ng mapakla si Ice habang naiiling. "You love her, but are you really sure she love you the way you love her? Kasi kung mahal ka talaga niya hindi ka niya lolokohin. Hindi siya makikipaglandian sa ibang lalaki." “Stop it, Ice!” sigaw niya pero hindi natinag ang dalaga. Nagagalit na din siya dito dahil sa mga sinasabi nito. “She won’t cheat on me because she loves me. Hindi niya magagawa ang mga binibintang mo sa kanya. I can see in her eyes that she loves me, so stop this accusation of yours!” “Hindi lahat nang nakikita mo ay totoo, Zaver.” Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Napatiim-bagang si Ice, hindi na natiis ang mainis sa kanya. "Hindi ko siya sinisiraan. Kilala mo ako, Zaver. I am your true friend. Mas matagal tayong may pinagsamahan kaysa sa kanya.” Tumawa ito ng mapakla dahilan para makaramdam siya ng konsensya sa dibdib. May kasama kasing lungkot ang tawa nito. “Alam mo kung anong masakit ngayon? Ang piliing maniwala sa babaeng 'yon kaysa sa akin na kaibigan mo, simula pagkabata. Wala akong ibang gusto, Balley, kung hindi ang kaligayahan niyo. I won’t seat still kapag nakikita kong sinasaktan kayo. Mahalaga kayo sa akin, you know that. All of you.” Turo nito pati sa mga kaibigan nila. “Mga kapatid ko na kayo, eh.” Tumingin ito sa mga mata niya. Nakikita niya ang lungkot dito. “I am so disappointment in you." Umalis ito sa tambayan nila. Napatingin naman siya sa mga kaibigan nila at sabay-sabay na napailing ang mga ito dahil sa nasaksihan. Ngayon niya lang nakita na tingnan siya ng mga kaibigan niya ng nadi-disappoint na tingin. NASA harap ng gate ng University si Zaver kung saan nag-aaral ang nobya niyang si Josephine. Nandito siya ngayon dahil gusto niyang makita ang dalaga. Gusto niyang kahit papaano ay maging magaan ang pakiramdam niya. Nalulungkot siya dahil hanggang ngayon ay hindi pa din sila maayos ng mga kaibigan niya, lalo na ni Ice. Wala din naman siyang gana na pansinin ito lalo na sa mga paratang nito sa kasintahan niya. Mali ba na mas piliin niya ang kaligayahan niya? Bakit ba kasi hindi na lang sila maging masaya para sa kanya? Napatigil siya sa pag-iisip nang makita niya si Josephine na kakalabas lang ng gate kasama ang mga kaibigan nito. Bumaba na siya sa kotse niya. Papalapit na siya dito at tatawagin na sana niya ito nang bigla siyang napatigil. Halos malaglag ang panga niya dahil sa nakita. Ang nobya niya na may kahalikan na ibang lalaki. Hindi niya ito kilala. Nagulat na lang siya sa nakita niya dahil bigla na lang may isang lalaki na lumapit sa nobya niya at hinalikan ito sa labi. Kinikilig pa ang mga kaibigan nito sa ginawa ng dalawa. Paanong nagagawa pa ng mga ito na kiligin gayong alam ng mga ito na may boyfriend ang kaibigan nila? Pagkatapos nang halikan ng dalawa ay magkahawak kamay itong naglakad. Pasakay na sana ito ng kotse nang tawagin niya ang dalaga. Ang inaasahan niyang magiging reaksyon nito ay magugulat kapag nakita siya, pero hindi niya inaasahan na ngingitian pa siya nito. Nakangiti itong lumapit sa kanya. Akmang hahalikan na sana siya nito sa labi pero umiwas siya. Bigla siyang nakaramdam ng pandidiri dito. Pagkatapos nitong halikan ang lalaking ‘yon ay siya naman ang hahalikan nito? Tss! “What’s wrong, Babe?” inosente nitong tanong na akala mo walang ginawang kababalaghan kanina. Iniyakap pa nito ang mga braso sa kanyang batok. Tinanggal niya ito at walang emosyon na tiningnan ang dalaga. “Who is he?” tukoy niya sa lalaking kahalikan nito kanina. “Who?” Napatingin naman ito kung saan siya nakatingin. “Oh, siya ba?” Lumapit sa kanila ang binata at nang makalapit na ito sa kanila ay niyakap ng dalaga ang braso nito saka pinakilala sa kanya. “Si Richard pala, boyfriend ko.” Nagulat siya sa sinabi nito. “Boyfriend? What the hell are you talking about? I am your boyfriend.” Tinuro pa niya ang sarili. Natawa ito sa sinabi niya dahilan para mapakunot-noo siya. “Yeah, you’re right. You’re my boyfriend and Richard also.” Mas lalo siyang nagtaka. “Ganito ‘yan, okay? Richard is my first boyfriend and you are my second boyfriend, gano’n. Well, both of you are,” pag-explain nito sa sitwasyon na akala mo ay gano’n lang kadaling intindihin. Hindi siya makapaniwala sa pinagsasabi nito ngayon. Kung ang ibang babae pa ay gagawa na ng paraan o rason para lang makalusot, para lang hindi mahuli. Ito naman ay lantarang umaamin sa mismong mukha niya. Nalilito niya itong tinitingnan. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito o talagang ayaw niya lang intindihin. Nahihirapan siyang tanggapin ang nangyayari. Niyakap ni Richard ang dalaga saka hinalikan ito sa noo. Napakuyom naman siya ng kamao sa nakikita. “Siya ba ‘yong sinasabi mo na piniperahan mo, Babe?” Mas lalo siyang nalito sa sinabi nito at napabaling sa dalaga. “Ano bang pinagsasabi ng gagong ‘to, Josephine?” Gusto na niyang sutnukin ito pero nagpipigil lang siya ng galit dahil gusto niyang makasiguro sa nangyayari. Is Josephine really cheating on her? For real? Is Ice telling her the truth? “Hindi mo pa rin ba nage-gets ang nangyayari, Dude?” Masama niyang binalingan nang tingin ang binata. “Piniperahan ka lang ng girlfriend ko.” Ngumisi ito dahilan para mapatiim-bagang siya. “Salamat nga pala sa cellphone na binigay mo, ha? Ang ganda.” Tinapik pa siya nito sa balikat niya na akala mo ay magkaibigan sila. Biglang nandilim ang paningin niya at walang pagdadalawang-isip na sinapak ito at binugbog. Hindi na ito nakahigante sa kanya dahil nang matumba ito ay bigla niya itong dinaganan at pagsusuntokin ang mukha nito. KAYA simula nang araw na ‘yon ay pinangako na niya sa sarili na kahit kailan ay hinding-hindi na siya maniniwala at magpapaloko sa mga babaeng bagay ka lang naman kung tingnan at tratuhin. “Zaver?” Bigla siyang nabalik sa ulirat. Hindi niya namalayan na tulala na pala siyang nakatingin sa dalaga habang bumabalik ang memorya niya sa nakaraan. “Is that you?” Hindi makapaniwalang nakatingin ito sa kanya habang may ngiti sa labi. “It’s really you.” May mga kasama itong lalaki at babae. Napatingin siya sa cart nito na puno ng mga can beers at chips. Mukhang nagkakasayahan ang mga ito dahil nagtatawanan pa ito habang nag-uusap kanina. Lumapit ito sa kanya saka niyakap siya na ikinagulat niya. "I miss you, Babe. Ang tagal na din nating hindi nagkita. Kumusta ka na?" Naamoy niya ang alak na mula dito. Mukhang nakainom na din ito dahil sa malumay na mga mata nito. Marahas niyang tinanggal ang kamay nito mula sa pagkakayakap nito sa kanya. Naiinis siya dito dahil kung makayakap ito ay akala mo walang kasalanan na nagawa sa kanya noon. Akala ba nito ay nakalimutan na niya ang lahat? No. Never! Ito ang dahilan kaya siya ganito ngayon kaya kahit kailan ay hindi niya ito makakalimutan. Sinamaan niya ito nang tingin. "Well, I don't miss you, b***h!" Natahimik ang mga kasama nito dahil sa tinawag niya dito. "Ouch!” Humawak ito sa dibdib na tila ba nasaktan sa sinabi niya. As if naman masasaktan ang walang pusong babaeng ito. “Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa akin? Ang tagal na no’n, Babe.” Umikot ang mga mata niya sa pagtawag nito ng babe sa kanya. “Matagal na kaming wala ni Richard and right now, I’m still single. So, just forget about what happen in the past, move on, and let's start over again,” malandi nitong sabi na tila inaakit siya. Akala naman nito na maaakit siya. Never. Yayakapin sana siya nito sa batok niya pero umatras siya. "I'm sorry, pero hindi na ako pumupulot ng mga basura na tinapon ko na dahil hindi naman ako basurero at sa tingin mo ba ay babalik pa ako sa ‘yo, lalo na sa ginawa mo sa akin?” Natawa na lang siya. “You’re dreaming, whore." Sasampalin sana siya nito pero agad niyang nahawakan ang kamay nito. "Wala kang karapatan na sampalin ako. I should be the one who slap you for what you did." Matalim ang tingin na ipinukol niya dito. Binawi agad nito ang kamay nito. Tumawa ito para itago ang hiya na nararamdaman nito. "Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nakakalimutan ang ginawa ko sa 'yo.” Ngumisi ito and he didn’t like her smirk. “Balita ko womanizer ka na daw, dahil ba sa akin?" Tumawa ito na tila ba inaasar siya. "Alam niyo ba, guys, na pinerahan ko ang lalaking 'to?” Tumingin ito sa mga kasama nito saka tumawa. “Damn! Ang dami niyang binagay sa akin. Kahit anong hilingin ko ay handa niyang ibigay maging masaya lang ako.” Muli itong tumingin sa kanya saka ngumisi. “Pero kalaunan ay nagsawa na din ako sa kanya." Napakuyom na lang siya ng kamao. "Damn! Sino pa kayang babae ang papatol sa isang uto-u***g katulad mo?" Tumawa naman ang mga kasama nito. Nagtitinginan na din sa kanila ang ibang mga tao. Gusto niyang sapakin ang bibig ng dalaga para manahimik na ito at hindi na makatawa pero iniisip na lang niya na babae ito at kailangan pa din niyang respitohin kahit pa kalahating hayop ito. "Sayang ang kagwapohan mo, pre, kung uto-uto ka din pala,” sabi ng isang lalaki na kasama ni Josephine. Para siyang binu-bully sa eskwelahan na pinapasukan niya. Napatiim-bagang siya habang mahigpit nang nakakuyom ang kamao niya. Hindi niya hahayaan na gaganitohin na lang siya. Susuntukin na sana niya ang mga ito nang biglang may humalik sa labi niya dahilan para manlaki ang mga mata niya at matahimik na din sina Josephine at ang mga kasama nito sa kakatawan. “Hey, Honey. I’ve been looking for you. What took you so long?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD