Chapter 8

2999 Words
Nasa isang grocery store si Sky para bumili ng ice cream. Hindi niya alam kung bakit naghahanap siya ng ice cream ng ganitong oras. Hindi naman kasi siya mahilig sa ice cream, but right now she was craving for it. Kahit na gabi na ay pumunta talaga siya sa grocery store para lang bumili ng ice cream. Bigla siyang naglaway nang makita ng iba't-ibang uri ng flavor ng ice cream. Damn! Parang gusto niyang bilhin lahat ng flavor at kainin ito ng sabay. Bibili siya ng iba’t-ibang flavor ng ice cream saka ilalagay niya ito sa isang malaking bowl, ime-mix niya at kakainin niya ito. Napakagat-labi siya habang binubuksan ang freezer. Kumuha siya ng iba't-ibang flavor ng ice cream saka inilagay sa cart niya. Malaki ang ngiti niya habang naglalakad papunta sa counter. Magbabayad na siya at wala na siyang iba pangbibilhin dahil ice cream lang naman ang gusto niyang kainin. Napahinto siya nang makitang nagkukumpolan. ang mga tao sa unahan. Napakunot-noo siya at napatanong kung anong meron doon pero napakibit-balikat din. Wala siyang pakialam kung ano man ang nangyayari doon. Ang importante sa kanya ay ang ice cream niya. Aalis na sana siya nang mahagilap ang isang lalaki na nasa gitna ng mga taong nagkukumpolan. Napahinto siya saka tinitigan ng maigi ang lalaki. Gusto niyang makasiguro na kakilala niya ito. Napakunot-noo siya nang makitang si Zaver nga ang binata. Ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking ‘yan diyan? Tanong niya sa sarili. Lumapit siya para malaman kung ano ang nangyayari. Kung kanina ay wala siyang pakialam sa nangyayari, ngayon ay bigla siyang na-curious dahil si Zaver ‘yon. Baka kasi mamaya ay pinag-aawayan na naman ito ng mga babae. Mabuti na ‘yong may makita siya para may pang-asar na naman siya dito kapag nagkita sila ulit. Masarap pa naman itong inisin. "Wala kang karapatan na sampalin ako. I should be the one who slap you." Matalim itong nakatingin sa babae habang hawak ang kamay nito. Tumawa naman ang mga kasama nito dahil sa sinabi ng babae. Bigla siyang nakaramdam ng awa kay Zaver. Hindi niya inaasahan na gano’n ang naging karanasan nito sa piling ng babaeng ‘yon. Napatingin siya sa babae, maganda ito pero mas maganda naman siya. Napapatanong siya sa isip niya kung ito kaya ang dahilan kung bakit naging womanizer ang binata at kung bakit gano'n na lang ito makapagsalita tungkol sa mga babae. "Sayang ang kagwapohan mo, pre, kung uto-uto ka din pala," tumatawang sabi ng kasama nitong lalaki. Bigla siyang nakaramdam ng galit sa mga ito. Lahat naman ng tao ay dumaan sa panloloko, kaya nga ang iba ay hindi na basta-basta naniniwala dahil takot ng magtiwalang muli. At para sa kanya ay hindi dapat pinagtatawanan ang mga naloloko. Naloko lang naman sila dahil nagtiwala sila. Hindi naman nila inaasahan na lolokohin din pala sila ng mga taong pinagkakatiwalaan nila. Napatingin siya sa isang babae at lalaki na nakikitingin din sa nangyayari. Lumapit siya dito. “Hi,” bati niya sa babae. Ngumiti naman ito sa kanya. "Can I borrow your ring?" Napatingin ito sa suot na singsing. "Why?" "You see that guy?" Turo niya kay Zaver na ngayon ay nakayuko at alam niya na ilang segundo na lang ay sasabog na ito sa galit. "He is my friend and that girl is the one who broke his heart. I just wanted to show to that girl that she wastes a man like Zaver." Napangiti ang babae sa sinabi niya at hindi nagdalawang-isip na ipahiram ang singsing nito. Hindi naman siya mukhang magnanakaw sa itsura niya at isa pa kung magnanakaw nga siya ay hindi siya magpapaalam sa babae. Anyway, bakit ba siya nagpapaliwanag? Dumaan siya sa likoran ni Zaver na hanggang ngayon ay nakayuko pa rin. Tss! Parang binu-bully ang binata sa maraming tao. Sa mga oras na ito ay pakiramdam niya ay nawala ang masungit na Zaver na nakilala niya. Lumapit siya kay Zaver mula sa likod nito saka hinalikan ito sa labi. Naisip niyang halikan ito sa labi para mas kapani-paniwala ang pagpapanggap niya. "Hey, Honey. I've been looking for you. What took you so long?" HANGGANG ngayon ay hindi pa din makapaniwala si Zaver na hinalikan siya ni Sky sa labi sa harap ng maraming tao. Ngumisi ito sa kanya saka siya niyakap sa bewang at humarap kina Josephine at sa mga kasama nitong natahimik nang dumating ang dalaga. “Do you know them, Honey?” tanong ng dalaga sa kanya na hanggang ngayon ay tulala pa din siyang nakatingin dito. Palihim na pinisil ni Sky ang kanyang tagiliran kung saan ito nakayakap sa kanya nang hindi siya sumagot. Bigla naman siyang nabalik sa ulirat at napatingin sa dalaga na ngayon ay nakangiti sa kanya ng matamis. Bigla siyang napangiti sa ginawa nito. He knows what she’s doing. Hindi niya napigilan na halikan itong muli sa labi. “Nah, just trash. Don’t mind them.” Aalis na sana sila nang biglang hawakan ni Josephine ang braso ni Sky. “Let go of her,” may diin niyang sabi. Hahawakan na niya sana ito nang pigilan siya ni Sky. “Sino ka ba? Bakit bigla ka na lang sumusulpot dito?” Binitawan ni Josephine ang braso ni Sky saka ngumisi. "Isa ka din ba sa mga babae niya?” Naka-cross arm ito habang may nang-iinsultong ngiti sa labi. “Let me tell you this girl, as an advice na din, niloloko ka lang niya. Hindi talaga siya seryoso sa ‘yo. Isa siyang womanizer. Paglalaruan ka lang niya at lolokohin gaya ng ginagawa niya sa ibang mga babae." “Gaya din ba ng ginawa mo sa kanya?” Tumawa ito na ikinatahimik ni Josephine. Bigla itong napahiya. Taas-noong tiningnan ng dalaga ang kausap. “Well, let me tell you this too, woman. Can you see this?” Pinakita nito ang engagement ring na suot nito. Hindi niya alam kung saan nanggaling ang engagement ring na ‘yon. “Of course you can see it because you have two red eyes.” Napakagat-labi siya sa sinabi ni Sky, pinipigilan niya ang matawa. Medyo namumula na kasi ang mga mata ni Josephine dahil siguro nakainom na ito. “If you didn't see it clear. He is engaged with me, in other word, we're getting married. Kaya hindi ako isa sa mga babae niya. He is a womanizer, before he met me. Maybe he becomes what he is before because of you, but I am the reason why he changes right now. Isn’t that great?” Hindi agad nakasagot si Josephine, pero sa pagkakakilala niya dito ay hindi ito basta-basta magpapatalo. At tama nga siya nang ngumisi ulit ito. “Alam mo ba na ako ang nauna diyan sa fiancee mo?” may pang-iinis nitong sabi. “Shut up, Josephine!” Hindi na din niya mapigilan na magtaas ng boses. “Bakit, Zaver? Ayaw mo bang malaman ng fiancee mo ang nakaraan natin?” Sinamaan niya ito nang tingin saka bumaling kay Sky na hindi na nakaimik. “Yes, Miss. We had s*x many times before. Hindi ko alam na pumupulot ka pala ng basura na tinapon ko na at pinagsawaan. Ha! Hindi ko akalain na basurera ka pala.” Tumawa ito. “I told you to shut up!” Hinawakan niya ito ng mahigpit sa braso. Hindi niya maaatim na pagsasalitaan lang nito ng masama si Sky. Alam niyang tinulungan lang siya ng dalaga at ayaw niyang nadadamay ito sa sarili niyang gulo na dapat siya lang ang kasali. “Bakit? Natatakot ka ba na kapag nalaman niya ang nakaraan natin ay hihiwalayan ka niya? Kung gano’n nga ang gagawin niya ay hindi ka talaga niya totoong mahal.” Biglang may kumurot sa puso niya. Alam niyang hindi naman talaga siya mahal ng dalaga pero bakit bigla siyang nasaktan nang marinig ito? "You!" Napatingin siya kay Sky nang hawakan nito ang braso niya saka kinuha ang kamay niya na nakahawakn sa braso ni Josephine. Nagulat siya nang kumuha ng alcohol sa malapitan ang dalaga. Binuksan ito saka nilagyan ang kamay niya. “How many times do I have told you, Honey? Don't touch any dirty things." Sabay tingin nito kay Josephine. Hindi niya alam kung matatawa ba siya dahil sa sinabi nito o dahil sa inosenteng mukha na pinapakita nito. Ngumiti ang dalaga habang nakaharap sa babae. “I don’t f*****g care kung ikaw man ang nauna sa kanya o pangalawa, the hell I care. I still accept him for what he is. He is not a trash. You are the trash for being so proud of yourself after what you have done. Nakakapagpa-proud pala sa sarili na may niloko ka? I never know that. Tinanong mo kanina kung may tatanggap ba sa kanya kahit na uto-uto siya, my answer is yes. I accept him no matter what he is because that is love. If you truly love someone, you will love all his flaws. Eh, ikaw? May tatanggap pa ba sa isang manloloko at isang maduming babae na kagaya mo?” Namula sa inis si Josephine sa sinabi ni Sky pero wala itong nagawa dahil pinagtitinginan na siya ng ibang tao. "See this man, the one that you fooled?” Hinawakan ni Sky ang kwelyo niya dahilan para magulat siya. Nanlaki ang mga mata niya nang halikan siya nito sa labi. Naghiyawan ang mga tao sa loob ng grocery store dahil sa ginawa nito. "Is my man now." Kinindatan siya nito saka hinila siya palayo doon. Nakatingin siya sa kamay ni Sky na nakahawak sa kamay niya ngayon. Hanggang ngayon ay hindi pa din siya makapaniwala sa ginawa ni Sky. Pinagtanggol lang naman siya nito sa kahihiyan na dulot ng ex-girlfriend niya. Hindi niya namalayan na nakangiti na pala siya. Huminto sila sa harap ng isang babae at lalaki. Tinanggal ni Sky ang engagement ring sa suot nito kanina saka ibinigay sa babae. “Salamat nga pala sa pagpapahiram mo sa akin ng singsing mo. Thank you for trusting me kahit pa hindi mo ako kilala.” “Ayos lang. Ang astig mo nga do’n, eh. That b***h deserve it.” Napakamot na lang sa batok ang dalaga. Tumingin sa kanya ang kasama nitong lalaki. “Keep this woman. Dude. She’s amazing.” Hindi na siya nakasagot dito dahil nagpaalam na sa kanila si Sky saka tuluyan na siyang hinila papalabas ng grocery store. Nang nasa parking lot na sila ay doon lang nito binitawan ang kamay niya. “Sige. Aalis na ako. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo.” “Sky.” Napalingon ito sa kanya. “Gusto mong kumain?” Wala na siyang iba pangmaisip na idadahilan para manatili muna ang dalaga at huwag munang umalis. “Nang ice cream?” Nagulat siya sa sinabi nito. Sa dinami-dami ba naman ng kakainin nito ay ice cream pa? “Yeah.” Sa paligay niya ay kailangan niyang pumayag dahil pakiramdam niya kapag hindi ay hindi ito sasama sa kanya at tuluyan na talaga itong aalis. “Okay.” Napailing na lang siya. Ang plano talaga niya ay ilibre ito ng dinner sa isang mamahaling restaurant bilang pasasalamat na din sa pagtulong nito sa kanya, pero hindi niya inaasahan na simpleng ice cream lang pala ang gusto nito. NASA labas ng isang convenience store sina Zaver at Sky. Pagkatapos na bumili nila ng ice cream ay tumambay muna sila sa harap ng kotse ng binata. Nagtataka siya dahil tatlo na ang nakakain ng dalaga, pero binalewala na lang niya ito. “Matanong ko lang, sino ba ang babaeng ‘yon kanina?” Hindi niya maiwasan na matawa sa tanong nito. Tinulungan siya nito kanina pero hindi naman pala nito alam ang nangyayari. But still, he was grateful for what she did. “Si Josephine, ang first girlfriend ko. Ang babaeng minahal, seneryoso ko, pero niloko ako. She was my first heart break.” “Ang babaeng ‘yon?” Hindi makapaniwalang tanong nito. “Ang pangit naman no’n.” Muli na naman siyang natawa sa sinabi nito. Damn this woman! She really never failed to surprise him. Sandali lang silang nagkakilala nito, hindi naman sila gano’n ka-close pero tinulungan pa din siya nito. Kung hindi ito dumating kanina ay baka nakipagsuntukan na siya sa lalaking ‘yon. Baka nagkagulo na sa grocery store kanina. “Mas maganda siya noon. Ewan ko ba kung bakit naging gano’n ang itsura no’n.” Naiiling na lang siya. “At sa tingin mo ba, papatol ako sa hindi maganda? Of course not. Sa gwapo kong ‘to.” Napangiwi naman ang dalaga. “Ang hangin mo. Dahan-dahan sa pagiging mahangin at baka matangay ako.” Ngumisi siya dito. “Totoo naman, eh.” Ikweninto niya sa dalaga kung ano talaga ang nangyari sa kanila noon ng ex-girlfriend niya. Napapailing na lang ang dalaga habang nakikinig. Iniisip siguro nito kung gaano siya katanga noon. Kung bakit mas pinili niyang maniwala sa babaeng ‘yon kaysa sa kaibigan niya. Mabuti na lang at napatawad siya ng mga kaibigan niya, lalo na ni Ice sa nagawa niya. Mas napatunayan niyang mahal na mahal talaga siya ng kaibigan dahil nang mga panahon na lugmok na lugmok siya dahil sa nangyari ay dinamayan siya nito at hindi iniwan. “Ang tanga ko, ‘di ba?” “Parang gano’n na nga.” Natawa siya. “Aray naman! Talagang hindi mo pinagaan ang pakiramdam ko.” “Totoo naman kasi.” Sinamaan niya ito nang tingin. Kung kanina ay nababaitan siya dahil sa ginawa nito, ngayon ay hindi naman. “Pero nagmahal ka lang naman, eh.” Bigla siyang napatitig dito. “At walang masama sa nagawa mo. Binigay mo naman ang lahat, ginawa ang lahat para maging masaya siya. Tanga ka kasi hindi mo napansin na niloloko ka na pala niya, pero hindi ibig sabihin ay dapat nang pagtawanan ang nangyari sa ‘yo. “Dapat nga ay hindi ka mahiya dahil wala ka namang ginawang mali. Siya ang may ginawang masama, siya ang nanloko, ang nanggamit kaya siya ang dapat mahiya,” dagdag pa ito. Biglang sumama ang mukha nito. “Ang kapal naman pala ng mukha niya para tawagin kang basura, eh, sa totoo naman ay siya itong basura.” Napapailing ito saka siya nginiwian. “Huwag mo nang iiyakan ang mga gano’ng mga babae. They are not worth it.” “Isang beses ko lang iniyakan ‘yon, no.” “Mabuti na ‘yong malinaw. Dahil kapag nalaman ko na iniiyakan mo pa din ‘yon… Ay, tanga ka na talaga.” “Ang sakit mo magsalita.” Nagkibit-balikat ito dahilan para mapailing siya. “Anyway, ano nga pa lang ginagawa mo sa grocery store kanina?” “Maliligo siguro.” Sinamaan niya ito nang tingin dahilan para matawa ito. “Ito naman, ang seryoso mo.” “Eh, sa nagtatanong ako ng maayos tapos ganyan ang isasagot mo.” Tumawa ulit ito na ikinailing niya. Mas maiinis lang siya dito kaya naman huminga siya ng malalim. Kapag talaga ito ang kasama niya ay kailangan niya ng mahabang pasensya. “Bibili sana ako ng ice cream kanina. Magbabayad na sana ako kasi nakita ko ang mga tao na parang may pinagkakagulohan. Hindi ko na sana papansinin pero nakita kita kayo ayon.” Nginisihan siya nito. “Alam mo bang kawawa kang tingnan kanina. Para kang nerd na binu-bully sa school.” “Tsk! Nerd mo mukha mo. Sa gwapo kong ‘to.” Nailing na lang ang dalaga. “Kung hindi ka nga lang dumating kanina ay baka nasuntok ko na ang pangit na mukha ng gagong ‘yon, eh.” “Kaya nga dumating ako dahil ayaw kitang mapahamak.” Biglang bimilis ang t***k ng puso niya dahil sa sinabi nito. Ito pa lang kasi ang babaeng nagtanggol sa kanya at ayaw siyang mapahamak. Napatingin siya dito ng itapon na nito sa basurahan ang plastic ng ice cream. “Mauna na ako sa ‘yo. Salamat sa ice cream.” Bigla siyang napatayo ng matuwid. “Teka, saan ka pupunta?” Nilapitan niya ito. “Uuwi na.” “Kaagad?” Kumunot ang noo nito. “Anong kaagad? Eh, kanina pa kaya tayo magkasama. Kita mo, oh?” Pinakita nito ang relong pambisig nito. “Alas-dyes y medya na. Baka hinahanap na ako sa amin kaya mauuna na ako sa ‘yo.” Tumalikod na ito, pero bago pa ito makalayo sa kanya ay hinawakan niya ito sa kamay para mapatigil ito sa akmang paglalakad nito. Hindi niya alam kung anong meron sa sarili niya at ayaw niyang umalis ang dalaga. Parang gusto pa niya itong makasama. “Ihahatid na kita.” “Bakit?” Magkasalubong ang dalawa nitong kilay. “Bilang pasasalamat sa ginawa mo kanina.” “Huwag na. Nilibre mo na ako ng ice cream kaya okay na ‘yon sa akin.” Tinapik-tapik nito ang kanyang balikat. “Hindi din naman ako humihingi ng kapalit sa nagawa ko kanina.” Aalis na sana ulit ito, pero muli ko siyang pinigilan. “Sige na. Pumayag ka na. Baka ano pa mangyari sa ‘yo pauwi. Babae ka pa naman tapos gabi na. Baka mapagtripan ka.” “Kaya ko ang sarili ko, Zaver.” “Please?” Kulang na lang ay lumuhod siya sa harapan nito para lang pumayag ito na magpahatid sa kanya. Magkasalubong pa din ang dalawa nitong kilay at saka tinitigan ako ng seryoso. “Kaya ko ang sarili ko, okay? Hindi ako isang mahinang babae na kailangan ihatid ng isang lalaki.” Hinawakan nito ang kamay niya saka pinabitaw mula sa pagkakahawak niya dito. “Huwag kang masyadong madikit sa akin, baka ka mahulog. Wala pa naman akong balak na saluhin ka. Masasaktan ka lang.” Hindi na niya napigilan ito sa tuluyan nitong pag-alis dahil natulala siya sa sinabi nito. Mahulog? Siya? Ang ibig ba nitong sabihin ay baka ma-in love siya dito? Napailing-iling na lang siya at natawa. Imposible. Malaking imposible ‘yon dahil pinangako niya sa sarili niya na hindi siya basta-basta mahuhulog ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD