Chapter 6

2411 Words
Araw ngayon ng kasal namin ni Diego, sobra akong ninenerbyos para mamaya. Nandito kami sa isang lugar kung saan ako inaayusan ng mga bakla. Madaming nagtaka sa pagpayag kong ito, at gumimbal sa buong barangay namin. Hindi naman talaga ko papayag sa ganitong set up eh kaso nga lang sadyang mahabagin lang talaga ang damdamin ko sa mga taong nangangailangan ng tulong. Flashback Masyado na kong tinanghali ng gising kanina kaya late na ko sa first subject ko, pano naman kasi si tatay kagabi nag tantrums siya at nawala na naman kagabi kaya pinaghahanap pa namin ni Balong. Pero nabigla ako na ang nakakita sa kaniya si Diego, galing pala sa bahay namin siya at nalaman niya daw kay nanay Merlyn na nawawala si tatay kaya agad daw niyang pinahanap sa mga kakilala niya. Nagpasalamat naman din ako sa kaniya dahil hindi naman niya obligasyon si tatay para hanapin niya. Nagmadali akong tumawid papuntang school nang may pumaradang isang sasakyan sa harapan ko. "Good morning Alex." Nakangiting sabi nya habang bumaba ng sasakyan. Umiwas na agad ako, binalewala ko siya at agad pumasok na ko ng gate, pero nagulat ako nang nasundan niya ko sa loob. Hinawakan niya ko bigla sa braso saka pinagharap sa kaniya. "Please naman Alex. Please help me naman oh?" Gosh pati ba naman dito sa loob ng school. Nakakahiya pinagtitinginan na nga kami ng mga ibang estudyante. Buti na lang nag ring na ang bell kaya napabitaw siya sa hawak ko at mabilis akong tumakbo para makalayo na sa kaniya. "Alexandra may new teacher daw tayo ngayon." Pwede ba yun, ngayong araw lang? Tinanguan ko na lang dahil wala naman sakin kung sino maging teacher namin, ang mahalaga nag aaral ako ng mabuti. Nagrereview kasi ako para sa exam namin next week. "Good morning class." Napahinto ako sa pagre-review dahil sa narinig kong boses. Parang kilala ko kung sino yung nagsasalita ahh. Pag tingin ko halos muntikan na kong malaglag sa inuupuan ko. Napatingin lahat sakin ng mga kaklase ko maging siya din. Sa sobrang hiya bigla akong umayos nang upo at yumuko. "I'm your new teacher for today or maybe next day?" Nagtilian yung mga malalantod kong kaklase. Hindi mo naman masisi gwapo din talaga siya para syang artista mas gwapo pa dun. "Until my fiance, say yes." Napaubo ako sa sinabi niya kaya lahat napatingin ulit sakin at pati ulit siya napatingin. Napa smirk pa ang bwisit. "A-Ang alikabok naman kasi! Masyado din mainit kaya inubo ako." Palusot ko sa kanila kasi yung mga babae ang sama na ng tingin sakin, siguro tingin nila nagpapansin ako. Nagsimula na kami mag klase. Ang talino niya grabe, nakakamangha. Ang galing niyang magturo kaso naiilang ako sa tingin niya. May pinagawa din siya saming exam ng ipapasa ko na yun at papunta na sa harapan nadapa ako kaya yun bagsak ang mukha ko sa sahig. Medyo nahilo din ako dahil sa pagod siguro at grabe ang pagkakabagsak ko talaga, kaya hindi ako makatayo agad. Nagtawanan silang lahat wala kasi si Bestie kaya wala akong kakampi. Nagulat ako ng may lumahad na kamay sa harapan ko hindi ko alam kung hahawakan ko ba o wag na lang. Kasi ang daming nakatingin, nakakahiya. "Sir hayaan niyo po yan, mahirap lang yan. Kaya lang po yan nakapasok dahil sa scholarship." Sabi nang classmate kong babaeng gumanda lang dahil sa makapal na makeup. "True sir! Hindi natin sya ka level poor girl." Sabi naman nang classmate kong lumaklak nang isang boteng glutha. Lahat ng classmate ko ay nasalita na parang isang malaking kasalanan ang pagiging mahirap. Kung ppwede lang talagang pagsasapakin to ginwa ko na. Pero ayokong mawalan ng scholar at saka baka mawala pa ko sa school na to. Naiiyak na ko pero di ko pinakita sa kanila dahil baka sa susunod gawin nila ulit ito. Mas lalo kong kinagulat nang wala na sa sahig ang katawan ko. Nasa mga bisig na pala ako ni Diego. Napatingin ako sa kaniya at nginitian niya ko na nagpapahiwatig na ayos lang ang lahat. Dinala niya ko sa clinic na kinagulat ng nurse na nakatingin samin. "Don't staring at us Melanie. I'm not Nilo. Gamutin mo na lang ang mga bruises ng fiance ko. " Parang inis siya sa kausap tumango lamang ito at ibinaba ako sa kama, may tumawag sa cellphone nya, agad din naman niya itong sinagot dahil mukhang importante. "I'm here at the clinic sa school niya po , yeah she's okay now, Okay mom, Yeah I know." Inoff nya na ang cellphone at tiningnan ako ng may pag alala, mommy pala niya ang tumawag. Lumapit siya samin at kinuha nya sa nurse yung ice bag. At siya ang nagdampi sa bukol ko, nakatingin siya sakin, sobrang napakalapit ang kanyang mukha kaya naiilang ako. "Dahan dahan naman ang sakit eh." Sabay iwas ko nang tingin sa kanya. Dahil hindi ako sanay sa mga ganiyang tinginan. Bigla siyang natawa kaya naman napa kunot ang noo ako. "Bakit hindi ka lumaban sa mga classmates mo? Nasaan ba yung babaeng kayang makipag sapakan sa mga snatchers at makipagsigawan sa gwapong tulad ko?" Natawa ako sa sinabi niya minsan talaga ang yabang nito. "Hindi ko sila pwedeng labanan. Kung gusto kong tumagal dito sa school kailangan kong tumahimik. Ayokong masayang lang lahat ng paghihirap ko noh." Paliwanag ko sa kanya at tumango lang siya. Napatingin kami parehas nang bumukas ang pinto. Parehas kaming nagulat nang dumating ang mga magulang niya na may mga dalang prutas. "What happened iha? Okay ka na ba? Kamusta ang pakiramdam mo? Diego baka kailangan niyang madala sa malaking hospital? " Medyo natatawa ako sa reaksyon niya kasi alalang alala talaga siya sakin mula ulo hanggang paa ko. Tumingin ako kay Diego na natatawa. "Pinipigilan ko yang Mommy niyo, lna pumunta dito, she's very stubborn and sobrang paranoid. Worried daw siya kay Alex halos mabangga na nga kami sa bilis niya mag drive." Natatawang sabi ng Daddy ni Diego. Grabe parang ang sarap sa feeling na magkaroon ng mommy. "Ikaw ang nagmaneho mom?" Kunot noong tanong ni Diego sa mommy at tumango lang ito sa kaniya. "Okay na po ako. Nadapa lang naman po ako salamat." Sabi ko sa mommy ni Diego at hinaplos nya ang aking buhok. "Next time iha, be careful okay." Tumango lang ako, ilang oras din na nagtagal ako sa clinic bago ako pinalabas. Umuwi na ang daddy at mommy niya kalga pa rin niya ko hanggang sa kotse. Sinabi ko nang kaya ko nang maglakad pero makulit ang mommy ni Diego na magpabuhat na lang daw ako sa macho niyang anak. Sus kaya pla lumalaking hambog to eh dahil pinaplaki nila ang ulo! Sa sobrang kulit kaya pumayag na din ako nang makauwi na. Nasa kotse na kami. Nakatingin lamang ako sa labas ng bintana. Napakatahimik naming dalawa at walang kahit anong ingay ang maririnig sa loob ng sasakyan. Sa totoo lang nahihiya kasi ako sa kanya. "Ahmm." Sabay naming basag sa katahimikan. "May sasabihin ka?" Sabay ulit naming sabi parehas pa kaming natawa. "Meron." sabay ulit. Napailing kaming dalawa nang nakangiti. "Mauna ka na." sabi ko at tumango naman sya. "Alex about to my proposal. Just forget about that, okay na sakin kung ayaw mo." Sabi ni Diego na kinagulat ko pero halata sa kaniyang mukha ang namomroblema. Pero ewan ko ba bakit nalungkot ang pakiramdam ko sa sinabi niya, bakit parang mas gusto kong nag please nanlang siya ulit. Tumango lang ako at ibinalik sa labas ang tingin ko ulit. " How about you? What do you want to say?" Sabi niya na napatingin ako at nakatingin pala sya sakin. "P-pumapayag na kasi ako. Kahit walang bayad. Okay lang sakin mabait ka naman pati parents mo. Hindi ko alam kung anong rason mo para pilitin sakin ang kasal na yan. Pero handa akong tulungan ka." Hininto niya sa tabi ang sasakyan na kinagulat ko. "Really!?" Tuwang tuwa niyang reaksyon na parang bata, kaya natuwa din ako sa reaksyon niya. End of flashback Sa totoo lang hindi ko alam kung ano tong pinasukan ko. Mamayang konting oras magiging Madrigal na ko. Isa na kong Misis na kahit sa panaginip hindi ko pa pinangarap. Bahala na nga makatulong lang ako sa kanya gaya nang pagtulong niya saming mag ama. Sa loob ng isang linggo ang dami niyang naibigay samin ni Tatay, pati ang bahay namin pinagaganda nila ngayon, dinamay na din nila sila nanay Merlyn na naging nanay ko naman daw sa loob ng maraming taon, para komportable daw si tatay doon. May sariling nurse na din si tatay na nag-aalaga sa kaniya. Hindi na rin natuloy yung engagement party dahil sa pagmamadali ng mommy ni Diego. "Ma'am kailangan na po kayong ayusan." Sabi sakin ng makeup artist at tinanguan ko lang siya. Pagkatapos nila akong inayusan sinuot na nila sakin ang gown ko napakaganda nito grabe. Parang hindi bagay sakin ang ganitong kasuotan. " Maam look at yourself. Para po kayong isang prinsesa sabagay mamaya isang ka ng Reyna!" Kinuha niya ang whole body mirror at nilagay sa harap ko. Nagulat ako sa nakita ko, ako ba talaga ito? "I want to see my future daughter in law." Narinig ko ang masayang boses ng mommy ni Diego mula sa labas. "You're so beautiful anak! Siguradong magugulat si Diego niyan at magagandahan sa pakakasalan niya kasi sobrang ganda mo talaga!" Sabi niya sakin na sobrang mas excited pa siya, samantalang ako sobrang kinakabahan talaga ako. Lalo na nang sabihin ng wedding coordinator na mag sstart na. Para akong hihimatayin sa kaba pero kailangan kong kumalma! Sa paglalakad ko na nagmadali natanggal ang isang sapatos ko. Jusko pa naman talaga! Nang kukunin ko ay may nakasipa hay! Ano ba yan?! Hinahanap ko ang sapatos ko pero hindi ko talaga mahanap. "Maam halika na po. Kayo na lang po ang hinihintay." Tumango ako, pero ang mga mata ko eh nasa sahig at naghahanap, bwisit bahala na nga! Huminga ako ng malalim. Nag start ng tumugtog ang music nasa gilid ko si tatay kahit may sakit siya na paka gwapo pa din niya, sa kabila naman ay si Nanay Merlyn. Nagmartsa na ang lahat, kinakabahan ako dahil malamang mahihirapan ako maglakad nito dahil sa wala ang isa kong sapatos. "Anak bakit ganyan ang lakad mo may pilay ka ba?" Sabi ni Nanay Merlin sakin nang mapansin na nga niya. "Ahm. Wala po to Nay." Nang palapit na kami nakita ko agad ang lalaking makakasama ko sa harap ng altar. Hindi ko alam kung sino talaga siya at kung anong klaseng pagkatao meron siya. Basta ang alam ko lang kailangan niya ang tulong ko sa hindi ko alam ang dahilan. Pag dating namin sa harapan nila Diego nagmano siya sa tatay ko at kay Nanay Merlyn. Ganon din ang ginawa ko sa mga magulang niya ngayon lang ako nakakita nang ganitong lalaki na alam kung pano gumalang. Habang naglalakad kami sa altar kinalga niya ko, na ikinagulat ko at nang lahat ng bisita. Ang mga iba naman ay naghihiyawan pa, dahil sa kilig na nasasaksihan nila at ang mga barkada niya. Pero pagdating namin sa altar nagulat ulit ako nang lumuhod siya. Kinuha niya ang isang paa ko na walang suot na sapatos. Pinagpagan niya yun at sinuot ang sapatos sa paa ko. Buti nakita niya! "You're so beautiful." Nagulat ako sa sinabi niya. Totoo bang nagandahan siya sakin? Natapos na lahat nang seremonyas ng kasal. Nandito na kami sa part na ayaw ko sana, " ang kiss the bride" Grabe kinakabahan ako first time ko kasi to na halikan. Hinawi niya ang belo ko kaya mas malinaw na ang napaka gwapo niyang mukha sa paningin ko. Napalunok ako nang palapit na ang mukha niya. Bakit parang siya walang takot sa mukha niya? Parang sanay na sanay, napaatras ako ng konti ng malapit na ang mukha niya sakin. "Don't worry, it's just a kiss." Ngiting sabi niya at dumampi ang labi nya sa labi ko. Akala ko hanggang dampi lang ang gagawin nya. Pero nagulat ako nang muli niya ulit siniil ang labi ko at tumagal ang halik niyang yon, na nabigla ako sa sarili kong nagrespond sa halik niya. Hindi ko alam kung bakit, pero ang sarap sa pakiramdam. Napahinto lang kami nang may nagpalakpakan na mga tao sa harap namin at nag hihiyawan ang mga kaibigan niya. "Putcha Diego! Sabi kiss the bride lang! Hindi i manyak ang bride." Walang humpay kakatawa at pang aasar si Nilo, nakita kong sinaway siya nang katabi niyang babae na napaka ganda. Medyo may edad na siya na parang ka edaran ng mommy ni Diego. Nakita kong tumingin sya nang nakangiti sakin pero napansin kong ang mga kamao nya ay parang inis o galit. Pagkatapos ng simbahan dumiretso na kami sa reception. Ang daming bisita pero hindi lahat kilala ko. Malamang ka business partner niya. Nakaupo lang ako sa harapan na itinuro samin ng coordinator. Dahil hindi naman ako sanay sa mga ganitong ka sosyal na party si Diego na lang ang pinagkibot libot ko at sinabi ko na ang na medyo nahilo ako sa dami ng tao. Pero nagulat ako nang may nahagip ako sa paningin kong isang babae na masama ang tingin sakin. Kaya medyo kinabahan ako sa mga titig niya, pumunta ako ng rest room para mawala yung kaba ko at mahimasmasan din ako, baka kasi nagkakamali lang ako nang tingin sa babae. Pagdating ko dun sinundan pala niya ako. Nakatingin sya sakin sa salamin. Kung makatingin siya ay parang kulang na lang, saktan ako dahil puno nang galit ang mukha. Ngayon lang ako kinabahan nang ganito. "May kailangan po kayo sakin? " Hindi ko pinakita sa kanya ang kaba ko, ngumiti sya ng naiinis at panuya. "Nothing darling, Sa susunod na pagkikita natin baka pagbabayarin kita. For hurting my daughter's heart. Ang ganda talaga ng taste ni Diego sa mga babae, your beautiful by the way. " Umalis na siya agad. Bigla akong natulala sa sinabi niya na may halong kaba. Nang mahimasmasan na ko, agad akong lumabas ng banyo. Nakita ko si Diego na mukhang nag- aabang sa pag labas ko. Hindi ko alam kung bakit nawala ang takot ko nang makita ko siya. "You are here! Kanina pa kita hinahanap ah! " May tuwa sa boses niya nang nakita ako. Bigla ko siyang niyakap nang mahigpit na ikinagulat niya mas lalo akong naging kalmado at nararamdaman kong ligtas ako. Maya maya ay ginantihan niya din ako nang yakap mas lalong kinatuwa ng puso ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD