Chapter 7

1833 Words
Diego POV Araw na ng kasal namin. s**t! Hindi ko alam kung ano ba tong pinasok ko? Alam kong di tama pero kailangan! Ayokong ako ang unang sumuko sa relasyon namin ni Samantha. I love her pero sinagad niya ang kabaitan ko sa kaniya. Pero nakakaramdam ako ng konsensya para kay Alex. "Bro. Are you sure about this? Wala na bang makakapag bago ng desiyon mong mukhang hindi mo kasi to ponag isipang gago ka?!" Umiling lang ako kay Nilo na nag aayos ng coat niya sa kabilang salamin, dahil wala akong ganang magsalita. Yong totoo gumugulo sa isip ko si Samantha na dapat kasi siya ang nandito. Na siya ang kasama kong haharap sa altar. At sinasabayan naman yun ng malaking konsensya para kay Alex dahil parang inagawan ko siya ng isang bagay na deserve niya basta ganon. "Bro mahirap tong pinasok mo pwedeng masaktan si Alex sa pinapagawa mo sa kaniya, dalaga siya at halatang wala pang experience ata kahit sa pagkakaroon ng syota gago ka! at di malabong ma in love sa kanya papano si Samantha mo?" Napatingin ako sa kanya at tumawa ng matipid. "Bro ganon ba kababaw ang pagtingin mo sakin na mamahalin ko si Alex? kaya nga siya ang napili ko dahil safe ako sa kaniya. To think na magkaka gusto ako sa mukha pang lalaki sakin? At Bakit naman siya masasaktan? Parte to nang pagtulong niya sakin at papalita ko yun nang big time." Sabi ko sa kaniya para manahimik lang at saka niya ko tinapik sa balikat. "Okay Bro. We will always here to support you kahit na bobo ka. " Nag fist bomb lang kami pagkatapos ng cheesy niyang banatan. "I know ofcourse. Thank you Bro." Sabi ko sa kanya dahil sa totoo lang sila lang ang sandalan ko bukod sa pamilya ko pati si Samantha. "Sir. mag sstart na po ang kasal." Sabi ng wedding organizer samin saka tinanguan ko. Paglabas ko nakita ko ang family ko na naghihintay sa labas. "Son congrats!" Sabi ni dad sakin na medyo may konting bakas ng luha kung alam niyo lang na isang malaking drama lang ang lahat ng ito, malamang iiyak talaga sila sa galit sakin. "Kuya maging good husband ka kay ate Alex ah?!" Sabi ng kapatid ko sakin na talagang nag aalala. Natawa ako sa kanya pero niyakap niya ako nang mahigpit saka umiyak. Mas lalo niyo lang nadadagdagan ang nararamdaman kong konsensya. Lumapit sakin si mommy at inayos ang suot kong tie. "Ang pogi naman ng baby boy ko dati lang ako lang ang love mo ngayon ibang girl na." Sabay kiss ni mommy sa pisngi ko tapos may binulong sya sakin na ikinatawa ko. " Son sipagan mong gumawa ng apo ko." At nag pout pa ng lips na parang bata si mommy. I love my mommy so much at niyakap ko siya pero pag dating sa request niya sobrang malabo yun dahil si Samantha ang pangarap kong magiging nanay ng mga anak ko balang araw. Nagpunta na kami sa may entrance ng church. Kami daw mauuna sa pag lakad papuntang harapan. But i need to pee na talaga ngayon pa talaga. Kaya nag paalam muna ko saglit. Nang pabalik na ko may nasipa akong isang sapatos at alam ko kung kanino to. Ibibigay ko na dapat sa wedding organizer para ibigay kay Alex pero nawala siya at di ko na makita. Pupunta dapat ako kay Alex pero pinigilan ako ni Mommy dahil mag start na daw talaga at wag na ko kung san san pumupunta. Kaya tinago ko na lang sa likod ng slacks ko. Nag umpisa na tumunog ang music. Hindi ko alam kung bakit may kaba o nerbyos akong nararamdaman. Ganito ba talaga kapag ikakasal? Kung si Sam ba ang alam kong kasama ko sa altar ganitong kabado din ba ang mararamdaman ko? Naglakad na kami nila dad at mom sa harapan. Nakakainip siguro ganito talaga pakiramdam ng mga chinese na ikakasal sa taong di nila mahal! Bawat mga abay namin ay nasipagmartsahan na din. Lahat nang bisita ay napatayo dahil isa na lang ang hinihintay, wala naman akong ganang tingnan o pasadahan man lang sana ng tingin. Dahil iba ang gusto kong makita At makasama dito, kaya minabuti kong tumingin na lamang ako sa altar at humigi ng tawad sa kaniya dahil sa malaking kasinungalingan na nagaganap ngayon. Narinig kong nag bubulungan sila Vince Jeric at Luc pero binalewala ko. Napalingon ako nang kinalabit ako ni Nilo. " Bro kung ayaw mo sa bride pwede akin na lang? " Nasa likod ko kasi yung apat kaya rinig ko yung tawa nila. Kumunot noo na lang ako sa mga reaksyon nilang nakaka bwisit. Na curious ako dahil kung purihin nila si Alex eh parang akala mo naman! Kaya tiningnan ko ang papalapit na bride samin, medyo nanghina ang binti ko medyo natumba ako buti na lang nasalo pa ko ng tatlo at natawa sila sa naging reaksyon ko. Wow she's beautiful. Siya ba talaga si Alex? Totoo ba tong nakikita ko o guni guni lang? Napaka angelic face niya parang hindi sya si Alex talaga sobrang ganda niya. "Bro baka matunaw yan sa tingin mo." Tumawa silang lahat. At hindi ko namalayan na nasa tapat na namin sila. Nagmano ako sa tatay niya, maging si Alex ay ganon din ang ginawa. Saka kinuha ko ang kamay ni Alex habang nakatingin sa kanya. Nahalata kong hirap siyang naglalakad. Oo nga pala na sakin yung sapatos niya. Binuhat ko siya para hindi na siya mahirapan bakas sa mukha niya ang pagkagulat. Pero mas lalo pa siyang nagulat ng lumuhod ako at sinuot ko ang sapatos niya sa kaniyang paa. "Sobrang ganda mo talaga ngayon." Pero mas nagulat ako sa pag puri ko sa kanya. Bakit ko ba sinabi yun nakakahiya, baka isipin niyang May gusto ako sa kaniya! Natapos na ang seremonyas eto na yung part ng I kiss my bride. I don't know why pero yung excitement ko na mahalikan siya, ramdam na ramdam ko. Inalis ko ang belo niya na natatakpan ang kaniyang magandang mukha. Napatingin ako sa mga labi niyang mapula na parang nang aakit. Nang palapit na ang labi ko sa kanya ay bigla syang napaatras. Natawa ako sa naging reaksyon niya dahil alam kong hindi siya sanay. Kaya bumulong ako sa kaniya para maging kalmado lang siya. Tumango siya sakin na nagpapahiwatig na pumapayag na siya. Dampi lang talaga ang balak ko pero hindi ko alam kung bakit hindi nakontento ang labi kong parangay hinahanap pang maramdaman. Hinalikan ko siya nang malalim at ewan ang sarap sa pakiramdam. Lalo na nang naramdaman ko ang inosenteng pagsagot nya sa halik ko. Napatigil na lang kami dahil sa hiyawan at ang gagong Nilo na to nakisabat pa. Nakita kong namula ang kaniyang mga pisngi. Nginitian ko siya dahil sa tuwang naramdaman ko. Pero naisip ko na lang bigla na dapat hindi ko to maramdaman. Mali to! Nasa reception na kami. Lahat ng bisita namin ay magiliw kaming binabati nasa tabi ko lang si Alex, lahat nagagandahan sa kaniya, pero kasi ang ganda naman niya talaga sobra Pero biglang nawala sa tabi ko si Alex at nakita ko siyang umupo sa harapan dahil don kami pinapwesto. Hinayaan ko na lang siya dahil siguro sa pagod niya kaya naupo na lang muna siya at hindi siya daw sanay sa mga ganitong ka sosyalan. Simpleng babae lang kasi siya, simple lang ang asawa ko. "Bro! Hindi pala ahh! Sige ideny mo pang gago ka! " Pang aasar ni Nilo sakin nakangisi ito habang umiinom ng wine at nakisama na tumawa ang mga gago ko lang kaibigan. "It's just a kissed bro! and you know me. Sanay ako sa mga ganyang bagay." Para silang mga ewan, bigyan ba ng motibo ang ginawa kong paghalik kay Alex! Hays! Alam nila kung gaano ako kagaling sa mga bagay na ganito. Sisiw lang, alam nga nilang ang dami kong nakakasamang babae kapag wala ang girlfriend ko, never akong nakaramdam ng kahit crush lang eh, kasi si Samantha lang ang lahat-lahat sakin. "Basta bro! Kapag ayaw mo na sa kaniya at gusto mo na siyang hiwalayan. Sakin na lang siya! Anytime pakakasalan ko siya mas magarbo pa dito! Wala kang pera? Ang cheap ng kasal mo!" Binato ko agad si Nilo ng yelo. Gago talaga to puro kamanyakan ang alam nito at anong cheap? Kahit peke lang to sa gown pa lang ng asawa ko milyon na, ungas ba siya?! Pero ang kinababahala ko na gusto niya si Alex. "Iba na lang bro, wag lang siya. Masyado siyang inosente sa mga ganyang bagay." Sabi ko nang may pagbabanta. Subukan lang niya mag kakabangas mukha niya sakin kahit mukhang bangas na. Bulag mga babae nito, ang pangit eh. "Wow bro! When did you start na maging protective at possessive? Hindi ka naman ganyan kay Sam." Sabi ni Lucas at umiling na lang ako. Iniwan ko na lang sila saka hinarap ang mga ibang bisita. Napansin kong nawala si Alex sa upuan niya tumingin ako sa gawi nila ni Vince pero wala din dun si Nilo. Kaya nakaramdam ako ng panic. Gago ka Niel pag malaman ko lang na binastos mo asawa ko manghihiram ka ng mukha sa aso. Hinanap ko sa buong lugar si Alex. Hindi ko siya makita. " Mom nakita mo po si Alex. I can't find her kanina po nakaupo lang siya don sa malapit sa table ng barkada." Tumingin sakin si Mom nang nakangiti saka umiling. "Son i don't know. Baka nasa wash room lang." Tumango na lang ako, nakita ko si Nilo na papasok na ulit dito sa loob kaya siya muna ang pinuntahan ko. " Bro, nakita mo ba si Alex? Gago ka baka kung ano ginawa mo sa asawa ko?! " Ngumiti siya at tinapik-tapik ako sa balikat. " Gago ka, tingin mo ganon ako karagapal na landiin ang peke mong asawa mo sa araw ng kasal niyo? " Sabi niya nang naiinis pero nakangisi. " Baka after nitong kasal hayaan mo lalandiin ko." Tatawa tawa niyang sabi sakin habang umiiling at bumalik na sa mga barkada namin. Pumunta agad na lang ako sa restroom. Nang papalapit na ko may nakita agad akong lumabas na babae galing sa loob. Parang kilala ko pero dahil naka shades, kaya siguro hindi ko masyadong makilala. Mga ilang minuto nakita kong lumabas si Alex kaya nakaramdam ako ng tuwa. Gusto ko siyang kagalitan dahil pinag alala niya ko, hindi man lang siya nag paalam kung san siya pupunta. Hindi ko alam kung ano na nangyari sa kaniya! Pero nagtataka kasi ako kung bakit ganito ako ngayon, pero ayun talaga ang nararamdaman ko na gusto kong mawala. Pero ang ikinagulat ko nang niyakap niya ko nang mahigpit. Bakas sa kaniyang mukha na ang kampante kesa kanina na parang may kinatatakutan siya, kaya ganon din ang ginawa ko sa kaniya niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi lang siya ang nakikita kong maayos na ang pakiramdam ng makita niya ko, kasi mas doble ang nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD