Chapter 11

973 Words
“Napalunok ako ng wala sa oras habang maingat na kinakalas ang bawat butones ng damit ni Mr. Thompson. Alas siyete na ng umaga at kailangan ko ng punasan ang buong katawan nito. Isang buwan ang mabilis na lumipas at ito na ang trabaho ko araw-araw, ang linisan at siguraduhing maayos ang kalagayan ni Mr. Thompson. Pagkatapos kong pigain ang basang towel mula sa maligamgam na tubig na nasa palanggana ay sinimulan ko ng punasan ang kanyang katawan. Maingat ang bawat haplos ng aking mga palad sa kanyang balat. Kahit na ilang beses ko ng ginagawa ang bagay na ito ay hindi pa rin ako masanay-sanay. Dahil sa kakaibang pakiramdam na gumagapang sa aking mga kalamnan sa tuwing nagdidikit ang aming mga balat. Parang gusto ko ng huminto sa aking ginagawa at lumayo na lamang dito, dahil hindi ako komportable sa kilabot na nararamdaman ko sa aking katawan. Pinilit kong balewalain ang kakaibang damdamin na ‘yun at mag-focus na lang sa aking ginagawa. Ngunit, bigla akong natigilan, pagkatapos ko kasing punasan ang katawan nito ay kailangan kong isunod ang ibabang bahagi ng kanyang katawan. Subalit, may pag-aalinlangan sa isip ko kung itutuloy ko pa ba ito o hindi na. Kaso naisip ko na kawawa naman si Mr. Thompson sa oras na hindi ko linisin ang ibabang bahagi ng katawan nito. Napakaganda pa naman ng kanyang balat at sa oras na hindi ito malinisan ng maayos ay maaari itong magdulot ng rashes at pangangati sa balat. Aminado ako na malaki ang impact sa akin ng magandang pangangatawan nito, lalo na ang gwapong mukha ni Mr. Thompson. Napakatangos ng kanyang ilong at sa tingin ko may lahi siyang amerikano base na rin sa kulay ng kanyang balat. Malaki itong tao at iniisip ko na kung nakatayo lang ito, marahil ay hanggang balikat lang ako nito. Siguradong kahit na sinong babae ay mahuhumaling sa kanya dahil pinagpala ang lalaking ito sa lahat ng aspeto. Subalit hindi ako kabilang sa mga babaeng ‘yun. Oo, humahanga ako sa magandang katangian ni Mr. Thompson pero hanggang doon lang, dahil ang isip ko ay nasa aking sitwasyon at sa mga magulang ko. Hindi ito ang panahon para pagtuunan ng pansin ang mga ganyang bagay. Higit na importante sa akin na matapos na ang problemang kinakaharap ko at bumalik ang dating payapang pamumuhay ng aming pamilya. Maingat na hinubad ko ang suot niyang pajama, tulad ng inaasahan ko ay tumambad sa akin ang isang tanawin na labis na naghahatid ng matinding kilabot sa buong sistema ko. Nanginginig ang mga kamay ko na piniga ang towel at sinimulang punasan ang mga hita nito habang ang aking mga mata ay nakapako sa ibang direksyon. Tulad ng nakagawian ko ay kinuha ko ang hinanda kong makapal na towel, itinupǐ ko pa ito sa ilang bahagi para mas kumapal pa ito. Never kong hinawakan ang ari ni Mr. Thompson dahil hindi ito kaaya-aya sa pakiramdam ko. Inangat ko ang malaking p*********i nito gamit ang makapal na towel bago nilinisan ang ilalim nito. Natigilan ako kung bakit sa pagkakataong ito ay biglang nanigas ang bahaging hawak ko. “T-Teka, a-ano bang nangyayari? Wala akong ginagawa sayo, ha.” Parang tanga na kinakausap ko ang nakatayo nitong ari. Naisip ko lang kung sadya ba talagang gumagalaw ‘yun kahit walang malay ang may-ari nito? Masyado akong inosente sa mga ganitong bagay dahil ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng ganito kalaking ari ng isang lalaki. Kadalasan kasi na nakikita ko noon ay sa mga batang inaalagaan ko minsan mula sa aming kapitbahay. Hindi na ako mapakali sa aking kinatatayuan kaya may pagmamadali na tinapos ko kaagad ang pagpupunas sa balat nito. Ngunit, hindi sinasadya na nasagi ng braso ko ang mahaba nitong ari kaya napaigtad ako at parang napapaso na lumayo dito. Grabe, segundo lang ang pagkakadikit ng balat ko dito pero ang reaksyon ng katawan ko ay hindi matatawaran. Dahil sa nangyari ay hindi sinasadya na tumitig ang inosente kong mga mata sa maselang bahagi nito. Sa unang pagkakataon ay natitigan ko ng matagal ang mahabang parte na ‘yun. Namamangha na natulala ako dahil ng mga oras na ito ay talagang gumagalaw pa ito. Mabilis na lumipat ang tingin ko sa mukha ni Mr. Thompson, dahil sa pag-aakala ko na nagkamalay na ito. Ngunit nadismaya ako ng makita ko na payapa itong nakapikit at walang anumang palatandaan na magigising na ito. Nanghahaba ang nguso ko na muling tumingin sa ibabang bahagi ng katawan nito. “Manahimik ka nga d’yan! Pinapaasa mo lang ako! Hmp! Sarap mong hampasin, eh.” Naiinis kong sabi na akala mo ay nakikipag-usap sa isang tao. Ano ba ang nangyayari sa akin? Pati ang bagay na ‘to ay kinakausap ko na.” Sermon ko sa aking sarili, ipinagpatuloy ko na ang ginagawa ko at hindi ko na lang ito pinansin. Sa totoo lang ay walang araw na hindi ako tumigil sa pagdadasal na sana ay magkamalay na ang lalaking ito. Umaasa kasi ako na siya lang ang susi para makalabas na ako sa silid na ito. Batid ko na alam ng lalaking ito kung sino ang nagmamaneho ng kotse nang araw na iyon. Dahil paulit-ulit na lumilitaw sa isipan ko ang duguan nitong mukha habang nakatitig sa akin ang kanyang mga mata, maging ang kamay nito na pilit akong inaabot. Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan bago umupo sa gilid ng kama nito. Maingat na dinampot ko ang kamay ni Mr. Thompson saka ikinulong sa pagitan ng aking mga palad. Ganito ang madalas kong ginagawa sa tuwing kinakausap ko s’ya. Para kung sakali na magigising na siya ay kaagad kong malalaman. “Pakiusap, gumising ka na...” piping usal ko habang nakatingin sa gwapo nitong mukha, pagkatapos kong sabihin iyon ay masuyo kong pinisil ang kamay nito upang mas maramdaman niya ang presensya ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD