Chapter 41

1225 Words
Five star hotel and restaurant… “Oh my, I’m sorry, Miss. hindi ko sinasadya.” Gulat na sabi ni Rhed ng mabangga niya ang isang babae mula sa kanyang likuran. Abalâ kasi siya sa pakikipag-usap sa kanyang cellphone kaya hindi niya ito napansin. Mabuti na lang at mabilis niyang nahawakan ang braso nito bago pa man ito bumagsak sa sahig. Labis na namangha si Rhed ng masilayan niya ang magandang hubog ng katawan ng babae. Kaya hindi niya pinalampas ang pagkakataon at masusi niyang pinagmasdan. Mula sa dulo ng kulay kremang sapatos nito paakyat sa katawan ng babae at maging ang bawat anggulo ng suot nitong hapit na minidress. Mas nagtagal pa ang mga mata niya sa malusog nitong dibdib. Halos sabay na nag-angat ng mukha ang dalawa at ganun na lang ang gulat ni Rhed ng matitigan niya ang mukha ng babae. “L-Louise?” Base sa reaksyon ng mukha ni Rhed, akala mo’y nakakita ito ng isang multo. Saglit siyang natulala sa magandang mukha ni Louise. Hindi siya makapaniwala na ito na ngayon si Louise, dahil para sa kanya ay higit itong gumanda kung ikukumpara mo noon. “PAK!” Isang malakas na sampal ang gumising sa tila naglalakbay na diwa ni Rhed. Saka lang niya napansin ang mga mata ni Louise na puno ng galit at labis na pagkamuhi. Mabilis na hinawi ni Rhed ang sarili at saglit niyang sinipat ang mukha ng kanyang kaharap. “Hey! Ano bang problema mo? Ha? Bakit mo sinampal ang boyfriend ko?” Galit na singhal ng babae kay Louise. Kasalukuyan silang nasa corridor papuntang restroom at naaktuhan naman ng kabit ni Rhed ang pananampal ni Louise sa kuno ay nobyo nito. Akmang susugurin sana ng babae si Louise ngunit mabilis itong nahawakan ni Rhed sa braso. Samantalang si Louise ay matapang na nakatitig sa mukha ng dalawa—hindi siya nagpasindak sa galit ng babae. “Bakit mo ako pinipigilan? Sino ang babaeng ‘yan, Rhed!?” Mataas na ang boses ng babae na halatang hindi ito marunong magpigil ng galit at masyadong eskandalosa ang dating. “Stop it, Alice!” Nanggigigil na sigaw Rhed ngunit ayaw paawat ng babae dito dahil iniisip niya na nagtataksil ang nobyo. “Tell me, niloloko mo ba ako?” Nanggagalaiti na muling tanong ng babae habang patuloy na nagpupumiglas ito mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Rhed. “Don’t worry, hindi ko aagawin sayo ang lalaking ‘yan, who knows baka hanggang sa loob ng kulungan ay magkasama pa rin kayo?” Kalmadong pahayag ni Louise na siyang nagpatigil sa nag-e-eskandalong babae. Habang si Rhed ay nanatiling seryoso ang mukha na nakatitig sa mga mata ni Louise. Matinding poôt ang nakikita niya sa mga mata nito at alam ni Rhed kung ano ang kinagagalit sa kanya ni Louise. Wala sa sarili na binitawan ni Rhed ang babae bago nito hinarap si Louise. “Look, Louise, I’m sorry, kung anuman ang nangyari noon ay kalimutan na natin. Tapos na ang lahat, if you want ay babayaran ko na lang ang lahat ng sakripisyo mo sa mga nangyari. Name your price.” Kalmado sa pagsasalita si Rhed dahil iniisip niya na mahirap lang ang pamumuhay nito kaya tiwala siya na kayang tapalan ng pera ang galit nito sa kanya. Naguguluhan ang girlfriend Rhed habang nag palipat-lipat ang tingin nito sa mukha nilang dalawa. Biglang bumigat ang dibdib ni Louise ng marinig niya ang mga sinabi ng lalaki. “Ang kapal ng mukha mo? Huh? Sa tingin mo ganun lang kadali ang lahat? Gagawin ko ang lahat mailagay lang kita sa dapat mong kalagyan.” Matigas ang pagkakabigkas ni Louise, kahit na mahina ang boses nito ay ramdam pa rin ni Rhed ang galit nito sa kanya. “Look, Louise, pag-usapan natin ‘to, hindi ko talaga ginusto ang lahat ng nangyari noon. Si Denice ang nag-utos sa akin na gawin sayo ang bagay na ‘yun. Alam kasi niya na pati siya ay kasama kong makukulong. Believe me, wala akong kasalanan. Sumunod lang ako sa nais ng pamilya ni Denice dahil sa takot nila na baka sila ang gipitin ng pamilya ng biktima.” Sa kagustuhan na makuha ni Rhed ang atensyon ni Louise ay nakalimutan na nito ang kanyang girlfriend. Mabilis na tinawid nito ang pagitan nila ni Louise dahil kumpiyansa siya sa kanyang sarili na masusuyo pa niya ito. Samantala mula sa dining area ng mamahaling restaurant ay hindi na maipinta ang mukha ni Alistair. Nakaramdam na siya ng inis at labis na pagkainip. Kaya nagdesisyon na siyang tumayo mula sa kanyang kinauupuan upang sundan ang asawa na nagpaalam na gagamit lang ng restroom. Nang matanaw na niya ang entrance ng restroom at nahinto sa paghakbang ang kanyang mga paa. Nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni Alistair ng datnan niya ang asawa na may kausap na ibang lalaki. Napatiim bagâng siya ng subukang hawakan ng lalaki ang braso ni Louise ngunit mabilis na hinawi ito ng kanyang asawa. Malaki ang mga hakbang na lumapit siya sa mga ito at walang salita na marahas niyang hinila ang balikat ng lalaki. Nagulantang ang lahat ng isang malakas at nanggigigil na suntok ang tumama sa panga ni Rhed. Napatili ang babaeng kasama nito at galit na pumagitna sa dalawa. “Hayop ka! Bakit mo sinuntok ang boyfriend ko!?” Galit na sigaw ng babae sa mukha ng nanggagalaiting si Alistair, ngunit isang malakas na sampal ang naging tugon nito na siyang kinagimbal ng lahat. Sa lakas ng sampal ay halos tumabingi ang mukha ng babae. “Go on, sue me, para malaman ninyo kung sino ang kinakalaban n’yo.” Ito ang matigas na pahayag ni Alistair. Ang tapang ng babae ay biglang naglaho, at nagmukha na itong isang aso na bumahag ang buntot. Habang si Rhed ay labis na nagulat ng makilala kung sino ang lalaki na sumuntok sa kanya. Ang mas ikinasindak niya ay ang paglapit si Louise sa lalaking ito at parang balewala na yumakap dito. Habang masuyong hinahaplos ng palad nito ang malapad na dibdib ng kanyang asawa ay isang matalim na ngiti ang lumitaw sa bibig Louise. “Thank you, Sweetheart.” Malambing na bulong ni Louise, tumingkayad at saka masuyong hinalikan ang mga labi ni Alistair. Sa ginawa ng kanyang asawa ay unti-unting humupa ang galit sa dibdib ni Alistair saka nag-aalala na hinarap ang asawa. “Does he hurt you?” Nag-aalala na tanong ni Alistair habang sinusuri ng tingin ang braso ng asawa. “I’m fine, because you are here now. Let’s go?” Nakangiting sagot ni Louise ng hindi inaalis ang pagkakayakap dito. Isang nagbabantang tingin ang ibinigay ni Alistair kay Rhed na kasalukuyang nakaupo pa rin sa sahig at hanggang ngayon ay hindi pa yata nahihimasmasan. Wala na ang mag-asawa ay nakatanga pa rin si Rhed sa kawalan. Pilit na inaalisa sa isip ang mga nangyari. “S**t! Hindi pwede ‘to! Ngayon ko nauunawaan kung bakit malakas ang loob ni Louise na magbitaw ng mga ganung salita. Paanong nangyari na naging asawa ni Louise si Mr. Thompson?” Ito ang tumatakbo sa isip ni Rhed dahil ang lalaking ito ang dahilan kung bakit napilitan ang kanyang pamilya na umalis ng bansa at pansamantalang magtago. Subalit sa pagkakataong ito ay siguradong hindi na siya makakatakas, hindi lang sa galit ni Louise kundi pati sa galit ng asawa nito na si Mr. Thompson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD