Chapter 42

1608 Words
“Tell me, sino ang lalaking ‘yun, Louise?” Ito kaagad ang tanong sa akin ni Alistair at ramdam ko na pinagdududahan pa rin ako nito. Hindi na kami nakakain pa ng dinner, dahil pagkatapos ng mga nangyari sa restaurant ay dito na kami dumiretso sa kanyang opisina. Lumambot ang ekspresyon ng mukha ko at nagsimula ng lumuha ang aking mga mata. Hindi ko pinansin ang galit nito bagkus ay isang malungkot na ngiti ang lumitaw sa mga labi ko habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata. Parang may sariling isip ang mga paa ko dahil kusa itong humakbang palapit sa kinatatayuan ng aking asawa. Nang nasa tapat na ako nito ay maingat na niyakap ko ang kanyang katawan tila sa mga bisig nito nakasumpong ng kakampi. “Siya ang lalaking sumira ng buhay ko, marahil ay hindi mo na naalala, pero siya ang nagmamaneho ng sasakyan noong araw na naaksidente tayo.” Mababa ang tinig ko habang nagsasalita ngunit ramdam mo ang matinding emosyon na bumabalot sa aking katawan. Marahil, naramdaman ni Alistair kung ano ang nararamdaman ko mula sa mahigpit na mga yakap ko sa kanya. Gumanti siya ng yakap sa akin kasunod nito ang mariin na paglapat ng kanyang mga labi sa ulo ko. Ito ang unang pagkakataon na naungkat sa pagitan namin ang tungkol sa aksidente. “Pinagkaisahan nila ako, pinalabas nila na ako ang nagmamaneho ng sasakyan noong araw na ‘yun. Dahilan kung bakit ako ang sinisi ng lahat sa nangyari sayo.” Ani ko na parang bata na nagsusumbong dito. Siguro, hinaplos ng awa ang puso ng aking asawa dahil mas humigpit pa ang yakap nito sa akin. “I’m sorry,” malungkot na bulong ni Alistair. Bumitaw ito mula sa pagkakayakap sa akin, ngunit hindi naman niya binibitawan ang isang kamay ko habang humahakbang ang mga paa nito palapit sa kanyang office table. Umupo si Alistair at saka maingat na hinila nito ang kamay ko palapit sa kanya hanggang sa igiya ako nito paupo sa kanyang kandungan. Muling yumakap sa akin ang malaki nitong mga braso. “Don’t worry, I will make it sure na magbabayad ang lahat ng may gawa nito sayo.” Nangangakong saad ni Alistair subalit may kalakip na panganib ang dala ng mga salita nito para sa mga taong nang-api sa akin. Isang makahulugang ngiti ang lumitaw sa bibig ko. Tumayo ako at hinarap ko ang aking asawa bago muling umupo sa kandungan nito. Saglit na nagkatitigan ang aming mga mata, hanggang sa dahan-dahang bumaba ang mukha ko at masuyong hinagkan ang mga labi ni Alistair. Kaagad na tinugon nito ang halik at tuluyan ng nabuhay ang matinding pagnanasa sa kanyang katawan. Habang patuloy sa paghahalikan ay isa-isang tinatanggal ni Alistair ang butones sa tapat ng dibdib ko. Maging ang aking mga kamay ay tila sabǐk na tinanggal ang butones ng kanyang polo. Mas lalong nabaliw si Alistair ng mahantad sa kanyang paningin ang magandang cleavage ng malusog kong dibdib. Pagkatapos sa mga labi ay lumipat ang kanyang bibig sa pagitan ng dibdib ko. Napatingala ako ng hagurin ito ng kanyang dila. Inilabas niya ang kaliwang bahagi ng d*d* ko at parang bata na isinubo ito habang pinaglalaruan ng kanyang dila ang aking malarosas na u***g. Naglulumiyad ang likod ko dahil sa matinding kiliti. Masuyong hinaplos ng kamay ko ang likod ng ulo ni Alistair, para makaganti sa ginagawa nito sa akin ay manaka-nakang hinahalikan ng mga labi ko ang kanyang noo.” Tuluyan ng napiksi ang matinding pagtitimpi ni Alistair at mismong loob ng kanyang opisina ay muli niyang inangkin ang asawa. Walang kaalam-alam si Alistair na nagiging alipin na siya ng matinding pagkahumaling niya sa kanyang asawa. Dala ng matinding pagmamahal niya sa batang asawa ay hindi na niya napapansin na ginagamit na siya nito para pabagsakin ang lahat ng taong may malaking atraso dito. Sinuklian ni Louise ang kapusukan ng kanyang asawa, at sa unang pagkakataon ay bukal sa loob niya ang pag-upo sa kandungan nito. Maharot na gumiling ang kanyang balakang kaya naman napa-tingala si Alistair ng kumalat sa bawat himaymay niya ang kilabot na dulot ng matinding ginhawa. “Hmmmm...” isang mahabang ungol ang umalpas sa mga labi ni Alistair ng mariin na halikan ni Louise ang kanyang mga labi. Humigpit ang pagkakahawak niya sa malaking balakang nito. Para kay Alistair ay ito na ang pinakamasayang pagtatalik nilang mag-asawa, dahil ang lahat ay may katugunan mula sa kanyang asawa. Hinihingal na bumagsak sa kanyang ibabaw si Louise habang nakasandig ang ulo nito sa pawisan at malapad niyang dibdib. Panay ang halik niya sa ulo nito na para bang ayaw niyang tumigil dahil nais niyang malaman ng kanyang asawa ang totoong nilalaman ng kanyang puso. Makalipas ang ilang sandali ay umangat ang mukha ni Louise, hindi mawari ni Alistair kung bakit biglang sumikdo ang dibdib niya ng saglit na maghinang ang kanilang mga mata. Nalipat ang tingin niya sa mga labi nito, kinabahan siya ng bumuka ito na wari mo ay may nais sabihin. “Ahm... umuwi na tayo? Naghihintay na ang mga bata.” Nakangiti nitong sabi, kumilos ito at umalis sa kanyang kandungan. Disappointed, nang mga oras na ‘yun ay ito ang naramdaman ni Alistair. “Ano ang inaasahan mong sasabihin sayo ng asawa mo, Alistair? Pagkatapos ng mga ginawa mo sa kanya ay umaasa ka pa rin ba na mamahalin ka niya? Huh? Darating ang araw, iiwan ka rin niya para sumama sa ibang lalaki. Ginagago mo lang ang sarili mo.” Anya ng isang sarkastikong tinig mula sa isipan ni Alistair kaya mabilis na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Tumayo siya at sinundan ang asawa sa loob ng banyo habang kasalukuyang inaayos ang kanyang sarili. Natigilan si Louise ng mula sa kanyang likuran ay bigla siyang niyakap ng kanyang asawa, kasabay ang pagbaon ng mukha nito sa pagitan ng kanyang leeg. Mula sa salamin ay napansin ni Louise ang pagbabago ng mga mata ni Alistair kaya napalunok siya ng wala sa oras. Labis niyang pinagpapasalamat sa Diyos na binigyan siya ng kaalaman sa mga ganitong kaso. Kaya imbes na matakot ay umangat ang kanyang kamay at hinaplos ang pisngi nito habang nakatitig sa mukha nito mula sa salamin. “Sabihin mo kung ano ang nais mong sabihin makikinig ako.” Malambing niyang saad, kita niya ng lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Alistair. Nag-angat ito ng mukha at mula sa salamin ay nagpanagpo ang kanilang mga mata. “Tell me, hanggang kailan ka mananatili sa tabi ko?” Hindi maunawaan ni Louise kung bakit tila sinaksak ang puso niya sa tanong ng kanyang asawa. Ang tinig nito ay kababakasan mo ng lungkot na tila ba sa isang bata na umuungot ng atensyon. Sa isang iglap ay bigla siyang nalito, hindi dahil sa kung ano ang isasagot niya kundi dahil sa bagong damdamin na ngayon lang niya naramdaman. “Sa tingin mo, pagkatapos mong itali ang mga paa ko at mga kamay ko sayo, palagay mo ba ay makakaalis pa ako sa tabi mo? Napansin ko na lumungkot lalo ang ekspresyon ng mukha nito ngunit nagapatuloy pa rin ako sa pagsasalita. “Marahil, mananatili ako sa tabi mo hanggang sa magpantay ang mga paa ko. Katulad ng sinabi mo noon sa akin. Simula ng isilang ko ang ating mga anak ay natutunan kong yakapin ang mundo na ipinakilala mo sa akin.” Kusa itong lumabas sa bibig ko at ang mga salitang ito ay hindi galing sa utak ko, kundi galing ito sa puso ko. May lungkot man akong nararamdaman ngunit nangingibabaw pa rin ang pagmamahal ko sa aking mga anak. Ayoko na mawalan sila ng ina o ama, kung sakali mang dumating ang punto na gustuhin ko ng iwan ang asawa ko. Pinihit ako ni Alistair paharap sa kanya at isang mariing halik ang iginawad niya sa mga labi ko. “Thank you.” Ewan ko ba kung bakit tila natunaw yata ang puso ko ng ibulong niya ito sa tapat ng bibig ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan na lumitaw ang isang matamis na ngiti sa mga labi ko. Sa totoo lang, galit ako sa lalaking ito ngunit wala akong magawa dahil nasa sitwasyon ako na kung ano ba ang mas matimbang sa akin? Ang sarili ko ba o ang mga anak ko? Puno man ng galit ang puso ko pero nangingibabaw pa rin sa akin ang pagiging ina ko. Sa kabila ng paghahangad ko na makabangon muli at makapag higanti ay nasa puso ko pa rin na protektahan ang pamilya ko. Nang akmang lalapat na naman ang mga labi nito sa mga labi ko ay kaagad kong iniharang ang palad ko, kaya dito lumapat ang kanyang mga labi. “O-Okay na, baka kung saan na naman humantong ‘yan.” Alanganin kong sabi na medyo nahihiya pa. Bigla akong napatanga ng mapuno ng mga tawa ni Alistair ang buong banyo at hindi ko rin napansin na maging ako ay nakangiti dito. “I’m sorry for hurting you, I promise it will never happen again.” Ani nito habang hinahaplos ang pisngi ko. “Let me fix everything, Magsimula tayong muli at hayaan mo na punan ko ang mga pagkakamali ko sayo.” Malumanay niyang saad, muling nabasâ ng luha ang aking mga mata hanggang sa paulit-ulit akong tumango sa kanya. Bakit ganun? Ilang taon kong kinimkim ang galit ko sa aking asawa na halos isumpa ko na ito ng paulit-ulit. Pero sa loob lang ng ilang segundo ay parang bula na naglahong bigla ang lahat ng hinanakit ko sa kanya. Marahil ay naguguluhan pa ako pero darating ang araw na mauunawaan ko rin ang lahat ng mga nangyayari sa akin.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD