Blag! Gulat na napalingon si Denice sa may pintuan ng kanyang silid ng padabog na bumukas ang pinto. Tumambad sa kanya ang mukha ng kanyang asawa na halatang balisâ at mula sa hilatsa ng mukha nito ay labis yata itong nababahala.
“Huh? Himala? Mukhang napaaga yata ang uwi mo ngayon? Bakit? Hindi ka ba pinadali ni kumare kaya mainit ang ulo mo ngayon!?” Nang-uuyam na tanong ni Denice sa kanyang asawa, ngunit nanatiling seryoso ang ekspresyon ng mukha nito na para bang wala itong narinig.
Patuloy sa paghakbang ang mga paa ni Rhed hanggang sa huminto mismo ito sa tapat ng kanyang asawa. Tumigas ang ekspresyon ng mukha ni Denice ng marahas na haklitin ni Rhed ang kanyang kaliwang braso.
“Tell me? Alam mo na asawa ni Louise si Mr. Thompson, Right?” Matigas na tanong ni Rhed na tila nanggigigil, gahibla na lang ang layo ng mukha nito sa kanya.
“Why? Scared?” Nang-aasar na tanong ni Denice habang pinanatili nito ang nang-uuyam na ngiti sa kanyang mga labi.
“Huwag mong ubusin ang ang pasensya ko, Denice, alam mo na kayang pulbusin ng lalaking ‘yun ang kumpanya ko. At sisiguraduhin ko na kasama kong babagsak ang kumpanya ng pamilya mo.” Nagbabanta nitong wika sa matigas na tinig. Dumilim ang mukha ni Denice at galit na pinaghahampas sa dibdib ang kanyang asawa habang sumisigaw.
“Napaka walang hiya mo talaga! Kailanman ay hindi ka naging asawa sa akin! Tiniis ko ang lahat ng pambababae mo, ginampanan ko ang lahat ng mga obligasyon mo alang-alang sa mga pamilya natin. Kung hindi dahil sa akin hindi makakabangon mula sa pagkalugi ang kumpanya ng pamilya mo! Pagkatapos ng mga ginawa ko sayo, ito pa ang iginanti mo sa akin!? Ngayon ko pinagsisisihan kung bakit pinagtakpan ko ang kasalanan mo!”
Parang sasabog na ang dibdib ko dahil sa sobrang bigat nito. Sa loob ng mahabang panahon ay naipon ang lahat ng sama ng loob ko sa aking asawa.
Ano ang meron sa kanya at hindi ko siya magawang iwanan? Na kung tutuusin simula pa lang ng maging nobyo ko ang lalaking ito ay puro pahirap at pasakit na ang naranasan ko mula sa mga kamay nito.
“Come on, Denice, wake up! Sa simula pa lang ay batid na nating wala talaga tayong nararamdaman para sa isa’t-isa. Let’s end this marriage. Wala na itong patutunguhan pa.
Since sa ibang bansa tayo ikinasal ay mag-pa-file ako ng divorce para maging malaya na tayo sa isa’t-isa. Honestly, I’m so thankful dahil marami kang naitulong sa akin, at ikaw ang unang tao na umuunawa sa akin. You know, wala sayo ang problema kundi nasa akin, you’re a good wife and a lovely woman, nagkataon lang na napunta ka sa maling tao.”
Madamdamin niyang pahayag na siyang bumasag sa puso ko. Para itong isang crystal na nagkapira-piraso, at batid ko na kailanman ay hindi na ito mabubuo pang muli. He’s wrong, marahil sa una pa lang ay hindi na talaga niya ako minahal. But all this years siya lang ang lalaking minahal ko. Sa kanya ako nagpakatanga. Halos sa kanya umikot ang mundo ko, pero ganun lang kadali para sa kanya na itapon ako?
Ilang beses na kumurap ang aking mga mata upang sanay pigilan ang nagbabadyang mga luha. Subalit kalaunan ay para na itong isang agos ng ilog, hindi na mapigilan ang pagdaloy.
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari sa paligid ko dahil para akong nawala sa katinuan. Naramdaman ko na lang ang paglapat ng mga labi ni Rhed sa aking noo, kasunod nito ay ang ingay ng kanyang mga yabag papalayo sa akin na sinundan ng pagsarado ng pinto.
“Ahhhh!” “Crash!” Isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan, bago ko dinampot ang isang flower base saka malakas itong ibinato sa pader. Tila nawalan ng lakas ang mga tuhod ko at kusa itong lumuhod sa sahig. “Ahhhh! Ahhhh….” Wala ni anumang salita ang namutawi sa bibig ko basta patuloy lang ako sa aking pagtangis. Habang malakas na hinahampas ng nakakuyom kong kamao ang dibdib ko. Ilang sandali pa, para na akong bata na nakatitig sa sahig habang yakap ang aking mga tuhod.
Ngayon ko napagtanto na wala na palang natira para sa sarili ko at ngayon ay hindi ko na alam kung paano pa ito bubuuin ito. S**t! 'm totally broke...
“B-Bakit sa dinami-dami ng lalaking pwede kong mahalin ay ikaw p-pa?” Patuloy lang akong umiiyak habang nakatitig sa kawalan.
Para na akong baliw, kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko pero mas pinili ko ang tahimik na magluksa para sa pagkamatay ng puso ko...”