Chapter 44

1099 Words
Mula sa malawak na mansion ng mga Thompson ay kasalukuyang nagaganap ang isang magarbong kasiyahan. Halos nandito ang lahat ng mga empleyado ng kumpanya ng mga Thompson. Maging ang mga business partner ng kanilang pamilya ay hindi nagpahuli at halatang pinaghandaan ng mga ito ang naturang okasyon. Kasalukuyang ipinagdiriwang ng lahat ang anibersaryo ng kumpanya at masaya sila dahil sa ilang dekada na itong namamayagpag. Eleganteng tingnan ang venue ng party dahil sa simple ngunit pang high class na pagkakaayos ng lahat. Ang lahat ay pawang mga nakasuot ng kaswal na damit, at makikita mula sa pinong galaw ng mga bisita ang mataas na antas ng pamumuhay ng mga ito sa buhay. Pumailanlang ang isang malamyos na tugtugin sa buong paligid habang ang mga tao ay masayang nagkukwentuhan. Hindi magkandamayaw ang mga waiter na nagkalat sa paligid habang bitbit ang kanilang mga tray na may laman na iba’t-ibang klase ng alak. “Attention please, Excuse me everyone, sandaling puputulin ko muna ang inyong kasiyahan, ating pakinggan ang munting mensahe ni Mrs. Barbara Thompson.” Sandaling pinukaw ng emcee ang masayang kwentuhan ng mga bisita kaya ang lahat ay natuôn ang atensyon sa nagsisilbing entablado ng bulwagan. "Good evening, ladies and gentlemen. I would like to thank everyone who attended this gathering. Your presence is a sign of support for my family. I am delighted to be with you once again on this important day. Decades have passed, but our family’s company remains strong, thanks to our hardworking employees. To our business partners who have remained loyal to my family, thank you, thank you very much. I hope you all enjoy this party." Nakangiting pahayag ni Mrs. Thompson, bago lumapit sa kanyang mga mahalagang panauhin at isa-isa itong kinamayan. “Amiga, nasaan na ba ang inaanak ko? Kanina ko pa hinahanap ang batang ‘yun.” Sabik na tanong ng kaibigan ni Mrs. Thompson. Natigilan ang ginang ng makita niya na inikot nito sa paligid ang paningin na wari mo ay may hinahanap. “Maging ako ay nagtataka rin, Amiga, kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa lumalabas ng mansion si Alistair.” Naguguluhan nitong sagot. Maya-maya ay tumigas ang ekspresyon ng mukha ni Barbara ng makita niya ang pamangkin ng kanyang asawa, si Marco, na kararating lang. kampante pa itong nakikipag-usap sa mga ilang bigating bisita. “Ang kapal ng mukha ng bastardong ito na tumuntong sa pamamahay ng anak ko. Hindi na nahiya.” Anya ng isang nanggagalaiti na tinig mula sa kanyang isipan. Dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagtatraidor nito at ng malanding si Donita kay Alistair. Gustuhin man niya na palayasin si Marco ay hindi niya magawa dahil iniisip pa rin niya ang kanyang reputasyon. Natigilan si Barbara ng mahagip ng kanyang mga mata ang mukha ng babaeng kasama nito na naglalaro sa edad singkwenta. Habang sa tabi ng Ginang ay isang dalaga na halatang wala sa kasalukuyan ang isip nito dahil napaka seryoso ng mukha nito na wari mo ay kay lalim ng iniisip. Nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga si Barbara upang ayusin ang kanyang sarili. Isang magandang ngiti ang inihanda niya bago muling hinarap ang kanyang mga kausap. “Marahil mamaya lang ay lalabas na si Alistair, Amiga.” Nakangiting dugtong nito sa naudlot nilang pag-uusap. “Come on, Denice, fix yourself. Para kang zombie na naglalakad d’yan! Nakakahiya sa mga makakakita sayo.” Naiinis na bulong ni Cynthia sa kanyang anak. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Denice bago hinawi ang kanyang sarili. Sinikap niya na maging presentable ang kanyang tindig upang maging kaaya-aya sa paningin ng ibang tao. “Mrs. Melendez Ito na ang magandang pagkakataon para personal nating makausap ang mga investor. And I hope ay may mahikayat tayo ngayong gabi.” Ani ni Marco sa mahinang tinig sapat lang para marinig ni Cynthia. “Tama ka, Iho, ngunit sa nakikita ko ay parang masama yata ang tingin sa atin ni Mrs. Thompson?” Nakangiti man ngunit matinding kabâ ang nararamdaman ni Cynthia. Napilitan silang sumama kay Marco upang makausap ang sinasabi nitong mga investor. Kailangan kasi nila na makalikom ng malaking pondo para sa malaking project ng kanilang mga kumpanya. Business partner ng mga Melendez ang kumpanya ni Marco at labis nilang ikinagulat ng matukalasan nila na isa pala itong Thompson. Nagkataon lang na ibang apelyido ang gamit nito. “It’s okay, I know my tita Barbara, mas importante ang imahe niya kaysa sa atin.” Natatawa na sagot ni Marco sabay tungga ng alak mula sa kanyang baso. “Don’t worry, Mom, ako na ang bahalang makipag-usap sa kanila.” Tiwala sa sarili na saad naman ni Denice. Kahit nakangiti ito ay nakikita pa rin ni Cynthia ang pinagsamang lungkot at sakit mula sa mga mata nito. Dinampot ni Denice ang zwiesel glass na may lamang red wine mula sa isang waiter na dumaan sa kanyang harapan. Nang akmang iinumin na nito ang alak ay natigil sa ere ang kanyang zwiesel glass at napako ang tingin niya mula sa pintuan ng mansion nang mga Thompson. Maging si Cynthia at Marco ay napalingon din dito. Nagsimula ng umugong ang mga bulungan habang ang mata ng lahat ay nakapako sa malaking pintuan. Ilang sandali pa ay lumabas si Alistair na nakaakap sa baywang nito ang asawa niyang si Louise. Kay sarap nilang pagmasdan, dahil kung iyong susuriin ang ekspresyon sa kanilang mga mukha ay parang mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Napatda si Marco ng masilayan ang magandang mukha ng babaeng kasama ng kanyang pinsan. Habang pilit na hinahalungkat sa utak kung saan niya ito nakita. “Iyan na ba ang asawa ni Mr. Thompson? Napakaganda pala niya sa personal.” Anya ng isang guest, kaya mahigpit na kumuyom ang mga kamay ni Denice. Kapwa nakatitig ang mag-ina sa mukha ni Louise. Subalit sa kabila ng pagiging kalmado nila ay nandun pa rin ang kaunting kabâ dahil batid nila kung gaano kayaman at makapangyarihan ang asawa nito. Habang si Marco ay matinding paghanga ang naramdaman nito para sa asawa ng kanyang pinsan. Ito ang pangalawang pagkakataon na nakita niya ito ng malapitan. Mula sa magandang ngiti ni Louise, masasalamin mo ang labis na kasiyahan na kanyang nararamdaman habang nakatitig sa mukha ng kanyang asawa. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ang dating babae na tinapak-tapakan ng lahat at inusig kahit na inosente sa lahat ng mga nangyari. Ngayon ay nakatindig sa harap ng lahat at tinitingnan ng may pag-respeto. Dahil ngayong gabi ay magaganap ang muling pagbangon ni Louise sa harap ng mga taong nagpahirap at nanloko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD