“Walang pagsidlan ang kasiyahan ko ng mga oras na ito, dahil ngayon ay nakatayo ako sa harap ng maraming tao. Kung noon ay panlilibak at nang uusig na tingin ang natatanggap ko mula sa ibang tao? Ngayon, puno ng paghanga na may kasamang paggalang ang ibinibigay nila sa akin. Pakiramdam ko ay para akong nasa isang mataas na pedestrian na tinitingala ng lahat.
Ganun pa man, hindi pa rin ako kuntento sa atensyon na natatanggap ko. Sapagkat batid ko na ang lahat ng ito ay dahil sa aking asawa.
“We would like to extend our heartfelt gratitude to everyone who attended and participated in our special occasion. Ang presensya ng bawat isa sa inyo ang dahilan upang maging matagumpay ang selebrasyong ito.
We deeply appreciate your time and support for us. Sa ilang dekada na lumipas ay mas tumibay pa ang ating samahan, dahilan kung bakit higit na lumago ang kumpanya. However, it is no secret that this event is more significant than the previous company celebrations. This time, this celebration is not just an ordinary anniversary. Because tonight, I want to announce that me and my wife are getting married again. And this time, the whole world will witness our marriage.” Seryoso ngunit malinaw ang pagkakasabi nito ni Alistair sa lahat.
Samo’t-saring ekspresyon ang nakikita ko sa mukha ng mga taong nakapalibot sa amin.
May ilan ang natuwa, habang ang iba ay nanatiling seryoso. May mga kababaihan din na nagtaas ng kanilang mga kilay na wari mo ay hindi ako tanggap ng mga ito para kay Alistair.
Ngunit, ang higit kong napansin ay ang matiǐm na mga titig ng mag-inang Melende at ang matalim na tingin ng aking biyenan. Imbes na mangamba sa presensya ng mga ito ay tila nakakaramdam pa ako ng pananabik na masilayan ang bawat ekspresyon mula sa kanilang mga mukha.
“And a side from that, nais kong ipahayag sa inyong lahat, bilang CEO ng aking kumpanya ay nagdesisyon ako na itilaga bilang Presidente ng Majestic Thompson Corporation si Attorney Louise Thompson, ang aking asawa.” Halos sabay kaming napasinghap ng mga tao sa paligid ko.
Maging ako ay hindi makapaniwala sa sinabi ng aking asawa. Talagang hindi ko inaasahan na ngayong gabi niya sasabihin ang posisyon na ibibigay niya sa akin. Hindi biro ang posisyon na hahawakan ko sa kumpanya kaya talagang nagulat ako. Ang inaasahan ko kasi ay magsisimula ako sa mababang posisyon, since na baguhan palang ako.
Naluluha na niyakap ko aking asawa at naramdaman ko na lumapat ang mga labi niya sa noo ko habang patuloy nitong hinahagod ang likod ko. “Thank you…” malambing kong bulong sa kanya, sapat lang upang marinig niya ng malinaw. Para akong tanga na natulala ng ngumiti siya sa akin dahil ito ang unang pagkakataon na nasilayan ko ang totoong mga ngiti ng aking asawa.
“Sweetheart, bakit pakiramdam ko ay pinagnanasaan mo yata ako ngayon?” Tila nang-aasar na tanong ni Alistair kaya biglang nag-init ang mga pisngi ko. Ngayon ko lang napagtanto na kanina pa pala ako nakatulala sa mukha nito. Halos magmukhang kamatis ang mukha ko dahil sa labis na kahihiyan sa ‘king sarili.
Natutuwa na tinawanan lang ako ng magaling na lalaking ito, kaya pasimple ko itong kinurot sa tagiliran. Nang sandaling ito ay parang kami lang ang tao sa mundo, dahil saglit na nakalimutan namin ang maraming mata na nakatingin sa aming mag-asawa.
Medyo nahihiya na nagtaas ako ng tingin at sumalubong sa aking paningin ang masayang mukha ng mga tao sa paligid ko. Ang ilan pa sa kanila ay tila kinikilig at labis na namamangha. Marahil, ngayon lang nila nakitang ngumiti si Alistair kaya ganun na lang ang reaksyon ng lahat, lalo na ang mga empleyado ng aking asawa. Dahil nasa amin ang atensyon ng lahat ay tanging ako lang nakakita sa ekspresyon ng tatlong tao sa aking harapan.
Ang aking biyenan na nag-aapoy sa matinding galit, kulang na lang ay bumulagta ako sa aking kinatatayuan dahil sa nakamamatay nitong tingin. Ngunit, ang mas ikinasiya ko ay ang mukha ni Mrs. Cynthia Melendez na parang akala mo ay natuyuan ng dugo ang mukha. Halata kasi sa mukha nito ang labis na pagkabigla, maging pamumutla nito habang nakaawang ang bibig.
Sa tabi nito ay ang seryosong mukha ni Denice, saglit na nagpanagpo ang aming mga mata. Ilang segundo na nakatitig lang kami sa isa’t-isa na wari moy nagtatagisān ng tapang.
Isang nagbabantang ngiti ang siyang sumilay sa mga labi ko at batid ko na naunawaan ni Denice ang mensahe ng mga tingin ko sa kanya.
Kung noon ay ginagawa ko ang lahat para matulungan siya sa kanyang pag-aaral at maitago sa lahat ang totoong Denice? Ngayon, gagawin ko ang lahat para malaman ng mga tao na ang babaeng ito ay mapagkunwari at nagbabalat kayo bilang mabuting tao.”
Nang mga oras na ito ay ibayong kabâ ang naramdaman ni Denice habang nakatitig sa mga mata ng kanyang kaibigan. “Ano ang binabalak mo, Louise?” Ito ang tanong niya para kay Louise ngunit nanatili lang ito sa kanyang isipan. Mahirap malaman para sa kanya kung ano ang tumatakbo sa isip nito dahil nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha ni Louise.
Sinikap ni Barbara na kumilos ng normal sa harap ng lahat, kung tutuusin ay para na siyang aatakihin sa puso dahil sa labis na pagpipigil na huwag sumabog sa galit. Tutol man siya na maging manugang ang babaeng ito pero wala siyang nagawa sa desisyon ng kanyang anak.
Pero, pagdating sa kumpanya ay hindi siya papayag na magkaroon ito ng posisyon. Ang tingin niya kay Louise ay isang ambiayosa, gold digger at manggagamit. Alam niya na ginagamit lang ni Louise ang kanyang ganda para mahawakan nito sa leeg ang anak niyang si Alistair. Kaya abot langit ang galit niya sa kanyang manugang.