Ang kasiyahan ng mga tao ay sumasabay sa saliw ng malamyos na musika. Walang humpay na kwentuhan na may kasamang tawanan mula sa mga bisita na labis na nagagalak.
Habang ang mag-asawang Alistair at Louise ay abalâ sa pakikipag-usap sa ibang mga bisita. Nanatili ang magandang ngiti sa mga labi ni Louise at napaka pino rin niyang kumilos na naaayon lamang sa kanyang sitwasyon.
Hindi maikakaila na kaya niyang makipagsabayan sa mga bigating bisita.
Kung noon, sa tuwing nakakasalamuha niya ang mga mayayamang tao ay nanliliit siya sa kanyang sarili? Ngayon, taas noo niya itong hinaharap na parang ang tingin niya sa mga ito ay mga ordinaryong tao na lamang.
“Mrs. Thompson, ikinagagalak ko na makadaupang palad ka. Mukhang napakaswerte ko yata ngayong gabi.” Nakangiting bati sa akin ng may edad na lalaki, nababasa ko mula sa kanyang mukha na may kailangan siya sa akin. Kaaalis lang ni Alistair sa tabi ko, dahil nagpaalam ito na ka-kausapin lang niya ang kanyang mga ka-business partner mula sa isang project. At eto, lumapit kaagad sa akin ang lalaking ito ng makita na mag-isa ako ngayon.
“Thank you so much, Sir, it’s my pleasure to meet you too.” Nakangiti kong bati sa kanya ng hindi nawawala ang matamis na ngiti sa aking mga labi upang hindi ito mailang sa akin.
“Ipagpaumahin mo, Iha, batid ko na hindi akma ang nais kong sabihin sayo, subalit ayokong palampasin ang magandang pagkakataon na ‘to. Because I know your husband and it’s obvious na nais ka niyang ipagkait sa lahat.” Ani nito na sinundan pa ng isang matining na pagtawa.
“It’s okay, nauunawaan ko, care to be free to say anything, Sir.” Natatawa kong sagot, ilang segundo lang ay nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Naging seryoso na ito sa pagsasalita.
“Huwag mo sanang mamasamain kung hinalungkat ko ang lahat ng impormasyon tungkol sayo, Iha. Ang totoo niyan at natutuwa akong malaman ng dahil sa dedikasyon mo ay isa ka ng magaling na abogado.
Iha, nalaman ko na marami ka ng naipanalong kaso, at nais ko sanang hilingin ang serbisyo mo. Dahil ang aking kumpanya ay nahaharap sa malaking problema.” Ani nito na sinundan pa ng mabigat na buntong hininga, kung titingnan mo ay parang pasân na nito ang mundo. Binuksan ko ang aking pouch at inilabas mula dito ang isang maliit na card.
“Mr?” “Oh, I’m sorry, it’s Ramon Alvares.” May pag-aatubili na sagot niya sa akin na medyo nahihiya pa, dahil nakalimutan nitong ipakilala ang kanyang sarili. Pagkatapos na sabihin ‘yun ay inilahad niya ang kamay sa aking harapan. Ngunit, imbes na tanggapin ang pakikipag kamay nito ay nakaipit sa dalawang daliri ko na inilahad ang aking calling card. Tila naunawaan naman niya ang nais kong mangyari dahil kaagad nitong kinuha ang maliit na tarheta.
Hindi ko kasi pwedeng tanggapin ang pakikipag kamay nito, lalo na at ramdam ko ang mga mata ng aking asawa na nakatitig sa akin. Kailangan kong maging maingat sa bawat kilos ko dahil isang pagkakamali ko lang ay maaaring masira ang lahat ng plano ko.
“You can come to my office, Mr. Alvares to discuss your concerns.” Ani ko sa magalang na pagsasalita. Nagliwanag ang mukha nito na para bang nabuhayan ng loob. Marahil, sa labis na kasiyahan ay napayukod pa ito sa aking harapan.
“Ngayon pa lang ay labis na akong nagpapasalamat sayo, Señorita.” Nagagalak nitong wika. “Basta’t alam ko na nasa tama ang pinaglalaban n’yo ay makakaasa ka na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mai-panalo ang kaso mo.” Nakangiti kong sagot, mabuti na hanggat maaga pa lang ay malaman nito na tanging nasa tama lamang ang hinahawakan kong mga kaso.
Isang tapat na ngiti ang lumitaw sa bibig nito at sa nakikita ko ay tila mas lalo pa siyang humanga sa akin.
“Dahil sa sinabi mong ‘yan ay mas lalo kong napatunayan na hindi ako nagkamali sa taong nilapitan ko. Thank you.” Nakangiti niyang saad na sinagot ko ng isang tipid na ngiti. Nagpaalam na ako kay Mr. Alvares dahil mula sa likuran nito ay kita ko ang matalim na tingin sa amin ng aking asawa. Sa tingin ko ay kanina pa nito gustong iwanan ang kanyang mga kausap, danang nga lang ay importanteng tao ang mga kaharap nito. Ramdam ko na nagseselos ang aking asawa, at ewan ko ba kung ano ang pumasok sa isip ko para pagtripan ito.
Inilabas ko ang aking cellphone mula sa pouch na hawak ko at saka nagpadala ng mahalay na mensahe kay Alistair. Sakto naman na nai-send ko na ang text ng dumaan ang isang waiter sa aking harapan. Dinampot ko ang isang zwiesel glass bago tumingin sa direksyon ng aking asawa. Parang gusto kong matawa dahil ngayon ay madilim na ang mukha nito na wari moy gusto ng pumatay nang tao.
Nakangiti na itinaas ko sa ere ang hawak kong cellphone at kita ko kung paano kumunot ang noo nito sa wari moy naguguluhan sa akin. Maya-maya ay napunta ang atensyon nito sa kanyang cellphone at nakita ko na binabasa na niya ang mensahe na ipinadala ko.
“Don’t look at me like that, Sweetheart, inaakit mo ako, come, I want you to f**k me…” ito ang biro ko sa kanya at sa nakikita ko ay malaki ang naging epekto nito sa asawa ko.
Parang gusto kong bumunghalit ng tawa ng mamula ang mukha nito at halos hindi na mapakali sa kanyang kinatatayuan.
Sunod na itinaas ko ay ang aking zwiesel glass, na tila nakikipag cheers sa aking asawa kahit na may ilang dipâ ang layo nito mula sa kinatatayuan ko. Naglaho ang masamang awra nito at ngayon ay nagmukha naman itong isang teenager na wari mo ay kinikilig ng makita ang kanyang crush. Nahalata ko na pigil nito ang isang ngiti at ewan ko ba kung bakit ako naman yata ang kinilig.
Kung noon ay natatakot ako sa aking asawa sa tuwing nagagalit siya, Ngayon? Labis akong naguguluhan para sa sarili ko dahil tila natutuwa pa ako sa tuwing nararamdaman ko na nagseselos ito.
“Well, anong pakiramdam ng nakasuot ng mamahaling damit at kumikinang na ginto?” Napalis ang ngiti sa mga labi ko ng marinig ko ang boses ni Denice mula sa aking likuran.
Isang matalim na ngiti ang lumitaw sa bibig ko bago pumihit paharap dito. Sa pagharap ko sa kanila ay tumambad sa akin ang nang-uuyam na mukha ni Denice. At ang ina nito na si Cynthia na pailalim kung makatingin sa akin. Mula naman sa kanilang likuran ay isang lalaki na nakatulala sa mukha ko.
“You know her?” Tila wala sa sarili na tanong ng lalaki at hindi ko alam kung para kanino ang tanong nito. “Yes, of course, I know her, siya ‘yung babae na kamuntikan ng pumatay sa pinsan mo. And I think alam ko na ang dahilan kung bakit pinatawad siya ng pinsan mo.” Sarkastiko ang pagbigkas nito ni Denice habang ang kanyang ina ay tagos hanggang buto ang mga titig sa akin.
Mariǐng naglapat ang aking mga ngipin at ng mga sandaling ito ay parang gusto ko na silang patayin. But I know them, kung inaakala nila na magtatagumpay silang ipahiya ako ay nagkakamali sila. Hindi na ako ang dating inosenteng si Louise na madaling mauto, at patutunayan ko sa kanila ‘yan ngayong gabi.”