“Five thirty ng hapon ng lumapag ang private plane sa Manila International Airport.
Diretso lang ang tingin ko sa unahan ng aming nilalakaran habang karga ang bunso kong anak. Komportable naman ako sa suot kong mahabang puting bestida na hanggang talampakan ang haba.
Kahit maluwang ang laylayan ng damit na ‘to ay bagsak naman ang malambot nitong tela kaya halos hakab pa rin itong tingnan sa aking katawan. Sumusunod din sa bawat kumpas ng aking katawan ang bestidang ito. Habang sa tabi ko ay ang aking asawa na naka-casual attire (white polo long sleeve at itim na slacks) ngunit kagalang-galang pa rin itong tingnan.
Paglabas namin ng airport ay nagulat ako ng sumalubong sa amin ang napakaraming reporter na tila sadyang kami ang hinihintay ng mga ito. Mabuti na lang ay may suot akong malaking shades kaya kahit papaano ay maikukubli ko ang aking mukha. Nagtataka na lumingon ako sa aking asawa ngunit hindi na ako nito pinansin dahil ang kanyang atensyon ay nasa media. Walang humpay ang pagkuha ng mga ito nang litrato sa aming mag-asawa. Mabilis kong kinabig ang ulo ng aking anak upang maikubli ang mukha nito.
“Mr. Thompson, can you tell us, who’s this girl beside you?” Curious na tanong ng isang reporter habang nakatitig sa mukha ko. Batid ko na alam na nila ang sagot ngunit nais nilang marinig sa mismong bibig ng aking asawa na tama ang kanilang iniisip. Cool naman itong sinagot ni Alistair.
“She’s my wife Mrs. Attorney Louise Thompson.” Seryoso na pagpapakila niya sa akin. Sa kabila ng ngiti na makikita sa mukha nito ay batid ko na ang lahat sa kanya ay isang pagkukunwari lamang.
Halos sabay na napasinghap ang lahat at walang humpay ang pagkislap ng kanilang mga camera, literal na nakatutok pa ito sa mukha ko.
Dahil sa tagal na pamamalagi ko sa Canada ay nakalimutan ko na sikat nga pala ang aking asawa kaya hindi kataka-taka na dumugin kami ng media.
“Excuse me.” Ito ang narinig ko mula kay Alistair at naramdaman ko ng hilahin ng braso niya ang bewang ko.
Dahil sa hindi ako sanay sa atensyon ng maraming tao ay mas pinili ko na lang ang idikit ng husto ang aking sarili sa katawan ng asawa ko upang maikubli ang mukha ko.
Naging panatag ang loob ko ng makita ko na safe naman ang aming mga anak dahil sa dami ng bodyguard na nakapalibot dito. Maayos silang naipasok sa loob ng sasakyan
“Bakit maraming media?” Naiinis na tanong ko sa aking asawa ng nasa loob na kami ng sasakyan.
“It’s good to know that everyone knows that you’re my wife.” Balewala na sagot ni Alistair na para bang walang pakialam sa mga nangyari. Nagpupuyos ang kalooban na natahimik na lang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Tapos na at nangyari na ang lahat.
Malungkot na ibinaling ko ang aking atensyon sa labas ng sasakyan habang masuyong hinahagod ang likod ng bunso ko na kasalukuyang nakadapa sa aking katawan at mahimbing na natutulog.
Nang mga oras na ito ay biglang sumagi sa isip ko ang aking mga magulang. Bukas na bukas din ay pupunta ako sa aming bahay upang makita ko na sila. Sabik na akong mayakap sila at sabihin na maayos ang kalagayan ko upang mapawi ang labis na pag-aalala nila sa akin.
Napukaw ang atensyon ko ng kamay ni Alistair na kasalukuyang humahaplos sa hita ko. Hindi ko namalayan na naitaas na pala niya ang laylayan ng suot kong duster. Kaagad kong hinawi ang kamay nito ngunit tila nang-aasar pa ito na itinaas ang kanyang kamay hanggang sa singit ko.
Napipikon na pinabayaan ko na lang ito, kailan ba ako nanalo sa lalaking ito? Hinagkan niya ang ulo ni baby Julien na nakaunan sa dibdib ko bago ibinaon ang mukha niya sa pagitan ng leeg ko.
Nahigit ko ang aking hininga dahil sa kakaibang epekto ng mainit niyang hininga na tumatama sa balat ko. Kahit nangangalay ay tiniis ko ang lahat at hinayaan ko ang aking mag-ama na nakasandal sa aking katawan.
Makalipas ang dalawang oras na biyahe ay huminto ang sasakyan sa tapat ng Mansion. Ang bahay na naging kulungan ko sa loob ng ilang buwan. Umalis si Alistair mula sa pagkakasandal sa aking katawan. Bumaba siya ng sasakyan at umikot sa tapat ko. Kinuha niya sa akin ang anak naming si Julien kaya malaya akong nakababa ng sasakyan. Kaagad akong lumapit sa anak kong si Aiden at hinawakan ang kamay nito, samantala ang pangalawa naming anak ay tulog sa mga bisig ng kanyang yaya.
Sabay kaming pumasok sa loob ng mansion ngunit pagdating sa salas ay saglit kaming natigilan dahil sa isang tao na kasalukuyang bumbabâ ng hagdan. Limang taon na rin ang lumipas ng huli kaming nagkita nito, and I think kahit ilang dekada pa ang lumipas o kahit na yata magpantay ang aming mga paa ay hindi pa rin magbabago ang pakikitungo nito sa akin. Ngayon ay nakatingin sa aking direksyon ang matalim nitong mga mata.
Ilang sandali pa ay bumaba ang tingin niya sa mukha ng panganay kong anak. Kita ko kung paano niya itong kasuklaman na katulad ng matinding pagkasuklam niya sa akin.
Natakot ang aking anak at pilit itong nagsumiksik sa pagitan ng mga hita ko kaya tumigas ang ekspresyon ng mukha ko. Yumuko ako at binuhat ko si Aiden, mabilis naman siyang yumakap sa leeg ko bago isinandig ang ulo nito sa balikat ko. Kahit papaano ay medyo panatag na ang pakiramdam ng aking anak ng makulong ito sa aking mga bisig.
“Iho, akala ko’y next month pa ang uwi mo, but I’m glad at mas maaga pa sa inaasahan ko ang pagdating ninyo. Ito na ba ang mga apo ko?” Masayang wika ng aking biyenan bago nito kinuha si Julien mula sa bisig ni Alistair.
Hinalikan nito sa noo ang dalawang anak ko pero ini-chapwera niya ang panganay kong anak. Hindi na ako nag react pa dahil inaasahan ko naman talaga ang hindi magandang pagtanggap nito sa amin ng panganay ko. Pero kahit papaano ay kampante ang loob ko na hindi niya idinamay ang dalawang bata sa galit nito sa akin.
“Magandang gabi, Mamâ.” Bati ko sa aking biyenan ngunit binastos lang ako nito, dahil tinalikuran ako nito habang kinakausap si baby Julien. Nagkibit balikat na lang ako at tinalikuran ko na sila, ni hindi ko na rin pinansin pa ang mga tingin sa akin ng aking asawa. Buhat ang anak kong si Aiden na pumanhik ng hagdan upang ayusin ang silid na gagamitin naming mag-ina.
Samantala...
“Arthur! Halika, madali ka!” Natataranta na tawag ni Melody sa kanyang asawa ng hindi inaalis ang mga mata sa screen ng maliit nilang TV.
“Bakit may nangyari ba sayo?” Nag-aalala na tanong ni Arthur sa kanyang may-bahay.
“Ang anak natin! Hindi ako maaaring magkamali, si Louise ang babaeng ‘yan!” Naluluha na turo nito sa babaeng katabi ng business tycoon na si Mr. Thompson. Natigilan ni Arthur ng matitigan ang mukha ng babae, kahit na natatakpan ng malaking sunglasses ang mukha nito ay malakas ang hinala nila na ito talaga si Louise dahil ang hugis ng mukha nito ay katulad ng sa kanya. Maging ang matangos nitong ilong at pati ang hugis ng kanyang mga labi, kaya walang duda na ito ang kanyang anak.
“Ang anak natin Arthur, tingnan mo s’ya malaki na ang baby natin, umiiyak na turan ni Melody na parang akala mo ay malapit ng takasan nang bait dahil sa matinding emosyon.
“Mr. Thompson, can you tell us, who’s this girl beside you?” Tanong ng isang reporter sa lalaking katabi ng kanilang anak, halata sa mukha ng kanilang anak ang labis na pagkailang para sa atensyon ng maraming tao na nakapaligid dito. Hinaplos ng awa ang puso nilang mag-asawa dahil ramdam nila ang matinding lungkot sa awra ng kanilang anak at maging si Arthur ay napaiyak din. Kahit malaki na ‘to ay para sa kanila ito pa rin ang sanggol na kanilang inalagaan.
“She’s my wife, Mrs. Attorney Louise Thompson.” Natigilan ang mag-asawa ng marinig ang naging sagot ni Mr. Thompson, nakaramdam sila ng galit para sa lalaking ito pero narun pa rin ang ibayong saya dahil sa kabila ng malaking problema na kinakaharap ng kanilang pamilya lalo na ng kanilang anak ay natutuwa pa rin silang malaman na natupad ng kanilang anak na maging isang abogado.
“N-Narinig mo? Abogado na ang anak natin.” Wala sa sarili na sabi ni Melody saka mahigpit na yumakap sa kanyang esposo.
“Masaya rin ako sa tagumpay ng ating anak, at bilang magulang niya ay isa itong malaking karangalan para sa atin dahil nagkaroon tayo ng anak na kayang tumayo sa sarili niyang mga paa kahit wala tayo sa kanyang tabi.” Sobrang emosyonal si Arthur habang sinasabi niya ang mga bagay na ‘to.
Ngunit sa huli ay saglit silang natigilan ng mula sa sasakyan ay nahagip ng camera ang mukha ng kanilang anak na nagtanggal ng salamin nito sa mata. Kahit wala pang segundo na nagtagal ang mata nila sa mala anghel na mukha ng kanilang anak. Hindi nakaligtas sa paningin ng mag-asawa ang mga mata ni Louise na puno ng galit. Nagugulumihanan na nagkatinginan ang mag-asawa dahil pakiramdam nila ay tila ibang tao na ang kanilang anak.