“N-No… Mom, nagbalik s’ya, nagbalik si Louise…” nahintakutan na saad ni Denice habang nakatitig ang nanlalaki niyang mga mata sa malaking flat screen ng TV na nasa kanilang salas.
Samantala, nanatili lang na tahimik si Mrs. Cynthia ngunit ang mga mata nito ay nakatutok sa mukha ng babaeng kasalukuyang pinagkaguluhan ng mga media.
“Attorney Thompson, sa tingin mo ba ay kaya mong ipanalo ang kasong ito? At hindi ka ba natatakot na malagay sa alanganin ang buhay mo?” Seryosong tanong ng reporter kay Louise ngunit mas lalong napako ang tingin ng mag-ina sa mukha ng lalaking nasa tabi nito na naka suot ng mamahaling suit habang ang mga mata ay natatakpan ng mamahalin na sunglasses.
“Of course we will, at bakit ako matatakot? May mas nakakatakot pa ba sa asawa ko?” Puno ng confindence na sagot ni Louise habang nakapaskil ang isang tipid na ngiti mula sa malarosas nitong mga labi. Natawa ang lahat dahil sa kanyang tinuran maging ang asawa nito na nakayakap ang isang braso sa maliit niyang baywang. Nanggigigil na hinalikan nito ang asawa habang si Louise ay halos magkulay kamatis ang mukha dahil sa matinding hiya.
Kinilig naman ang lahat ng masaksihan nila kung paano maglambing si Mr. Thompson sa kanyang asawa. Marami rin ang nagulat dahil malayo ang ugaling nakikita nila dito sa kilala nilang suplado at masamang ugali na Alistair Thompson. Kung titinangnan mo ang mag-asawa ay mukhang mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Ngunit, hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang kanilang mga nakikita ay pawang pagpapanggap lamang.
“Mom, ano ang gagawin natin? I know nagbalik s’ya para gumanti sa atin, i knew it! I knew it!” Pagkatapos na sabihin ito ni Denice ay balisa ito na nagpalakad-lakad sa harap ng kanyang ina habang magkasalikop ang mga kamay nito.
“Could you please stop it!” Irritable na bulyaw ni Cynthia sa kanyang anak. “So what kung bumalik s’ya? Remember nag-prescribed na ang crime kaya wala na siyang mahahabol pa sa atin. At hindi na niya mababago pa ang tingin sa kanya ng lahat na isa siyang kriminal na tumakas sa batas.”
Matatag na pahayag ni Cynthia na siyang ikinatahimik ni Denice. Huli na bago pa napagtanto ni Cynthia ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig.
“I-I’m sorry, Anak. Hindi ko sinasadya, nakukunsensya na humingi ito ng tawad sa kanyang anak.
“It’s okay, Mom, we know naman kung gaano ako i-responsableng anak, until now.” Malungkot na sagot ni Denice kaya maging ang kanyang ina ay nalungkot din.
“Don’t mind her, mas pagtuunan mo ng pansin ang ating mga negosyo, dahil wala kang mapapala sa babaeng ‘yan. You see? She’s an impotent na kailangan pang sumandal sa ibang tao para lang umangat ang estado niya sa buhay. Kung malayo man ang narating niya ay di hamak na mas malayo na ang narating mo. Minsan ka ng nagkamali pero hindi reason ‘yun para habambuhay mong ikukulong ang sarili mo sa anino ng babaeng ‘yan.
Remember, hindi natin siya pinilit, at ang lahat ay naaayon sa kanyang mga desisyon. Kaya wala siyang dapat na sisihin kundi ang kanyang sarili.” Matigas na pahayag ni Cynthia sa kanyang anak at sa ngalan ng pagiging ina nito ay handa siya na gawing tama ang mali.
Ang mga salita ng kanyang ina ang tila nagbigay ng lakas ng loob kay Denice upang itatak sa kanyang utak na hindi niya ginusto ang mga nangyari at wala siyang kasalanan.
“Thank you, you're a great Mom, for me. Kahit kailan ay hindi mo ako iniwan. I Love you, Mom.” Malambing na turan ni Denice bago mahigpit na niyakap ang kanyang ina. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay kaagad na nagpaalam ang kanyang ina, dahil may naka-schedule itong meeting sa isa niyang kliyente.
“Saglit na tinitigan ko ang mukha ng dati kong kaibigan na si Louise, aminado ako na higit siyang gumanda. Para siyang isang bulaklak na namumukadkad at mas lalo pang tumingkad ang dati nitong ganda. She’s a simple woman with unique personality and beauty na hindi lingid sa kaalaman nito ay labis kong kinaiinggitan. Siya din ang madalas na pagmulan ng away namin ng nobyo kong si Rhed na ngayon ay asawa ko na.
Yes, we got married pagkatapos na maibasura ang kaso, seven years na ang nakalipas. Pero hindi nagboom ang relasyon naming mag-asawa, dahil akala ko ay magbabago na si Rhed pagkatapos ng kasunduan namin na tutulungan ko siya na ma-abswelto ito.
Nakaraan….
“Stop it! Denice, ano ba! Nag-da-drive ako!” Galit na bulyaw sa akin ni Rhed, but I’m so frustrated dahil nalaman ko na may relasyon pa rin sila ng malanding babae na ‘yun! Halos mag wala ako sa matinding galit at nawala na ako sa huwisyo, because it’s really hurt… I gave everything to him, na halos wala na akong itinira para sa sarili ko tapos ito lang ang matatanggap ko mula sa kanya!?
Paulit-ulit ko siyang pinatawad, yes! I’m a totally stupid na wala ng pakialam sa sarili ko! Kaya napakasakit na malaman kong muli na patuloy pa rin ako nitong niloloko.
Patuloy ako sa paghihysterical at natauhan lang ako ng maalog ang katawan ko dahil sa lakas ng pagkakabangga ng sinasakyan naming kotse mula sa isa pang sasakyan.
P-Paanong nangyari ito? Bakit napakabilis yata ng lahat!?” Ito ang tanong sa isipan ko habang pinagmamasdan ko ang duguang mukha ni Rhed habang walang tigil ito sa pag-ungol.
Nabaling ang tingin ko sa aking kaibigan na si Louise, maging ito ay duguan din na halos hindi na gumagalaw.
“Louise!” Malakas kong tawag sa kanya ngunit nanatili lang ito sa aking isipan habang pilit kong iminumulat ang aking mga mata. Dahil walang seatbelt ang kaibigan ko ay tumilapon ito sa labas ng sasakyan.
“B-Babe... nauutal na tawag sa akin ni Rhed habang patuloy na tinatapik nito ang pisngi ko. “Hmmmm...” tanging ungol lang ang nagawa ko dahil medyo nahihilo pa ako sa lakas ng pagka-kahampas ng ulo ko sa dashboard ng sasakyan. Saka ko lang napagtanto na naliligo na pala ako sa sarili kong dugo. Nakita ko na lumabas ng sasakyan ang boyfriend ko, ngunit maya-maya ay bumalik din ito kaagad. Subalit hindi na siya nag-iisa dahil buhat na niya ang kaibigan kong sa Louise na kasalukuyang walang malay.
Nang makabawi ako ay nagtataka na tumingin ako sa mukha ni Rhed dahil naguguluhan ako sa mga ginagawa n’ya.
Pagkatapos niyang maikabit ang seatbelt kay Louise ay lumapit naman siya sa akin. Umiiyak na ikinulong niya ang mukha ko sa kanyang mga palad habang ang kanyang mga mata ay tila nagsusumamo.
“Denice, makinig, tandaan mo ang mga sasabihin ko, hm? Si Louise ang nagmamaneho ng sasakyan at hindi ako. M-Maliwanag ba?” Bahagya pang pumiyok ang boses nito at ramdam ko mula sa nanginginig niyang mga kamay ang matinding takot. Wala sa sarili na umiling ako kaya humigpit ang pagkakalapat ng kanyang mga palad sa aking mga pisngi.
“Babe, I’m sorry, pangako magbabago na ako, ikaw lang ang mamahalin ko, pangako, kahit ngayon lang, bigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan ko ito sayo. B-Babe, ayokong makulong! Ayoko! Pakiusap kahit ngayon lang, tulungan mo ako....”
kasalukuyang sitwasyon...
“Napaiyak ako ng muli ko na namang naalala ang nakaraan. Nadala ako ng mga pagmamakaawa ng boyfriend ko. Nnang dahil sa labis na pagmamahal ko sa kanya ay tinabla ko ang kaibigan ko, I lied to her, sinabi ko na buntis ako kahit hindi. Alam ko ang ugali ni Louise at batid ko na hindi siya tatanggi sa oras na malaman nito na may inosenteng bata ang mai-involve. Aminado ako na naging makasarili ako pero tama si Mommy, kung hindi ko gagawin ang nais mangyari ni Rhed ay maging ako’y makukulong din. Dahil kung hindi ko inaway si Rhed na kasalukuyang nagmamaneho ng araw na ‘yun, marahil, hindi kami mababangga.
Malungkot na pinahid ko ang aking mga luha at nang muli akong tumingin sa screen ay wala na ang mukha ni Louise.
Pinatay ko na ang tv at pumasok na lang ako sa silid naming mag-asawa. Malaki ang villa na ‘to pero para namang walang nakatira dahil madalas wala ang asawa ko at laging nasa business trip. Kilala ko si Rhed at alam ko na wala ito sa business trip, nararamdaman ko na may kinalolokohan na naman itong babae.
Kahit nangako na siya sa akin nung araw na ‘yun ay hindi pa rin siya tumupad hanggang sa sumuko na lang ako. Bahala siyang magpakalunod sa ibang babae wala na akong pakialam.
Imbes na magmukmok sa bahay ay naligo ako at nagsuot ng magandang damit dahil may outing kami ng mga kaibigan ko. Saturday naman ngayon at half day lang ang pasok ko sa opisina kaya malaya akong pumunta sa kung saan ko gusto. Mag-asawa nga kami ni Rhed pero may kanya-kanya kaming buhay.
Mom, is right, wala akong dapat na katakutan at handa akong harapin muli si Louise kahit saan pa kami makarating.”