Naka-corporate attire at nakasukbit naman sa kanang braso ni Denice ang latest design ng isang mamahaling bag. Taas noo na naglalakad papasok sa loob ng isang mamahaling Chinese restaurant.
Halos hindi mapigilan ng mga tao sa loob ng restaurant ang lumingon sa kanyang direksyon at ang mga mata ng lahat ay kakikitaan mo ng paghanga.
Nagdiwang ang kalooban ni Denice dahil sa atensyon na nakukuha niya mula sa mga tao sa kanyang paligid. Kaya naman mas lalong tumaas ang kumpiyansa niya sa kanyang sarili na para bang ang mga paa nito ay nakalutang sa alapaap.
Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi ng makita niya na kumakaway ang isang Ginang mula sa isang lamesa na nasa dulong bahagi ng restaurant. Hindi nawawala ang magandang ngiti sa kanyang mga labi, hanggang sa nakalapit na siya sa pwesto ng kanyang kliyente.
"Hi, Mrs. Celiz. Finally, I had the opportunity to meet a beautiful lady like you.” Magalang na bati ni Denice sa malambing na tono na may kalakip na papuri.
“You’re delightful, Iha, but I’m so happy to meet you in person. You’re even more beautiful in person, dear." Nakangiting wika naman ni Mrs. Celiz habang nagbe-beso-beso ang dalawa. Pagkatapos ng batian ay mahinhin na umupo ang dalawa.
“Masaya akong malaman na ang aking kumpanya ang napili mong pagkatiwalaan, and I will make it sure na hindi ka mag-sisisǐ.” Puno ng kumpiyansa ang tinig ni Denice habang nagsasalita. Nakangiti na tumatango si Mrs. Celiz at halatang natutuwa ito sa kanyang kausap.
“Of course, Iha, base na rin sa report na natanggap ko, sa loob ng ilang taon at maganda ang naging takbo ng kumpanya mo. Masasabi ko na talagang magaling kang humawak ng negosyo. Napakaswerte ng mga magulang mo”-
Saglit na naputol sa pagsasalita si Mrs. Celiz dahil napunta ang atensyon nito mula sa likuran ni Denice.
**Mrs. Celiz**: “Oh by the way, Iha, ipagpaumanhin mo kung hindi ko nabanggit sayo na isinabay ko na ang meeting natin na ito sa meeting ng isa ko pang kliyente. Masyado kasing busy ang schedule ko at bukas na ang flight ko papuntang US. Kailangan kong ma-settle ang lahat ng ito bago ako umalis ng bansa.”
Nakangiting wika ni Mrs. Celiz. Nakadama ng disappointment si Denice dahil hindi lang pala siya ang prioridad ng taong kausap. Kahit may bahid sama ng loob ay napanatili pa rin niya ang magandang ngiti sa kanyang mga labi.
“It doesn’t matter, Mrs. Celiz, it’s okay, well, I think pwede na natin simulan ang meeting habang hinihintay ang pagdating ng ka meeting mo.” Kalmado ang timbre ng boses ni Denice habang nagsasalita.
“Oh, she’s here.” Pagbibigay alam ni Mrs. Celiz habang lampasan ang tingin nito sa kanya, bahagyang nakadama ng inis si Denice dahil nakikita niya sa mukha ng ginang na mas interesado pa ito sa taong hinihintay nila kaysa sa kanya. Napilitan na ring lumingon ni Denice sa kanyang likuran para lang magulat.
Mula sa pintuan ng restaurant ay tila slow motion ang pagpasok ng isang magandang babae na may mahabang buhok na umabot hanggang bewang nito.
Nakasuot ito ng suit dress na halos kita na ang maputi at nakakaakit nitong cleavage. Napaka classy ng bawat galaw niya at higit siyang naging kahali-halina sa paningin ng lahat dahil sa kulay khaki nitong damit na bumagay sa malagatas niyang balat.
Ang maamo niyang mukha ay nagmukhang mataray ang dating dahil sa natural nitong mga kilay na wari mo ay iginuhit. Mas lalo pang tumingkad ang natural na ganda ng babae dahil manipis na orange nitong lipstick sa labi. May ilan ay humanga, at ang ilan pa sa mga tao ay napatanga habang nakaawang ang kanilang mga bibig.
Tila may isang anghel na bumaba sa lupa na ngayon ay naglalakad sa kanilang harapan. Awâng ang bibig ni Denice at bakas ang labis na pagkagulat sa mukha nito habang nakatitig sa mukha ng kasalukuyang naglalakad na si Louise. Sa kabila ng maamong mukha ni Louise ay hindi nakaligtas sa paningin ng lahat ang matalim nitong mga mata habang nakatitig sa mukha ni Denice.
“Oh my goodness, pakiramdam ko ay nakaharap ko ngayon ang isang diyosa. Ginulat mo ako, Iha.” Nagagalak na sabi ni Mrs. Celiz habang nakikipag beso-beso kay Louise.
"It's almost a year, Auntie, since we last saw each other. I am so happy because you still look so young. I can see in your aura that you take great care of yourself." Nakangiti na sabi ni Louise pagkatapos na pasadahan ng tingin ang kabuuan ng Ginang. Natuwa ang Ginang sa mga sinabi ni Louise dahil may katotohanan ang mga naging pahayag nito. .
“Magaling kang kumilatis, Iha, tama ka, masyado akong conscious sa aking katawan dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang edad ko.” Ani ni Mrs. Celiz na sinundan ng tawa kaya natawa na rin si Louise.
Sa kabilang banda ay pakiramdam ni Denice nagmukha siyang tanga sa isang tabi na akala mo ay hindi nag-exist paligid. Tila nakahalata naman ang ginang at isang mapagpakumababang tingin ang ibinigay niya kay Denice.
"Oh, by the way, Mrs. Thompson, may I introduce you to Ms. Denice Melendez. Ms. Melendez, this is Mrs. Thompson. She will be handling the company's case, which is why she's here today. And you know she's a lawyer, so you can ask her for legal advice if your company ever encounters any problems." Nakangiti si Mrs. Celiz habang ipinapa-kilala nito ang dalawa sa isa’t-isa at ang paraan ng pagsasalita nito ay kababakasan mo ng labis na paghanga para kay Louise.
Walang kamalay-malay ang Ginang na nagsisimula ng tumaas ang tension sa pagitan ni Louise at Denice. Saglit na natigilan si Mrs. Celiz at nag palipat-lipat ang tingin nito sa dalawang babae na kapwa seryoso ang ekspresyon ng kanilang mga mukha. Si Louise na wala kang makikita na anumang emosyon mula sa mukha nito habang diretso na nakatitig sa mga mata ni Denice.
Samantalang si Denice at pilit na tinitibayan ang loob habang matapang si nakikipagtitigan sa dati niyang kaibigan. Ilang sandali pa ay umangat ang sulok ng bibig ni Louise habang nanatiling blanko ang ekspresyon ng mukha nito.
“It’s okay, I know her very well, Right, Denice?” Ramdam ni Denice ang talim ng galit ng kanyang kaibigan sa timbre ng pagsasalita nito. Isang alanganing ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Denice bago pumihit paharap kay Mrs. Celiz. “Yeah, we've known each other since we were kids.” Malumanay na sagot ni Denice bago sabay silang naupo sa kanilang mga upuan.
“And by the way, hindi ko rin kailangan ang tulong niya as a lawyer because nakatapos din ako ng kursong law. Mas mahalaga lang kasi na pagtuunan ko ng atensyon ang mga negosyo ng aking pamilya.” May pagmamalaki na paliwanag ni Denice na para bang nais niyang ipaalam sa mga taong kaharap na hindi siyang basta-bastang negosyante lang. Labis na humanga si Mrs. Celiz sa sinabi ni Denice.
I’m so impressive, Iha, napakabuti mo palang anak.” Mula sa ilalim ng lamesa ay mahigpit na kumuyom ang mga kamay ni Louise. Lalong naghimagsik ang poôt na nararamdaman niya para sa dating kaibigan.
Hindi niya lubos maisip kung paano nagagawa nito na ngumiti sa kanyang harapan na tila ba walang nangyaring pag tatraidor sa pagitan nilang dalawa.
“Hindi mo nabanggit sa akin, Iha na matagal na pala kayong magkakilala Ms. Melendez.” Nakangiting turan ni Mrs. Celiz, isang makahulugang ngiti ang sumilay sa magandang labi ni Louise bago ito nagsalita.
“We’re not just magkakilala lang tita, actually ay UTANG NA LOOB niya sa akin ang lahat kung bakit siya nakapagtapos ng pag-aaral at kung bakit siya malayang namumuhay sa mundo na kanyang ginagalawan. Am I right, Denice?.”
Malinaw ang pagbigkas ni Louise sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig lalo na ang makahulugang pagkakabanggit nito ng salitang utang na loob.
Lihim na nagdiwang ang kalooban ni Louise ng makita niya kung paano maging balisa ang ekspresyon ng mukha nito. Kapansin-pansin na hindi na rin ito komportable sa kanyang presensya.
Natigilan si Mrs. Celiz dahil tila naramdaman yata nito na may malalim na namamagitan sa dalawang babae na nasa kanyang harapan. “Ahm, excuse me, Mrs. Celiz, I need to use the restroom.” Nakangiting paalam ni Denice, hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Mrs. Celis at bitbit ang bag na nagmamadaling tumalikod na ito sa kanila.