“Nervous?” Pagkapatapos na maghilamos ay natigilan si Denice ng marinig niya mula sa kanyang likuran na nagsalita si Louise. Mabilis siyang nag-angat ng mukha at nanlilisik sa galit na tumitig siya sa salamin. Sumalubong sa kanyang mga mata ang matapang na mukha ni Louise habang nakapaskil sa sulok ng bibig nito ang nang-uuyam na ngiti.
Pak!” Isang malakas na sampal ang gumimbal kay Denice mula kay Louise ng pumihit siya paharap dito. K
Kasalukuyan silang nasa loob ng restroom. Hindi alam ni Denice na sinundan pala siya ni Louise. Nanlalaki ang mga mata na nag-angat ng mukha si Denice at wala sa sarili na tumitig siya sa mukha ni Louise habang sapo ng kanyang palad ang nasaktang pisngi.
Madilim ang ekspresyon ng mukha ni Louise na para bang gusto na siya nitong patayin. Nakadama ng matinding takot si Denice kaya paulit-ulit na kumurap ang kanyang mga mata.
“Now tell me, bakit mo ako trinaidor? Wala akong maalala na may ginawa kong kasalanan sayo Denice!” Matigas kong tanong sa kanya habang ang aking mga mata ay nanlilisik sa galit na nakatitig sa kanyang mukha.
“Wala akong kasalanan”- “PAK!” Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita at isa na namang sampal ang natanggap niya mula sa akin. Dahil sa ginawa ko ay tuluyan na itong napaiyak at galit na tumitig ang mga mata nito sa akin.
“Kahit anong gawin mo ay wala akong aaminin na kasalanan ko sayo! Si Rhed ang nagplano ng lahat! Siya ang nag frame up sayo, hindi ako! Kaya siya ang sisihin mo!” Matigas na pahayag ni Denice, ang katawan nito ay nanginginig dahil sa matinding emosyon habang ang mga kamay nito ay mahigpit na nakakuyom.
“Huwag mong sasabihin na wala kang kasalanan! Dahil kung hindi ka nagpakatanga sa lalaking iyon ay hindi mangyayari ang lahat ng ito! Nang dahil sa iyo ay nasira ang lahat sa akin! Ang buhay ko! Ang kinabukasan ko, at maging ang pamilya ko! Makasarili ka Denice, dahil sarili mo lang ang iniisip mo! Hindi ko alam kung saan ka humugot ng kapal ng mukha para ipangalandakan sa lahat na isa kang inosente at mabuting anak. Dahil alam naman natin kung anong klaseng pagkatao meron ka at kung anong klase kang anak.” Matigas kong wika, malakas ang tahip ng dibdib ko at hindi ko na napigilan ang matinding emosyon kaya naiyak na ako sa galit.
Natameme si Denice ng marinig niya ang mga sinabi ko. Nanatili lang siyang nakatingin sa sahig ngunit patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha. “Hindi pa dito natatapos ang lahat, Denice, dahil ibabalik ko sa inyo kung ano yung hirap na ipinaranas ninyo sa pamilya ko.” Ito ang matinding banta ko kay Denice at kaagad na tinalikuran ito. Naiwan siyang nakatulala sa kawalan na tila ba hindi makapaniwala sa mga nangyayari.
Maingat na pinahid ko ang aking mga luha habang naglalakad pabalik sa inuukupang lamesa ni Mrs. Celiz.
“Ahm, tita, actually kagabi pa lang ay nireview ko na ang kontrata na pinirmahan ninyo ng kliyente mo. At sa nakikita ko ay ang kliyente mo ang may nilabag sa kontrata, so you should don’t be worried about this, I’m sure malaki ang laban natin sa kasong ito.” Nakangiti kong saad, napaka-kaswal ng pagsasalita ko na para bang walang nangyaring komprontahan sa pagitan namin ni Denice. Nagliwanag ang mukha ni Mrs. Celiz, halatang masaya ito sa naging pahayag ko.
“Naku, Iha, ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako sayo! Hindi ako nagkamali ng nilapitan.” Nakangiti nitong wika habang hawak ang isa kong kamay na bahagya pa itong pinipisil. “
Your welcome, tita, by the way I’m gonna go now, may importante pa kasi akong pupuntahan.” Paalam ko sa kanya habang inaayos ko ang aking mga gamit. Tumayo na ako kaya tumayo na rin si Mrs. Celiz at nakipagkamay sa akin. Nakangiti na nagpaalam ako sa kanya bago nagmamadali ng humakbang palabas ng restaurant.
Ang totoo niyan ay hindi alam ni Alistair na umalis ako ng bahay at tinakasan ko ang aking mga bodyguard. Hindi dapat nila malaman ang mga plano ko kaya kinailangan ko itong gawin. Nagmamadali na sumakay ako sa aking sasakyan at tinahak ang daan patungo sa aming tahanan, upang sunduin ang mga magulang ko. Halos paliparin ko ang aking sasakyan para lang mabilis na makarating sa bahay ng mga magulang ko.
After fifteen minutes ay huminto ang sasakyan ko sa tapat ng aming gate na may kalumaan na at mula sa nakasaradong bintana ng sasakyan ay nakita ko na lumabas ang aking ina. Nagtataka na nakatanaw ito sa nakaparadang sasakyan sa tapat ng aming tarangkahan. Hindi pa man ako nakababa ng sasakyan ay pumatak na kaagad ang mga luha ko.
“M-Mommy!” Puno ng pananabik na tawag ko sa aking ina. Halos madurog ang puso ko ng masilayan ko ang mukha nito, bakas sa mukha niya ang matinding paghihirap. Tila domuble ang tanda nito kumpara sa kanyang edad. “AAnak!?” Para itong nakakita ng multo na nanlalaki ang mga mata. Nang mga oras na ito ay matinding damdamin ang bumalot sa aming mag-ina at halos manginig ang laman ko ng sugurin ko ito ng yakap.
“Mommy ko..” ani ko na sinundan ng isang malakas na hagulgol habang nakakulong ito sa aking mga bisig. Kulang na lang ay himatayin si mommy at napapatalon pa ito habang paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ko. Panay naman ang halik ko sa ulo nito at halos mabasâ na ang aming mga damit dahil sa baldeng luha na lumalabas sa aming mga mata.
“I miss you, Mom, I-I miss y-you so much...” ani ko sa garalgal na tinig na halos pumiyok ang boses ko. Hindi na makapagsalita ang aking ina at idinaan na lang niya sa matinding pagtangis ang kaligayahan na kanyang nararamdama. Mula sa likod ni mommy ay nalipat ang atensyon ko sa aking ama na natatarantang lumabas ng bahay. Kita ko kung paanong magliwanag ang mukha nito dahil sa labis na kasiyahan.
Nagmamadali siyang lumapit sa aming mag-ina at sinugod kami ng yakap. Buong pananabik na paulit-ulit na hinalikan ni Daddy ang mukha ko na kung saan-saan na lumapat ang kanyang mga labi nito sa parte ng aking mukha habang ito ay umiiyak. “Ang anak ko… salamat at ligtas ka.” Ani ng aking ama na kulang na lang ay madurog ang katawan namin ni Mommy dahil sa higpit ng yakap nito.
“D-Dad, kailangan n’yong sumama sa akin, kailangang mailayo ko kayo dito, saka ko na ipapaliwanag kung bakit, sa ngayon ay ilock nyo na lang muna ang bahay at huwag na kayong magdala pa ng gamit.” Natataranta kong sabi, nagtataka man ay kaagad naman itong sumunod sa akin. Nagmamadaling lumapit si Daddy sa pinto upang i-lock ito at halos takbuhin namin ang aking sasakyan.
“A-Anak, ano bang nangyari?” Naguguluhan na tanong sa ‘kin ni daddy habang kinakabig ko ang manibela ng sasakyan papunta sa ibang direksyon. Malakas kasi ang pakiramdam ko na parating na ang mga tauhan ng asawa ko. Kailangan kasing mailayo ko ang mga magulang ko dito dahil natatakot ako na sila ang balikan ng mga taong babanggain ko. “Pasensya na daddy, kapag may oras ako ay ipapaliwanag ko sa inyo ang lahat pero sa ngayon ay kailangan ko kayong maitago sa bahay na binili ko.” May pag-aatubili na sagot ko sa aking ama habang panay ang sulyap ko rearview mirror.
Tulad ng inaasahan ko ay dumating ang mga tauhan ng asawa ko pero mabuti na lang ay kaagad kaming nakalayo. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag dahil ligtas kaming nakaalis. Batid ko na sa ginawa kong pagtakas ay siguradong mas magiging mahigpit sa akin si Alistair. At least hindi na ako kakabahan na maaari niyang gamitin ang mga magulang ko laban sa akin para lang mapasunod ako dahil sisiguraduhin ko na siya ang susunod sa mga nais kong mangyari.
Makalipas ang halos dalawang oras ay huminto ang sasakyan ko sa tapat ng isang malaking Villa. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko agad na puntahan ang mga magulang ko ng dumating kami ng bansa. Dahil pinagplanuhan kong mabuti ang lahat. Bumili ako ng property na nakapangalan sa aking ama, dito ko nilagay ang lahat ng naipon ko mula sa pagtatrabaho ng isang taon bilang isang abogado sa Canada.
“Mom, dad, magmula ngayon ay ito na ang magiging tirahan n’yo, dito ay sinisigurado ko na walang mananakit sa inyo. Sa oras na magkaroon ng problema ay tawagan n’yo lang ang numero na ‘to. Gustuhin ko mang manatili ng matagal ngunit hindi na pwede, but don’t worry, darating ang tamang panahon na magkakasama din tayo at makikilala ninyo ang inyong mga apo.” Nakangiti kong pahayag. Umiiyak na niyakap ako ni Mommy habang si daddy ay malungkot na hinagkan ang ulo ko.
“Kung ano man ang nangyayari sa iyo, Louise ay ipangako mo sa amin na hindi ka mapapahamak at uuwi kang ligtas upang magkasama tayong muli.” Malungkot na pahayag ng aking ina kaya naman hindi na maampat ang mga luha ko. “I love you, Mommy, Dad, I really miss you.” Parang bata ako habang sinasabi ko ito sa kanila, kaya muli kong naranasan na makulong sa kanilang mga bisig.
Labag man sa aking kalooban ay napilitan na akong magpaalam sa aking mga magulang.”
“Time will come, magiging maayos din ang lahat at muli ko kayong makakasama. Pero sa pagkakataong ito ay kailangan kong ibangon muli ang dignidad ng pamilya ko.” Ito ang tumatakbo sa isip ni Louise habang nagmamaneho pabalik sa mansion ng kanyang asawa.