Chapter 24

1090 Words
Marahang bumukas ang aking mga mata, at tanging puting kisame ang tumambad sa aking paningin. Ibinaling ko ang tingin sa nakabukas na bintana habang ang puting kurtina nito ay bahagyang inililipad ng sariwang hangin. Maaliwalas ang panahon at napakapayapa ng kapaligiran sa labas ngunit para sa akin ay walang buhay ang mga ito. Pagkatapos sa labas ng bintana ay lumipat ang tingin ko sa magulong kama na aking kinahihigaan. Wala na si Mr. Alistair at tanging ang bakanteng bahagi ng kama ang aking nagisnan. Nanghihina na bumangon ako at hubo’t-hubad na humakbang papasok sa loob ng banyo. Kusang nalaglag ang mga luha ko sa mata ng makita ko ang maraming pasa sa buong katawan ko. May ilang marka pa ng kagat na makikita sa balat ko. Nanginginig ang mga kamay na pinahid ko ang aking mga luha habang humahakbang papasok sa loob ng shower room. Tahimik na tumayo ako sa tapat ng dutsa at hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa ‘king kahubdan. Napangiwi pa ang mukha ko ng subukan kong hilurin ang aking katawan, pakiramdam ko ay para akong inapakan ng sampung kabayo. Kagat labi na tiniis ko ang sakit, hanggang sa natapos ko ang paliligo. Maingat na binalot ng malaking tuwalya ang aking katawan bago lumabas ng banyo. Ngunit, pagbukas ko ng pinto ay tumambad sa akin ang masayang mukha ni Mr. Alistair. Kung titingnan mo ang kanyang awra ay parang walang nangyaring alitan kagabi sa aming dalawa. Mukhang bagong ligo ito at kagalang-galang siyang tingnan, dahil suot niya ang isang navy blue, long sleeve polo shirt at itim na slacks. “Good morning!” Nakangiti niyang bati sa akin bago tinawid ang aming pagitan. Napaigtad ang katawan ko ng tangkain niya akong hawakan kaya saglit siyang natigilan at napalis din ang ngiti sa mga labi nito. Ilang segundo na tumitig siya sa mukha ko. Ngunit, kalaunan ay muli siyang ngumiti subalit hindi na ito tulad ng kanina, batid ko na isa itong pilit na ngiti. Isang banayad na halik ang iginawad niya sa akin habang ang dalawang braso niya ay magaan na nakahawak sa magkabilang gilid ng balakang ko. “Magbihis ka dahil aalis tayo ngayon.” Malambing niyang utos habang hinihila niya ang isang kamay ko palapit sa kama. Saka ko lang napansin ang isang puting bestida na nakalatag sa kama habang sa tabi nito ay isang puting sapatos na may patulis na tatlong pulgadang takong. Napalunok ako ng wala sa oras ng kalasin niya ang pagkaka-buhol ng tuwalya sa dibdib ko. Mabilis na kinapitan ko ang kanyang kamay kaya natigilan siya at tumitig sa mukha ko ang matapang niyang mga mata. Batid ko na nagsisimula na naman siyang magalit kaya mabilis akong nag-isip ng maidadahilan. “A-Ako na, n-nahihiya kasi ako.” Pagdadahilan ko ngunit hindi ko pa rin napigilan ang mautal sa pagsasalita dahil pakiramdam ko ay nagkakaphobia na yata ako sa kanya. Natatakot ako na magalit siya sa akin at muli na naman niya akong pagbuhatan ng kamay. “Isang matamis na ngiti ang lumitaw sa kanyang mga labi na tila i-kinasiya pa niya ang sinabi ko. “Oh, come on, Honey, hindi mo na kailangan na mahiya sa akin, besides nahalikan at natikman ko na ang katawan mo.” Sa tono ng pananalita nito ay wari moy teenager na kinikilig ito, na para bang inaalala pa niya ang namagitan sa aming dalawa. Pakiramdam ko ay nangapal at nag-iinit ang magkabilang pisngi ko dahil sa labis na kahihiyan. Lalong lumapad ang ngiti niya na wari mo ay siyang-siya sa nakikita niyang reaksyon ng mukha ko. Kahit na nahihiya ay pinilit ko pa ring kumilos ng kaswal sa paningin nito. May pag-aatubili na isinuot ko ang mahabang bestida ngunit bigla niyang hinawakan ang kanang braso ko. Nagtataka na tumingin ako sa kanyang mukha, natigilan ako ng sa unang pagkakataon ay lumambot ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Relax, huwag kang matakot sa akin, hm?” Ani nito sabay hagod sa aking braso na tila sa pamamagitan nito ay mapapawi ang matinding tensyon na nararamdaman ko. Saka ko lang napagtanto na nanginginig na pala ang mga kamay ko. Pasimple kong pinuno ng hangin ang aking dibdib at dahan-dahan ko itong pinakawalan. “Lagi na lang akong pinapahanga ng ganda mo.” Malambing niyang wika mula sa aking likuran. Kapwa kami nakatingin sa nakatayong salamin at pinagmamasdan ang aking kabuuan. Nakatitig ang mga mata nito sa mga mata ko mula sa salamin habang inaayos niya ang manipis na strap ng damit sa balikat ko. Ibinuka niya sa likuran ko ang isang manipis at mahabang cardigan na siyang magkukubli sa aking balat. Nang isuot ko ang kulay puti na bulaklaking cardigan na kasing haba ng suot kong puting bestida ay nag mukhang conservative ang ayos ko. “Let’s go?” Patanong niyang wika bago iginiya ako patungo sa pintuan. Mula sa silid hanggang sa nakarating na kami sa labas ng Mansion ay hindi na niya inalis ang nakapulupot niyang braso sa aking baywang. Sa loob ng ilang buwan na pananatili ko sa loob ng silid ay ito ang unang pagkakataon na tumapak ang aking mga paa sa lupa. Nakaramdam ako ng kasiyahan at pakiramdam ko ay nagmukha akong ignorante, dahil masyado na akong naging emosyonal. Binuksan ni Mr. Alistair ang pinto ng kotse at saka pa lang niya binitawan ang bewang ko ng makapasok na ako sa loob ng sasakyan. Kaagad niyang isinarado ang pinto at mabilis na umikot ito sa kabilang side ng kotse habang sinusuot ang kanyang sunglasses sa mata. Aminado ako na mas lalong lumakas ang karisma ni Mr. Alistair dahil sa suot nitong sunglasses. Marahil, siya ang lalaking pinapangarap ng lahat nang mga kababaihan, ngunit hindi ako. Dahil tanging ako lang ang nakakaalam ng totoong pagkatao nito, at marahil siya ang klase ng lalaki na kailanman ay hindi ko hahangarin na makasama habambuhay. “P-Pwede ko bang malaman kung saan tayo p-pupunta?” Medyo kinakabahan pa ako habang nagtatanong sa kanya. Nakaupo na siya sa driver seat at kasalukuyang kinakabit ang aking seatbelt. Pagkatapos na maikabit ang seatbelt ko ay nakangiti na tumingin siya sa mukha ko kaya biglang kumabôg ang dibdib ko. Hindi na ako nag-react pa ng mapusok na hinalikan niya ang aking mga labi na tumagal ng ilang segundo. “Ngayon ang araw ng ating kasal.” Nakangiti niyang sagot na siya namang ikinagimbal ko. “Hindi, hindi ako papayag! ayokong makasal sa isang halimaw na tulad mo!” Ito ang sinisigaw ng isang munting tinig mula sa isipan ko, ngunit wala akong lakas ng loob na isatinig ito..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD