“Sabihin mo sa akin Denice, paano ako napunta sa driver seat? Bakit mo ginawa sa akin ‘yun!?” Nanggagalaiti kong tanong na kulang na lang ay sabunutan ko na ito dahil sa matinding galit na nararamdaman ko. Dalawang araw na ang lumipas ng magharap kami sa korte at ngayon lang ako nabigyang ng pagkakataon na makausap ito. “Huwag ka ng magalit sa akin Loui, huwag kang mag-alala, dahil sa oras na muling buksan ang kaso ay hindi na ako papayag na hindi pananagutan ni Rhed ang kanyang kasalanan. Ako mismo ang magdidiin sa lalaking ‘yun at wala na akong pakialam kahit pa makulong ako.” Naluluha niyang sagot habang ang mga mata nitong nakatingin sa akin ay tila nagmamakaawa. Sa totoo lang ay hindi ko na alam kung maniniwala pa ba ako sa kanya, dahil sa pangungunsinti nito sa maling ginawa ng k

