“Mommy, anong nangyari dito?” Nagtataka kong tanong dahil napakagulo ng buong kabahayan, habang ang aking ina ay di magkandatuto sa pagsilid ng mga damit sa loob ng traveling bag. “Maghanda ka Louise aalis tayo ngayon din, parating na ang daddy mo.” Natataranta na sabi ni mommy kaya napako ako sa aking kinatatayuan. “Saan tayo pupunta, Mommy?” Naguguluhan kong tanong, kinakabahan ako dahil sa matinding tensyon na nararamdaman ng aking ina na para bang may labis itong kinatatakutan. “Huwag ka ng maraming tanong pa d’yan, ayusin mo na ang mga gamit mo. Piliin mo lang ang mga mahahalagang bagay.” Bulyaw niya sa akin kaya naman pati ako ay nahawaan na ng pagiging balisa ni mommy. Nagmamadali na pumasok ako sa loob ng aking silid at inilabas mula sa kabinet ang ilang mga pirasong damit. Pa

