13 Months later... “Mabilis ang bawat hakbang ng aking mga paa habang alerto ang pakiramdam ko sa paligid. Nakahinga lang ako ng maluwag ng nasa loob na ako nang aming tarangkahan. Sa araw-araw na ginawa ni Diyos ay laging ganito ang sitwasyon namin. Sa tuwing lalabas ako ng bahay ay ibayong takot ang nararamdaman ko. Simula ng umalis kami sa dati naming tinitirhan ay tuluyan ng naghirap ang pamilya ko. Kasalukuyan kaming naninirahan sa isang maliit na Nayon, malayo ito sa kabihasnan. Dito kami napadpad sa ilang beses naming pagtakas. Bigla na lang pumatak ang mga luha ko ng naisip ko na naman ang aming sitwasyon, dahil para kaming mga kriminal na nagtatago, gayung wala naman kaming mga kasalanan. At ang lahat ng iyon ay kasalanan ng pamilya ni Denice. Abot hanggang langit ang galit

