Part 7

1041 Words
“TULONG!”         Napatda si Cedrick sa pag-aayos ng mga anchor ng yate nang tila makarinig siya ng tinig na humihingi ng tulong. Tumigil siya sa ginagawa at sandaling pinakinggan ang kapaligiran. Subalit wala na siyang ibang narinig maliban sa ugong ng hangin at mga patak ng ulan sa tubig. He shrugged. Baka naman nakarinigan lang niya. Mabuti na lang at nagawa niyang dumaong sa isla at maitago ang yate kung saan ay mapoprotektahan din ito sa hagupit ng malakas na hangin.         Nang makatiyak na maayos ang mga angkla ng yate ay tinangka na niyang pumasok sa cabin para magpalit ng damit. He was cold. Nabasa na siya ng ulan habang inaayos ang mga angkla.         “Help!”         Cedrick jumped with a start. Hayun na naman ang tinig na iyon na tila tinatangay lang ng hangin. He wasn’t afraid pero tila kumakabog ang dibdib niya. Mabilis siyang umakyat sa pilot deck at ini-on ang search light ng yate, pagkatapos ay unti-unting pinadaanan iyon sa kapaligiran. He couldn’t see anything. Maliban sa kadiliman, patak ng ulan, at mga alon ay wala na siyang ibang makita.         But why did he have a feeling that someone was out there, needing him? Muli niyang pinasadahan ng ilaw ang kalawakan ng dagat. Wala talaga.         Then he scanned the area again. And again. At ganoon na lang ang paghugot ni Cedrick ng hininga nang tila may mamataan siya sa dako roon. Mabilis siyang bumaba ng pilot deck, kumuha ng headlight, pagkatapos ay mabilis na kinalas ang rubber boat na nakasampa sa rampa ng yate. The adrenaline was pumping in his veins. Sigurado siya, sa dako roon ay nakakita siya ng tao na nakadapa sa isang itim na rubber raft. Isinuot niya ang headlights bago mabilis na pinaandar ang rubber boat at tinungo ang direksiyong kinakitaan niya sa taong iyon. Sanay siya pagre-rescue sa mga nangangailangan sa mga ganitong pagkakataon dahil kasama iyon sa training niya bago naging piloto.         Naabutan ni Cedrick ang rubber raft na tinatangay ng alon. At doon ay nakita niya na isang babae ang sakay. Nakadapa ito. Hinawakan niya ang malapad na rubber raft.         “Miss…?”         Walang tugon. Marahil ay nawalan na ito ng malay. Mabilis niyang dinama ang pulso nito sa leeg gayundin sa kamay nito at nakahinga siya nang maluwag nang agad madama ang mga pintig niyon. Natatangay na rin siya ng hangin. Maingat na itinihaya niya ang babae para mabuhat at mailipat sa rubber boat niya.         “Miss—” Ganoon na lang ang pag-awang ng mga labi ni Cedrick nang makilala ang babae. Hindi niya alam kung bakit pero tila siya biglang dinala sa apat na sulok ng bar na iyon kung saan silang dalawa ay nagsalo sa isang mainit na dance number. And for a moment, he was lost. Kung hindi sa hampas ng alon na nagpaalog sa rubber boat ay hindi pa siya magigising mula sa isang mahika.         “You’re going to be all right, baby. You’re safe now…”         Cedrick carefully lifted her. Maingat na inihiga niya ang babae sa rubber boat bago muling pinaandar iyon at tinalunton ang yate. Ilang sandali lamang ay karga na niya ang babae para ipanhik sa yate. Nilalamig na rin siya pero hindi niya alintana ang sarili. Kailangan niyang unahin ang babae dahil hindi niya alam kung gaano na ito katagal sa ibabaw ng tubig at sa ilalim ng ulan. Pero maputla na ang mga labi nito, and she looked so vulnerable. Basa na ang buong katawan. Yet, she was still mesmerizing despite her helplessness and he could not help but to stare at her.         Cedrick, hihintayin mo pa bang mapulmonya siya bago ka kumilos diyan? Nagising naman agad siya. Mabilis niyang hinubad ang suot na shorts at sando. Pero nang mahantad na sa paningin niya ang kabuuan ng dalaga ay tila namalikmata na naman. At hindi niya napigilan ang sarili na pagmasdan ang dalaga. Mula sa nakasabog na buhok hanggang sa mga paa nito. Tila natutulog na diyosa ang babae sa kanyang mga mata. She had small but firm breast. Ang kurba ng baywang nito ay tila sadyang inililok ng isang magaling na iskultor. Malakas na napaungol na lang siya nang tumuon ang mga mata niya sa pagitan ng mga hita nito. Her lacy white panties was wet and it gave him the glimpse of her curly black pubic hair.         s**t! s**t, s**t! Ramdam ni Cedrick ang pagtaas ng temperatura ng kanyang katawan. And he just swallowed hard as his groin began to ache. Mabilis niyang hinagilap ang makapal na comforter at itinakip sa babae. Then he eased his trembling hands beneath the sheet to take off her undergarments. Tila siya napapaso na hindi niya mawari tuwing madidikit ang balat niya sa balat nito. Yet he wanted to feel her against his skin. Pero sa huli ay nagawa niyang kontrolin ang sarili.         Malalim na hininga ang pinakawalan niya nang sa wakas ay magawa niyang suotan ito ng T-shirt at shorts niya. But it made him ache more knowing that she was wearing nothing underneath.         He groaned like a wounded lion. Ang lamig na dulot ng ulan at hangin ay naapula na ng init ng katawan. Bakit ba ganoon ang epekto sa kanya ng babaeng ito? Why he was aching for her, desiring her? And to think na wala naman itong ginagawa sa kanya dahil hayun ito at walang malay! Muli siyang napaungol nang malakas.         It’s not you, Cedrick! bulalas niya sa sarili. Hindi si Cedrick Valencia ang tipong nate-turn on sa isang babae dahil lamang halos hubad na ito sa mga mata niya. All right, she was sexy! But goodness, he’d seen much sexier beauties. Karamihan pa nga ay lantaran siyang inaakit pero walang sino man sa mga iyon ang nagpadama sa kanya ng pakiramdam na ipinaparamdam sa kanya ng babaeng iyon. Why is that?         And, Cedrick, hindi iyan ang unang pagkakataong nagkaganyan ka sa kanya…buska pa ng isipan niya. Of course alam niya kung ano ang ibig sabihin niyon; ang pagsasayaw nila kung saan pinukaw nito ang bawat himaymay ng kanyang kalamnan. Grabeng pagtitimpi ang kinailangan niya nang oras na iyon.         “Argh!” he groaned then went out of the cabin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD