KATRINA could feel something warm. At masarap sa pakiramdam ang init na iyon lalo pa at mabango ang amoy na pumapasok sa kanyang ilong.
“Hmm…” mahinang ungol ni Katrina bago nagsumiksik sa kakaibang init na iyon. Where was she now? Bakit tila amoy ng isang paraiso ang nalalanghap niya? Why was she not cold anymore? Patay na ba siya? Namatay ba siya sa dagat at ngayon ay nasa langit na?
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Disoriented pa siya kaya naman ilang beses niyang ibinukas-sara ang mga mata para masigurong dibdib ng isang tao ang kanyang namulatan. Hindi nagbabago ang imahen kaya naman ganoon na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata. Then she held her breath nang mapagtantong magkayakap sila ng lalaki.
Umawang ang mga labi ni Katrina at lalo pang nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. Pagkatapos ay halos patalon siyang bumaba ng kama kasabay ng isang tili. Lalo siyang nataranta nang pagtingin sa sarili ay nakitang isang oversized T-shirt ang suot niya at isang shorts na kung hindi niya naagapan ay dadausdos lamang sa baywang niya pababa sa kanyang mga paa. Then she shrieked when she realized that she was wearing nothing underneath. Umatras siya na mahigpit ang pagkakahawak sa shorts para hindi iyon mahulog. Hanggang sa bumangga siya sa dingding.
“Hello…” said someone in a husky voice that sent shivers down her spine. Noon bumalik ang mga mata niya sa kama. At hindi niya maiwasang mapasinghap sa nakita. Ang lalaki ay half-naked dahil nakasuot lang ito ng pajama bottoms.
“What— Ikaw?!” hindi makapaniwalang usal ni Katrina nang matunghayan ang mukha ng lalaki. No, no, no! Imahinasyon lang niya ito katulad ng kung paano gumitaw ang mukha nito sa ibabaw ng tubig. “Wala siya rito, wala siya rito. He’s in California. I’m here in the Philippines. Wala siya rito…” usal pa niya. Silly her dahil ilang beses siyang pumikit-pikit para siguruhing nasa harap nga niya ang lalaki. At nang hindi makontento ay bahagya pa niyang kinagat ang dila. Nasaktan siya kaya naman hindi niya naiwasang mapangiwi.
She heard him chuckle. “I’m real,” amused na wika nito na sinundan pa ng isang ngiti.
Oh, boy! That smile could launch a thousand ships! Ang ngiti ng lalaki ay sapat na para makita niya ang mapuputi at tila perpektong set ng ngipin nito. It just complemented his soft sensual lips. Bumaba ang mga mata niya sa nakahantad na dibdib nito.
What a body! she thought. Malapad ang dibdib nito na lalo pang naging prominente dahil pinagsalikop ng lalaki ang mga palad nito sa may batok. He was lean. Ang bawat guhit sa tiyan nito ay tila sadyang inukit ng isang dalubhasang iskultor. And adding to that perfection were the fine hairs that run down the garter of the pajama. She wondered, saan kaya natatapos ang mga balahibong iyon.
Nag-init ang buong mukha ni Katrina. Tila isang pambihirang specie ang lalaki na dumaan sa mapanuri niyang mga mata. And she found nothing wrong with him. He was exceptionally captivating. She swallowed hard at sinikap na organisahin ang daloy ng isipan.
“Hey, okay ka na? Wala ka nang lagnat?” Naupo na ito sa kama. Funny pero hindi siya nakakaramdam ni katiting na takot para sa lalaki kahit hindi niya alam kung ano ang sitwasyong kinasusuungan niya.
“Anong lagnat ang sinasabi mo? Ano’ng ginawa mo sa akin? Bakit ganito ang suot ko? Nasaan ako? Sino ka? Paano—”
“Relax. Ang dami mong tanong. Isa-isa lang.” Inabot nito ang isang T-shirt na nasa sahig at isinuot iyon. “First, wala kang dapat ipag-alala dahil wala akong ginawang masama sa `yo. That I can guarantee. You can check yourself out.”
Pinakiramdaman ni Katrina ang sarili. Nothing was unusual. “B-bakit ako narito? Where is this place? Nasaan ako?”
“Nasa yate tayo. Wala ka bang matandaan? Nakita kita sa gitna ng laot, sakay ng isang malapad na rubber raft.”
Napasinghap si Katrina. Agad bumalik sa kanyang isipan ang nangyaring pagkakatulog sa rubber raft at nang magising siya ay nasa kawalan na siya at masama pa ang panahon. “Y-you saved me?” She thought she was hallucinating or even near death when she saw light that came out of the darkness. Malabo pero tila nakarinig din siya ng boses, calming her and reassuring that she was safe now. Pagkatapos ay naramdaman din niya ang malalakas na bisig na kumarga sa kanya.
“Wala ka nang malay nang matagpuan kita. At wala akong choice kundi hubarin ang mga damit mo para hindi ka magkasakit.”
She saw fire flicker in his eyes. Pero hindi siya sigurado dahil agad din namang naglaho iyon. “N-nakapikit ka ba habang h-hinuhubaran mo ako?”
Silly question! Pero huli na para bawiin pa iyon. She felt stupid!
“Huwag kang mag-alala, tinakpan kita ng kumot bago ko tuluyang inalis ang undergarments mo.”
She groaned. At hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng pagsabog ng init sa kanyang katawan. Ang sulok ng mga labi nito ay bahagyang nakataas na para bang pinipigilan ang isang ngiti. Ang isang kilay naman ay nakataas din na para bang nanghahamon. Did he touch her? No. Tila wala naman sa hitsura nito ang gagawa ng masama. He looked regal and decent. Not to mention he’s devastatingly handsome. At totoo nga pala na mas nakakaguwapo ang magulong buhok ng isang lalaki sa umaga.
Pinagalitan niya ang sarili. There she goes again. Pinag-aaralan na naman niya ang pisikal na hitsura ng lalaki.
Kumunot ang noo ni Katrina nang maalala ang posisyon nila nang magising siya. He was half-naked at magkayakap pa sila! Binato niya ng masamang tingin ang lalaki. “Kung ganoon, bakit magkatabi tayong natulog? And you were naked!” akusa niya.
“Me, naked?” nakataas ang kilay na sagot nito. Itinuro pa ang sarili. “Sa pagkakaalam ko ay may pajama at briefs akong suot.”
Namula ang mukha ni Katrina. Bakit ba kasi kumikinang ang mga mata nito sa kapilyuhan?
“Whatever!” angil niya. “Bakit magkatabi tayo?”
Pumitik sa hangin ang lalaki. “Hey, lady, pay attention. Hindi ba at tinanong kita kanina kung wala ka nang lagnat?” bale-walang sagot naman nito, paos pa rin ang boses.
Sinalat ni Katrina ang kanyang leeg. Normal naman ang temperatura niya. Pero natatandaan niyang lamig na lamig siya nang nagdaang gabi kaya nga laking ginhawa ng pakiramdam niya nang may maramdaman siyang init.
“Nilagnat ka sa kalagitnaan ng gabi. At masyadong mataas ang temperatura mo, so I offered you my body heat. Kailangan ko pa bang ipaalala sa iyo na halos mapisa na ako sa pagkakakunyapit mo sa akin?”
Nakaramdam si Katrina ng pagkapahiya pero pinili niyang irapan ang lalaki. “Why, thank you!” sarkastikong wika niya.
“Oh, you’re welcome, baby,” natatawang sagot naman nito.
Baby? Tinawag siya nitong “baby”?! Hindi ba at tila narinig na rin niya iyon kagabi habang nasa mga bisig siya ng lalaki at sinasabihan siya ng kung ano-anong comforting words? Pinili niyang bale-walain na lang iyon at huwag nang palakihin. For all she knew, men loved to use endearing words.
“Tanghali na pala,” komento ng lalaki nang mapatingin sa wall clock. “I’ll fix us some food. Kumain na muna tayo bago ituloy ang usapang ito. You can check your clothes at the bathroom. Tuyo na siguro iyon.” Tinungo na nito ang pinto. Ngunit bago tuluyang lumabas ay muling lumingon ang lalaki sa kanya. “By the way, ako nga pala si Cedrick, Cedrick Valencia.”
“K-Katrina Santos,” sagot niya.
“It’s nice to meet you, Katrin. At ikinagagalak ko rin na muli kang makita…” Iyon lamang at tuloy-tuloy na itong lumabas.
Katrin. Wala pang tumatawag sa kanya sa ganoong palayaw. Odd, but she found the name quite appealing, lalo na sa paraan ng pagkakabigkas ng binata.