Part 2

1548 Words
EKSAKTONG tapos nang magbayad si Katrina ng mga pinamili nang tumunog ang kanyang cell phone. Kinuha niya iyon mula sa kanyang bag at ganoon na lang ang pag-angat ng kilay niya nang makitang ang sekretarya ng ama ang tumatawag. Mula iyon sa Pilipinas.         “Ate Celly, hi…” aniya.         “Katrina, hija, kumusta ka na?” Celly asked in a sweet voice.         “Mabuti naman po. Kayo po?”         “Mabuti rin naman. Ahm, Katrina, pinatawag ako sa `yo ng daddy mo…”         Katrina rolled her eyes. “Ate Celly, para namang hindi ko alam ang bagay na iyan. I mean, kailan ba ako tinawagan ng ama ko? Hindi ba at laging ikaw ang pinatatawag niya sa akin? So tell me, ano ang ipinapasabi niya sa akin?”         “Umuwi ka na raw dito sa lalong madaling panahon.”         “Don’t tell me, na-miss niya ako?” may bahid ng sarkasmo na tugon niya bagaman naroon sa sulok ng puso niya ang pag-asam na sana ay ganoon nga ang dahilan ng pagpapauwi sa kanya.         She was Katrina Santos, nag-iisang anak at mula sa mayamang angkan ng mga Santos sa Masbate. Lahat ay nagsasabi na masuwerte siya dahil nasa kanya na ang lahat. Wika nga, ipinanganak siyang may gintong kutsara sa bibig. With her family’s money, she can buy everything. Puwede niyang libutin ang buong mundo na hindi iniisip ang gastos. She can have every designer thing in the whole world with just a snap of her finger. She had it all. Lahat ay naiinggit sa kanya. Everybody wanted to trade places with her.         Subalit sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi siya masaya. Money never made her happy. Hindi siya napapasaya ng kahit na anong mamahaling kagamitan. Because despite her social status, she was just a simple girl who wanted nothing but simple things. Hindi masaya ang pamilyang kinamulatan niya.         In the first place, hindi pa sigurado si Katrina kung pamilyang matatawag ba ang mayroon siya dahil wala naman siyang namulatang ina. Apat na taong gulang siya nang mamatay ito kaya halos wala rin siyang alaala ng ina. Kung hindi sa mga photo album ay hindi pa niya malalaman ang hitsura nito. Ayos lang sana kahit walang mother figure na umaalalay sa kanya. Kaya lang, wala na nga siyang ina ay tila wala rin siyang ama. Nakalulungkot mang isipin pero hindi siya mahal ng kanyang ama. He was cold. Ni minsan ay hindi siya pinuri ng kanyang ama sa matataas na grades o sa kahit na anong achievements niya. Wala siyang natatandaan na binati siya ng happy birthday o Merry Christmas. Kahit minsan ay hindi siya nakaramdam ng mainit na yakap. Hindi siya mahal ng kanyang ama at lumaki siyang ginagawa ang lahat para lamang matuwa ito sa kanya. Hanggang sa magsawa na rin siya sa paghahangad ng pagmamahal nito. Pagka-graduate ni Katrina ng high school ay pinili niyang umalis ng bansa at mag-aral sa ibang bansa. Pumunta siya sa Miami. Hindi tumutol ang ama niya. Lahat ng komunikasyon niya sa ama ay dumaraan pa sa sekretarya nito. At hindi rin um-attend ang ama kahit nang maka-graduate siya at maging isang chemist. Hanggang sa masanay na siya sa kanyang pag-iisa.         Now she was based in California. Naroon kasi ang pharmaceutical company na pinagtatrabahuhan niya bilang chemist.         “Katrina, nandiyan ka pa ba?” anang tinig ni Ate Celly na nagpabalik sa naglalakbay niyang isipan.         “Ah, yes, Ate. Ano nga po uli iyon?”         “Ang sabi ko kabilin-bilinan ng daddy mo na umuwi ka na rito. Actually, inaayos ko na ang flight mo. Ipapadala ko na lang sa `yo ang ticket mo.”         “What? Why the urgency? May problema ba? Is Daddy all right?” sunod-sunod niyang tanong na nakadarama ng pag-aalala.         “Kalma lang, Katrina. Your father’s okay at wala ring emergency. Actually, I have no idea kung bakit ka niya gustong pauwiin.”         Baka nga na-miss na ako ng aking ama at sa wakas ay hinahanap-hanap na niya. Sa isiping iyon ay hindi niya naiwasang maging emosyonal. “Sige, Ate, tell Dad na uuwi ako as soon as possible. Pero kailangan ko munang ayusin ang mga maiiwan ko rito, lalo na ang trabaho ko. Hmm, ako na ang bahala sa plane ticket ko.”         “Sige, sasabihin ko sa kanya. O, siya, tatawag na lang uli ako. Kahit gusto ko pang makipagkuwentuhan, eh, hindi puwede dahil narito ako sa opisina at kilala mo naman ang ugali ng ama mo. You take care, okay? Bye, Katrina. See you soon.”         “Bye, Ate Celly.”   “SO YOU’RE going home. Kailan ang balik mo rito?” malakas ang tinig na tanong ni Andrea, isa sa mga kaibigan ni Katrina. Bukas na ang flight ni Katrina pauwi sa Pilipinas at hindi na siya nakatanggi nang yayain siya ng mga kaibigan na mag-barhopping. Second stop na nila ang Olsen’s Bar na kinaroroonan nila.         “Two weeks lang ang leave ko, so, nandito na uli ako pagkatapos ng dalawang linggo. Well, depende na rin siguro sa mapag-uusapan namin ni Daddy. I mean, if he wants me to stay, then I’ll stay,” hopeful niyang tugon. “Hindi naman mahirap para sa akin na pakawalan ang trabaho rito. I mean, malalaki rin ang—” Tumigil siya sa pagsasalita. Bukod sa hindi na nakatingin sa kanya si Andrea ay tila hindi na rin ito nakikinig sa sinasabi niya.         “Andrea, nakikinig ka pa ba sa sinasabi ko?” Nang hindi tumugon ang kaibigan ay sinundan niya ng tingin ang kung ano mang tinitingnan nito.         Natawa si Katrina. Hindi pala “ano” ang tinitingnan nito kundi “sino.” Sa isang lalaki nakapagkit ang mga mata ng kaibigan. And that was something new, dahil hindi si Andrea ang tipong tumititig sa isang lalaki.         Parang ikaw rin, Katrina, tukso ng isip niya na nais ipaalala ang lalaking nakaengkuwentro niya noong isang araw.         Binalingan niya ang kaibigan at bahagyang tinapik. “Hoy! Natulala ka na diyan!”         “Nakakatulala naman kasi ang kaguwapuhan niya,” tila wala sa sariling sagot nito.         Natawa si Katrina. Muli niyang ibinalik ang tingin sa lalaki. Medyo mapusyaw ang ilaw sa gilid ng bar counter na kinauupuan nito. Naka-side view lamang ang lalaki pero hindi nga maitatangging guwapo ito. Tila perpekto pa nga ang outline ng nakatagilid na mukha ng lalaki, lalo na ang matangos nitong ilong. Kahit nakaupo ang lalaki ay mapapansin agad na matangkad ito. Tuwid ang likod at—         Natigil si Katrina sa pag-aanalisa. Kumunot ang noo niya. Tila pamilyar sa kanya ang lalaking iyon. As if on cue, bumaling ito sa kanilang direksiyon. Hindi naman ito tumingin sa kanila, kundi sa pintuan na hindi kalayuan sa puwesto nila. At sapat na iyon para tuluyan niyang mabistahan ang hitsura ng lalaki.         “Ohh,” she heard Andrea sigh in admiration.         Lalong naningkit ang mga mata ni Katrina sa pagkilala sa lalaking iyon. Saan nga ba niya ito nakita at tila napakapamilyar nit— “It’s him!” biglang bulalas niya nang sa wakas ay maalala kung bakit pamilyar nga ang lalaki.         “Kilala mo siya?” baling sa kanya ni Andrea.         “Ha!” Katrina exclaimed. “Siya lang naman ang aroganteng lalaki na nakaengkuwentro ko sa supermarket!” nakasimangot niyang tugon.         “Ano’ng ibig mong sabihin na nakaengkuwentro mo? `Care to give me the details?” Ang pangingislap ng mga mata ni Andrea ay nagsasabing hindi siya titigilan nito hangga’t hindi siya nagkukuwento ng buong detalye. At makulit ang kaibigan, hindi siya titigilan. Ikinuwento niya ang nangyari.         “He’s so arrogant!” pagtatapos ni Katrina. Pero kakain muna siya ng apoy bago niya aminin sa kaibigan na harapan siyang natulala sa kaguwapuhan ng lalaki. Lihim siyang napapalatak. Heto at maging si Andrea ay natulala rin. Ano ba kasi ang mayroon sa lalaki?         “May punto naman siya, eh. Bakit mo nga naman ipipila ang cart mo kung wala ka pa roon?” sagot ni Andrea at sa pagkakataong iyon ay may nang-iintrigang ngiti na nakapaskil sa mga labi nito.         “Oh, so, hindi mo ako kakampihan? Ako ang kaibigan mo at hindi siya. Hindi ko naman intensiyong hindi makabalik agad. Saka wala namang ibang nakapila no’ng ilagay ko ang cart ko, hello!” Sunod-sunod siyang huminga para kalmahin ang sarili. “Okay, sige, mali ako pero hindi naman niya ako kailangang sungitan.”         “Ikaw ang naunang nagsungit. At kapag ikaw ang nagtataray ay mataray ka talaga. Para kang nagme-menopause sa kasungitan. Pero gusto mo bang gumanti sa kanya?”         Kumunot ang noo ni Katrina. “Gumanti?”         Kumislap na naman ang mga mata ni Andrea. “Dalhin mo siya sa dance floor. Show him what you’ve got! Ang mga ganyang tipo ay hindi marurunong sumayaw kaya pagkakataon mo na `to para makaganti.”         Katrina shrugged nonchalantly. Hindi siya basta marunong lang sumayaw, magaling siya roon. She can do all types of dances from folk dancing to dirty dancing.         “I dare you,” naghahamong wika ni Andrea.         Marahil ay epekto ng alak na nainom kaya tinanggap ni Katrina ang paghamon ni Andrea. Isa pa ay nakadarama pa rin siya ng inis sa lalaking iyon. “Shoot!”        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD