Part 3

1487 Words
ANG ALAK na sinisimsim lamang ay inisang-lagok ni Katrina bago tumayo mula sa kinauupuan. Gumuhit ang init sa lalamunan niya pababa sa kanyang tiyan. Pati mga pisngi niya ay nag-iinit na rin dahil sa alak. And the alcohol gave her enough courage to take a step towards him.         “There you go…” anang tinig ni Andrea na hindi maitago ang excitement.         Nilapitan ni Katrina ang lalaki. Kabababa pa lang ng hawak nitong shot glass mula sa bibig nito nang hawakan niya ang braso nito at hilahin pasunod sa kanya.         “Hey!” protesta ng lalaki pero hindi naman tinangkang alisin ang kamay niya sa braso nito at nagpatianod pa sa kanya. Nang marating nila ang dance floor ay saka siya humarap sa lalaki. Inaasahan niyang makikilala siya ng lalaki pero kumunot lang ang noo nito sa pagtingin sa kanya. At lalo siyang nahamon dahil doon. Ganoon ba kaordinaryo ang mukha niya para malimutan agad nito?         Nakakainsulto ka na talaga! Ikinawit ni Katrina ang mga kamay sa batok ng lalaki bago niya nginitian nang buong lambing. Alam niyang namumungay na rin ang kanyang mga mata. “Hi, gorgeous. Care to dance with me?”         Hindi sumagot ang lalaki. Tinitigan lamang siya.         Nagsimulang sumayaw si Katrina, mali, hindi pala pagsasayaw ang ginawa niya kundi pagpe-flirt. Inalis niya ang pagkakakawit ng mga kamay sa batok ng lalaki at ipinaloob iyon sa palad nito bago ito hinawakan. Pagkatapos ay tumalikod siya subalit hindi lumalayo, marahil ay wala pang isang dangkal ang layo ng likod niya mula sa dibdib nito. Sinimulan niyang igalaw ang katawan. She danced gracefully. Paminsan-minsan ay sinasadya niyang isagi ang katawan sa katawan ng lalaki, lalo na ang kanyang puwitan.         Wala pa ring reaksiyon ang lalaki. At sa gilid ng mata ni Katrina ay nakita niya na nakakatawag na sila ng atensiyon ng mga taong naroon din sa dance floor.         O ano? Nasaan ang yabang mo? lihim na buska niya sa lalaki. Patuloy pa rin siya sa pagsasayaw nang itingala niya ang ulo para sulyapan ito. Nginisihan niya ang lalaki. Ito naman ay nag-isang-linya na ang mga kilay at lalo yatang dumiin ang pagkakatikom ng mga labi.         Humarap si Katrina sa lalaki. She was still doing some dirty dancing. Sa mga labi niya ay nakaguhit pa rin ang isang ngisi at paghahamon. Idinikit niya ang katawan dito habang patuloy sa pag-indayog ang kanyang mga balakang. “Guwapo ka lang pala, pareho namang kaliwa ang mga paa mo,” matapang na anas niya.         Tumaas ang isang kilay ng lalaki. Arrogance flickered in his eyes. At noon lamang niya napagtuunan ng atensiyon na wala naman sa mukha nito ang palatandaan na napapahiya sa tila tuod na pagkakatayo roon habang sinasayawan niya.         “So, Filipina ka nga…” komento ng lalaki sa hindi niya maisalarawang timbre ng tinig. Dumaan ang emosyon sa mga mata nito. Pagkatapos ay nagulat na lang siya nang bigla siyang hapitin nito. “Patutunayan ko sa `yo na hindi lang ako guwapo, magaling din akong sumayaw. Maling tao ang hinamon mo,” he huskily said.         Ang sunod na namalayan ni Katrina ay nagsisimula na ring sumayaw ang lalaki. Ang hiyawan mula sa taong nanonood sa kanila ang gumulat sa kanya. At na-realize niyang napapalibutan na sila ng mga tao. Pakiramdam niya ay biglang nawala ang epekto ng alak sa kanyang katawan. Oh, boy, but he was a graceful dancer. Hindi awkward na matangkad ang lalaki. He was dancing sexily and he was complementing her dancing skills. Kung kanina ay inaakit niya ang lalaki ngayon ay ibinabalik nito sa kanya ang pang-aakit. Hindi lamang ito magaling sumayaw, nasa mga mata rin nito ang intensidad sa ginagawa. At kung hindi niya gagalingan ay siguradong siya ang magiging katawa-tawa, lalo na at sila na ang center of attention sa bar na iyon.         He was dancing passionately. At tila wala naman sa intensiyon nito na ipahiya siya sa halip ay sinasabayan lang nito ang ginagawa niya.                                              Goodness! Na-underestimate ko siya! Ayaw man niyang aminin pero iyon ang totoo. Sa napakaseksing dance number na ipinapamalas nila nang mga sandaling iyon ay tila sila isa sa mga contestant ng Dirty Dancing: The Time Of Your Life. At dahil sexy dance iyon ay palaging nagdidikit ang kanilang mga katawan, ang palad niya sa katawan nito, at ang palad nito sa kanyang katawan. They were teasing each other. At hindi rin miminsang nagdidikit ang kanilang mga mukha at nagpapalitan sila ng hininga. Wala siyang maireklamo. Why, he smelled good! Ang mas ikinamamangha pa niya ay tila sila nag-practice ng sayaw na iyon para maperpekto nila ang bawat galaw.         Natapos ang sayaw na nakaarko ang katawan ni Katrina pabagsak habang sinasalo ng mga palad nito ang kanyang likod. Nakatunghay ang lalaki sa kanya at ilang pulgada lamang ang layo ng mukha nila sa isa’t isa. Pareho silang naghahabol ng hininga habang hindi kumukurap sa pagkakatingin sa isa’t isa.         Napalunok si Katrina. He was gorgeous and he smelled good. Ang lakas ng presensiya ng lalaki. Sa kung anong dahilan ay hinihintay niyang lumapat ang mga labi nito sa kanyang mga labi para hagkan siya. She was not going to make any protest. Subalit hindi nagtangka ang lalaki na gawin iyon. Mataman lamang itong nakatingin sa kanya na para bang may kung ano ring dumadaloy sa isip nito.         Ang masigabong palakpakan mula sa mga nakapaligid sa kanila ang nagpabalik sa kanilang dalawa sa realidad. Inalalayan siyang makatayo ng lalaki. She did not know what to say or how to react. Nag-iwas na lang si Katrina ng mga mata at hindi sinalubong ang tingin ng lalaki kahit pa sa gilid ng kanyang mata ay nakita niyang nakangiti ito. Kapagkuwan ay dere-deretso na siyang lumabas ng bar. Bahala na si Andrea sa bill nila. Kailangan lang muna niyang makaiwas sa lalaki dahil tila hindi siya mapalagay at bigla siyang naguluhan sa isang bagay na hindi niya alam kung ano.         Narating niya ang parking lot.         “Miss, sandali!”         Akmang sasakay na siya sa kanyang kotse nang marinig ang isang baritonong tinig.         Pakiramdam ni Katrina ay bigla siyang sinilihan. Dali-dali siyang sumakay sa kotse at mabilis na binuhay iyon at pinasibad. Sa rearview mirror na lang niya nakita ang lalaki.   “WELCOME home, anak,” salubong kay Katrina ng mayordoma nila na siyang naging yaya niya noon.         Home. Nag-echo sa tainga ni Katrina ang salitang iyon pero pinili niyang huwag magkomento. Naiiyak na niyakap na lamang niya ang matanda. “Masaya po ako na muli kayong makita.”         Ang matanda man ay emosyonal. “Ako man ay masayang-masaya na makita ka muli, Katrina. O, siya, umakyat ka muna sa silid mo at nang makapagpahinga ka muna. Saka na tayo magkuwentuhan, hane?”         “Sige po.” Marahan niyang pinahid ang mga luha gayundin ang mga luha sa mga mata ng matanda. Then she embraced her once again. Itinuring na kasi siyang anak nito at hindi nagkulang ang matanda sa pagmamahal sa kanya. “Marami akong pasalubong sa inyo…”         “Kahit wala ang mga iyon ay ayos lang. Ang mahalaga ay muli kitang nakita, anak. Pinananabikan ko ang araw na ito, alam mo ba?”         Katrina smiled. Ganoon din kaya ang nararamdaman ng kanyang ama? Kapag nagkataon ay isang malaking himala iyon. Isang himala na habang-buhay niyang ipagpapasalamat.         “Gusto mo bang dalhan kita ng merienda sa silid mo? Mabuti na lang at naibalita sa akin ni Celly na darating ka, nailuto kong lahat ng paborito mo.”         “Huwag na po. Bababa na lang po ako mayamaya.”         “O siya sige, umakyat ka na muna at magpahinga. Saka ko na ipapaayos ang mga gamit mo kapag nakapagpahinga ka na.”         “Mga anong oras po kaya ang uwi ni Daddy?”         “`Ku, kailan ba iyon umuwi nang maaga? Hayaan mo at ipapaalam ko sa `yo sa sandaling narito na ang ama mo. Hala, akyat na at ako naman ay titingnan ang nakasalang kong lutuin sa kusina.”         “Sige, po. Alam naman ni Dad na narito na ako.”         Naiwan siyang nag-iisa sa napakalaking sala. The house felt so quiet and lonely. Tila ba walang buhay ang lugar na iyon at nakaka-depress. Pinasadahan niya ng tingin ang bawat sulok ng bahay. She could not find any heartwarming memories anywhere.         Bumuntong-hininga si Katrina bago sinimulang akyatin ang hagdan patungo sa second floor ng bahay. Imbes na maalis ang pagod na dulot ng biyahe dahil nasa bahay na uli siya ay tila lalo lamang nadagdagan ang kanyang pagod.         Balak sana niyang dumaan muna sa opisina ng ama. Pero ang sabi ni Celly ay hindi rin siya mahaharap ng kanyang ama dahil sa kaliwa’t kanang appointments nito. And she knew the secretary was telling the truth. Kailan ba siya naging priyoridad ng ama?         Narating ni Katrina ang kanyang silid at binuksan iyon. Mapait siyang napangiti. She really had no feeling of coming home. Ang nasa dibdib pa rin niya ay kahungkagan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD