Part 16

1657 Words
TAKE the risk, Katrina. Take the risk…tila bulong ng isip niya habang palakad-lakad sa kanyang silid. Isip? No. Hindi isip niya ang nagbubulong sa kanya ng bagay na iyon kundi ang puso niya na humihingi ng kalayaan. Kalayaang ipakita ang nilalaman niyon.         Sinulyapan ni Katrina ang wall clock. Alas-onse na ng gabi. Tinungo niya ang pinto at hinawakan ang seradura niyon para pihitin pabukas. Subalit natigilan siya. What would she tell him? Pinili niyang bumalik sa kama, nahiga, at mariing ipinikit ang mga mata. Subalit gising na gising ang kanyang diwa. Bumalikwas siya, bumaba ng kama, at hindi na pinagkaabalahang isuot ang tsinelas. Dali-dali niyang binuksan ang pinto at malalaki ang hakbang na tinungo ang silid ni Cedrick.         Nang nasa tapat na ng pinto ng silid ng binata ay ilang beses muna siyang humugot ng malalim na hininga bago kumatok. “Cedrick…” tawag niya.         Walang sagot mula sa binata pero narinig niya ang mga yabag na tila patungo sa pinto at ilang sandali lamang ay bumukas na iyon. Tulad niya ay tila balisa rin ang binata. “Nagising ka na pala. May kailangan ka, Katrin?”         Tumango siya.         “Tell me, baby…”         “B-baby. Tinawag mo akong ‘baby’?” naiiyak niyang tanong. There was suddenly weary look in Cedrick’s eyes. Tila kinakastigo nito ang sarili sa kapabayaang iyon.         “Katrin, I—”         Hindi na niya pinatapos ang binata sa pagsasalita. Bago pa magbago ang isip ni Katrina ay tinawid niya ang natitirang distansiya sa pagitan nila, pagkatapos ay tumiyad siya. At sa isang iglap lamang ay nakakulong na sa mga palad niya ang mukha ni Cedrick habang angkin ang mga labi nito.         She caught Cedrick offguard. Pero saglit lamang itong natigilan dahil agad ding tinanggap ang halik niya. Then she almost shouted for joy when he kissed her hungrily. Nadama niya sa halik ng binata ang katugon ng kanyang damdamin. Mahal din siya ni Cedrick at tumitibok ang puso nito sa kanya sa paraang tumitibok din ang puso niya para dito. Sigurado siya roon.         Cedrick kissed her hungrily, claiming the fullness of her lips passionately. Pumulupot ang braso ng binata sa baywang niya, pagkatapos ay hinapit siya palapit sa katawan nito na animo hindi papayag na may makaraang hangin sa kanilang pagitan. The world was spinning, taking else around them away. Sila lamang ni Cedrick ang naroon at tanging ang mga pintig lamang ng kanilang puso ang maririnig. It was a moment of pure magic.         Nang maghiwalay ang mga labi nila ay niyakap naman siya ng binata nang mahigpit na para bang hindi siya hahayaang makawala. “Katrin…” Cedrick murmured as he was catching his breath.         Ipinikit ni Katrina ang kanyang mga mata. Ang ulo niya ay nakadikit sa dibdib ni Cedrick at naririnig niya ang pintig ng puso nito. But God, what did they have? The right love at the wrong time?         Humiwalay siya sa binata. Pero agad din naman siyang hinapit ni Cedrick pabalik sa katawan nito. Ang isang kamay nito ay nakapulupot sa baywang niya habang ang isa pa ay nasa likod ng kanyang ulo. He drew her closer. Pagkatapos ay walang inaksayang oras ang binata. Inangkin nito ang mga labi niya sa mas maalab na paraan. Cedrick was claiming the fullness of her lips. Para bang tinakam itong masyado sa pagkain at nang matikman iyon ay hindi na gustong pakawalan pa. That was her first time to be kissed like that. Sa gulat ni Katrina ay bahagya pang dumiin ang mga ngipin ni Cedrick sa mga labi niya bago nito tinapos ang halik. Surprisingly, hindi siya nasaktan sa munting kagat na iyon, sa halip ay tila nagdulot iyon sa katawan niya ng hindi maipaliwanag na pagnanasa.         Nagdikit ang kanilang noo habang pareho silang nagpipilit na ibalik sa normal ang kanilang mga paghinga. Bahagya siyang dumistansiya sa binata. Tumalikod siya, mariing ipinikit ang mga mata. She prayed so hard. Nang makaipon ng sapat na lakas ng loob ay muli siyang humarap sa binata. “Cedrick I—” love you!         “Huwag, Katrin. Huwag mong sabihin ang bagay na iyan,” nahihirapang putol nito.         Nag-init ang mga sulok ng mga mata ni Katrina. “Bakit hindi? Alam mo ba kung ano ang sasabihin ko?”         Tiim-bagang na tumango si Cedrick. “Alam ko.”         “You do? Paano mo nalaman?” tanong niyang nagsisikip ang dibdib sa paghihirap. Ang mga mata niya ay unti-unti nang nanlalabo dahil sa mga luhang naipon doon.         “Katrin…”         Tuluyan nang nalaglag ang mga luha niya. Mabilis niya iyong pinahid sa pamamagitan ng likod ng kanyang palad. “Sagutin mo ako, please. Bakit tila alam mo na kung ano ang sasabihin ko?”         “Dahil iyon din ang nararamdaman ko,” mabilis at siguradong sagot ni Cedrick. “There, I said it. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo dahil iyon din ang nararamdaman ko. Dito.” Itinuro nito ang tapat ng puso.         Malakas na napasinghap si Katrina. Naramdaman niya iyon sa halik nito pero iba pala ang pakiramdam kapag inaamin nito ang bagay na iyon. “Then what’s wrong? Bakit ayaw mo akong patapusin sa pagsasalita ko gayong gusto ko lang namang ilabas ang nararamdaman ko?” Bakit ba tila pinaglalaruan siya ng tadhana?         Cedrick cannot stand her tears. Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito at pinahid ng mga hinlalaki nito ang kanyang mga luha. “Katrin, alam mo ang sitwasyon natin. Aalis ako, maiiwan ka. It’s so unfair to you,” nahihirapang wika nito. “Please…”         “Please what?” nagsisikip ang dibdib na tanong niya. “Pinapakiusapan mo ba akong sikilin ang nararamdaman ko, ang nararamdaman natin para sa isa’t isa at magkunwaring wala lang? Ikaw, magagawa mo ba `yon?”         Hindi sumagot ang binata. Nakatiim-bagang lamang.                “Kailangan mo ba talaga siyang pakasalan?” kagat ang labi na tanong ni Katrina.         Bumuga ito ng hangin. “I have to. She needs me.”         There was the pain again. Ang gusto niya talagang itanong ay kung hindi na ba magbabago ang isip nito at hindi siya magagawang ipaglaban, pero pinili niyang huwag na lang dahil sapat na ang sagot nito. She did not want to get hurt anymore. Pero may mas sasakit pa ba sa katotohanang siya ang mahal nito pero sa iba ito magpapakasal? Kunsabagay, siya man ay malapit na rin palang ikasal.         “She needs you,” she cried bitterly. “Pero kailangan din kita…” lumuluhang sagot niya.         “H-hindi mo naiintindihan ang sitwasyon.” Tumalikod ito sa kanya, namaywang bago tumingala. Tila ayaw nitong ipakita sa kanya ang paghihirap.         “Naiintindihan ko, Cedrick! Naiintindihan ko!” lumuluhang tugon niya. Lumapit siya sa binata at dahan-dahang ipinulupot ang mga braso payakap dito. Ramdam niya nang matensiyon ang mga kalamnan ng binata. Hindi naman ito nagbigay ng komento kaya humigpit ang pagkakayakap niya sa binata at idinikit pa ang pisngi sa likod nito.         “Naiintindihan ko ang sitwasyon, Cedrick,” mahinang wika niya. “Kaya nga gusto kong hilingin sa `yo na habang may oras pa tayo ay kalimutan na muna natin sila. Mahalin mo ako sa loob ng dalawang araw na natitira sa atin bago ka tuluyang umalis pabalik sa California.”         “Katrin!” gulat na bulalas ni Cedrick bago humarap sa kanya. Ang mga mata nito ay nanlalaki sa pagkabigla. “Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo? Are you out of your mind?” halos pabulyaw na sita nito.         Muli na naman siyang napasigok. She was asking him to betray his future wife pero buo na ang desisyon niya. Affair or what, she did not care. Ayaw niyang paganahin ang kanyang isip. Matapang siyang humarap dito. “Alam ko kung ano ang sinasabi ko, Cedrick. Do I have to beg? Kailangan ko pa bang magmakaawa para sa pagmamahal mo? Gagawin ko…”         Cedrick was astonished. Bumuka ang mga labi nito para magsalita subalit walang lumabas na tinig doon.         “Let’s leave them all behind. Ibigay natin sa isa’t isa ang mga natitirang araw na mayroon tayo bago tayo tuluyang matali sa iba.”         Bumakas ang pagkalito sa mukha ni Cedrick. “It’s unfair to you.”         Mapait siyang ngumiti. “The world is unfair. It’s never been fair! Bakit kailangan pang magtagpo ang mga landas natin kung maghihiwalay rin lang tayo? Where have you been all my life?!” halos hysterical nang sigaw niya.         “Why do you have to marry her kung ako ang mahal mo?” Sumigok si Katrina. “I’m sorry. Huling beses ko nang itatanong sa iyo ang bagay na iyon. You don’t have to worry, Cedrick, dahil pagkatapos ng ilang araw ay magiging estranghero na uli tayo sa isa’t isa. Hindi ko kayo guguluhin dahil ako man ay magpapakasal na rin sa iba.”         “Katrin…” Inihilamos nito ang mga palad sa mukha.         Sumigok si Katrina, pagkatapos ay mahinang nagsalita. “I love you so much na handa akong gumawa ng pagkakasala. Maybe I’m insane. But you know what? Now I understand why secret affairs and ‘the other woman’ exist. Tama sila, it’s not always the money. Minsan ay dahil din pala sa pag-ibig. Gumagawa tayo ng katangahan dahil sa pag-ibig. At walang magawa ang utak dahil ang taong umiibig ay nagiging alipin ng puso nito.”         Hindi pa rin sumagot ang binata.         “Cedrick, kung talagang mahal mo ako, palayain mo ang damdamin mong iyan. Huwag mong sikilin dahil ilang araw na lang ang mayroon tayo.” She sighed. Hindi rin makapaniwala si Katrina sa mga sinasabi niya pero iyon ang gusto niya. “Kapag handa ka na sa hinihiling ko, my door is open. Gusto kung sulitin ang bawat sandaling ipinapahiram sa atin.” Iyon lamang at lumabas na siya sa silid nito.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD