PAPAGABI na pero hindi pa rin bumabalik sa bahay si Cedrick. Hindi rin ito bumalik sa bahay kahit nang tanghalian. Kaya naman hindi na rin nakakain si Katrina. Alam niyang nasa yate lang ang binata dahil nakatali na roon ang bangka na ginagamit ng binata sa pagpaparoo’t parito. She did not know what to think anymore. Iniiwasan kaya siya ng binata? But why would he do that?
Ilang sandaling nagpalakad-lakad si Katrina sa loob ng bahay bago lumabas ng veranda. Naupo siya sa rocking chair kung saan natatanaw niya ang kabuuan ng yate.
“Cedrick… Cedrick…” mahinang usal niya sa pangalan nito. Umaasang dadalhin ng mga hangin ang damdaming nakapaloob sa tinig niya. Itinaas niya ang kanyang mga paa at niyakap ang binti. Ang baba naman niya ay ipinatong sa magkadikit na mga tuhod. “Cedrick, I love you…” muling usal niya kasabay ng pagpatak ng kanyang mga luha.
Yes, she was in love with him. Iyon pala ang eksplanasyon sa nararamdaman niya para sa binata. Isang damdamin na noon lamang niya naramdaman sa isang lalaki. Paano ba niya malalaman agad gayong wala siyang mapagkomparahan ng nararamdaman niya? Why, she was never been in love with someone else. Napakaikling panahon pero tila malalim na agad ang inukit nito sa puso niya. She was in love with everything about him.
Pero ikakasal na sila pareho sa iba. And it was giving her more pain. Iyon marahil ang dahilan kung bakit pinili ng binata na hindi siya hagkan at ngayon nga ay nagdesisyon itong umalis.
At gusto niyang magalit dahil pinaglalaruan siya ng tadhana.
Naalimpungatan si Katrina nang maramdaman ang tila pagtaas ng katawan niya sa ere. Then came the familiar scent to her senses. Tuluyan nang nagising ang kanyang diwa pero pinili niyang huwag magmulat ng mga mata at magkunwaring tulog pa rin. Nakatulog na pala siya sa rocking chair at ngayon ay buhat siya ni Cedrick, marahil ay para ilipat na sa kanyang silid.
So, he came at last. And she realized that she missed him so badly, kahit na nasa yate lang naman ito.
“Cedrick…” hindi napigilang ungol niya bago isiniksik ang mukha sa dibdib nito.
“Hush, go to sleep, Katrin, baby,” mahinang alo nito sa kanya habang patuloy sa paghakbang. Hanggang sa maramdaman na lang niya ang pagsayad ng kanyang likod sa ibabaw ng kama. She pretended she was still sleeping. Kinumutan siya ni Cedrick. Pagkatapos ay naramdaman niya ang titig nito sa kanya. His gaze was so strong that she wanted to open her eyes and see him. Nagawa naman niyang pigilan ang sarili. Pero muntik na siyang mapasinghap nang dumampi ang palad nito sa kanyang pisngi at marahang humaplos doon. Then he kissed her forehead. Ilang saglit pa ay naramdaman na niya ang yabag ng binata palabas ng kanyang silid.
Cedrick…
Tumagilid siya ng higa. At hindi nakatulong ang nakapikit niyang mga mata para makatakas ang mga butil ng luha sa kanyang mga mata.
“KATTY, hey, is there a problem?” agad na tanong ni Abby sa tawag ni Katrina. Halatang nagising lamang niya ang kaibigan pero alerto na agad ang tinig nito. Hindi na kasi siya nakatulog pa kaya naisipan niyang tawagan si Abby.
“No, no. W-wala namang problema. I’m sorry, Abby, at tinawagan kita ng ganitong oras…” Napangiwi pa si Katrina nang maisip na baka hindi lamang si Abby ang nagising sa tawag niya kundi maging si Lee. But she desperately needed someone to talk to. Isang taong makakaunawa sa damdamin niya.
“Naku, walang kaso iyon. Tell me, what is it? Si Cedrick ba? You are in love with him?”
“How did you know?” namamangha niyang tanong.
Natawa si Abby. “Well, darling, don’t forget that I’ve been in that situation. Alam ko ang pakiramdam na maguluhan sa kakaibang damdamin na nagpapabilis ng t***k ng puso. Trust me, napagdaanan ko na lahat iyan, pati na ang pagkapuyat dahil sa kakaisip. Well, hanggang ngayon naman ay ganyan pa rin ako sa asawa ko.”
“Alam mong naipagkasundo na ako…”
“So? Hindi mo ba kayang ipaglaban ang kaligayahan mo?”
“Cedrick is about to be married, too.”
“What?! My goodness, pinaglalaruan yata kayo ng tadhana!” ani Abby saka pumalatak.
Kahit paano ay natawa si Katrina. “My sentiments, exactly. We’re both going to be married, sa mga taong hindi namin mahal pero wala kaming magagawa kundi ang sumunod sa agos ng kapalaran. Bukod doon ay hindi ko rin alam kung ano ang damdamin sa akin ni Cedrick. I mean, he seems to care but he never said anything. At hindi ko alam kung ano ang gagawin ko because yes… I love him. And I love him so.”
“Katty, I’ll tell you a little secret. Alam mo ba na ako ang unang naghain ng kasal kay Lee?”
“What?! You’re kidding!”
“Oh, yes, you heard it right, darling. Sa kabila ng kaarogantehan ni Lee ay natutuhan ko pa rin siyang mahalin—mahalin nang sobra-sobra. Hanggang sa dumating ako sa punto na handa akong sumugal at itaya ang damdamin ko. Hinainan ko siya ng kasal.”
“And Lee accepted it?”
“Yes, pero marami pang nangyari bago kami naikasal talaga. And mind you, in the end, si Lee pa ang nag-propose sa akin. Well, ang gusto ko lang namang sabihin sa `yo ay huwag kang matakot na sundin ang damdamin mo. Take the risk because true love deserves a good fight. `Sabi mo, walang sinasabi si Cedrick? Well, hindi rin naman noon nagsasalita ng pagmamahal sa akin si Lee. But I can feel the connection. My connection with him. Isa iyong mahiwagang damdamin na nagbibigkis sa aming dalawa. It’s like a single soul dwelling in two bodies. Kapag naramdaman mo iyon kay Cedrick, then it’s love.”
Connection. Nararamdaman iyon ni Katrina. Sa unang pagtatagpo pa lang ng mga mata nila ay naramdaman na agad niya iyon. Can she take the risk? At handa ba siyang harapin kung ano man ang kahihinatnan ng damdamin niya?
“Katty, everything happens for a reason. Hindi kayo pagtatagpuin ng tadhana kung walang dahilan.”
Kaya? Dapat nga ba siyang umasa na may dahilan kung bakit nagtagpo ang mga landas nila? Pero hindi nga ba at si Cedrick na mismo ang nagpasyang umalis na? Ah, kung sana ay alam lang niya kung ano ang damdamin nito.