Part 18

2182 Words
“KATRIN…” mahinang ungol ni Cedrick nang tapusin nito ang halik. He looked into her eyes. Imbes na mapahiya ay ikinasiya pa ni Katrina ang emosyong nakasungaw sa mga mata ng binata. The look in his eyes was so intense. Clouded with desire.         “Please…” aniya.         “Please what?” tanong nito, ang boses ay namamaos dahil sa pagnanasa. Gayunman, alam niyang nagtitimpi pa rin ang binata dahil ramdam niya ang tensiyon ng mga kalamnan nito.         Marahan niyang iniangat ang palad at marahang dinama ang mga labi ng binata. “Please let go. Let go, Cedrick. Don’t look back. Atin ang mundong ito. Ako at ikaw. Tayo. Ipinangako mo sa akin na mamahalin mo ako…”         Kung may agam-agam pa ang binata ay tuluyan na iyong naglaho dahil sa sinabi niya. He claimed her lips once more. Hanggang sa maramdaman na lang niya ang mainit na palad nito sa loob ng kanyang blusa. Humahaplos iyon sa flat niyang tiyan nang paulit-ulit. And the rhythmic pattern set her on fire. Ramdam ni Katrina ang naiipong init sa ibaba ng kanyang tiyan.         Napaliyad si Katrina.         “Open your eyes, baby. I want to see the pleasure in your eyes…” he huskily said. Hindi niya alam na nakapikit na pala siya sa pagnamnam ng sensasyong iyon. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata at sinalubong ang mga mata ng binata. She knew her eyes were both clouded with desire and carnal need. Cedrick groaned as he looked into her eyes.         Naupo ang binata. “Maupo ka,” utos nito.         Naupo si Katrina paharap kay Cedrick. Dahan-dahan nitong hinubad ang loose shirt niya maging ang kanyang bra. Hinawi ng binata ang mga buhok niyang nakasabog sa kanyang mukha at iniipit sa likod ng kanyang mga tainga. Pagkatapos ay tinitigan nito ang kanyang katawan. His eyes darkened as he surveyed her breasts. “Napakaganda mo…” halos pabulong na usal nito. Sapat na ang masidhing titig nito para manigas ang dalawang korona ng kanyang dibdib. Then he cupped the twin valleys in his hands. Marahang pumisil-pisil ang mga palad nito na animo minamasahe siya. She writhed as the pleasure unfolded. Ang init ng mga palad ng binata ay nanulay sa bawat nerve ending papunta sa kanyang puso, sa kanyang utak, hanggang sa kaibuturan ng kanyang p********e.         Habang ginagawa iyon ni Cedrick ay hindi nito hinahayaang maputol ang koneksiyon ng kanilang mga mata. He watched her as pleasure unfolded within her. Kinagat  ni Katrina nang mariin ang ibabang labi para pigilan ang mga ungol at mumunting hiyaw na nasa lalamunan na niya. His finger and his gazes were giving her so much pleasure. And yet she herself wanted more. So much more.         “No, baby. Don’t do that. Let it go…” he said in a hoarse voice while massaging the twin valleys and nipping the already hardened crowns between his fingers.         Ginawa ni Katrina ang iniuutos ng binata. She let go and moaned. Cedrick was so hot and he was so hard down there. Ang mga mata nito ay tila nag-aapoy na sa pagnanasa.         “There you go…”         Yumuko ang binata. At malakas siyang napasinghap nang isubo nito ang isang dunggot niya at paglaruan iyon ng dila nito.         “Cedrick!” tila papanawan ng ulirat na ungol ni Katrina. Ang mga kamay niyang hindi mapalagay ay nakahanap ng magandang lugar sa buhok ng binata. Pumaloob doon ang mga daliri niya at humawak nang mahigpit. Cedrick gave her n****e plenty of playful bites before suckling it and nibbling it. She shivered. Humigpit ang pagkakasabunot niya sa buhok nito kasabay ng hindi niya mapigilang mga ungol. Bumibilis ang pintig ng puso niya at naghahabol na siya ng hininga. The erotic sensations were so overwhelming. Ah, she had never known such desire.         Pagkatapos pagpalain ni Cedrick ang magkabila niyang dibdib ay muli siyang pinahiga ng binata. Then he easily eased her out of shorts and panties. “Cedrick…” nahihiyang usal ni Katrina nang muli na naman nitong paglakbayin sa kabuuan niya ang mga mata nito.         “Wala kang dapat ikahiya, baby. Alam mo ba kung ano ang epekto mo sa akin?” he said in a voice between desire and torment. His eyes were still burning with passion. Tumayo ito at naghubad sa harap niya. She should look away. Wala pang lalaki na nakapaghubad sa harap niya. Pero hindi magawang mag-iwas ng paningin ni Katrina habang naghuhubad ang binata. Ni ayaw niyang kumurap. Bawat sulok ng katawan nito ay kaakit-akit pagmasdan. She was just mesmerized by his beauty, to his masculinity, and his sensuality. And Cedrick knew he is a sight to behold. Nasa mga mata at mga labi nito ang kasiyahan sa ginagawa niyang pagmamasid.         Napalunok si Katrina nang tumutok ang mga mata niya sa pagitan ng mga punong hita nito. He was big and slick and proud in his growing hardness. Nagmamayabang. Nagmamalaki. Nangangako ng langit.         She drew a sharp quivering breath. Ang mga kamay niya ay hindi mapalagay sa kagustuhang mahawakan ang binata at madama ang init ng katawan nito. Cedrick must be a mind reader. Muli na itong sumampa sa kama. “Go ahead, baby…”         Iniangat ni Katrina ang kanyang palad at dinala sa mukha ni Cedrick. Hinawakan at dinama ng palad niya ang bawat sulok ng mukha nito pagkatapos ay bumaba ang kanyang palad at pinasadahan ng haplos ang dibdib nito. Kinabisa ng mga daliri niya ang bawat guhit ng abs nito. “Una kong nakita ang upper body mo sa yate. And these fine hairs haunted me.” Marahan niyang pinaglaruan ang mga balahibong iyon. Cedrick groaned. “Palaisipan sa akin kung hanggang saan ito matatapos.” She traced the line of hair. Tumingin siya sa binata at nginisihan ito. “Ngayon ay alam ko na kung hanggang saan.” Iwinaksi niya ang natitirang hiya sa kanyang katawan. She was aroused to the point of mind-blowing passion. She tightly held him in her hands. Cedrick emitted wild growls as he rested his hands on her shoulders. Mahigpit itong humawak sa mga balikat niya bago umuungol na ipinikit ang mga mata, like he was absorbing the sensations. Marahan siyang napangiti. Pakiramdam ni Katrina ay nasa ilalim ng kapangyarihan niya ang binata. Subalit hindi na siya hinayaan pa ng binata. Hinuli na nito ang mga kamay niya. “Later, baby. I need you now,” he whispered between his teeth. Pagkatapos ay marahan siyang iginiya pahiga sa kama.         Ang sumunod na sandali ay naging napakainit sa pagitan nilang dalawa. They danced to the rhythm as old as the sea. And they climbed heaven hand in hand.                                                                   NAALIMPUNGATAN si Katrina nang hindi madama ang pamilyar na init ng katawan ni Cedrick. Agad na nagising ang kanyang diwa nang hindi niya makapa ang binata. Nilukob ng kakaibang takot ang kanyang dibdib. Bumalikwas siya.         “C-Cedrick…” natatakot niyang pagtawag. Subalit wala ang binata sa silid. Mabilis niyang tinungo ang banyo kahit patay ang ilaw roon. Wala pa rin ang binata. “C-Cedrick…” naiiyak niyang wika. Umalis na ba ang binata habang tulog siya? Umalis ito habang tulog siya para hindi niya makita ang pag-alis nito?         “Cedrick!” Sumigaw si Katrina sa nanginginig na tinig. Agad namasa ang mga mata niya at ilang sandali lamang ay tumutulo na ang kanyang mga luha. Napasalampak siya ng upo sa sahig. She wrapped her arms around her knees and cried hard. Mayamaya ay lumabas siya ng silid at pinagbubuksan ang mga silid pa roon. Umaasa siyang sa isa sa mga silid na iyon ay makikita niya ang binata. Pero wala ito. Lumabas siya ng bahay. Full moon, napakaliwanag ng kapaligiran. At nakatulong ang liwanag ng buwan para makita niya ang isang pigura na nakasalampak ng upo sa may dalampasigan.         Cedrick… Halos matawa siya sa sobrang katuwaan. Hindi siya iniwan ng binata. Bumalik siya sa silid at kumuha ng isang comforter. Mayamaya ay tinalunton na niya ang dalampasigan. Cedrick was so lost in his thoughts na hindi nito namalayan ang kanyang presensiya. Ibinuka ni Katrina ang comforter at ibinalot sa binata.         “Katrin, baby, bakit lumabas ka? Malamig dito…” mahinang sita nito.         Tumabi siya ng upo kay Cedrick. Kinabig naman siya ng binata at ipinaloob din sa comforter. “Mas malamig sa silid dahil wala ka,” wika niya bago ipinikit ang mga mata. It felt so good to be in his arms. “Hindi mo ako dapat iniwan dahil—” Napahikbi siya. Ang lalamunan niya ay biglang nanakit dahil sa mga hagulhol na gustong kumawala. “Dahil ilang oras na lang tayong magsasama.” That was the truth. Tapos na ang dalawang maliligayang araw nila ni Cedrick. Napakabilis na natapos niyon, ni hindi niya namalayan. Bukas ay maghihiwalay na sila ng landas at ang lahat ng pinagsaluhan nila sa islang iyon ay mananatili na lamang nakatago sa isang sulok ng kanyang puso.         Tumayo si Cedrick. Ang akala niya ay yayayain na siyang pumasok sa loob ng bahay pero mauupo lang pala ito sa likuran niya. Inayos nito ang comforter na bumabalot sa kanila at mula sa likuran niya ay niyakap siya nang mahigpit ng binata. Sumandal naman siya sa dibdib nito.         “Remember the first time we met? `Yong sa grocery?” anito sa pilit pinasisiglang tinig.         She calmed herself. “Pa’no ko ba iyon malilimutan? Ilang minuto yata akong nakatulala noon sa `yo.”         “Hindi na ako nagulat. I’m used to that kind of attention. Isa ka lamang sa mga babaeng hindi maitago ang paghanga. But I must admit, nagandahan din naman ako sa `yo.”         “`Yabang nito!” bulalas ni Katrina bago kinagat ang isang braso nito.         Cedrick chuckled. Pero kahit tumatawa ito ay malungkot pa rin ang dating niyon.         Then the silence hung between them. Kahit anong pagpupumilit nilang magbukas ng masayang topic ay nauuwi lamang iyon sa katahimikan. At kalungkutan. Paano pa nga sila sasaya kung sa loob lamang ng ilang oras ay maghihiwalay na sila ng mga landas? Cedrick would marry his best friend. And she would marry someone she barely knew.         “K-kung hindi tayo magkakatuluyan sa panahong ito, then, hihintayin kita sa ibang panahon…” basag ang tinig na wika nito. Hanggang sa maramdaman na lang niya ang paggalaw ng dibdib nito na animo humihikbi.         “Cedrick…” Bahagya siyang tumingala at ganoon na lang ang pagbuka ng kanyang bibig nang malinaw niyang makita ang luhaang mukha nito. Mariing kagat ni Cedrick ang labi nito na marahil ay para hindi makalikha ng tunog ang pag-iyak.         “Katrina Santos, sa tamang panahon ay ibibigay ko sa `yo ang pangalan ko. Sa ngayon ay ingatan mo muna sa puso mo ang pagmamahalan natin. I love you.”         Tuluyan na siyang napahagulhol dahil doon. It was the first time Cedrick said those three words. Ang akala niya ay maghihiwalay sila na hindi niya iyon naririnig sa mga labi nito kahit na nga ba alam nila ang tunay na damdamin ng isa’t isa. “Mahal kita, Cedrick, mahal na mahal. Habang-buhay kong aalagaan ang pagmamahal na ito sa puso ko.”         Tumayo ang binata, pumunta sa harap niya, at inilahad ang kamay sa kanya. “Hi, gorgeous. Would you care to dance with me?”         Natawa si Katrina kahit patuloy na umiiyak. “Linya ko `yan, eh,” nakaingos na sabi niya. Tinanggap din naman niya ang kamay nito at tumayo. Ang akala niya ay magsasayaw sila ng isang mapanuksong sayaw, subalit hinapit lamang siya ng binata. Ang isang braso nito ay nakapulupot sa baywang niya habang ang isa pa ay ipinagsalikop sa isa ring kamay nito bago ito marahang gumalaw. Napapikit siya. Maging ang marahang pagsayaw nila ay tila napakalungkot. Hanggang sa tuluyan na silang hindi gumalaw, sa halip ay mahigpit lang nilang yakap ang isa’t isa.         “Iingatan mo ang sarili mo, okay? Promise me…”         “Paano kapag nami-miss kita?” pahagulhol na sabi niya sa dibdib ng binata.         Bumuga ito ng hangin. “Balikan mo ang masasayang alaala nating dalawa. At lagi mong isipin na kahit magkalayo tayo, pag-aari naman natin ang puso ng bawat isa. Someday, Katrin, someday we’ll meet again. Oh, baby! God! I love you so much.”         “H-hindi na kita muling makikita pa?” umaasang tanong niya. “Baka puwede tayong magkita kahit paminsan-minsan…”         “Katrin…” nahihirapang wika nito. “Be brave.”         “But I love you, Cedrick. Dadalhin mo ang puso ko.”         “At maiiwan din sa `yo ang puso ko. Katrina, please, kayanin mong mabuhay para sa akin.”         Tinawagan ni Cedrick si Abby para pakiusapan ang kaibigan niya na samahan muna siya sa isla. Pumayag naman ang babae.         Hindi na siya nakasagot. Impit lamang siyang humahagulhol. Nagsisikip ang dibdib ni Katrina sa lungkot at sakit. Ang mga luha niya ay ayaw maampat sa pagtulo. She was crying in misery. Subalit kahit anong iyak niya ay alam niyang hindi na mababago pa ang nakatakdang mangyari dahil ang tadhana nila ay nakasulat na.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD