Part 19

501 Words
KATRINA locked herself in the room. The inevitable had finally come. Oras na ng pag-alis ni Cedrick at nakiusap ito sa kanya na huwag niyang panoorin ang pag-alis ng yate kaya naman naglocked siya sa silid niya. She was crying wretchedly. Hindi pa rin humihinto ang mga luha niya kahit namamaga na ang mga mata niya sa kaiiyak. Pakiramdam niya ay may namatay na bahagi ng pagkatao niya ‘tapos ay dinala pa ni Cedrick ang puso niya.                         “Cedrick…” napapikit siya. Ngayon palang ay hinahanap hanap na ito ng puso niya. Kakayanin ba talaga niya na mawala ito?                          Mabilis na pinahid niya ang mga luha niya bago lumabas ng silid at patakbong tinungo ang dalampasigan. Sa nanlalabo niyang mga mata ay nakita niya ang yate na unti unti ng lumiliit. Ibig sabihin lamang niyon ay malayo na ito.                         “Cedrick!” buong lakas na sigaw niya. “Huwag mo akong iwan! Please, Cedrick! Hindi ko kakayanin kung mawala ka. Bumalik ka sa akin, please! Cedrick!” she shouts her lungs out. Napakalayo na ng yate at imposibleng marinig pa siya ng binata. Subalit umaasa lang siya na dadalhin ng hangin ang panaghoy niya at ibubulong iyon sa binata. “Cedrick, bumalik ka! Balikan mo ako!”                         Subalit nauubusan na siya ng boses ay lalo lamang lumiliit ang yate. Lalo lamang lumalayo ang distansiya nilang dalawa. Hanggang sa halos gatuldok nalang ito sa kanyang paningin. Bumigay na ang mga tuhod niya na kanina pa nanginginig. Tuluyan na siyang napalugmok sa buhangin. Humampas ang alon at nabasa siya niyon subalit wala na roon ang kanyang atensiyon. Cedrick was gone. Umalis na ito at iniwan siya.                         Tuluyan ng nawala sa paningin niya ang yate. Hanggang sa umihip na ang hangin at kasunod niyon ay ang pagpatak ng marahang ulan. Hindi siya nag-abalang tumayo para bumalik ng bahay. Hinayaan niyang mabasa siya ng ulan. Baka nakikiisa lamang ang langit sa pamimighati niya at baka makatulong ang lamig ng ulan para mawala ang pangungulila na ngayon pa lang ay pumupuno na sa puso niya. She knew she will never be the same again. Alam niyang hindi na siya magmamahal muli ng iba. Hindi na titibok ang puso niya para sa iba dahil mananatiling si Cedrick lang ang laman niyon. At tulad ng binata, aasa nalang siya na sa ibang pagkakataon, sa ibang panahon, ay magkakaroon ng kaganapan ang pagmamahalan nila.                         Hindi na niya alam kung gaano na siya katagal nakasalampak roon habang tila basang sisiw na nakatanaw sa dulo ng dagat kung saan nawala ang yate. Tumila na ang ulan at unti unti na rin ulit na sumusungaw ang liwanag ng araw. Niyakap niya ang mga tuhod niya at nanatiling nakatanaw sa dako roon na para bang may hinihintay siya. Subalit hindi na bumalik ang yate.                         Kinagat nalang niya ang labi niya ng muling mag-init ang mga mata niya at manakit ang lalamunan niya. She will cry again. At hindi na siya magugulat kung isang araw ay matutuyuan nalang siya ng mga luha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD