“CEDRICK…?”
Nag-angat ng paningin si Cedrick at tumingin kay Jazmine. Nasa isang restaurant sila noon at kagagaling lamang nila sa mananahi na siyang gumawa ng wedding gown nito. Bukas ay magaganap na ang kasal.
“M-may sinasabi ka ba, Jazz?”
Hindi sumagot si Jazmine. Mataman lamang siya nitong tinititigan. “Jazz, you’re making me uncomfortable with your gazes,” marahang sita niya rito.
Jazmine shrugged her shoulders. “You’re not really comfortable in the first place. Tingnan mo nga ‘yang balikat mo, bagsak pareho. And you’re sitting so lousy.”
Inabot niya ang baso ng tubig at uminom. Sinamantala niya ang pagkakataong iyon para itama ang posture niya. Umayos siya ng upo. Tama si Jazmine. Bagsak nga ang mga balikat niya at hukot pa ang likod niya.
He can not help it. Nasa California ang katawan niya pero nasa Pilipinas naman ang isip niya. At puso. Isang buwan na ang nakakaraan mula ng makabalik siya ng California. Sa loob ng isang buwan ay walang sandali na hindi niya inisip si Katrina. He’s missing her so bad. Hindi nakatulong ang milya milya niyang distansiya mula rito para tumigil ang puso niya sa pagmamahal rito. In fact he was loving her more each passing day.
“Nagdadalawang isip ka na ba sa gagawin mong pagpapakasal sa akin, Cedrick?”
Napatingin siya sa mukha ni Jazmine. Hindi lamang ang boses nito ang nababahiran ng takot kundi maging ang buong mukha nito mismo. The truth was, noong umuwi siya ay binabalak niyang hingin o bawiin kay Jazmine ang salita niya. He would tell her na nagmamahal na ang puso niya para sa iba. Na may may-ari na niyon. At kahit anong mangyari ay hindi naman niya ito pababayaan lalo pa at ito ang naghikayat sa kanya na kailangang pag-isipan muna niyang maige ang desisiyon niya. Subalit umurong ang dila niya ng makita niyang ang laki ng inihulog ng katawan ng kaibigan niya. Jazmine was suffering, alam niya iyon. Hindi makabubuti para rito ang isa na namang kabiguan.
Marahan siyang ngumiti bago inabot ang pisngi nito at mabining hinaplos iyon. “No. Huwag mo nalang akong intindihin. Ganito yata talaga ang lalaking malapit ng ikasal.”
“Pakakasalan mo pa rin ako?”
“Of course,” sagot niya rito. Jazmine was almost teary-eyed. Paano ba niya bubuksan ang puso niya rito? Pinilit niyang maging masigla pero nahahati ang puso niya. Aware kasi siya—sa pamamagitan ni Abby—na matutuloy rin ang Santos-Go Nuptial. Pumayag na si Katrina sa kasalan.
“Ced…”
“Hush, Jazz. I'm okay. Ubusin mo na ang pagkain sa plato mo dahil sinasabi ko sa’yo na hindi tayo aalis ng restaurant na ito hangga’t hindi mo iyan inuubos.”
“You’re so bossy,”reklamo nito.
“And arrogant, too.” Lihim siyang natilihan. Naalala talaga niya si Katrina at missed na missed na niya ito. He misses everything about her.
“YES, hello?”
Napapikit si Cedrick sa malambing na tinig na iyon ni Katrina sa dulo ng telepono. He missed her so bad. At hindi niya napigilan ang sarili niya mula sa kagustuhang tawagan ito at marinig manlang ang tinig nito.
Ngayon na narinig na niya ang tinig nito ay napupuno naman ng halo halong emosyon ang dibdib niya.
“Hello? Sino ba ito? Kapag hindi ka pa nagsalita ay ibababa ko na ang telepono,” anito. Kay Abby galing ang bagong numero nito. Abby was sweet. Hindi nito itinatago ang panghihinayang sa naging kapalaran nila. Nevertheless, umaasa pa rin umano ito na sila pa rin ang magkakatuluyan sa bandang huli.
Hindi siya nagsalita. Mariin niyang kagat-kagat ang lower lip niya para pigilin ang sarili sa pagsasalita. But damnit, he couldn’t control her tears. Bago pa niya maunawaan ay namamasa na ang mga mata niya. Mariin niyang tinakpan ang mouthpiece ng telepono bago bumuga ng hangin para pagluwagin kahit papaano ang naninikip na dibdib.
“C-Cedrick…”
Muntikan na siyang mapasinghap dahil roon. Pabalik balik siyang naglakad-lakad sa loob ng silid niya.
“Alam ko na ikaw iyan, Cedrick. H-how are you?”
“I…I'm f-fine. I-ikaw, ku—kumusta?” he almost choked his words. Mariing ikinapit niya ang kaliwang palad sa baiwang niya bago tumingala na para bang sa pamamagitan niyon ay babalik sa loob ng mga mata niya ang mga luhang nagnanais na kumawala.
“D-do you want me to lie?”
“Katrin…”
“Ngayon mo lang ako sinubukang kontakin,” hindi nito itinago ang panunumbat sa tinig nito.
“Hindi ko intensiyong kontakin ka kahit kailan. Pero hindi ko napigilan ang sarili ko sa pagkakataong ito.”
“Why?”
“Because I'm missing you so bad, damnit!” maigting niyang sagot. “Katrin, ngayon na ang k-kasal ko…” hirap na hirap niyang wika. Narinig niya ang malakas na pagsinghap ng dalaga. Ilang sandaling namagitan ang katahimikan. “Katrin, hello? Katrin?” Nabitin ang hininga niya. Is Katrina okay?
Papaano mo nagagawang itanong ang bagay na iyan pagkatapos mo sa kanyang sabihin na ngayon na ang kasal mo? sumbat ng kanyang isipan. Hanggang sa marinig na niya ang paghikbi nito. Lalong nagsikip ang dibdib niya dahil roon. Naupo siya sa sahig at isinandal ang likod sa pader. Pakiramdam niya ay pasan-pasan niya ang bigat ng buong mundo sa kanyang mga balikat.
“Huwag kang umiyak, Katrin, please,” pakiusap niya.
“I can’t help it. I'm sorry…”
“Tell me about Kenneth Go. Tell me what he likes. Mabait ba siya? Maipagkakatiwala ba kita sa kanya?”
“M-mabait siya. Okay naman siya,” matipid nitong sagot sa pagitan ng garalgal na tinig. “C-Cedrick, I have to go. Tinatawag na ako ni Kenneth. B-bye. You take care and…best wishes.”
“Katrin wait—” naputol na ang koneksiyon. He gritted his teeth. He was so damn jealous of that guy! Sa sobrang selos na naramdaman niya ay ibinalibag niya ang hawak na telepono. Sa lakas ng puwersang ginamit niya ay nagkalat ang bawat bahagi niyon sa sahig.
“Cedrick, ready ka na ba? Oras na ng pagpunta natin sa simbahan.” Tinig iyon ng ina niya.
Mariin siyang napapikit. “J-just a minute, ‘Ma.”
NGAYONG araw na ang kasal ni Cedrick! nanlalaki ang mga matang bulalas niya sa kanyang isipan. Sa ilang sandali ay namanhid ang katawan niya. Hindi siya makagalaw at hindi makakilos. Tila kinuha ang lahat ng lakas niya at iniwan siyang tila isang lantang gulay. Nanlambot ang tuhod niya hanggang sa mamalayan nalang niya na nakaupo na pala siya sa lapag. Tulalang nakaupo.
“Katrin, hello? Katrin?” Bahagya pa siyang napapitlag ng marinig ang tinig ni Cedrick sa tenga niya. Iyon ang nagpabalik ng reyalidad sa kamalayan niya. Otomatiko ang paglabas ng hikbi sa lalamunan niya at paglalandas ng mga luha sa magkabila niyang pisngi. Her heart was breaking into pieces. Napakasakit niyon. It feels like she was being tortured beyond her limitation. Hindi nga niya namalayan na daklot daklot na pala niya ang damit niya sa tapat ng kanyang puso na animo sa pamamagitan ng niyon ay mababawasan ni katiting ang sakit na pumipilas sa puso niya.
Mabilis siyang nagpaalam sa binata bago pa siya tuluyang maging hysterical. Idinahilan na lamang niya na tinatawag na siya ni Kenneth. But she was in her room.
Mula sa pagkakaupo sa lapag, sa paanan ng kama niya ay tumayo siya at lumipat sa kama. Isinubsob niya ang kanyang mukha sa malambot na unan at doon pinakawalan ang mga hagulhol niya at sakit ng puso.
Bakit kasi hindi naging mabait sa kanila ang tadhana? Bakit kailangang maging huli na ang lahat bago sila magtagpo? Now, she was in pain. Ika nga ng isang TV commercial; is there any medicines that she can take to forget the pain?
But despite the pain, despite the heartache, she’s still grateful that she’d met him. Naranasan niya ang magmahal; gayundin ang mahalin ng sobra-sobra. Ngayon ay kailangan niyang tanggapin ang lahat at ipagpatuloy ng buhay niya. Napakadaling sabihin pero papaano nga ba niya iyon gagawin? Papaano nga ba siya mabubuhay ng normal kung sa bawat segundo ay laman ng isip niya si Cedrick? Kung sa bawat pintig ng puso niya ay iisang pangalan ang isinisigaw?
Sa sobrang subsob ni Katrina sa pag-iyak ay hindi na niya namalayan ang marahang paglapat ng pinto ng silid niya pasara.