Part 10

1233 Words
“CAREFUL,” anang baritonong tinig ni Cedrick habang inaalalayan si Katrina sa kanyang siko pababa ng rubber boat. Sa pamamagitan ng kalkulasyon ng binata sa naging agos ng tubig kagabi ay natagpuan agad nila ang isla nina Abby. Dahil hindi naman makakadaong ang yate ay maayos na lang na iniangkla iyon ng binata bago ginamit ang rubber boat para ihatid siya sa dalampasigan.         At ngayon nga ay hindi magawang alisin ni Katrina ang atensiyon niya sa kamay nitong nakaalalay sa kanyang siko dahil sa tila maliliit na boltahe ng kuryente na hatid ng balat nito sa balat niya papunta sa bawat himaymay ng kanyang kalamnan.         “Bakit wala yatang nakakapansin sa pagdating natin?” tanong ni Cedrick habang tinatalunton na nila ang bahay. “Baka umalis ang mga kasama mo at hinahanap ka na.”         “I’m all alone here.”         Kumunot ang noo ng binata. “What? Bakit ka nag-iisa lang? Delikado ang ginagawa mo. Babae ka at hindi mo puwedeng ikatwiran na private property ang lugar na ito. Katrin, delikado na ang panahon ngayon.”         Nahihimigan ni Katrina ang pag-aalala sa tinig ng lalaki, and she did not know why she was happy with it. O siguro, natutuwa siya dahil noon lamang siya nakadama ng pag-aalala mula sa isang tao. Nakakalungkot lamang isipin na hindi niya kaano-ano ang nagbibigay ng pag-aalalang iyon.         “Hey, may dumadalaw naman sa akin dito every other day.”         “Hindi sapat iyon,”         She just shrugged. Ayaw na niyang pahabain pa ang usapang iyon. Inanyayahan niyang pumasok ang binata sa sala nang marating nila ang bahay. Nagpaunlak naman ito. Pinaupo niya si Cedrick sa bamboo set. “May cake pa sa ref. Mag-merienda ka muna bago ka u-umalis.”         Tumayo ang binata. “Sure, pero sasamahan na kita. Baka may aswang sa kusina.”         “Nagpapatawa ka ba?” tanong ni Katrina na nagpipigil ng ngiti.         He just winked at her. Pagkaraang makuha ang kahon ng cake, isang pitsel ng orange juice, at ang mga baso at platito ay bumalik na rin sila sa sala.         “Thank you,” aniya nang iabot sa kanya ng binata ang isang slice ng cake. Ito na rin ang nagsalin ng juice sa mga baso.         “Katrin, do you consider me as your friend now?” anito makaraan ang ilang sandali.         “Oo naman…”         “Alam ko na maaga pa para itanong sa `yo `to pero…do you trust me?”         “I… Ahh, I think yes,” tumatango-tangong sagot niya. “I mean, hindi mo ako ginawan ng masama noong tulog ako so yes, you’ve already earned my trust. Teka, bakit ba tinatanong mo ako ng mga ganyan?”         Mataman siyang tiningnan ng binata. “I just couldn’t leave you here all by yourself. So, papayagan mo ba ako kung hilingin ko sa `yo na samahan kita rito? I promise, wala akong gagawing masama sa `yo. Kung may gawin man ako, madali mo akong maha-hunting. All you have to do is remember my family name, Valencia. I mean, may mga pinsan akong sikat, so, puwede mo akong matunton sa kanila in case na may gawin ako na labag sa loob mo.”         Hindi itatanggi ni Katrina na nakaramdam siya ng tuwa sa gustong mangyari ni Cedrick. She wanted to be with him. Ayaw pa niyang mawala ito sa kanyang paningin. “B-bakit gusto mo akong samahan dito?”         “I told you, it’s not safe here nowadays. Kung ayaw mo naman akong patulugin dito, it’s fine with me. I’ll spend the night at the yacht.”         “W-why?” tanong pa niya. Nagbakasyon si Cedrick na mag-isa. Surely, iyon ay dahil gusto rin nitong mapag-isa. Pero ngayon, bakit gusto nitong isama siya? Not that she was complaining.         Sinabi na niya ang rason, hindi ba? Delikado na mag-isa ka! She secretly sighed. Ewan niya pero tila may nais siyang marinig mula rito. Kung ano iyon, hindi rin niya alam. Weird. Yeah, weird.         Cedrick sighed. “All right. Maybe you’re not comfortable in my presence.”         “Hindi naman sa ganoon, kaya lang… All right, you win. Sige payag na ako pero kailangan ko munang magpaalam sa kaibigan ko na siyang may-ari nitong isla.”         Tagumpay na ngumiti ang binata. “Good.”         “Sandali lang, ha,” paalam ni Katrina nang maulinigan ang tumutunog niyang cell phone. Naalala niya si Abby. Baka kagabi pa siya nito kinokontak. Nakita naman agad niya ang telepono sa may estante. Kinuha niya iyon at agad sinagot.         “Katty, at last! Nag-aalala na ako sa `yo, ah. Kagabi pa ako tumatawag. Kung hindi mo pa ako sinagot ngayon, papupuntahin ko na talaga diyan sa isla si Lee para itsek ka.”         Napangiwi si Katrina. “Sorry, Abby. Ganito kasi iyon…” Nakakahiya man ang nangyari ay napilitan na rin siyang ikuwento sa kaibigan kung ano ang nangyari. Tatawa-tawa si Abby nang matapos siya sa paglalahad. “Abby!” sita niya.         “Can you blame me? Nakakatawa ka kaya,” buska pa nito. “Anyway, naiintriga ako diyan sa lalaking iyan, ha? Guwapo ba?”         Pasimple siyang sumulyap sa sala. Nakita niya si Cedrick na nakatayo na at nakatanaw sa malawak na karagatan. “Ah, yes. I mean, isang malaking kasinungalingan kapag sinabi kong hindi siya guwapo. S-siyanga pala, Abby, he insisted na sasamahan niya ako rito.”         “Whoa!” biglang bulalas ni Abby. “He insisted? Pero gusto mo rin, hindi ba, kaya ka pumayag? Come on, Katty, kilala kita. Kung ayaw mo, walang makakapilit sa `yo.”         “Abby! Para akong bata na tinutukso mo,” reklamo niya. “So okay lang sa `yo? Cedrick Valencia nga pala ang pangalan niya.”         “Valencia? Sa pagkakaalam ko ay may kaibigan si Lee na Valencia. Hmm, Charlie, Charlie Valencia…?”         “Nabanggit nga niya ang pangalang iyan.”         “Hmm, okay. Walang problema kung mananatili rin diyan si Cedrick, Katty, I mean ikaw na ang bahala sa bagay na iyan. Hindi ko kilala iyang si Cedrick pero tunog-mabait naman ang pangalan niya. Anyway, saka na ang kuwentuhan tungkol kay Cedrick. Kaya ako tumawag ay dahil sa isang bad news.”         “B-bad news.” Kinabahan si Katrina. Huwag naman sanang may masamang nangyari sa ama niya.         “Hindi ko alam kung kaninong kampo nagmula ang anunsiyo pero kahapon kasi ay nabasa ko sa isang newspaper ang anunsiyo ng nalalapit na Santos-Go nuptial.”         “What?!”         “Yeah, I’m sorry. Hindi ko rin alam kung makakatulong ang sasabihin ko. Pero sabi ni Lee ay minsan na daw naakusahan ng rape si Kenneth, lamang ay iniurong din n’ong babae ang demanda at sinabi na walang katotohanan ang akusasyon niya.”         Napaupo si Katrina sa settee. Ang akala niya ay lalamig na ang sitwasyon pero hayun at hindi pa pala.         “Katty, okay ka lang ba?” anang tinig ni Abby.         “Y-yes.” Bagaman hindi mawala sa isip niya ang sinabi ng kaibigan. Kenneth had been accused of rape? Agad na siyang nagpaalam kay Abby nang makitang papalapit sa kanya si Cedrick.         “Parang namumutla ka, ah. Okay ka lang ba?”         “Y-yeah. Okay lang ako.”         Mataman siyang tinitigan ng binata na para bang inaarok ang katotohanan kung okay nga lang ba siya o hindi.                                                  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD