“HUWAG, Kenneth! Please, huwag!” balisang pagsamo ni Katrina. Pabiling-biling siya at hindi mapalagay sa kanyang pagkakahiga. “Hush, Katrina, you’re safe now.” Came from the soothing voice. Hindi niya kilala ang may-ari ng tinig pero malamyos at malambing iyon. Tinig ng isang babae. Kumalma siya. Pagkuway, naramdaman niya ang nanginginig na palad na nagpaloob sa isang kamay niya. The warmth of the hand was not familiar either. Subalit tila napakaraming emosyon na nakapaloob roon. Hindi niya alam kung papaano nangyari pero tila dumederetso sa puso niya ang init ng palad na iyon. “Katrina…” Her heart jolted. Daddy?! Gusto niyang imulat ang mga mata niya pero hindi niya magawa. Tila siya hinihigop papunta sa tuluyang p

