Isabella
Nanginginig at tila ba wala na akong makita dahil sa sobrang labo ng aking mga mata gawa ng aking mga luha. Ako'y takot na takot na nakaupo sa isang sulok ng malaki kong kuwarto, nagdadasal na sana ay hindi niya ako puntahan. Minabuti kong ikandado ang pinto upang hindi niya ako pasukin, ngunit laking takot ko nang marinig ang pagbukas nito.
Narinig ko rin ang mga hakbang na unti-unting lumalapit sa akin. Nananatili pa rin akong nakayuko at umiiyak, nagdadasal na kahit ngayon lang ay huwag sana n'ya akong saktan. Ayokong masaktan ang dalawang buwan na dinadala ko. Subalit hindi muli pinagbigyan ang munti kong dasal. Mabilis niya hinila, paangat, ang aking mahabang buhok na aking ikinatayo.
"P-Pakiusap… Ayoko na… A-A-Ang anak ko, 'wag n-ngayon," pagmamakaawa ko sa kaniya habang hawak-hawak sa malaki niyang braso. Nananatili pa rin akong nakapikit dahil sa sobrang sakit na aking nadarama at sa patuloy na pag-iyak ko.
"Tigilan mo ako sa kadramahan mo, Isabella! Tigilan mo ang pag-iyak-iyak mo dahil hindi mo ako makukuha sa kaartehan mo! Nagkukunwari ka pang inosente, gusto mo rin naman!" singhal niya. "Ang galing mo nga, eh… Sa sobra mong galing ay nauto mo ako at nagpabuntis! What a f*cking sl*t!" Siya ay humalakhak at iyon ay tunay na nakakatakot. Sa lakas ng sigaw niya ay tila ba rinig sa buo niyang mansyon ang kaniyang boses. Kasabay niyon ay hinagis niya ako nang malakas. Mabuti na lang at sa kama ako bumagsak dahil kung hindi, paano na lang ang anak ko?
Patuloy akong nakikiusap na huwag niya ako muling pagsamantalahan habang ako'y nakasubsob sa kama at umiiyak. Ako ay hapong hapo at wala ng natitirang lakas para pagbigyan siya. Subalit hindi na naman niya ako pinakinggan.
Agresibo niya ako pinatungan at hinalikan. Nalasahan ko pa ang ininom niyang alak at tunay akong nasaktan sa mga ginagawa niya sa akin. Nag-uumapaw ang mga iyak at pakiusap ko sa kaniya na kahit lakasan ko pa ay walang makakarinig sa akin. Tanging kami lang ang nandito at tuwing linggo lamang pumupunta ang isa n'yang kasambahay upang maglinis ng kaniyang mansyon.
"Pakiusap… Tama na..."
Kasalanan ko rin kaya ito nangyayari.
Hindi sana ito mangyayari kung hindi dahil sa katangahan ko.
Dapat hindi ko na siya nilapitan pa. Dapat tinago ko na lang ang bunga ng aking katangahan noong isang gabi. Dapat pala hindi na lang ako pumayag sa kagustuhan niya noon.
Nagsimula ang matindi kong kalbaryo sa kamay n'ya noong isang gabi, dalawang buwan na rin ang nakalilipas. Isang masayang gabi kasama ang mga kaibigan ko na ilang oras din ako pinilit na sumama sa kaarawan ni Queenie—ang matalik kong kaibigan. Ginanap iyon sa isang magandang hotel at tanging kami-kami lang na magkakaibigan ang nasa loob ng room. Ayoko pa talaga sumama noon sa kanila dahil may tinatapos pa akong projects sa school. Mas priority ko kasi ang pag-aaral, lalo na't si lola na lang ang tangi kong pamilya at scholar pa ako ng university na aming pinasukan. Kailangan ko makapagtapos ng aking pag-aaral para makahanap ako ng magandang trabaho at matulungan si lola.
"My gosh, Bella... for once magwalwal ka naman," banggit ni Queenie sa akin, ang birthday girl noong araw na iyon. "At isa pa, hindi mo ba ako friend? Akala ko ba mag-bessy tayo? Hindi ka talaga sisipot sa birthday ko? Hahayaan mo lang ako mag-celebrate na wala ang bessywap ko? Nakaka-hurt ka na ng feelings," malungkot niyang usap.
Nang makita ang malungkot niyang mukha, kumirot ang aking puso. Ako ay nakonsensya at dahil doon, napa-oo niya ako.
Sobra niyang saya, pati na rin ang ilan naming mga kaibigan nang mapapayag nila ako.
Nang matapos ang aming klase ay dumiretso na kami sa hotel kung saan ginanap ang kan'yang kaarawan. Nag-iwan naman ako ng text message kay lola na male-late ako ng uwi. Mas mabuti na ipaalam ko ito upang hindi siya mag-alala sa akin, lalo na't mahina na rin ang kaniyang kalusugan.
Naging normal ang celebration ni Queenie: simpleng kuwentuhan, kainan, at siyempre, hindi mawawala ang inuman. Kaunti lang ang ininom ko nang araw na iyon dahil mahina ang tolerance ko sa alcohol. Pero sila ay panay inom ng alak na para bang mauubusan sila, lalo na si Trisha—isa rin sa malapit naming kaibigan. Tunay ako nangamba sa kanila dahil ang isa ay bagsak na at iyong iba naman ay kung ano-anong nakakahiyang ginagawa sa kanilang sarili. Ako pa ang nahiya sa ginawa nila.
Pinilit naman nila ako painumin pa ng alak. Dahil na rin sa kanilang kalasingan ay lalo silang naging makulit. Sumuko na rin ako at sila ay pinagbigyan, mga dalawang puno rin ng baso ng alak ang aking nainom. Talagang umikot ang buo kong paningin pagkatapos ko 'yong ubusin. Mabuti na lang ay may natitira pa akong katiting na katinuan at napigilan ko sila sa kanilang pangungulit na uminom muli ng alak.
Nang mga gabi rin iyon ay niyaya ako ni Queenie na pumunta sa labas. Siya ay namangha sa mga fireworks display at mga magagandang pailaw sa labas. Ako at ang dalawa naming kaibigan ay sumama sa kaniya. Naiwan namin doon si Hazel na bagsak na bagsak sa sobra niyang kalasingan.
Masaya kaming nagtawanan habang bumababa sa elevator. At nang kami ay makalabas, lalo kami naging masaya.
Sobrang hiya ang naramdaman ko noon nang nag-umpisa nang magsayawan sina Queenie at Trisha habang patuloy ang pagputok ng mga magagandang fireworks. Nakisali na rin si Georgia sa kanila
Makalipas ng kalahating oras ay tuluyan na sila napagod. Sila ay bagsak. Grabe talaga sila. Natawa at napailing na lamang ako sa kanila.
Wala akong kaalam-alam na ang gabing iyon ay huling gabi na makararanas ako nang matinding saya.
Bago pa mangyari ang isa sa pinakamalaking kamaliang aking nagawa, nagpatulong ako sa mga empleyado ng hotel na buhatin ang tatlo at idala sila sa aming silid. Nasa likuran lang nila ako nang biglang kumirot ang ulo ko. Huminto lang ako nang saglit at hinintay na mawala ang sakit. Pagdilat ko ay wala na sila sa aking paningin. Nauna na sila noong pumasok sa elevator kung kaya naghintay pa ako nang ilang sandali upang gamitin iyon.
Nang makapasok ay nanatili pa ring masikit ang aking ulo, akin itong minasahe hanggang sa dumating na ako sa 6th floor at pumasok na sa silid namin. Wala akong ideya na maling floor ang aking napindot ganoon na rin ang silid na napasukan ko. Ang dapat 6th floor, Room 609 ay naging 7th floor, Room 709 ang aking napasukan.
Una pa lang ay nakaramdam na ako ng kakaiba sa paligid. Masyadong madilim at malungkot ang loob, taliwas sa aming silid. Lalabas na sana ako, pero bigla na lang ako nakaramdam ng isang mahigpit na yakap mula sa aking likuran.
Ako ay nanigas at hindi makapagsalita dahil sa pagkabigla. Naramdaman ko na lang din ang mga halik na ibinigay niya noon sa aking leeg at balikat habang inaamoy niya ako.
"I thought you'd never come back. Mabuti na lang at hindi ko sinara ang pinto," malambing niyang bulong habang patuloy niya ako hinahalikan. Nag-umpisa na rin niya haplusin ang katawan ko. "I was afraid you'd never forgive me. I'm sorry for what I did to you and promise… not to do it again… Give me another chance and I will prove to you how much I love you."
Hinawakan ko ang mga nakapulupot na braso sa aking tiyan at sinubukang tanggalin. Subalit talagang ayaw niya akong pakawalan. "T-Teka lang… Iba ang iniisip mo, n-nagkakamali ka lang," usap ko.
Hindi siya nakinig, patuloy pa rin niya ako pinapagsamantalahan hanggang sa hinalikan na niya ako sa labi. Lasang alak siya, mukhang lasing siya.
Makailang beses ko siya tinulak, ngunit masyado siyang malakas. Ilang beses na rin ako nakiusap at sinubukang ipaliwanag na maling tao ang kaniyang kayakap, pero hindi niya ako pinakinggan.
Unti-unti na rin namuo ang mga luha sa aking mga mata at nanginig ang buo kong katawan gawa ng takot sa maaaring mangyari sa aming dalawa. Hanggang sa tuluyan na nga nangyari ang aking kinakatakutan, nakuha na niya ang aking puri.
Kahit wala na siya sa katinuan, ramdam ko sa mga yakap at kaniyang kilos ang kaniyang pagmamahal. Ang pagmamahal na para lang sa babaeng inakala niya ay ako.
Ako ay nadala sa ginawa niya ganoon na rin ang patuloy niyang pagwika ng "I love you." Alam ko sa sarili ko na hindi iyon ang para sa akin, subalit nakaramdam ako ng saya at kilig na unang beses ko lang naramdaman.
Huli na nang maramdaman ko mula sa aking loob ang init ng kaniyang pagmamahal. Sobrang takot ang aking naramdaman at baka magbunga ang kamaliang aking nagawa.
Tila ba ako'y kaniyang naramdaman dahil nagwika siya ng "Don't worry, love, I will take care of you," upang gumaan ang aking pakiramdam. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi. Isang mapusok at matagal na halik na tunay na nakakaadik.
Halo-halong emosyon ang aking naramdaman sa gabing iyon: saya, kilig, kaba, at matinding takot. Ako ay takot na takot sa pagdating ng bukas. Dahil sa oras na sumikat na ang araw at makitang ibang babae ang naging kasama niya sa buong gabi, hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa akin.
Balak ko sana s'ya noon na takbuhan sa oras na ako ay magising, pero mas nauna siyang nagising. Malalakas na mura at masasakit na salita ang mga ibinato niya sa akin habang hinahagis sa aking mukha ang mga damit ko na nakakalat sa lapag. Hindi niya alam na siya mismo ang naghubad nito at naghagis sa sahig noong gabi.
Hindi ko kinaya ang mga masasamang salitang binitawan niya, lalo na sa "...a f*cking wh*re!" at "Gold digger!" Ayos lang sa akin na murahin niya ako, ngunit iyong sabihan akong ganito, tunay na nagpadurog sa aking puso.
Lalo nangliit ang tingin ko sa sarili. Tanging iyak at paulit-ulit na "Sorry…" ang aking binigkas. Agad din ako lumabas sa kaniyang silid at dumiretso na sa bahay. Mabuti na lamang ay tulog pa si Lola dahil kung nakita niya ang kalagayan ko noon, baka mag-alala siya nang sobra at maapektuhan pa ang kaniyang kalusugan.
Nakakadiri. Diring diri ako sa aking sarili. Sobrang nakakahiya. Hindi ko na rin magawang tingnan ang sarili kong repleksyon dahil sa pandidiri at kahihiyan ko sa sarili.
Nang dahil sa aking naramdaman, naapektuhan ang aking pag-aaral at tuluyan na nawala ang iniingatan kong scholarship nang malaman nila na ako ay nagdadalang tao.
Nalaman ko lang na ako ay buntis noong nagpa-medical exam kami. Dalawang beses sa isang taon kasi kami nagpapa-medical check-up upang mamonitor nila ang aming kalusugan. Dahil kung may sakit kami ay walang ano-ano nila kami tutulungan. Isa rin ito sa aking rason kung bakit nais ko rin makapasa sa paaralan na ito, bukod sa kada-buwan na allowance, libreng medical na rin. Malaking tulong na rin ito sa amin upang mabawasan, kahit papa'no, ang gastusin namin ni Lola. Ngunit kung malaman na kami ay buntis, walang atubili nila kami tatanggalan ng scholarship. Isa iyon sa kanilang policy.
Sobrang takot ang aking naramdaman at para bang huminto ang aking mundo nang malaman ito. Hindi ko na rin narinig pa ang mga sinabi noon ng nurse sa akin. Tila ba ako nabingi sa sobra kong pagkabigla.
Gulong gulo ang aking isipan at hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin sa mga panahon na iyon. Sumagi na rin sa aking isipan na ipalaglag ang aking anak, ngunit hindi kaya ng konsensya ko na patayin ang walang kamuwang-muwang na batang ito.
Wala siyang kasalanan. Ako ang may kasalanan. Ako ang dapat magdusa at hindi siya.
Hindi ko rin alam kung paano ko ito ipapaliwanag kay lola. Akin muna tinago ang tungkol sa bata ganoon na rin sa aking pag-aaral.
Naghanap ako noon na maaari kong pasukan na trabaho at mabuti na lang ay natulungan ako ni Queenie. Siya pa lang ang nasabihan ko tungkol dito. Bukod kasi sa pagiging best friend ko siya ay childhood friend ko rin siya. Sobra naming close sa isa't isa na magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Nang dahil dito, nagsasabihan kami ng aming mga sikreto sa isa't isa. Mas close pa nga ako kay Queenie kumpara sa nag-iisa niyang kapatid na si Nigel.
"I'm so sorry, Bella. Kasalanan ko rin. Dapat talaga hindi ka na namin pinilit na sumama… My gosh," iyak niya habang pinupunasan ang mga luhang nasa pisngi niya.
"N-No, Queenie. H-Hindi mo ito kasalanan– wala kang kasalanan. Kasalanan ko ito. P-Please, huwag ka na umiyak," pagkumbinse ko habang pinupunasan ang mga luha niya.
"Iyan ka na naman, Bella! Inaako mo na naman ang kasalan na 'di mo naman ginawa!" inis niyang sumbat. "Sino ang ama niyan!? Bakit hindi mo siya lapitan!? Anak niya iyang dinadala mo, he should be responsible!"
"H-H-Huwag na… A-At isa pa, ano… Hindi naman niya alam na nagkaanak siya sa akin. H-Hindi niya rin ito ginusto. Hindi n-niya kasalanan…" mabilis kong pagtanggi.
"Ano!? 'Tang ina naman, Bella! Anong klaseng pag-iisip iyan!?" Sa galit niya ay napatayo ito sa kaniyang sofa. "Alam kong mabait ka, pero sobra naman iyan…" Siya ay bumuntong ng hininga at naglakad papunta sa kusina. Sunod siyang kumuha ng tubig. Ilang minuto rin s'ya nandoon bago siya bumalik sa sala.
Nakaramdam ako ng kaba sa kung ano ang sasabihin niya sa akin. Ngunit napawi rin iyon nang niyakap niya ako nang mahigpit at humingi muli ng pasensya. Sa init ng kaniyang yakap ay nahipo niya ang aking puso. Tuluyan na lumabas ang mga luhang matagal nang gusto kumawala. Matagal ko rin ito tinago dahil ayokong makita ako ni Lola na umiiyak.
Ako ay nagpaalam noon kay lola na mananatili muna ako sa bahay ni Queenie. Nagsinungaling ako na kami ay gagawa ng project sa school para payagan ako. Ngunit ang totoo niyan ay nagtatago lamang ako sa kaniya. Ayoko kasi na makita niya akong umiiyak.
Nag-umpisa na rin ako magtrabaho sa restaurant na pagmamay-ari ni Nigel. Wala pa siya sa Pinas kaya si Queenie muna ang nag-manage ng restaurant kaya pinasok na rin niya ako bilang cashier. Mas madali ito kumpara sa maging waitress.
Isang buwan din ako nagtrabaho sa restaurant nila. Isang buwan din ako nagsinungaling kay lola na ayos lang ang lahat at masaya ako sa aking pag-aaral.
Sa bawat araw na nagdaan, palagi ako minumulto ng aking konsensya sa mga kasinungalingan ko sa kan'ya. Lalo bumigat ang aking damdamin hanggang sa may mabasa ako mula sa dyaryong hawak ng isa naming kasamahan.
Tandang tanda ko ang hitsura ng amang aking dinadala. Laking gulat ko nang matukoy na isa siyang sikat na architect sa Pilipinas. Nawala kahit kaunti ang mabigat kong dalahin nang akin itong malaman. Aking naisip nang sa oras na makilala niya ang kaniyang anak, baka ito'y kaniyang tanggapin at mabigyan pa niya ito ng magandang kinabukasan. Kung mananatili lang siya sa akin, wala siyang mapapala sa walang kuwenta at tanga niyang ina. Tanging hirap at pagdurusa lamang ang maibibigay ko. Ano nga ba ang maibibigay ng 21 years old niyang ina na hindi nakapagtapos ng pag-aaral at walang disenteng trabaho, at umaasa lamang sa mga limos na tulong sa iba?
Akin siya hinanap at natunton sa kumpanyang kaniyang pagmamay-ari. Alam kong nakakahiya na pumasok sa lugar na ito, ngunit nilakasan ko ang aking loob para sa kinabukasan ng aking anak.
Ipinaalam ko sa kaniya ang tungkol sa kaniyang anak, subalit nagkamali ako ng akala. Nagkamali ako sa pag-aakalang tatanggapin niya ang kaniyang anak. Kahit ang anak niya lang, huwag na ako.
"Are you out of your mind!? Paano ako nakasisiguro na anak ko nga iyan!? Sa dami mong nilandi!?" Sobrang nakakatusok ang kaniyang sinumbat. Aking pinigilan ang nadarama kong sakit alang-alang sa aking anak. "Galing mo rin, 'no? Talagang planado mo ang lahat. Matapos ka magpabuntis, hulaan ko, hihingi ka ng pera sa akin, 'no?" Siya ay ngumiti, natakot ako sa mga ngiti niya sa akin.
"H-H-Hindi po sa gano'n… A-Ang gusto ko lang p-p-po mangyari a-ay mabigyan ng m-magandang kinabukasan ang a-anak natin– niyo po. W-W-Wala ako mabibigay sa kaniya… Wala po s-siyang maaasahan s-sa akin." Sobra ako natakot sa kaniya. Halos bumigay na ang aking mga tuhod. Mabuti na lang ay may natira pa akong lakas para sabihin ang nais kong sabihin sa kan'ya.
"Dapat noong una pa lang naisip mo na iyan bago ka makipaglandian sa iba! D*mn it!" Sa sobra niyang inis ay sinipa niya ang upuan sa kaniyang gilid at hinagis ang ano mang bagay na nakuha niya.
Napapikit ako at napasinok sa sobra kong takot. Hindi ako nakahinga nang maayos at nanatili akong nakatayo, naninigas, dahil sa pagwawala niya.
Humupa lang iyon ng mga ilang minuto. Naramdaman ko na lang noon na hinila niya ang aking braso palabas ng gusali. Sobrang higpit, tunay akong nasaktan.
Pahagis naman niya ako pinasok sa itim niyang kotse at agad 'yon pinaharurot. At sa araw na iyon, kinulong na niya ako sa kaniyang mansyon.
Simula nang dinala niya ako sa mansyon, naging impyerno na ang aking buhay.