Isabella
"F*cking useless! Ang lakas ng loob mo magsira ng gamit dito!? Mas mahal pa iyan kumpara sa buhay mo!" singhal niya at dinuro-duro pa niya ako. "Linisin mo iyan at dapat wala ako makita kahit katiting na kalat pagkauwi ko!"
"O-Opo… P-P-Pasensya na po ulit. Hindi ko naman po s-sinasadya," iyak ko.
Pagalit na siyang umalis sa mansyon.
Nang siya ay nakaalis, doon na lamang ako nakahinga nang maluwag. Napaupo ako sa upuang malapit lang sa kinatatayuan ko at sinubukang pakalmahin ang nanginginig kong katawan. Ako ay nanginginig dahil sa takot at panghihina ko.
Kasalanan ko naman kasi kaya siya nagalit. Nang dahil sa katangahan ko ay nasira ko pa ang mamahalin niyang vase. Ito kasing katawan ko– nakakainis talaga. Kung hindi lang sana ako nahilo ay baka hindi ko ito nasagi. Napakawalang kuwenta ko talaga.
Bumuntong ako ng hininga. "I'm sorry, baby. Nang dahil sa mama mo, nakita mo ulit ang galit ng papa mo... Unawain mo na lang siya, okay? Masyado kasi siyang nasaktan sa nangyari, lalo na't iniwan na siya ng babaeng pinakamamahal niya," malungkot kong usap sa aking anak habang hinahaplos ang tiyan ko. "P-Pero huwag mo rin isipin na hindi ka mahal ng papa mo, ha? Mahal ka niya kahit…" Saglit akong napahinto. Aking inisip ang mga oras na pinakita niya ang pagmamahal niya sa kaniyang anak, ngunit wala akong matandaan kahit katiting lang.
Palagi kasing malamig ang pakikitungo niya sa akin. Kahit hindi sinasabi, halata sa kan'yang mga mata ang matindi niyang pagkamuhi. Ayaw na ayaw niya siguro na makita o makausap man lamang ako.
Huminga ako nang malalim at dahan-dahan ko ito binuga. "Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ng papa mo… I'm sorry, anak, ha? Sorry talaga. Sana mapatawad mo ako. Kasalanan kasi ito ng mama mo, eh. Kung hindi dahil sa akin, siguro masaya ngayon ang papa mo kasama ang mahal niya. Kung hindi rin dahil sa akin, hindi ka siguro magkakaroon ng tanga-tangang nanay." Natawa na lang ako sa aking sarili. "Huwag mo gagayahin si Mama, okay? Gayahin mo si Papa mo, matalino at madiskarte. Sobra talaga niyang galing... Biruin mo 'yon, naging kilalang architect siya sa buong Pilipinas dahil sa talino at husay niya? At alam mo ba, hindi lang sa atin kilala ang papa mo, pati na rin sa buong mundo? Talagang... Talagang maipagmamalaki mo na meron kang magulang katulad niya kaysa sa akin," masaya kong pagsasalaysay. "Pasensya na, anak... Pasensya na rin, Ziglar." Muli tumulo ang aking mga luha at nakaramdam ng kirot sa aking dibdib. Mabilis ko rin ito pinunasan at huminga nang malalim.
Nang maramdamang nanumbalik sa ayos ang aking kondisyon, dali-dali ko nilinis ang aking nagawang kalat pati na rin ang buo niyang mansyon. Kailangan maging malinis ang buong mansyon, dapat daw walang katiting na alikabok s'yang madadatnan pag-uwi niya. At iyon ay aking susundin.
Habang naglilinis ay muling kumirot ang aking tiyan, nakaramdam ako ng gutom.
Mukhang napagod si baby sa paglilinis naming dalawa. Bahagya ako napangiti.
Naglakad ako papunta sa kusina at nagtingin ng maaari kong kainin. Marami nga akong pagkain na p'wede ko iluto, pero ni isa rito ay wala sa aking kagustuhan. Gusto ko kumain ng pakwan o melon, mga watery fruits sana ang kaso wala rito ang hinahanap ko. Nagluto na lang ako ng sabaw, ngunit kakaunti lang ang aking nakain. Ayaw yata tanggapin ni baby ang pagkaing niluto ko.
"Baby, pakiusap lang, kahit ngayon lang… Masarap naman itong niluto ko, oh," pakiusap ko sa aking anak.
Pinilit ko na kainin ito, ngunit naisusuka ko rin. Nagprito na rin ako, pero katulad din ng nauna ay naisuka ko rin.
Marami tuloy akong pagkaing nasayang. Hindi naman din ito kakainin ni Ziglar kahit ilagay ko pa ito sa ref. Ayaw niya siguro ang luto ko. Pangit siguro ako magluto kaya ayaw niya kainin.
Araw-araw ko kasi siya pinagluluto ng almusal, ngunit palagi niya iyon binabalewala. Subalit kahit na ganoon, patuloy ko pa rin siya pinagluluto dahil lubos ako nag-aalala sa kaniya. Nangangamba ako na baka hindi siya kumakain o nakakakain nang maayos. Ni minsan kasi ay hindi ko siya nakikitaan na kumain sa mansyon.
"Sana huwag niya pabayaan ang kan'yang sarili."
Nag-alala tuloy ako at baka magalit sa akin si Ziglar dahil nagsasayang ako ng pagkain. Bukod pa roon, hindi pa ako tapos sa paglilinis ng mansyon, mapapagalitan na naman niya ako.
"Ayokong mangyari iyon."
Kung p'wede sana ay huwag niya ako pagalitan dahil baka tanging sigaw gawa ng galit ang marinig sa kaniya ng anak niya. At baka iyon pa ang matandaan niya kay Ziglar.
Upang hindi niya ako muling bulyawan, dali-dali ko ito binalot at nilagay sa ref. Kahit nagugutom pa rin ako ay tinuloy ko pa rin ang paglilinis.
Pagkatapos ko linisin ang baba, umakyat na ako sa second floor. Huli ko nilinis ang kaniyang kuwarto at maingat ko iyon nililinis. Ayokong makasira muli.
Habang naglilinis ay nakita ko sa mesa n'ya ang picture frame na nakatumba. Akin iyon inayos at nakita ko ang masaya niyang mukha na ngayon ko lang nasilayan kasama si Samantha. Masayang masaya sila sa litrato at bakas sa kanilang mga ngiti na tunay silang nagmamahalan.
Nakaramdam muli ako ng matinding kirot sa dibdib. Sobra ako nakonsensya. Nang dahil kasi sa akin, nakasira ako ng magandang relasyon.
Matagal na girlfriend ni Ziglar si Samantha, almost 5 years din sila nagsama. Sa tingin ko ay may balak si Ziglar na pakasalan si Samantha. May nakita kasi akong magandang singsing sa isang magandang lalagyan noong isang araw habang naglilinis ako. Pero nang dahil sa nangyari, hindi na siguro ito natuloy. Hiniwalayan kasi siya ni Samantha nang malaman na magiging ama na si Ziglar sa ibang babae.
Akala ko nga noon na magagalit si Samantha sa akin. Ako lang naman ang nagwasak ng kanilang matagal na pagsasama. Handa na ang isip at katawan ko sa kung ano man ang nais niyang gawin sa akin, ngunit taliwas iyon sa aking inaasahan. Ang init ng kaniyang pakikitungo. Sobra niyang bait, hindi ko deserve ang kabaitang pinakita niya. Inaalala pa niya ang kalagayan naming mag-ina nang malaman ang tungkol sa amin.
Sa tutuusin, hindi ko matukoy kung paano niya nalaman ang tungkol dito. Naging maingat naman ako sa pagtatago ng sikreto. Dalawang beses din na bumisita si Samantha sa mansyon at kahit hindi inuutos ni Ziglar, nagpanggap akong katulong at malugod ko silang pinagsilbihan. Mas mainam iyon upang hindi ko masira ang kanilang magandang relasyon, pero hindi ko inaasahan na malalaman pala ni Samantha ang nangyari sa amin.
Sobra akong nagulat nang mas nagalit pa siya kay Ziglar at sinisi sa kaniya ang lahat ng nangyari. Sinubukan ko naman na ipaliwanag kay Samantha ang lahat dahil kasalan ko rin ito, pero minura at sinigawan lang ako ni Ziglar. Nang dahil sa ginawa niya ay lalo nagalit si Samantha. Isang malakas na sampal ang ibinigay niya rito at pawang masasamang salita ang binato niya kay Ziglar. Simula noon, hindi ko na nakita pa si Samantha.
Sobra ako naawa kay Ziglar. Labis-labis na sakit ang kaniyang naramdaman nang iniwan siya ng taong minamahal n'ya. At dahil doon, mabilis na uminit ang ulo ni Ziglar at gabi-gabi na rin siya umiinom. Minsan pa nga ay ako'y kaniyang pinagsamantalahan. Hindi ko naman siyang magawang tanggihan dahil sa kaniyang lakas at kung sumigaw man ako, walang makakarinig sa akin—walang tutulong sa akin.
Wala talaga siyang tigil sa oras na ginalaw na niya ako. Paulit-ulit ako nakikiusap na kung maaari sana ay maging maingat s'ya dahil sa aking dinadala. Dahil na rin sa matinding galit, lungkot, at kalasingan ay hindi niya ako pinagbigyan.
Sobrang sakit. Napakasakit.
Isa lang naman ang kahilingan ko sa kaniya kun'di ang ingatan ang kaniyang anak. Kahit hindi na ako ang isipin niya, isipin lang niya ang kalusugan ng kaniyang anak. Kahit siya na lang.
Mabuti na lang at malakas si baby. Nananatili pa rin siyang matatag kung kaya dapat mas lalo ako maging matatag sa mga panahon ngayon. Kailangan ko magpalakas upang mailabas siya nang maayos sa magandang mundong aking kinabibilangan. Baka sakali sa oras na makita ni Ziglar ang kaniyang anak, manumbalik ang kaniyang saya. Ngunit hindi ako sigurado kung gusto ba niya ang kaniyang anak. Paano na lang kung hindi? Ano na lang ang mangyayari sa anak ko 'pag hindi niya nagustuhan si baby?
Sa katunayan niyan ay nais kong tumakas kasama ang aking anak mula kay Ziglar, ngunit hindi niya ako pinapayagan ma umalis sa kaniyang puder. Miski bisitahin lang si Lola ay ayaw niya. Bantay-sarado ako sa malungkot niyang mansyon. May dalawang guard naman ang nakabantay sa gate at napapaligiran din ang mansyon ng mga matataas na bakod kung kaya pahirapan akong makatakas. Pero napag-isip-isip ko rin, kung sakali ako ay nakatakas, hindi ko rin naman maipapangako na magiging maganda ang kahihinatnan naming dalawa ng anak ko. Maganda na rin siguro na manatili ako sa kaniyang puder hanggang sa mailabas ko na si baby. Sa oras na nailabas ko na s'ya at nakitang mahal ni Ziglar ang kaniyang anak, walang atubili ko silang lilisanin. Mas mainam iyon upang hindi na siya muling magalit. Ako lang naman ang dahilan ng matindi niyang galit.
"Mabuti na lang at nakatapos na ako nang maaga. Na-miss ko tuloy si Lola. Gusto ko siya kausapin," bulong ko sa sarili.
Sa kabila ng paghihigpit ni Ziglar na makalabas ako ng bahay, mabuti na lang ay pinayagan niya ako gumamit ng cellphone. Nakakausap ko rin sina Queenie at lola, ang kaso puro kasinungalingan lang din ang nasasabi ko sa kanila.
Palagi ko sinasabi na tanggap na tanggap kami ni Ziglar at tunay niya rin kaming mahal lalo na ang anak namin. Ayoko naman na bigyan pa sila ng alalahanin kapag sinabi ko ang totoo.
Noon nga na binanggit ko kay lola ang tungkol sa amin ni Ziglar, sobra siyang nagulat at nahimatay pa. Mabuti na lang, sa tulong ni Queenie, ay mabilis namin siya naisugod sa hospital. Kung kaya, mas mainam na 'wag na lang ipaalam sa kaniya ang tunay kong kalagayan.
"Talaga bang ayos ka lang, apo? Parang namamayat ka. Talaga bang inaalagaan ka ng asawa mo?" tanong ni lola. Nakakunot ang kaniyang noo at halatang hindi ko siya nakumbinse sa aking pagsisinungaling.
"Syempre naman po, lola. Wala pong kasalanan si Ziglar. Sa tutuusin po, busog na busog nga po ako ng pagmamahal niya… Ano lang po, lola, umm… Nagiging choosy lang po si baby kaya nahihirapan po akong kumain," natatawa kong pagsisinungaling.
"Hay, naku… Kung hindi ka lang talaga dinala ng asawa mo sa America, talagang pupuntahan na kita para alagaan," buntong hininga niyang usap. Isa rin ito sa aking kasinungalingan upang hindi sila magduda kung bakit hindi ako makabisita sa kanila. "Kung nabubuhay lang ang mga magulang mo, talagang hindi ka papayagan na dalhin ka sa America nang basta-basta. At hindi rin papayag na buntisin ka niyan bago ang kasal. Talaga naman, oh… Ganito na ba kayong mga kabataan?"
"Lola… Huwag na po kayo mag-alala. Ayos na ayos lang po ako rito. Huwag na po kayo masyadong mag-isip pa, baka makasama pa po iyan sa kalusugan niyo. Sige ka po, magtatampo talaga ako niyan," malungkot kong bigkas. Bahagya na lang ako natawa nang makita ang yamot na mukha ni lola sa screen.
"Naku, la, sabi ko naman po sa inyo na okay lang si Bella," singit ni Queenie. "Bella," tawag niya sa akin, nailipat naman ang camera sa kaniyang mukha, "mamaya i-send mo sa akin ang address niyo riyan, ah. Ipapasa ko kay Nigel para mapuntahan ka. To make sure na rin na okay ka lang talaga at mabawasan itong pag-aalala ni Lola," nakanguso niyang usap.
Biglang bumilis ang kabog ng aking puso gawa ng kaba. Hindi ko alam kung ano ang p'wede kong isagot sa kanila. "U-Umm… Ano kasi, itong… Address kasi namin ay h-hindi ko pa kabisado. Masyadong ano… Masyadong foreign pa sa akin kaya 'di ko pa tanda," natatawa kong sagot.
"E 'di, pagkauwi na lang ng asawa mo, tanungin mo na lang siya," mataray niyang sagot.
"A-Ano, umm…" Tumingin ako sa gilid ko at nagkunwari na dumating na si Ziglar. "Ah, yes, hubby? Ah, sige, diyan na ako. Okay, ba-bye na, Queenie, lola. Aalis na kasi kami ni Ziglar."
"Ha? Saan naman kayo pupunta?" tanong ni Queenie.
"Ano kasi… May appointment pa kasi kami. Umm… Schedule kasi namin ngayon s-sa parenting class. Okay. Alis na kami. Bye~" nagmamadali kong usap.
"Aww… Ang sweet naman. Okay-okay, 'di ko na kayo iistorbuhin. Ingat kayo," masaya niyang paalam at nag-flying-kiss siya sa akin. Tinapat din niya ang camera kay lola at nakita ko ang pagkaway niya sa akin.
Nagpaalam na ako sa kanila at pinatayan na. "Mas okay siguro kung bihira ko na lang sila kausapin. Baka… Baka mabuko na nila ako kapag tumagal pa pag-uusap namin," buntong hininga kong bulong sa sarili.
Nang mga oras din niyon ay maagang nakauwi si Ziglar. Ako'y nabigla dahil first time lang siya nakauwi nang ganitong oras.
Agad akong tumayo at nagwika ng "W-Welcome home," na may ngiti sa labi. Palagi ko rin siya binabati sa oras na umaalis at umuuwi siya. Kahit hindi sinasabi, alam ko sa sarili ko na ayaw n'ya ako makita o marinig, pero ginagawa ko pa rin ito kahit sobra akong natatakot sa kaniya lalo na sa oras na umuuwi siya at lasing pa.
Masuwerte ako ngayon dahil hindi siya lasing. Kahit papaano ay hindi niya ako gagalawin– sana nga.
Nang magtama ang aming mga mata, agad ko ito iniwasan. Napatingin ako sa aking baba gawa ng nadarama kong takot sa kaniya. Mabilis at bumigat din ang aking paghinga kasabay pa ang pagbilis ng kabog ng aking dibdib dahil sa nararamdaman kong takot sa kaniya.
"Kumain ka na ba?" malamig niyang tanong.
Sobra ako nagulat. Sigurado ako mali ang aking pagkakarinig dahil kahit kailan ay hindi niya ako inalala. "P-Po?"
"Ang sabi ko, kumain na ba ang anak ko?" Kahit hindi nakikita ang kaniyang mukha, ramdam ko ang galit sa kaniyang boses.
Nag-alangan tuloy ako sa aking isasagot. Kapag sinabi ko kasi ang totoo na hindi pa ako kumakain ay baka magalit at murahin niya ako at kung sinabi ko naman na ako'y kumain na, baka hindi ako makakain ngayon ng hapunan. Baka mapasama pa kay baby.
Mas pinili ko na lang ang aking anak kaysa sa akin.
"H-Hindi pa p-po… P-Pasensya na." Lalo ako kinabahan no'ng akin siyang sinagot.
"Bakit hindi ka pa kumakain!? Ang dami-daming pagkain diyan– Gugutumin mo ba ang anak ko, ha!?" Sabi na nga ba at magagalit siya.
"P-Pasensya na po… N-Nagpapahinga lang po ako. K-Kakain din po a-ako."
"D*mn it!" Narinig ko na lang ang mabibigat niyang hakbang papunta sa kusina. Sinilip ko siya at nakitang nagbukas siya ng ref. Napahinto siya nang makita ang loob. Hindi ko matukoy kung ano ang nasa isip niya sa mga oras na ito. "What the hell is this!?" Tinutukoy niya siguro ang mga natirang pagkain ko kanina.
"S-Sinigang po at s-saka bacon at longganisa," sagot ko.
"May niluto ka na pala, bakit hindi mo pa kainin!? Bwiset!" Pagkamura niya ay kinuha niya ang mga iyon at ininit. "Pagkababa ko ay dapat ubos mo na iyan, maliwanag ba?" Sobrang nakakatakot ang mga titig niya sa akin. Walang boses ang lumabas sa aking bibig, kahit nagwika na ako ng "Opo," sa kaniya.
Nang matapos niya iinit ang mga pagkain ay pumunta na siya sa kan'yang room.
Patakbo naman akong pumunta sa kusina at dali-dali ito kinain. Kahit naduduwal ay sinubukan ko itong kainin. Kailangan wala akong matirang pagkain dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin niya sa akin sa oras na hindi ko siya sinunod.
Hanggang ngayon ay ayaw pa ring tanggapin ni baby ang mga pagkaing aking kinakain. Upang hindi ito isuka ay maya't maya ako umiinom.
"Please, baby, makinig ka sa papa mo. Para rin ito sa iyo. Ayaw mo naman na pagalitan tayo, 'di ba?" bulong ko sa kaniya.
Nangangalahati na rin ang aking nakakain nang siya ay bumaba. Sobrang takot ang tumama sa akin nang siya ay bumababa sa hagdan. Hindi ko pa kasi nauubos ang pagkain at ngayon naman ay nakaramdam na ako ng hilo at panghihina. Uminom muli ako ng tubig at sa pagkakataong iyon ay hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili. Patakbo akong pumunta sa lababo at aking sinuka ang lahat ng nakain ko. Naramdaman ko na lang ang matinding panghihina ng aking katawan. Para bang malapit na itong bumigay hanggang sa tuluyan na nga akong bumagsak. Mabuti na lang ay nasalo ako ni Ziglar dahil kung hindi ay baka bumagsak na ako sa sahig.
"F*ck, Isabella! What the hell is wrong with you!?"
"I'm so...rry." Huli kong salita bago ako tuluyang mawalan ng malay.