CHAPTER 2 – ANG SIMULA

2777 Words
Isinara ko ang tube ng mascara make-up ko, nang ma-satisfy na ako sa itsura ng mga pilikmata ko. Inilapag ko ito sa harap ng dresser ko, at pagkatapos ay dinampot ko ang dalawang tube ng Hermes Rouge lipstick na may magkaibang shade. Ilang sandali akong namili sa dalawa kung alin sa dalawang shade ang gagamitin ko ngayon. Pinili ko ang dark pink na kulay. I think this will best suit the color of my light pink dress today. I extended my Christmas vacation, and today will be my first day of the new year. Actually, sobra akong nagtataka na pumayag si Lolo na mag-extend ako ng bakasyon ko. Pero siyempre, kailangan kong samantalahin iyon. Natapos ko nang apply-an ng lipstick ang mga labi ko, kaya muli kong sinipat ang kabuuan ng mukha ko sa harap ng salamin. Ang nakita ko sa harap ng salamin ay mukha ng isang babaeng napipilitan lang pumasok sa trabaho. Isang babaeng napipilitang yakapin ang mundong hindi naman niya ipinilit, pero kusang naihain sa kanya. Marahas akong nagbuga ng hangin, bago tumayo na. Pinagmasdan ko ang fitting ng kulay light pink kong damit sa katawan ko. I chose to wear pink, kasi sabi nila it symbolizes change. Well, sana nga. How I wish na isang araw ay bigla na lang magkakaroon ng pagbabago sa buhay ko. Yes. Hindi ko gusto itong ginagawa ko. Napipilitan lang ako. Bilang nag-iisang tagapagmana ng mga Ardiente, wala akong choice kung hindi yakapin ang kapalarang ibinigay sa akin. Ang maging COO ng Ardiente Group of Companies, na binubuo ng isang international airline, international school, chain of malls, at ang top two na universal bank sa buong bansa, ang Prime Bank. Sa kasalukuyan, si Papa ang Chairman ng AGC. Bilang may edad na si Lolo Gener, magsisilbi na lang siyang Chairman Emeritus ng kumpanya. Kailangan pa ring dumaan sa kanya ang lahat ng kailangang baguhin o mga proyekto ng AGC. Nang sa tingin ko ay okay na ang itsura ko ay tumayo na ako. Dinampot ko ang bag ko na nakapatong sa drawer chest sa tabi ng pintuan, at saka lumabas na. Bumaba na ako ng hagdan. Wala na akong oras na kumain ng almusal, kaya kinuha ko na ang susi ng aking McLaren 720s at dumerecho na sa garahe. Pagkasakay ko sa aking sasakyan ay tinawagan ko si Sugar na aking sekretarya. Calling Sugar… Pero nakailang ring na ang tawag ko sa kanya ay hindi pa siya sumasagot. Muli kong tinawagan ang number niya. Pero automated recording lang uli ang sumagot sa akin. Minabuti kong umalis na. Habang nasa biyahe ko na lang uli tatawagan si Sugar. Nang may sampung minuto na akong nagbibiyahe, naisipan ko uling tawagan ang sekretarya ko. Medyo nagpaparamdam na kasi ang tiyan ko. Inilagay ko sa speaker mode ang phone ko. “Hi, google!” Agad na narinig ko ang pamilyar na tunog na ibig sabihin ay nag-activate na ang voice command sa phone ko. “Please dial Sugar.” Calling Sugar… Naka-apat na try na ako ng tawag, pero wala pa ring response mula kay Sugar. Absent ba siya ngayong araw? Naka-leave ba siya? Wala akong maalala na nagpaalam siya na hindi siya papasok ngayong araw. Baka naman nahirapang sumakay papasok? Sugar calling… I sighed in relief when I immediately saw Sugar's name on my phone screen. Agad kong in-slide ang screen ng phone ko. "Sugar. Ano'ng nangyari sa 'yo? Kanina pa kita tinatawagan." ["May problema po ba, Mam?"] "No. Wala naman. I'm on way to the office. Magpapa-order lang ako ng breakfast ko sa 'yo. Hindi na ako nakapag-breakfast sa bahay." ["Ganun po ba, Mam. Kanina pa po ako narito sa office. Sorry po, busy lang, tapos naka-silent pala ang phone ko. Same order ba, Mam?"] "Yes, please. Bakit ang aga-aga mong busy? May nakalimutan ba akong deadline natin today?" ["Ay, Mam, wala naman po."] Tumango ako, kahit hindi naman nakikita ni Sugar. Sugar is a very competent secretary kaya kung ano man ang pinagkakaabalahan niya ngayon, alam kong tungkol ito sa trabaho. "Okay. Just order my usual breakfast. In ten minutes nandiyan na ako sa office." ["Okay, Mam."] Iyon lang at nawala na si Sugar sa linya. Mabuti na lang at hindi mabilis ang biyahe ngayon. Walang masyadong sasakyan. Siguro, dahil sa bakasyon na ang karamihan ng mga estudyante. Sem break na kasi. Pagkadating ko sa building ng AGC, dumerecho na ako sa lower basement sa designated parking slot ko. Isa ito sa mga kundisyon na inilatag ko sa Chairman ng AGC, si RDA, ang initials ni Papa - Rafael Deogracia Artiende. Bago ko tinanggap ang pagiging COO Trainee ay naglatag ako ng mga kundisyon, at isa na nga ito sa mga 'yon. Ayokong bibigyan nila ako ni Lolo ng bodyguards. Ayokong may sumusunod sa akin sa kahit saan ako magpuntang lugar. Ayokong may ibang tao sa bahay ko. Ganun din naman. Nasanay at lumaki akong nag-iisa lang. All by myself, sabi nga ng kanta. Bumaba ako ng McLaren ko, at siniguradong naka-lock ang enclosed parking space ko. Nagmamadaling naglakad na ako papunta sa private elevator ng building. Nararamdaman ko na kasi ang gutom. Agad na pinindot ko ang eight floor, kung saan naroroon ang opisina ko. Samantalang nasa tenth floor naman ang opisina ng Chairman na si Papa at ng Chairman Emeritus, na si Lolo Gener. Kaming tatlo, ang lahat ng miyembro ng pamilya Ardiente, at ang CEO ng AGC ang tanging puwedeng sumakay dito sa private elevator. For security purposes. Ding! Nagulat ako nang bumukas ang pintuan ng elevator sa seventh floor. May hinala man sa isip ko kung sino ang possible ng sasakay ngayon, ay napaisip pa rin ako. Nagkagulatan pa kami nang bumungad na ito sa nakabukas nang pintuan ng elevator. Sa aming dalawa, si Levi ang agad na nakabawi sa pagkagulat. Ngumiti ito sa akin nang ubod tamis. "Hello, triple A! Good morning." Levi Capistrano is the CEO of AGC. Nauna siya sa akin dito sa AGC, so mas alam na niya kaysa sa akin ang pasikot-sikot ng operations ng AGC. Anak siya ng isa sa mga board members ng AGC. He was voted to the position nang mag-retire ang dating CEO, who is also Levi's father. Matanda siya sa akin nang apat na taon. Pero hindi halata kay Levi ang totoong edad niya. Bata siyang tingnan compared sa real age niya. Mapustura kasi ito,at laging nakangiti. Kaya maganda lagi ang aura niyo. Hindi siya ganun ka-guwapo pero there's something with him kung bakit malakas ang s*x appeal niya. Siguro isa na roon ang height niyang six' one". ang height niyang 6’1”. Actually, he is my mentor here at AGC. This guy is so kind to share with me his knowledge and studies about the company. Kung puwede nga lang, sa galing na ipinapakita niya, posible siyang maging COO ng AGC. Pero hindi iyon mangyayari dahil sa mga Artiende lang ang pwede sa puwesto na iyon. Kaya nga ako nandito ngayon sa puwesto na ito. Nakangiti ko siyang inirapan. "Levi, didn't I tell you na don't call me that? Pakiramdam ko lagi isa akong battery." Tumawa si Levi, at saka pumasok na sa elevator. Siya na rin ang pumindot sa buton para magsara ang pintuan. "You're going to the Chairman's office?" tanong ko, kahit alam ko naman ang sagot. Wala naman siyang ibang pupuntahang opisina kung hindi ang sa akin sa 8th floor, at sa Office of the Chairman sa 10th floor. Ngumiti uli si Levi. "No. Sa office mo ako pupunta." Hindi ko napigilang mapakunot ang noo ko. "May idi-discuss ka ba sa akin? May scheduled meeting ba tayo ngayon? Sorry, parang hindi yata nasabi sa akin ni Sugar…" Ang ngiting nakapaskel sa mga labi ni Levi ay napalitan ng bahagyang pagtawa. "Joke lang," iiling-iling na sabi nito. "Wala tayong scheduled meeting. Kay RDA ako pupunta. Actually, may scheduled interview ako sa kanya ngayon." Iyong nakakunot kong noo ay lalo pang nalukot. "Interview? With RDA? For what?" sunod-sunod kong tanong. Meron ba akong hindi nalalaman? Or meron akong nakalimutang ilang details dito sa kumpanya? Bakit may pa-interview si Papa dito kay Levi? Ding! "Bye, sweetheart!" pagpapaalam sa akin ni Levi nang tumunog na ang elevator sa eighth floor, kung saan naroon ang opisina ko. Alanganin akong lumabas. Marami pa akong gustong itanong kay Levi. At isa pa, ngayon lang niya ako tinawag na sweetheart. First name basis ang tawagan namin ni Levi. Bakit ngayon ay biglang may term of endearment siyang nalalaman? Joke lang din ba 'yun? Sa huli, napilitan na rin akong lumabas ng pintuan. Nagsara na uli ang pintuan ng elevator, pero hindi pa rin ako makaalis mula sa pagkakatayo ko roon. Nagtatakang pinanood ko pa ang pagpatay-sindi ng mga numero mula dito sa floor kung nasaan ako, hanggang sa ika-sampung palapag, kung saan naroroon ang opisina ni Papa. Ano ba talagang meron? May ilang sandali na rin sigurong walang ilaw ang alin man sa mga numero, nang mahimasmasan ako ay nagpalinga-linga muna ako . Nang masigurado ko na walang ibang tao ay naglakad na ako sa carpeted hallway papunta sa opisina ko. “Good morning, boss! Ready na po ang breakfast n’yo sa loob,” bati sa akin ni Sugar, pagkapasok ko. Una kasi ang mesa niya sa pinaka-receiving area, bago ang kuwarto ko mismo. “Pasensiya na po kanina. Tinulungan ko na po kasi'ng mag-sort at mag-print si Charm ng mga received emails niya. Eh, halos sasabog na 'yung laman ng inbox niya. Imagine, Mam? Five thousand new messages? Ibig sabihjn nun eh, five thousand applicants!” Halata ko ang excitement sa boses ni Sugar. Pero bakit ganun karami ang natanggap na email ni Charm, ang secretary ni Papa? "Applicant? Applicant for what position? May bakanteng position ba na kailangan i-fill up ang AGC?" Tamang napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi ni Sugar. Kinapa ko sa isip ko kung meron bang bakanteng posisyon na nakalimutan ko lang sa dami ng inaasikaso ko. Nakita kong nagbago ang mukha ni Sugar. Kung kanina ay excited siya, ngayon ay tila pag-aalala ang nakikita ko sa mukha niya. "Ay, Mam… hindi ka po ba na-inform?" Umiling-iling ako. Iyong gutom ko kanina ay tila naisantabi ko muna dahil sa maraming pagtataka na nangyayari ngayong umaga. "I can't remember na may kailangang i-fill up na old or new position. Wala akong maalalang may nabanggit sa akin si Chairman o si Levi. In fact, kasabay ko pa si Levi sa elevator ngayon. Pupunta daw siya sa opisina ng Chairman. May interview daw siya kay Chairman. Ewan ko dun kung niloloko lang ako." "Mam, baka po may interview nga si LMC kay Chairman. Nag-umpisa na po kasi ang interview. Eh, since tagarito din sa AGC at CEO naman si Sir Levi, baka priority siya sa interview.“ Ipinilig-pilig ko ang ulo ko. Bumabagal na ba ang comprehension ko, at kanina ko pa hindi maintindihan ang mga nangyayari. O baka naman, kailangan ko na talagang malamanan ang sikmura ko? “Interview for what?” Nakita kong parang namutla ang mukha ni Sugar. “Eh, nagpa-email daw po ang Papa ninyo kay Charm last week sa mga possible applicants. So, iyon po iyong sino-sort out namin kanina. Iyong mga nakapasa po kay Chairman at GCA, inumpisahan na ring tawagan ni Charm for interview. Ayun, boss…” Mariin akong pumikit. Sobra na talaga akong naguguluhan. “Sugar, answer my question briefly. An applicant for what position?” Mariing kinagat ni Sugar ang ibabang labi niyia, bago ako sinagot. “Husband for the heiress of AGC. Ikaw ‘yun, boss.” “What??!!” Iniabot ko lang ang bag ko kay Sugar, at pagkatapos ay nagmartsa ako palabas ng opisina namin. Muli kong binagtas ang carpeted hallway papunta sa elevator. May gigil na pinindot ko ang arrow pataas sa dingding ng elevator. Nang bumukas na ang elevator ay mabilis akong pumasok. Halos lumubog na ang buton ng arrow up sa gigil na pagpindot ko dito. Nang sumara na ang pintuan, pakiramdam ko ay sobrang bagal ng pag-akyat ng elevator ganung dalawang palapag lang naman ang babagtasin nito. Ding! Hindi ako nag-aksaya ng oras, at agad-agad na lumabas mula sa elevator. Pero agad din akong napahinto nang makita ko ang eksena sa hallway papunta sa opisina ni Papa. Literal na napaaawang ang mga labi ko sa nakita ko. Hindi ko mabilang ang mga lalaking nakaupo sa hallway. At lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin. Shit! Para tuloy mas gusto ko na lang bumalik sa elevator at bumaba na sa opisina ko. Pero nandito na ako. At bilang isang Ardiente, hindi ako dapat magpasindak sa mga lalaking ito. Tumikhim muna ako, bago taas-noo na naglakad. Bawat daanan ko ay nakatingin sa akin nang may paghanga, pagtataka, kuryosidad, at may mangilan-ngilan ding may pagnanasa sa mga mukha nila. Nang sa wakas ay narating ko ang dulo ng pasilyo, ay nakita ko sa harap ng mesa ni Charm si Levi, na tila may pinipirmahang form. Si Charm ang sekretarya ni Papa. “Levi?” Napatingin sa akin si Levi, pati na si Charm. Kalmado lang ang mga itsura nila, na para bang wala akong nahuling kasalanan nila sa akin. “Oh, hi sweetheart!” nakangiting pagbati sa akin ni Levi. Kabaligtaran kanina sa elevator, hindi ako natuwa ngayon sa pagtawag ni Levi sa akin ng sweetheart. “Ano ‘to?” tanong ko, habang naglipat-lipat ang tingin kay Levi at Charm. “M-Mam…” nauutal na sagot ni Charm. Tiningnan ni Levi si Charm, at pagkatapos ay binalingan ako. “Didn’t you know?” tanong sa akin ni Levi. Mahina akong umiling. Pakiramdam ko ay bigla akong nanghina sa naiisip kong nangyayari ngayon dito sa opisina ni Papa. “Well, that’s why I called you sweetheart earlier. Feeling ko, I have the edge for the position,” confident na sagot ni Levi. Sasagot pa sana ako kay Levi nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ni Papa. Kung nakakagulat ang mga nalaman ko, mas nagulat ako ngayon sa taong lumabas mula sa opisina ni Papa. “Keeno??” Lumunok muna si Keeno, at saka salitan kaming tiningnan ni Levi at Charm. Muling bumalik ang tingin sa akin ni Keeno. “H-Hi, Tash…” “Don’t tell me, Keeno… na applicant ka rin?” Pigil ko ang aking hininga, habang hinihintay ang sagot ni Keeno. “Y-Yes, Tash.” Mahina akong napamura. Tila iyon lang ang hinihintay ko para mapatid ang pisi ng pasensiya ko. Agad akong nagmartsa papunta sa direksiyon ng pintuan ng opisina ni Papa. Bahagya ko pag hinawi ang nakatayong si Keeno, para mabuksan ko nang maluwag ang pinto. “Papa! What is this all about?!” malakas kong sita sa kanya, habang nagmamartsa ako palapit sa mesa niya. Kalmadong nakatingin lang sa akin si Papa, habang para akong tigre na sumusugod sa kalaban. Huminto ako sa harap ng mesa niya, at nakatayo lang na naghintay sa isasagot niya. “Sit down first, Atasha.” “Ayokong umupo, Papa! Just tell me what is happening outside! Daig pa sa labas ang may p**n show na ipapalabas sa dami ng lalaki doon.” “Tsk! Watch your words. Sit down, let me explain.” “Ihulog mo na ang bomba sa harapan ko ngayon, Chairman. Explain why you are doing this. Nakakahiya! Pakiramdam ko, isa akong bagay na ipinapa-auction ninyo! Bigyan n’yo naman ako ng kahihiyan!” histerikal kong sabi sa kanya. “Calm down. Ang Lolo mo ang nakaisip nito. He felt that he gets weak day by day. Gusto lang niyang makasigurong maiiwan niya ang AGC sa ‘yo sa tamang pamamalakad, at sa tamang tao na makakatulong mo sa pamamahala nito.” “Do you think I cannot choose the right man for me? And one more thing, I told all of you na kung mag-aasawa ako, that there must be love between me and my husband-to-be. Ayokong matulad sa inyo, at kay Tito George na mga biktima ng arranged marriage. Look at Keeno and me. Hindi man lang kayo nadala para sa amin?” “I told you, it was the Chairman Emeritus’ idea...” “At sunud-sunuran ka lang sa kanya! Hanggang kailan ka magiging sunud-sunuran sa kanya, Papa?” “Atasha, all Papa is thinking is your welfare…” “My welfare or Ardiente’s wealth?!” “Pareho lang ‘yun.” “Walang pareho dun, Papa. Tao ako. May pakiramdam ako. Huwag ninyo akong ikumpara sa kayamanan ninyo. Alam n’yo ba? I regret being an Ardiente. Mas mabuti pa sigurong naging mahirap na lang ako, pero masaya naman ako sa buhay ko.” Hindi ko na binigyan ng pagkakataon na makasagot si Papa, dahil tumalikod na ako agad, at lumabas ng kuwarto niya. ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD