CHAPTER 1 - ATASHA ALONZO-ARDIENTE

3139 Words
[“Atasha… kanina ka pa hinihintay ng Papa mo. Hindi ka pa ba aalis diyan sa condo mo?”] “Just finishing my make-up, ‘Ma. From what I’ve learned from you, I have to be perfectly made-up, di ba?” Habang sinasabi ko iyon ay maingat na naga-apply ako ng mascara sa mga mata ko. Hindi sa pagyayabang, may lahing Espanyol ang pamilya ni Mama. Nakuha ko sa kanya ang mestisahin at flawless na balat ko. Idagdag pa ang super tangos na ilong, at mahahabang pilikmata. Iyon nga lang, hindi katangkaran si Mama. Iyon naman ang nakuha ko kay Papa. Wala pa yata akong nabalitaaang Ardiente na hindi matangkad. Iyan naman ang ipinagmamalaki ng mga Ardiente, bukod sa kaguwapuhan at kagandahan ng kanilang lahi. [“Ako na naman ang isinangkalan mo,”] narinig kong sabi ni Mama sa kabilang linya. Napatigil ako sa ginagawa ko, at bahagyang napangiti. “Totoo naman. ‘Ma. That’s what I learned from you. Isa pa, para sa akin ang dinner celebration na ‘yan, kaya dapat lang na ako ang pinakahuling dumating. Right? Isa rin iyan sa mga itinuro mo sa akin before.” Narinig kong bumuntonghininga si Mama sa kabilang linya. But it’s true. Bata pa lang ako, I was trained for my future. [“Fine… fine. Oo na. Ipapasundo na kita sa driver natin--“] “Oh no, Mama. I can manage. There's no need to fetch me here.” Paano naman kung gusto kong tumakas mamaya? Sabi ko sa sarili ko. [“Six years kang nawala dito sa Pilipinas, anak. Are you sure you know the way?”] “‘Ma… ang dami namang apps sa phone ko na pwede kong gamitin to navigate. Don’t worry ‘bout me.” [“Hay naku! Bahala ka na nga… At pwede ba, umalis ka na dyan? Alam mo namang hindi na advisable sa Lolo mo na mapuyat.”] “Okay, ‘Ma… Bakit naman kasi family dinner lang, sa hotel pa? Pwede namang sa mansiyon na lang ni Lolo.” [“Iyon ang napag-usapan ng Papa at Lolo mo. Sumunod na lang tayo.”] Hindi ko naiwasang hindi mapabuntonghininga. “Hanggang kailan tayo susunod, ‘Ma? Pati ang pag-aaral ko sa States, sumunod lang din tayo sa gusto ni Lolo at Papa. ” [“Isa kang Ardiente, Atasha. In time, malalaman mo rin kung bakit.”] Napabuga ako ng hangin. "Okay. Mukhang wala naman akong choice. Papunta na rin ako, ‘Ma. Anyway, according to the maps, I’m only fifteen minutes away from the venue.” [“Goodness’ sake, Atasha! Huwag mong paliparin ang kotse mo.”] Natawa ako. Kilalang-kilala talaga ako ni Mama. Malamang… nag-iisa lang naman niya akong anak. “No, ‘Ma. Promise. Sige na. Ibaba na natin ito kung gusto mo na akong makaalis dito agad sa place ko.” [“Okay, sige. Doble ingat, anak.”] “Yeah, ‘Ma. I will. Bye!” Naiiling na pinindot ko na ang END button ng phone ko. I guess, tapos na ang maliligayang araw ko. Isang araw pa lang ako dito sa Pilipinas, pero feel na feel ko na ang presence ng pamilya ko. FOR the last time, muli kong pinagmasdan ang itsura ko sa full-length mirror ko. Nakasuot ako ng isang dark blue floral crop top na V-neck ang neckline. Masyadong malalim ang tabas ng neckline nito, kaya naisipan kong magsuot ng twenty-one inches na haba ng necklace, na may malaking pendant. The length of the necklace is perfect, and the pendant settled in between my cleavage. Just enough to get attention. Tinernuhan ko ito ng puting skinny jeans, at saka open-toe sandals, na two-inches ang taas ng takong. Matangkad na ako, kaya sakto lang sa akin ang two inches na heels. Umikot-ikot pa uli ako sa harap ng salamin, bago dinampot ang isang dusty blue na open blazer, in case na lamigin ako mamaya. Palabas na ako ng unit ko nang tumunog ang phone ko. Kunot-noo na kinuha ko ang phone ko mula sa pouch na dala ko. Keeno calling… Napangiti ako. So… alam na niya na nandito na ako sa Pinas. Lumabas muna ako ng unit ko, bago ko sinagot ang tawag. “Hello, friend…” [“Tash, nakakatampo ka…”] Natawa ako. Naglalakad na ako papunta sa elevator. “Paano mo nalaman na nandito na ko?” [“Sabi ni Aileen.”] Si Aileen Galicia, ang isa pa naming best friend ni Keeno. Tatlo kaming magkakasamang lumaki at nagig magkakaibigan. Huminto na akong maglakad, dahil nasa tapat na ako ng elevator. “Haist! Kahit kailan, mas loyal pa sa iyo iyung babaeng ‘yun kaysa sa akin.” Mga bata pa lang kami ay kaming tatlo na ang magkakasama. Close ang mga magulang namin, kaya naging close na rin kaming tatlo. Ang alam ko pa nga ay stockholders ang mga magulang nilang dalawa sa kumpanya namin, ang AGC o Ardiente Group of Companies. Magkakasama rin sana kaming sa States nag-aral ng College. Pero si Keeno ay hindi nakasama sa amin na mag-enroll sa Masteral, dahil sa lumubha ang sakit ng kanyang Papa, at kinailangan ang tulong ni Keeno sa kumpanya nila, na pansamantalang pinapatakbo ng Kuya Arthur niya. Naunang umuwi sa akin si Aileen dito sa Pilipinas ng isang linggo. Ayoko pa kasing umuwi at talagang sinulit ko ang kalayaan ko sa Amerika. Pero hanggang doon lang, kasi wala na akong choice kung hindi ang umuwi na. Wala na kasi akong maidahilan kay Papa na gagawin ko pa sa Amerika. Naputol ang iniisip ko nang muli kong marinig ang boses ni Keeno sa kabilang linya. [“Why? Ayaw mo bang malaman ko na nandito ka na?”] “Of course not, friend! Of all pa ba? Ikaw at si Aileen na nga lang ang nakakaintindi sa akin, eh. Gusto ko lang talagang magpahinga muna.” [“Okay. Akala ko, ayaw mo nang magpakita sa akin, eh. So ngayon, pwede ka nang lumabas? Dinner tayong tatlo ni Aileen? Treat ko.”] Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Kung pwede lang na umoo na ako kay Keeno, at huwag siputin ang pa-dinner ni Lolo. Pero alam kong hindi pwede, or else, baka biglang magkaroon uli ng Martial Law. “Sorry, Keen. I’d love to, pero may family dinner ang mga Ardiente tonight. Alam mo na… pa-welcome sa prodigal granddaughter,” sabi ko, sabay bunghalit ng tawa. [“Ganun ba? Sayang. How about tomorrow?”] “Hmmm? I don’t know what will be my sched for tomorrow. Pero sige… sanay naman akong tumatakas,” nakangiti kong sagot. [“Still the old Atasha Ardiente, huh?”] Nai-imagine ko tuloy ang ngiti ni Keeno sa kabilang linya dahil sa sinabi ko. Hindi ko rin mapigilang mapangiti nang maalala ko kung paano ako tumatakas noon, sa pamamagitan ng paglambitin sa terrace ng kuwarto ko, at pagdaan sa maliit na maliit na gate sa isang panig ng mansiyon. Pang-emergency exit daw iyun, sabi ni Yaya Rosie. May hawak akong duplicate key sa lock nun. Ding! “Yup! Still the old Atasha… Got to go, Keen. Papasok na ako sa elevator.” [“Okay, bye. Just keep in touch!”] “Yup!” Nasa loob na ako ng elevator, pero abot hanggang tenga ang ngiti ko. Excited na ako sa pagbaba ko sa carpark. Kung pwede lang pabilisin ang pagbaba nitong elevator. Ding! Sa wakas ay nakalabas na rin ako sa elevator. May pagmamadali sa aking mga hakbang na pinuntahan ko ang direksiyon kung saan nakaparada ang sasakyan ko. Nang huminto na ako sa isang nakasaradong paradahan, agad kong itinaas ang kamay kong may hawak sa susi ng sasakyan. May kasama itong remote na nagsisilbing pambukas sa garahe ko. Dahan-dahang tumaas ang roll-up na pintuan ng garahe ko. Excited na ako na tuluyan na itong umangat. Nang sa wakas ay tuluyan na itong bumukas, hindi ko napigilang mapangiti nang malapad nang makita ko ang nitro yellow na kulay ng Bugatti ko. Yes. Ako lang ang may ganitong kulay sa model na ito. HIndi lang basta ang halagang ibinayad ko sa manufacturer nito, para lang sa espesyal na kulay nito. “Nice to see you again, baby!” pagka-usap ko sa sasakyan ko. Nilapitan ko ito, habang mataman itong pinagmamasdan. Nakangiti pa rin na in-unlock ko ang pintuan nito, at saka umupo sa driver’s seat. Hinimas ko pa ang manibela, na para bang sabik na sabik akong hawakan ito. “Miss me, baby? Get ready. Lagi ka nang mapapasabak ngayon. ‘Coz Mommy is here to stay,” nakangiti kong pagka-usap sa hangin, bago in-start na ang makina ng sasakyan. SINADYA kong paingayin ang mga gulong ng dala kong sportscar nang huminto ako sa tapat ng building ng Hotel Ysabelle, kung saan ang venue ng family dinner ng mga Ardiente. May poise na bumaba ako mula dito. As expected, nakatingin lahat sa akin ang mga taong naroroon. Scene stealer ka talaga, Atasha! Palihim akong napangiti. Kung malalaman ni Mama itong ginawa ko ngayon, malamang na magagalit sa akin ‘yun, na may kasama pang sermon. Inabot ko sa hotel staff ang susi ng sasakyan ko. “Ingatan mo ang baby ko, ha.” “Yes, Mam!” nakangiting sagot nito, na may kasama pang pagsaludo. Marahan lang akong tumango sa kanya, at saka eleganteng naglakad na papasok sa lobby ng hotel. Dumerecho ako sa escalator, at saka sinakyan ang pababang baitang. Nang mga ilang baitang na lang ay inayos ko ang sarili ko, bago ako tuluyang humakbang paalis sa escalator. May sumalubong sa akin na babaeng staff nitong hotel. “Yes, Mam? Do you have any reservations for tonight?” “Ah, yes. Family dinner of the Ardiente’s. Saan ba dito ang reserved room?” balik-tanong ko sa kanya. “Oh, the VIP room on our left side, Mam. Iyon po ang pina-reserve ni Mr. Gener Ardiente.” Lumingon ako sa kaliwa ko. Kita ko doon ang isang nakasaradong pintuan, na may nakapaskel na papel kung saan nakasulat ang mga letrang AAA. Tsk! Hindi maikakaila. Binalingan ko ang staff na kausap ko. “Thank you,” nakangiting sabi ko sa kanya. “You are welcome, Mam.” Naglakad na ako papunta sa VIP room na itinuro ng babae. Bago ko buksan ang pintuan ay malalim muna akong huminga. Oo nga, at alam kong family dinner lang ito ng mga Ardiente. Pero hindi maalis sa akin ang kabahan. After all, mahirap arukin lagi kung ano ang tumatakbo sa isip ni Lolo Gener. Para bang may pasabog siya lagi sa tuwing may pagkikita-kita kaming ganito. Nang sa tingin ko ay kalmado na ang sarili ko, itinaas ko na ang isang kamay ko para itulak pabukas ang pintuan. Bumungad sa akin ang mga pamilyar na mukha ng pamilya Ardiente. Para namang iisang tao na sabay-sabay silang naglingunan sa kinatatayuan ko. “She’s here!” anunsiyo ni Uncle Eman. Agad din siyang tumayo, at saka malapad ang ngiti na naglakad papunta sa kinatatayuan ko. Nakangiti lang din ako habang hinihintay ko si Uncle Eman na makarating sa puwesto ko.. “Lalo ka yatang gumanda sa States, my favorite niece?” nakangiting sabi ni Uncle Eman nang huminto na siya sa tapat ko. Pinaikot ko ang mga mata ko. “Fyi. Nag-iisa mo lang akong pamangkin, Uncle,” malapad ang ngiti na sagot ko sa kanya. Bigla namang natawa si Uncle Eman sa sinabi ko. "Maliban na lang kung nagpalit ka na ng gender preference mo sa magiging ka-relasyon mo." "Silly! Lalaki pa rin ang gusto ko! At hindi na 'yun magbabago, kahit sa next life ko. Gigil mo ako ha, pamangkin." This time, it's my time to laugh at him. Yes. Uncle Eman is a member of the l***q, kaya wala itong asawa. Noong una ay hirap na hirap siyang tanggapin ni Lolo, pero kinalaunan ay nasanay na rin si Lolo. Ang maganda lang kay Uncle Eman, kapag nasa harap siya ni Lolo, behave siya sa pagsasalita at pananamit. Masculine pa rin. Ang kundisyon naman sa kanya ni Lolo Gener – no gay lingo, no cross dressing. “What are you two doing there? We are waiting here…” Sabay pa kaming napalingon ni Uncle Eman sa nagsalitang si Lolo Gener. Lahat ng nasa mesa ay nakatingin sa amin, at tila naghihintay. “Come,” sabi ni Uncle Eman, sabay hatak na sa akin. “Ang tagal mo kasing dumating. Gutom na sila,” mahinang sabi niya sa akin, habang naglalakad kami, na ikinatawa ko na naman. Agad akong humalik sa pisngi ni Lolo nang makarating na kami ni Uncle Eman sa mesa. “Akala ko’y hindi ka na darating, mi linda,” balik-bati sa akin ni Lolo. “Puwede ba naman ‘yun, ‘Lo? I just need a one-day rest. And now, I’m fully charged,” nakangiting sagot ko sa kanya. “Maupo ka na. Let’s start our dinner." "Yes, Lolo." "Welcome home, Atasha!" bati sa akin ni Tita Katrina, ang asawa ni Tito Luis, na pinsan ni Papa. "Thanks, Tita," nakangiting sagot ko. Nginitian naman ako ni Tito Luis. "You're looking good, iha. Mukhang hiyang ka sa US?" "Talaga ba, Tito?" nakangiti ko namang sagot. Binalingan ko ang katabi niya, ang pinsan kong si Margot at Casey. "How's life, Margot?" "Eto, Ate... stressed sa thesis..." "Ah, talaga? Nagti-thesis ka na? I can help you with that. If you want?" Malapad na ngumiti si Margot. "Talaga Ate?" namimilog ang mga matang tanong niya. "Yup!" masigla kong sagot. "Isingit natin 'yan sa schedule ko." "Oh, hello, little girl..." bati ko naman sa anak nila Tito Luis at Tita Katrina na si Casey. "Hindi na ako little girl, Ate Tasha. Eleven na ako," sagot naman niya sa akin. "Basta, little girl pa rin kita." sabi ko sa kanya, sabay kindat ko pa. "Minsan, doon ka matulog sa bahay, nami-miss ko na 'yung bonding natin," sabi sa akin ni Tita Katrina, sabay kindat. Naintindihan ko ang ibig sabihin nun. Ang bonding kasi namin ay maglaro ng baraha o mahjong. "I will try isingit sa sched ko, Tita," sagot ko, bago ako umikot sa kabilang mesa para humalik sa pisngi ni Mama at Papa. "Ma... 'Pa," baling ko kay Papa, na katabi niya. Humalik din ako kay Papa. "Sit down, Atasha. Let's eat," sabi sa akin ni Papa, kaya naglakad ako papunta sa kung saan nakaupo si Mama. Mabilis naman akong ipinaghila ng upuan ni Uncle Eman, bago siya nagpunta sa upuan niya. Nasa kabisera si Lolo Gener, at nasa magkabilang tabi niya si Papa at Uncle Eman. Kay Uncle Eman naman nakatabi ang mag-asawang Luis at Katrina. Hindi sila pinalad na magka-anak, kaya parang ako na rin ang anak-anakan nila. Tila hudyat naman iyong pag-upo ko dahil bigla na lang bumukas ang pintuan at nagpasukan ang tatlong staff na lalaki ng hotel. Iyong isa ay may tulak-tulak na trolley, na may lamang iba’t ibang putahe ng pagkain. Nang mai-serve na nila lahat sa mesa ay nagsilabasan na rin sila. “I heard you graduated with honors, mi linda,” sabi ni Lolo, pagkasarang-pagkasara ng pintuan. Kinabahan ako. Napahinto tuloy ako sa pagkuha ng isang putahe na nasa harap ko. Mabilis kong sinulyapan si Mama sa tabi ko. Tipid na ngumiti lang si Mama. Hindi ko na itinuloy ang pagsandok ng ulam. Tumuwid ako ng upo, at saka deretsong tiningnan si Lolo sa mga mata niya. “Ahm, it’s not the highest honor, Lolo. But—” Itinaaas ni Lolo ang isang kamay niya, na tila ba pinapatigil akong magsalita. “It’s okay, mi linda.” Ngumiti si Lolo, habang nakatingin sa akin. “Nothing to worry. I know you did your best.” Mas dapat ba akong kabahan na hindi siya nagalit? “Go, kumain ka na. This feast is for you,” nakangiti pa rin niyang sabi, na sa akin lang ang tingin. Palihim akong napabuga ng hangin. Masyado lang siguro akong nago-overthink. Itinuloy ko na ang pagsandok ng ulam. Napansin kong marami ngang putahe ang nasa mesa, at lahat ay paborito ko. Kung anuman ang agam-agam ko ay binalewala ko na lang. Tama naman si Lolo. Para sa akin ang dinner na ito, dahil sa pag-graduate ko ng Masters ko. Tahimik lang kumain ang lahat. Puro si Lolo, Uncle Eman, Tito Luis, at Papa lang ang nag-uusap. Siyempre pa, tungkol sa negosyo ng mga Ardiente ang topic nila. “Mi linda?” Nag-angat ako ng tingin kay Lolo, at saka mabilis na inubos ang laman ng bibig ko. Nakasanayan ko nang mi linda ang tawag niya sa akin kahit noon pa, na ang ibig sabihin ay 'my pretty one'. “Yes, Lolo?” "Do you have a boyfriend you left in the States?" "Wala po, Lolo." I answered him without batting an eyelash. "Katulad po ng bilin sa akin ni Mama, pag-aaral lang po ang aasikasuhin ko sa Amerika, at wala nang iba," dagdag ko pa. Ang seryosong mukha ni Lolo Gener ay biglang umaliwalas. May munting ngiti na sumungaw mula sa sulok ng labi niya. "Good… good…" Bahagya akong tumango sa kanya. Binalingan naman niya si Mama. "Very good, Reina… you've done your job very well." Hindi ko mapigilang mapataas ang isang kilay sa narinig ko. Itinuturing ba ni Lolo na trabaho para kay Mama ang ginagawa niyang paggabay at pagpapalaki sa akin? Naputol ang iniisip ko nang marinig kong tawagin uli ni Lolo Gener ang pangalan ko. “By the way, Atasha… I will give you five days to rest. After that, you will start your work with AGC.” Nalunok ko bigla ang lahat ng laman ng bibig ko sa narinig ko. “Five days, ’Lo? Hindi naman po ako nagmamadaling—” “Kung ikaw hindi, kami ng Papa mo, oo," putol ni Lolo sa sasabihin ko. Tiningnan ko ang mga Tito ko. Tahimik lang silang nakatingin kay Lolo, na para bang may hinihintay silang pasabog na sasabihin mula sa kanya. Tiningnan ko si Papa, at prente lang itong kumakain, na para bang ordionaryo lang ang nangyayari ngayon. Muli kong tiningnan si Lolo. “’Lo, all those years puro pag-aaral ang ginawa ko. Sinunod ko lahat ang gusto ninyo. Now, all I am asking is a few months para mag-enjoy muna ako, bago ako tutulong sa AGC. ” “Don't argue with me, Atasha Ardiente! You are the heiress to the Ardiente’s group of companies, and you must start working to that name, as early as now!” galit na sagot sa akin ni Lolo. Hindi ko napigilang magulat at magtaka. Nagpapaliwanag lang naman ako. “No buts, no ifs, Atasha. Let me tell you, mi linda… this is your destiny! You are the last heiress of the Ardiente’s. As of now. Whether we like it. Or not." ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD