BINIGAY ko sa parents ni Owen yung dala kong sandwitch. Napangiti yung mom niya kasi first time namay nag bigay daw sa kaniya ng ganon.
And ow mag kasama kami ni Owen sa kuwarto namin, Habang nilalabas ko yung mga damit ko sa maleta nakatingin sa'kin si Owen. Naiilang tuloy ako hindi ako sanay. Mas sanay ako kapag hindi siya nauwi ng bahay.
"Kanina I know that namay iniisip kang iba about my parents" Parang may tinik na tumusok sa lalamunan ko nung sabihin niya iyon. Kasi totoo.
"Walang anong thinking ka diyan, Kinakabahan lang ako kanina" Tanggi ko, Narinig kong tumawa si Owen at ang pogi at yaman ng tawa niya para bang nakakarinig ako ng tunog ng ATM machine tapos thousand yung ilalabs na pera.
"Meron may iniisip ka kanina, Iniisip moba na masungit sila?" Kinuha ko yung damit na pantulog ko at saka tumayo.
"Mag huhugas lang ako saglit"
"Come on" iniwan kong mag isa doon si Owen natatawa pa.
Anak nang halata ba na nag iisip ako ng masama sa isang tao, at saka expectation kol
ng iyon since mayaman sila malay mo diba?
Mabait ang mom ni Owen kaya medyo guilty ako s mga masasamang pinag iisip ko kanina.
KINABUKSAN matapos naming mag umagahan umalis kami dahil gusto nadaw mag shopping ng mom ni Owen. Kaya namab umalis kami agad matapos kumain ng umagahan.
Isang malaking mall ang aming pinuntahan at lahat ng paninda dito puro mayayaman lang ang makakabili pero maraming tao.
"A tan color dress maybe bagay sa'yo kasi maputi ka pero maganda rin ang black para mas labas ang kaputian mo ang kaso mag mumukha kang aattend ng lamay" ani ng mom ni Owen. Hinayaan ko lang siyang mamili ng damit for me.
Well tama narin na pangit na mga damit ang dala ko kasi bibilhan rin naman pala ako nila mom anf dad... ni Owen.
"How about I buy everything" nanlaki ang mata ko sa gulat dahil binili nga lahat ng mom ni Owen. Lahat naman ng damit magaganda ang kaso hindi sure kung kahat kasiya sa'kin.
"Sandali lang po, Tita-"
"Mom, Call me mom"
"Mom. Ano po kasi lahat magaganda ang kaso hindi lahat kasiya sa'kin" kailangan ko siyang pigilan bago pa niya mabili ang buong mall.
"Then sabihin natin sa stuff na lahat dapat ay ka size mo" aniya, pinigilan ko ulit siya.
"Madami. Masiyado pong madami, actually nung nakaraan kasi namili na kami ni Owen kaya marami na akong bago at saka sayang kung hindi ko magagamit lahat" nakaramdam ako ng kaba kasi tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Fine kung kaunti lang ang gusto mo" ani ni mom.
Tumingin ako kay Owen mag kasama sila ng dad niya na nakasunod lamang sa'min.
Nag patuloy ang shopping wala akong ginawa kungdi pigilan ni mom sa mga gusto niyang bilhin kasi ang dami nanaming nabili hindi naman lahat magagamit.
Dito narin kami kumain ng lunch dahil hindi pa kami tapos mamili, actually malaki itong mall hindi kasiya ang isang araw mo kakalibot.
Pero ang mom ni Owen mukhang gagawing isang araw lang ang pag libot buong mall na agad ang malilibot niya.
"Bakit hindi ka mag pabili ng mga gusto mo, bibilhin naman ni mom for you?" tumingin ako kay Owen naupo muna kami habang busy si mom mamili ng heels.
"Madami na ito at saka hindi ko naman magagamit lahat, hindi ko ito magagamit sa school dahil uniform ang suot maliban sa mga alahas pero mamahalin kasi lahat katakot suotin" baka mamaya habang nag lalakad ako hilain nalang ito sa leeg ko o di kaya holdapin ako.
"Magagamit mo iyan kapag may gala ka kasama ang mga kaibigan mo at saka maganda na iyan para may mga bago kang gamit" bumuga ako ng hangin at tumingin kay Owen.
"Simple lang ang buhay ko, sanay ako na sa isang taon isang beses ko lang nabibili ang gusto ko. Kaya nakakapanibago ito" tumingin ako sa mga paper bag na dala ko.
"Dapat masanay kana ngaun"
"Bakit naman?"
"Iba na ang buhay mo ngaun kesa sa dati, At sure ako na gusto ni mom kaya asahan mona na palagi kanang makakatanggap ng mamahaling gamit" tumingin ako kay Mom, nakangiti ito habang sinusukat ang mamahaling heels at sa tabi naman niya ang... dad.
Alam niyo dati pinangarap ko ito yung uupo ako sa sofa habang inaasikaso ng mga sales lady habang pumipili ako ng mamahaling gamit na aking bibilhin.
Ang sabi kopa noon mangyayari lamang iyon kapag nag simikap ako mag trabaho at mag tatapos ako ng pag aaral. Saka mag wowork sa malaking company.
Ang kaso kinasal ako...
Mayaman naman ang asawa ko ang kaso hindi ko talaga magamit ang pera niya.
Finally natapos narin kami, mag hahapon na kaya medyo pagod ako nung umuwi kami gusto kong humiga agad.
"Hi, Tita and Tito" isang babae ang lumitaw hindi ko alam kung saan siya galing pero ang ganda niya. Matangkad parang model at mukhang matalino.
"Joana ang akala ko nasa paris ka?" tanong ni Mom sa kaniya matapos nitong makipag beso sa magandang babae.
"Saglit lang po ako doon, kararating ko lang kanina and then i heard na umuwi si Owen, Akala ko chismis lang totoo pala" aniya at tumingin kay Owen.
The way she look at Owen parang may meaning.
"Kahapon sila dumating ng asawa niya" ani ni mom.
"Asawa?" takang tanong nung babae.
"Yes, I am married last month" ani ni Owen. Tumingin sa'kin si Joana at parang may pang huhusga ang tingin niya.
"Oh, Wow, looks like i miss something while I'm gone" aniya. Umirap ako sa hangin dahil sa drama niya.
"This is Autumn, Owen's wife. Maniwala ka sa hindi napaka bait ni Autumn at napaka humble pa" pakilala ni mom sa'kin kay Joana.
"Oh, really" iyon lang ang sinabi nito.
"By the way tito, tita I have something for you galing paris alam niyo na" nag tungo sila sala at doon nag samasama.
Maraming pasalubong yung Joana at mamahalin pa lahat, walang wala sa sandwitch na dala ko kahapon na muntik kopang malimutan.
"Gusto mong umakyat sa taas para itry yung mga pinamili mo?" napatingin ako kay Owen.
"Baka may pasalubong sa'yo si Joana ako nalang mag isang aakyat" ani ko at saka umalis. Ang akala ko hindi susunod si Owen. Sumunod parin siya.
Pag dating sa kuwarto ang laki ng ngiti ko habang isa isang nilalabas sa paper bag yung mga damit at iba pang gamit na binili sa'kin ni mom.
May mga bago na ako dress, meron ring sandal at mga alahas. Mamahalin ngalang pero puwede na at saka first time ko kaya hayaan niyo na.
"Parang gusto kong pumuntang park bukas tapos ito ang susuotin ko" ani ko sa sarili ko.
"Gusto mong pumuntang park?" tanong ni Owen na nakaupo sa kama.
"Oo mamasyal lang, isang araw lang tapos isusuot ki itong dress." It's a badge dress ang ganda niya simple lang.
"Hindi kita masasamahan, maraming tao sa park baka mamaya may makakita sa'tin" ngumuso ako at tumingin kay Owen.
"Alam ko naman iyon at saka kaya ko ang mag-isa wag kang mag alala gusto ko lang talagang gumala" nakangiti kong sabi, hindi na nag salita si Owen nanahimik na.
Tinignan kopa yung mga alahas ang gaganda, kumikinang kinang. Napatingin ako sa pinto nung may kumatok. Tumayo si Owen para buksan ang pinto.
"Bumaba nadaw po kayo para sa hapunan" ani ng katulong, tumingin ako sa labas gabi na pala. Grabeng pag shoshopping ito mag hapon, ganito pala ang mayayaman kung mag shopping.
Iniwan ko muna ang mga gamit ko at saka kami bumaba ni Owen.
********