NAG TATALON kaming tatlo dahil successful yung pag pasa namin ng research, kahit na merong mga pabuhat at least hindi na nanamin kailangan pumasok kasi puwede na kaming mag bakasyon.
"Bukas apply na tayo" naalala ko hindi pala ako makakasama sa kanila.
"Pass ako" nag ka tinginan ang dalawa.
"May trabaho nanamang nahanap ang papa mo para sa'yo" ngumiti lang ako sa sinabi ni Sara.
Alam kasi nila ang situation ko, at minsan si papa ang nag hahanap ng trabaho para sa'kin. Malaki ang bayad pero hindi madaling trabaho at alam ng dalawa na ito na wala silang magawa para pigilan si papa.
Dahil last time na sinubukan nila hinabol sila ng itak ni papa kaya sumuko sila. Since hindi naman nila alam na nakalaya na ako sa ganon at kasal na ako iyon nalang ang gagamitin ko excuse.
Sayang akala kopa naman makakasama kona sila mag work.
"Kita kita nalang tayo sa pasukan, tapos balitaan mo kami Autumn" sumimangot ako at hinug ji Josh.
"Ano gagala muna tayo bago umuwi maaga pa o uwi na tayo?" tanong ni Sara.
"Uuwi na ako kayo nalang no Josh ang gumala" nga paalam na ako sa dalawa. Kasi sabi ni Owen mag ayos nadaw ako after ng class kasi aalis kami agad.
So yung school ko nalang ang hinihintay niya para makaalis na kami at makauwi sa kanila, actually kinakabahan na ako kasi what if tama yung nasa isip ko.
Nag text na ako kay Finn at agad naman niya akong sinundo, mag iimapake pa kasi ako kay nag madali ako nung dumating na kami sa bahay agad akong umakyat sa kuwarto at saka nag bihis.
Isang maleta nalang siguro ang dadalhin ko since hindi naman ako bisita doon. Papanindigan ko talaga yung mga masamang naiisip ko about sa family ni Owen.
Ah, nakalimutan ko yung pasalubong. Matapos kong ayusin ang mga damit ko bumaba ako para sana lumabas para bumili ng pasalubong sakto naman nakita ko si Owen na kararating lang.
"Wala tayong pasalubong" ani ko. Agad naman siyang napatingin sa'kin at kumunot ang noo. Naiinis ba siya sa sinabi ko. O dahil ang shunga ko na nakalimutan ko ang ka simpleng bagay.
"You don't have to" kumurap ako at saka tumingin kay Owen.
"Hindi na kailangan, siya nga pala nakapag ayos kana ba. Kasi kung oo aalis na sana tayo ngaun" nataranta ako sa sinabi niya.
"W-Wait. Tapos na ako mag ayos pero" napatingin ako sa kusina at agad na nag lakad papunta doon. Ano kaya ang puwedeng ipasalubong? May nakita akong cute na mug ang kaso hindi naman gumagamit ng ganito ang mayayaman.
Gagawa nalang ako ng sandwich.
Kumuha ako ng pan at cabbage para gumawa ng sandwich, tatlo yung ginawa ko at saka hindi naman matagal iyon mabilisang gawa lang kasi baka mainis kakahintay si Owen.
"Can i have one" nagulat ako kay Owen.
"No pasalubong ko iyan"
"Dalawa lang sila pero tatlo ginawa mo, akin nalang yung isa" nilagay kona ito sa baonan at saka oo nilagay sa bag na lagayan ng baonan.
"Here ilagay mona ito sa kotse para hindi ko makalimutan" binigay ko sa kaniya yung bag.
"Akin nalang yung isa!" pangungulit niya at talaga namang sinundan pa ako paakyat.
"Fine. Fine" pag payag ko, nanahimik naman nasi Owen nung pumayag ako. Agad akong nag bihis at nag ayos, sinuot ko yung damit na binili ko kahapon sa SM buti nalang may bago akong damit.
Matapos kong mag ayos bumaba na ako dala ang maleta ko. Para akong tatakas na asawa. Nakita naman ako agad ni Owen kaya kinuha niya sa'kin yung maleta ko at siya ang nag dala.
Sumunod ako sa kaniya sa kotse at siya na ang nag sakay sa kotse nung maleta ko kaya sumakay na ako. Kinakabahan ako, kailangan konang maging ready sa puwedeng mangyari.
Sumakay narin si Owen at pinaandar ang kotse.
Tahimik kaming dalawa sa buong biyahe at medyo inaantok ako, maaga kasi akong umalis kanina pag pasok. Tapos aalis pala kami ngaun agad agad medyo gutom pa ako buti pa si Owen nakain yung isang sandwich.
"Nag luto si mom ng food kaya doon na tayo kakain" kumurap ako at tumingin kay Owen.
"Excited sila kaya gusto nila umuwi na tayo agad pag tapos ng school mo" tumango ako sa sinabi ni Owen.
Excited silang mameet yung magiging katulong nila for two months. Buti nalang marunong ako mag luto at mag linis, hindi ako sure kung papasok ba sa standard nila basta bahala nasi batman.
Nakatulog ako sa biyahe nagising na lamang ako dahil sa ingay ng pag bukas at saka ng pinto. Tumingin ako sa paligid nasa parking lot kami.
Umayos ako at saka na bumaba si Owen ang kumuha ng maleta ko at nag bitbit, nilock na niya yung kotse at saka siya nag lakad patungo sa elevator nakasunod lang ako.
Kung ganon condo pala bahay ng mga magulang niya... Dahil sa kaba hindi ko napansin kung anong floor yung pinindot niya basta bumukas nalang yung pinto at lumabas si Owen na nakasunod ako.
Pinipiga piga ko ang mga daliri ko dahil sa kaba, huminto kami sa isang pinto at nag door bell si Owen.
"Umm... Owen sure naba ito?" tanong ko, kumunot ang noo ni Owen at mukhang hindi gets yung tanong ko.
Bumukas ang pinto at isang napakagandang babae ang niluwa nito kaya napatitig ako sa kaniya.
"Ang akala ko hindi kana uuwi" aniya kay Owen, agad na lumipat ang tingin ng babae sa'kin. Oh no Owen's mom.
"You must be Autumn?" tanong nito, Lumapit siya sa'kin at hinawakan ako sa kamay namay magandang ngiti.
"I am this idiot mother, Tiara. Finally nakilala narin kita" kumurap ako at tumingin kay Owen, nakangisi si Owen kaya kumunot ang aking noo sa pag tataka.
Pumasok na kami sa loob dahil hinila na ako ng mom niya pasok pasok namin sa loob ang laki ng loob at ang ganda, at lahat ng gamit mamahalin.
Galing kaya ito lahat sa sindikato, kasi boos ng sindikato ang kanilang anak sure ako na ganon rin ang magulang niya.
"Oh, nandito na pala kayo" isang lalaki ang lumabas ng kusina, kumurap ako at agad na napatingin kay Owen.
He looks like Owen.
"Tamang tama luto na ang foods kayo nalang ang hinihintay" ani ng mom ni Owen.
They're kind. Super kind.
Nag punta na kami sa kusina at sa lamesa halos matakam ako sa dami ng pag kaing naka handa at mukhang masasarap lahat.
"Hindi ko kasi alam yung gusto mong food kaya niluto ko nalang lahat ng alam kong masarap" ani ng mom ni Owen. She's kind.
Napahawak ako sa braso ni Owen and I heard him chuckle. Kaya hinampas ko ang braso niya mukhang alam na niya kung ano ang nasa isip ko now.
Niyaya na niya kaming maupo at kumain, pinag sandok naman ako ni Owen at saka na kami nag simulang kumain. Grabe gusto kong maiyak sa sarap ng mga pag kain.
Ang sweet ng mom and dad ni Owen. Inaasikaso ng dad ni Owen ang mom niya. Bawat kilos ng dad niya laging maingat. Siguro mahal nila ang isat isa kaya ganito sila ka sweet.
Matapos naming kumain doon nag simulang mag tatanong ang magulang ni Owen.
"I heard na nag aaral kapa at graduating kana" ani ng mom ni Owen.
"BS IT po, sayang rin kasi kung hindi ko tatapusin isang taon nalang" nakangiti kong sabi.
"Sabagay tama ka naman. Sana pag graduate mo mabigyan niyo na kami ng apo" nanlaki ang mata ko aa gulat. Narinig ko nanamang natawa si Owen.
"P-Po?"
"I know na alam mo yung isang trabaho ni Owen. At alam rin namin ngaun na namumuhay kayo sa isang simpleng bahay. Autumn isa sa trabaho mo ang bigyan ng anak si Owen" piniga ko ang aking daliri.
"Kaya naman sana pag graduate mo wag kanang mag work at mag focus ka nalang kay Owen nang mag ka anak na kayo"
"Mom, hindi ganon kadali iyon at saka si Autumn ang mag dedesisyon kung gusto niyang mag anak o mag tatrabaho mona siya" ani ni Owen. Napatingin ako kay Owen.
"Love, nag usap na tayo diba. Wag padalos dalos" lambing ng dad ni Owen sa mom niya.
"S-Susubkukan kopo" ayuku kopang maging nanay after graduation. Gusto kong mag work pero tama rin sila kailangan kong bigyan ng anak si Owen.
May asawa na ako at mayaman ang asawa ko, kapag binigyan ko siya ng anak mamalaya kaya ako.
"Sorry na excite lang ako, Hala sige at mag pahinga na kayo at bukas lalabas tayo para mag shopping" ani ng mom ni Owen kaya napakurap ako.
"Shopping?" tanong ko.
"Yes, I need to buy you something" ani ng mom ni Owen and then I remember may ginawa akong sandwich.
"Nakalimuta kopo may pasalubong pala ako" ani ko, tumayo ako at tumingin kay Owen.
"I forgot nasa loob ng kotse" ani ni Owen kaya tumayo siya saka sumunod sa'kin.
Nakakahiya gumawa gawa pa ako ng pasalubong makakalimutan koring ibigay at saka itong si Owen tawa ng tawa kanina pa.
**********