"Do you have plans for tomorrow?" West asked. Kumakain na kami ngayon pero kahit gaano kasarap ang pagkain ay mas masarap pa rin sa mata ang tanawin na nakikita ko ngayon. Para nga talaga akong nasa langit. My face reddened when I remembered what he said earlier. Yeah, kayang-kaya niya nga ipakita sa akin ang langit, kaya niya rin ipatikim. Geez, Kyla. Ang bastos. "May gagawin ako sa umaga." Sagot ko. Maaga kasi ang flight ni Eugene bukas ay nangako ako na ihahatid ko siya. "Hapon?" I tilted my head. "Hmm.... may pupuntahan ako bukas ng hapon." Why is he asking? May balak na naman siguro siya. "Kasama mo 'yong manliligaw mong taga ibang bansa?" Natawa ako ng palihim. Halata kasing pikon siya kapag napapasok sa usapan si Eugene. I shook my head. "Nope. Maghahanap ako ng lupa." "F

