Gumising ako ng maaga dahil maaga ang flight ni Eugene pabalik sa London. Sinundo ko siya sa harap ng hotel na tinutuluyan niya at hinatid siya sa airport. I cried when he hugged me to say goodbye. Nasasaktan ako kasi alam kong nasasaktan niya. Mahirap rin na magpaalam sa isang tao na malaki ang naitulong sayo. "Thank you..." I whispered. I am really thankful to him. Siya 'yong nandyan noong malungkot ako dahil kay West at wala siyang ginawa kun'di ang patawanin at pagaanin ang loob ko. Nasanay ako sa kanya kaya ang hirap magpaalam. "Mag-usap na kayo ni West, ah. Sabihin mo sa akin kapag ikakasal na kayo para makapunta ako at sisigaw ng 'itigil ang kasal!'" Biro niya pero hindi ako natawa. Alam ko namang ginagawa niya lang 'yon para pagaanin ang loob ko. "Stop crying, Milkie. Alam kon

