Mahina akong natawa kahit medyo naninikip na ang dibdib ko. Kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko na wag mabasag ang boses ko at pipilitin ko yun hanggang sa masanay ako. That's the purpose of staying away from him, right? "You're wrong, Eugene. Oo mahal ako ni West pero hindi yun katulad ng iniisip mo," sagot ko. Umiling siya. "No. Alam ko yun kasi lalaki ako, Ky." Bumuga ako ng hangin at nakita ko pa ang paglabas ng usok sa bibig ko. "Let's not talk about it. I'm trying to move on here, hello," sabi ko at tumawa. "Move on? Kanino?" "Sa kanya. You know, hindi na kami katulad ng dati kasi maraming nagbago. He already knew that I love him more than just a friend so I left because I don't want to ruin his relationship with his girlfriend," paliwanag ko at masasabi kong proud ako sa sar

