Natulala ako sa sinabi ni West. He agreed?! Geez. Hindi ba nila alam ang mararamdaman ko? But on the second thought, it's my chance to prove that I already moved on. Pero grabe naman 'yun, isang buwan lang ako nag move on? Ang bilis kunwari. Wala akong nagawa kun'di ang sumunot na lang. Naunang naglakad si West at Kyla Maxine at nakalingkis pa talaga ang braso niya sa bewang ni West at naka akbay naman ito kay Kyla Maxine. Kami naman ni Eugene sa likod ay magkahawak kamay. "Okay lang ba sayo 'to?" he asked, referring to the double date by Kyla Maxine. Gusto ko sanang umiling pero ngumiti na lang ako. "Ayos lang." Sana maayos ang kalabasan nitong double date na'to na wala naman sa plano. Hindi ko alam kung ginagawa ba 'to ni Kyla Maxine para asarin ako at ipakita kung gaano kasaya ang

