Chapter 43 “Evan, narito si Philiph. Nais ka niyang makita ulit. May ibibigay ata siya sa iyo.” Narinig ni Evan ang boses ng kaniyang ina. Napakalapit lamang ng boses nito ngunit hindi niya makita. “M-Mama… si Philiph, si Philiph ang— Napahinto siya sa pagsasalita nang makita niya na may hawak na espada si Philiph pagkatapos ay nasa harapan na nito ang kanilang ina. Nanlaki ang kaniyang mga mata at napailing siya nang ngumiti sa kaniya si Philiph. “H-Hindi... h-huwag...” Ngunit huli na ang lahat dahil nasaksak na nito ang kanilang ina. “Hindi!” Napabalikwas siya ng bangon nang makita na sinaksak ni Philiph ang kanilang ina ng espada. “P-Paumanhin, n-nagising ba kita?” Tumingin si Evan sa pinanggagalingan ng boses. Kumunot ang noo niya nang makita ang isang babae na may hawak na

