bc

CHROMUS: The Fallen Prince

book_age16+
1.7K
FOLLOW
3.7K
READ
revenge
royalty/noble
serious
straight
genius
expert
magical world
rebirth/reborn
kingdom building
war
like
intro-logo
Blurb

#RiseFromTheAshes King from Nobody contest

Mikaelo Santi is 27 years old. He is a professional self defense instructor. He loves sports, and he’s also an athlete. His relative calls him a gifted child when he was young for having high IQ.

Mikaelo has a loving family, he’s the youngest among his seven brothers and he’s lucky to be part of his family because they are all supportive of the things that he loves to do. He has everything and he couldn’t ask for more until an accident happened.

He thought that was the end of his life but he didn’t know that a new life awaits him.

He was reborn as Evan Ignatius Rozel Doumentry VII. The 7th prince of the Doumentry kingdom.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHROMUS: The Fallen Prince by: Pennieee Chapter 1 “Good morning everyone, it is my pleasure to present a welcome speech for the event of the annual sports day. I believe that everyone present here is doing well and are super excited to the activities for today. A warm welcome to the chief of guests for the day who has graciously accepted our invitation and are here to celebrate our traditional annual sports day event...” Tahimik lamang na nakikinig si Mikaelo sa speech ng MC nang umagang iyon. Marami nang mga tao sa sports field at ang lahat ay handa na sa mga aktibidad. Marami nang mga estudyante ang naroon at naghihintay na magsimula ang event. “Maraming salamat at pinaunlakan mo ang imbitasyon ng university sa iyo, Mr. Santi.” Nilingon niya ang presidente na nasa kaniyang tabi nang marinig niya ang boses nito. Wala rin naman siyang pinagkakaabalahan kaya’t pumunta na rin siya ngayon upang manood. Isa pa, mahilig siya sa sports, hindi naman masasayang ang oras niya kung mananatili siya sa university para manood ng mga laban ng mga estudyante. “Walang anuman, Mr. President. Maraming salamat din sa pag-imbita sa akin. Hanggang ngayon pala ay naaalala pa rin ako ng ating unibersidad,” pagbibiro niya. Natawa naman ang presidente sa kaniyang sinabi. Tinapik nito ang kaniyang balikat at pagkatapos ay muli itong tumingin sa kulumpon ng mga mag-aaral na naroon. “Bakit hindi? Halos hakutin mo ang awards noon tuwing sports day ng ating university. Kakaiba ang pagmamahal mo sa sports at iyon ang talagang ikinahahanga ko sa ‘yo at ng mga professor mo dito. Ilang beses mo rin na dinala ang pangalan ng ating unibersidad sa ibang mga paaralan at binigyan mo ito ng karangalan, walang katumbas iyon, Mr. Santi.” Halos limang taon na kasi simula nang magtapos siya at madalang na siyang makabisita sa dating unibersidad dahil nagtuturo siya ng self-defense sa kaniyang sariling paaralan. Isa iyon sa maipagmamalaki niya dahil masasabi niyang pinaghirapan niya iyon na itayo. Pangarap kasi niya noon na magkaroon ng paaralan na nagtuturo ng iba’t-ibang self-defense. Hindi naman tutol ang kaniyang pamilya sa naging desisyon niya lalo pa at siya ang bunso sa kanilang magkakapatid. Pito silang magkakapatid at ang lahat ay may sinasabi na sa buhay. May kaya ang pamilya nila at bukod tangi na siya lamang ang hindi pumapasok sa kumpanya. Ngunit wala iyong kaso sa kaniyang mga magulang dahil ang mga ito mismo ang nagsabi sa kaniya na sundin niya kung ano ang gusto ng puso niya at hindi siya kailanman didiktahan ng mga ito. Ang kaligayahan pa rin niya ang mahalaga. Isa iyon sa ipinagpapasalamat ni Mikaelo. Mayroon siyang mga magulang na suportado siya sa mga ginagawa niya ngayon. Tinulungan rin siya ng kaniyang mga kapatid sa pagdedesisyon sa kaniyang academy. Walang kahit isa sa kanila ang naglalamangan at ang lahat ay nagtutulungan kahit na hindi humingi ng tulong ang isa sa kanila. “Oh, siya, mauuna na ako, Mr. Santi. Hangad ko na sana ay mag-enjoy ka sa buong maghapon na ito,” sambit ng presidente sa kaniya. Tumayo siya at kinamayan ito. “Maraming salamat muli, Mr. President.” Nang makaalis ang presidente ay bumaba na rin ng entablado si Mikaelo upang libutin ang dating unibersidad. Limang taon na at halos hindi niya namalayan ang paglipas ng panahon. Marami na ang nagbago, may mga bagong buildings na nadagdag at ang ibang mga puno na natatandaan niya ay putol na. Mayroon siyang madalas tambayan noon na puno dahil sa laki niyon. Sa ilalim nito siya natutulog. Ngunit hindi na niya makita ang puno na kaniyang tinatambayan noon. Nagpatuloy siya sa paglalakad, maraming nagbebenta ng mga pagkain, may iba’t-ibang mga booth. Bigla niyang na-miss ang sports day noong nag-aaral pa lang siya. Libre ang pagkain niya noon, pinapadalhan siya ng kaniyang mga professor at sa tuwing madadaan siya sa mga booth ay kusa siyang binibigyan ng pagkain dahil sa kilala na siya sa kanilang unibersidad. Maingay ang pangalan niya noon tuwing sports day. Popular din kasi siya at marami ang nakakakilala sa kaniya. “Oy, Mikaelo!” Napalingon siya nang may tumawag sa kaniyang pangalan. Napangiti siya nang makita ang kaniyang kaibigan at kaklase noong kolehiyo siya. “Vern! Narito ka rin pala!” sabi niya. Si Vern Nico Selso. Ang katabi niya sa upuan palagi, ito rin ang madalas na mangopya ng assignment sa kaniya noon. Mabait si Vern at palatawa. Masasabi niya na isa ito sa mga kaklase niya na kumumpleto sa college days niya. “Oo, dito nag-aaral ang anak ko, grade 2 na. Papanoorin ko sa performance nila mamaya. Hindi ko inaasahan na pupunta ka, ha?” sambit nito. Napakamot siya sa kaniyang batok, “Naimbitahan ng university. Mukhang napansin na hindi na ako nakakadalaw. Hindi naman din ako abala sa academy kaya’t pumunta na ako. Isa pa, nakaka-miss ang ganitong mga events. Madalang na lang akong maka-attend dahil nitong nakaraang taon ay abala ako sa pagma-manage ng aking academy.” Nagsimula muli silang maglakad ni Vern at ipinagpatuloy ang kanilang pagkukwentuhan. Masaya na ito kasama ang sariling pamilya. Nabalitaan rin niya na may magandang trabaho na ito sa kumpanya ng kapatid at kumikita ng sapat. May dalawa na itong anak at ang panganay nito ang grade 2 na nabanggit nito kanina. “Wala ka pa rin bang kasintahan hanggang ngayon? Aba, Mikaelo hindi ka na bumabata, ha? Ako nga tingnan mo, nakadalawa na akong anak. Masaya ang may sariling pamilya,” sambit ni Vern sa kaniya. Inakbayan niya naman ito. Hindi pa talaga pumapasok sa isip niya ang pagkakaroon ng sariling pamilya. Marami pa siyang nais na gawin sa buhay at nais niya pang mapalaki ang kaniyang academy at magtayo sa iba’t-ibang lugar. “Bata pa naman ang 27 years old, Vern, saka marami pa akong plano. Kapag naman dumating ang pag-ibig ay hindi naman ako mahihirapan diyan, madali na lang iyan, sa ngayon ay career na lang muna. Pokus muna ako sa aking sarili at sa aking mga negosyo,” sambit niya. Hindi rin naman siya pine-pressure ng kaniyang mga magulang dahil lahat ng kaniyang mga kapatid ay may kaniya-kaniya nang mga pamilya. May apo na rin ang mga ito at masaya na. “Oh, siya, tama naman ang sinabi mo,” sabi ni Vern at bigla itong napahinto sa paglalakad. “Mauna na ako, Mikaelo, naroon na pala ang mag-ina ko at naghihintay sa akin. Ganito na lang, para masundan pa ang kwentuhan natin ay magkita tayo mamaya sa malapit na restraunt dito sa university. Iimbitahin ko rin ang ibang mga kaklase natin na lalake. Sandaling inuman lang.” Napangiwi siya, hindi siya umiinom dahil mabilis siyang malasing. “Oh, bawal kang humindi,” sabi ni Vern. Napabuntong hininga siya at napangiti. Kabisado na talaga siya ni Vern. Kahit noon kasi ay hindi talaga siya sumasama sa mga inuman. “Sige, mamaya, i-chat ninyo na lang ako kung anong oras,” sabi niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.5K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.1K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook