Chapter 2

1154 Words
CHROMUS: The Fallen Prince by: Pennieee Chapter 2 Mabilis na lumipas ang oras at natapos ang unang araw ng annual sports day. Maraming mga bumati at nakakilala sa kaniya nang araw na iyon hindi lamang si Vern. Hindi halos namalayan ni Mikaelo ang oras dahil sa mga kaklase niya at professor na nakakuwentuhan. Tinungo naman ni Mikaelo ang sinabi ni Vern na restraunt. Nag-chat ito sa kaniya ilang minuto lang ang nakalipas at sinabi nito na naroon na ang ilang mga kaibigan at naging kaklase nila. Nang marating niya ang lugar ay ipinark niya ang kaniyang sasakyan sa gilid. Nang makakita siya ng batang namamalimos ay kaagad siyang kumuha ng tinapay na nasa likod ng kaniyang sasakyan at inabot iyon sa bata. Madalas siyang may tinapay sa kaniyang sasakyan dahil sa tuwing pupunta siya sa academy ay nakikita niya ang mga batang pulubi na namamalimos. Naaawa siya sa mga ito, sa ganoon paraan manlang ay makatulong siya sa mga ito. “Oh, andito na pala ang best boy natin!” Napailing si Mikaelo nang marinig niya ang bansag sa kaniya ng mga kaibigan noong kolehiyo pa lamang sila. “Stop calling me that, Dino. Pakiramdam ko ay napakagaling ko naman sa tuwing tatawagin ninyo akong best boy,” sambit niya dito na sinundan niya ng pagtawa. Naupo siya sa tabi ni Dino at nang mapansin na wala pa si Vern ay tinanong niya si Peter. “Nasaan na si Vern? Siya ang nag-imbita sa akin pero siya pa ang wala,” sambit niya. Malakas naman na tumawa si Dino sa sinabi niya, “Alam mo si Vern hindi dumadating sa oras ‘yon. Hindi ka na nasanay. Pag ang usapan alas singko darating iyon ng alas sais. Dapat nga tayo ang nagsabi ng oras ng pagkikita. Naunahan lang tayo ni Vern dahil nagkita raw kayo sa university kanina at biglaan lamang ang set na ito.” Pagbiglaan kasi ay talagang mas natutuloy. Ilang beses na rin silang sumubok na magkakaibigan na mag-set para naman magkasiya sila pero madalas na may isa na hindi puwede dahil sa schedule nito. “Nagkita nga kami kanina, naimbitahan ako sa university bilang guest. Si Vern naman ay naroon para panoorin iyong panganay niyang anak dahil may performance ito. Ang bilis ng panahon, ano? Parang kailan lang babaero pa si Vern,” sambit niya. “Hoy, Mikaelo! Narinig ko iyon, ha!” Napalingon silang lahat nang marinig nila ang boses ni Vern. Malakas siyang natawa, mabuti na lamang at sila na lang ang naroon sa restraunt kung hindi ay nakakahiya dahil sa atensyon na makukuha nila. Inakbayan siya ni Vern at naupo ito sa tabi niya. “Nagpatulog muna ako ng bunsong anak bago ako pumunta, saka sinuyo ko pa si misis, alam ninyo naman pag ganitong inuman ay 50/50 na payagan ako. Sinabi ko na ngayon lang puwede si Mikaelo kaya’t pumayag na,” sabi ni Vern. Talagang siya pa ang ginawang dahilan gayong ito ang nag-aya sa kaniya kanina. Napailing na lamang siya dahil sa sinabi ni Vern. “Kung hindi kilala ni Kianna si Mikaelo ay tiyak na hindi ka naman papayagan. Alam lang din talaga ni Kianna na busy na tao itong si Mikaelo kaya pumayag na siya pero kung alam ng asawa mo na ikaw mismo ang nag-aya papayagan ka nga pero pag-uwi mo naman tiyak sa sahig ang higa mo,” sambit ni Dino. Sabay-sabay silang natawa dahil sa sinabi nito at si Vern naman ay nanghahaba ang nguso. Itinaas ni Mikaelo ang kaniyang kamay upang kuhanin ang atensyon ng waiter. “Orderin na ninyo ang gusto ninyong kainin at inumin. Ako na ang magbabayad ng lahat,” sabi niya sa mga kaibigan. “Naman! Napakagalante talaga! Kahit noon hanggang ngayon walang pinagbago!” sabi ni Peter. Sila-sila lang din kasi ang magkakasama noon, siya ang kopyahan ng mga ito sa tuwing may activities, assignment at siya rin ang tagataguyod ng project nilang apat noon pati na sa thesis. Pero kahit na ganoon ay naging masaya ang college life niya dahil mabubuting kaibigan ang mga ito.  “Bawal ang hindi iinom, ha? Ikaw Mikaelo, bawal ang kj ngayong gabi. Magsaya tayong lahat ngayon at hindi natin alam kung kailan ulit mauulit na magkita-kita tayo ng ganito,” sabi ni Vern. Nang dumating ang mga pagkain at inumin ay nagkuwentuhan sila tungkol sa mga nakaraang karanasan nila noong kolehiyo. Napag-usapan rin nila ang ilang mga pagbabago sa university. Sinabi rin ni Vern na napansin nito ang mga bagong building na naroon at nawala nga iyong puno na tambayan niya madalas. Alam ng mga kaibigan niya na doon siya madalas magpalipas ng oras kapag vacant time. Doon kasi siya pinupuntahan nila Vern sa tuwing hinahanap siya ng mga ito. “Pero huwag natin kakalimutan mga kaibigan, wala pa ring kasintahan si Mikaelo. Ano ba kasi ang hinahanap mo sa isang babae, Mikaelo? Ang pihikan mo naman, kahit noong nag-aaral tayo ay napakarami mong tinanggihan na mga babae. Kahit iyong pinakamaganda na dean’s lister sa engineering department ay nireject mo. Ang gwapo mo talaga non, kaibigan! Crush ni Peter iyon, eh!” sabi ni Dino. Natawa siya dahil sa sinabi nito. Wala kasi sa mga interes niya noon ang mga babae. Ang nasa isip niya lang ay kailangan niyang makapagtapos ng may pinakamataas na karangalan para maging proud sa kaniya ang kaniyang mga magulang at para na rin sa pangarap niyang academy. Nagtuloy ang kuwentuhan nilang magkakaibigan. Hindi na nabilang pa ni Mikaelo ang mga nainom niya at hilong-hilo na siya. Nang mapagpasyahan ng kaniyang mga kaibigan na umuwi na sila ay tiningnan niya ang relong pambisig. Alas onse na ng gabi. Isang oras pa ang byahe niya para makauwi siya sa kaniyang bahay sa batangas. “Tumawag ka na lang kaya ng maghahatid sa ‘yo, Mikaelo, kaya mo bang magmaneho?” tanong ni Vern sa kaniya. “Oo, kaya ko pa, huwag ninyo akong intindihin,” tugon niya. Nang maghiwa-hiwalay silang magkakaibigan ay tinungo niya ang kaniyang sasakyan. Napasandal siya sa kaniyang upuan nang makaramdam ng hilo. Pinaandar na ni Mikaelo ang kaniyang sasakyan at tinahak ang daan pauwi. Ngunit isang malakas na ulan ang sumabay. Halos hindi na niya makita ang dinaraanan. Malabo na ang kaniyang paningin dahil sa kalasingan at dahil sa malakas na ulan. Hindi namalayan ni Mikaelo na napapikit na siya. Isang malakas na busina ang nagpadilat sa kaniya. Nang ibukas niya ang mga mata ay nakita niya na isang bus ang makakabangga niya. Kaagad niyang iniliko ang manibela at tumama ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada. Ngunit akala niya ay makakaligtas na siya sa aksidente nang biglang masira ang  railings ng kalsada at malaglag ang sasakyan niya sa bangin. Nasaksihan naman ng mga dumaraan ang nangyari. May mga huminto upang tumulong na tumawag ng ambulansya at rescue upang masagip ang driver ngunit nagulat ang mga naroon nang bigla na lang sumabog ang sasakyan na nasa ibaba ng bangin.                
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD