Chapter 3

1107 Words
CHROMUS: The Fallen Prince by: Pennieee Chapter 3   “Gising na ba ang aking anak? Nagugutom na ba iyan?” Hindi kaagad ibinukas ni Mikaelo ang kaniyang mga mata kahit na narinig niya ang malumanay na boses na iyon. Hindi pamilyar sa kaniya ang boses. Hindi iyon ang boses ng kaniyang ina. “Mamaya-maya lang ay narito na ang iyong ama, abala lamang siya ngayon dahil sa mga papeles na kailangan niyang pirmahan. Maraming mga bagong armas ang dumating sa ating kastilyo, anak, maraming mga kaibigan ang nagbigay ng mga bagong kagamitan sa ating lugar. Ganito kabait ang iyong ama, talagang minamahal siya pati na ng ibang mga hari sa buong Chromus.” Kastilyo? Chromus? Ano ang sinasabi ng babaeng ito? Sinubukan niyang igalaw ang kaniyang mga kamay ngunit pakiramdam niya ay wala siyang lakas na gawin iyon. Nang maalala niya ang huling nangyari sa kaniya ay kaagad niyang naidilat ang kaniyang mga mata. Nahulog siya sa bangin! “Nagugutom ka na ba, anak ko? Ang bilis mo naman kasi na magising, kakatulog-tulog mo pa lang.” Anong nangyayari? Sino ang babaeng ito sa aking harapan? Bakit ganito ang kaniyang kasuotan? May korona siya at bakit anak ang tawag niya sa akin? Nakatingin sa kaniya ang babae at pakiramdam niya ay napakalaki nito! Isa ba itong higante? Ngunit nagkamali siya ng hinala nang bigla siyang buhatin ng babae. Sinubukan niyang magsalita ngunit walang lumabas na mga salita sa kaniyang bibig. Parang huni lamang ang lumabas sa kaniyang mga labi. “Halika, tingnan mo ang ganda ng kalangitan, napakaaliwalas!” Nang makita ni Mikaelo ang kaniyang sarili at ang babae na buhat-buhat siya ay muntik na siyang mawalan ng malay. Ano ang nangyari? Nananaginip ba siya? Ipinikit niya at idinilat ang kaniyang mga mata. Naalala niya ang nangyari sa kaniya. Nagkaroon sila ng kasiyahan ng mga dati niyang kaibigan. Naparami ang inom niya. Maulan, lasing siya at halos hindi niya makita ang daan pabalik sa kanila. Isang bus ang makakabangga sana niya nang sinubukan niya iyon na iwasan ngunit tumama ang sasakyan niya sa gilid ng kalsada at nalaglag siya sa bangin. Pagkatapos non ay wala na siyang ibang matandaan. Pero bakit naging sanggol siya? At sino ang babaeng ito na buhat-buhat siya? Nag-isip si Mikaelo. Maaaring panaginip lang iyon, isa pa, kakaiba ang lugar kung nasaan siya. Ang paligid ay mukhang noong 18th century pa ang mga design. Sigurado din siya na nasa isang mataas na lugar sila ng babaeng may hawak sa kaniya. Nakita rin niya ang iba’t-ibang mga nilalang na lumilipad sa labas. Pakiramdam ni Mikaelo ay papanawan siya ng ulirat dahil sa mga nakikita. Walang ganito sa mundo nila. “Hindi ba at napakaganda ng kalangitan, Evan? Hindi ako makapaghintay na lumaki ka at makita mo ang ganda ng ating lupain, anak. Sabik na rin ako na maipakilala ka sa lahat bilang ika-pitong prinsipe ng Doumentry Kingdom.” Napangiwi si Mikaelo sa kaniyang isipan. Prinsipe? Ngayon naman ay isa siyang prinsipe ng sinasabi nitong Doumentry Kingdom. Sobra-sobra na ang kaniyang mga nalalaman! Ano na ba ang nangyari sa kaniya? Panaginip lang ito. Matutulog akong muli at paggising ko siguro ay nasa ospital na ako kasama ang aking pamilya. Sigurado iyon. Nakatulog si Mikaelo. Ngunit ilang oras lang nang muli siyang magising ay inilibot niya ang kaniyang mga mata at muling nakita ang babaeng may hawak sa kaniya kanina. Hindi siya nananaginip. Hindi panaginip ang nangyari kanina. Nasa ibang mundo siya! Bilang isang sanggol! “Mahal na reyna, ipinapatawag na po kayo ng hari,” sambit ng isang boses. “Susunod ako, pakisabi na natutulog pa si Evan at walang maiiwan dito.” Narinig ni Mikaelo ang mga yabag. Binuhat siya ng babae na tinatawag siyang anak at pagkatapos ay humarap ito sa salamin habang hawak siya. Ngayon ay mas nakita niya ng malinaw ang kaniyang itsura pati na ang babaeng may hawak sa kaniya. “Oh, gising ka na pala, hinahanap na tayo ng iyong ama.” Mayroon itong korona at magara ang kasuotan nito. May suot itong mga alahas na tiyak niyang mga totoong ginto at siya naman... Kulay dilaw ang kaniyang buhok at asul ang mga mata. Nakasuot rin siya ng magarang kasuotan at hindi siya makapaniwala dahil totoong naging sanggol siya! At nasa ibang mundo siya! Saka lang napagtanto ni Mikaelo ang nangyari sa kaniya. Ipinanganak siyang muli ngunit sa ibang mundo. He was reincarnated with his past memories! Sa mga manga lamang niya nababasa ang tungkol sa mga muling ipinapanganak sa ibang katauhan at ibang mundo pagkatapos ay dala-dala pa rin ng mga ito ang dating ala-ala. Hindi niya sukat akalain na mangyayari rin pala iyon sa kaniya! Ilang segundo nang mapagtanto niya ang nangyari sa kaniya ay naalala ni Mikaelo ang naiwan niyang pamilya. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Hindi niya alam na sa edad dalawampu’t pito ay lilisanin na niya ang mundo nila. Kaagad na pumasok sa kaniyang isipan ang mga magulang. Ang sakit na nararamdaman ng mga ito ngayon na wala na siya. Ipinanalangin niya ang mabilis na paghilom ng mga puso nito sa pagkawala niya. Ipinanalangin rin niya ang mga kaibigan, huwag sanang sisihin ng mga ito ang sarili dahil sa nangyari sa kaniya. Muling tinitigan ni Mikaelo ang kaniyang sarili sa salamin. Ito na ang bagong buhay niya. Dito na ang bagong mundo niya at kailangan na niyang tanggapin ang kaniyang kapalaran. “Mama, gising na po ba si Evan? Puwede ko po ba siyang makita?” Lumingon ang reyna sa nagsalita, nakita naman ni Mikaelo ang isang bata na sa tingin niya ay edad limang taon. “Philiph, gising na si Evan, kagigising lang niya pero bababa kami para mag-almusal. Kumain ka na ba?” tanong ng reyna. Nakasuot rin ng magarang kasuotan ang bata at may mga alahas rin itong suot na gawa sa ginto. “Opo, mama, babalik na lang po ako mamaya para makipaglaro kay Evan,” sambit ng bata at umalis na ito. Sinundan ni Mikaelo ng tingin ang batang lalake, katulad niya ay dilaw rin ang buhok nito ngunit mas matingkad ang kulay ng kaniyang buhok. Parehas sila ng kulay ng mga mata at kung hindi siya nagkakamali ay kapatid niya iyon dahil tinawag nitong mama ang mahal na reyna. “Ilang beses nang pumasok dito si Philiph para tingnan kung gising ka na, sa lahat ng iyong mga kapatid ay si Philiph ang palaging nais ka na makita.” Nang maglaon, nalaman niya na siya ay nasa mundo ng Chromus at siya ang ika-pitong anak ng hari ng Doumentry Kingdom. He was reborn as a royalty and as one of the princes of a powerful kingdom in Chromus.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD