Chapter 48 Tatlong araw na ang nakalipas nang tumira si Evan sa Varianus. Masiyahin ang mga tao roon at talaga naman na pag-ibig sa bawat isa ang naghahari. Walang nagugutom at lahat ay busog sa pagkain at pagmamahal ng bawat-isa. Kahit na hindi magkakakilala ang mga ito ay tulong-tulong sa pagtatanim ng makakain at paggawa ng mga bahay sa abay. Ang abay ang pinakalugar ng mga duwende na naliligtas. Naroon ang mga bahay ng mga ito. “Rozen, may ilog dito sa loob ng Varianus, kung gusto mo ay maligo ka doon mamaya,” sabi ni Flroyne sa kaniya. Nagsasampay ito ng mga damit nila sa labas. Siya naman ay naglilinis ng bahay. Sa umaga ay iyon ang kaniyang ginagawa at sa gabi naman ay nagsasanay siya ng mahika sa tagong parte ng Varianus. Hindi siya maaaring makita ng kahit na sino doon. Sinas

